Kabanata 12

1858 Words
Sa pagbalik nina Eeya at Joaquin sa dalawa pang kasama ay nag aayos na ang mga ito sa mga nakuha nilang maaring gawin nilang pagkain. Laking gulat ni Eeya nang makita ang mga kabute na nakuha ni Rea na sadyang nakakalason. “Itapon mo ang mga `to!” aniya nang kunin ang dalawang malalaking kabute. Hindi maintindihan ni Eeya kung bakit hindi alam ni Rea na nakakalason ang mga iyon  gayong sa kulay na pula at itim at nakasusulasok na amoy ng mga ito ay mahahalata na. “Nakakalason ang mga `to.” Naghalukipkip ang dalaga. “Hindi na kataka taka na alam mong nakakalason ang mga iyan. Bilang tagapangalaga ng templo siguradong ginagamit mo ang mga ito para gumawa ng gamot na may mahika,” humahagikgik niyang siniko si Almira upang pilitin itong katungan siya sa pamamahiya sa kasama. “H-Hindi naman ako mangkukulam.” Nakita ni Joaquin na tila ba hindi kumportable si Eeya sa sitwasyon kaya naman sumingit na ito sa usapan. “Nakakalason man o hindi. Mas mabuting marami kayong alam lalo na sa mga ganitong pagkakataon. Parte pa rin ang mga ito ng kalikasan na kung hindi naman natin mapakikinabangan ay huwag na lang nating pakialaman,” ngumiti si Joaquin na nagpatigil sa dalawa. “Mabuti pa ay lilinisin ko na ang mga isdang nakuha namin ni Eeya nang makapagluto na tayo,” dagdag ng binata. Bahagyang nataranta sina Rea at Amalia na nahihiya kung si Joaquin lamang ang gagawa ng paraan para makakain sila. “Kami na ang gagawa ng apoy,” ani Rea na hinila ang kababata. “Aayusin ko na ang iba pang nakuha nating pampalasa,” ani Eeya na binitawan ang buslo na dala ay nagsimulang ayusin ang mga laman nito. Nakapaghain ang grupo ng masarap na inihaw na isda at nakapagluto pa ng sabaw na may iba’t ibang sangkap mula sa mga nakuha nila sa kagubatan. Natuwa ang kanilang grupo sa magandang resulta ng kanilang grupo kaya naman maaga niyang dinala ang mga ito sa bahay tuluyan na kanilang nirentahan para sa mga mag aaral. Nauna ang grupo na makita ang magandang lugar na pinapalibutan ng iba’t ibang bulalak na sadayang kaaya ayang tignan. Una rin silang nakagamit ng mainit na bukal na natural na likha ng kalikasan na pinaganda pa sa pagdagdag ng mga bato roon.   Kasama ni Eeya sina Rea at Amalia sa mainit na bukal. Bagamat may distansya ang dalawa sa kanya ay hindi na niya ito alintana. Kaiba sa kanyang pakiramdam ang dulot ng mainit na tubig na nagpapakalma sa kanya. Madalang na lamang siyang makapunta sa mga ganoong lugar, hindi katulad nang nabubuhay pa ang kanyang lola ay paminsan minsan niya itong dinadala sa maint na bukal sa sulok ng kagubatan. Ngunit bata pa siya noon at hindi na niya matandaan ang daan patungo roon kaya naman hindi na siya nakabalik pa. “Napakasarap naman talaga ang magbakasyon! Nag ihaw tayo sa umaga at ngayong gabi naman ay nagbababad tayo sa mainit na bukal! Sana ganito na lang palagi,” ani Amalia na inaayos ang pagkakatali ng buhok upang hindi ito mababad sa mainit na tubig. Sunod niyang inayos ang tuwalya na kanyang isusuot sa pag ahon. Sang ayon sa kanya si Rea ngunit hindi na niya nasagot pa ang kababata sapagkat may namataan itong paggalaw mula sa likod ng malaking bato kung saan nila iniwan ang kanilang mga suot na damit. Dahil sa nag aalala ito na baka may kumuha sa kanyang damit ay bahagya pa itong umusog upang makita niya ang taong naroroon. Laking gulat niya na isa sa kanyang mga kamag aral ang naroroon. Nakita niya ang isang babae na mataas ng isang grado sa kaniya. Alam niyang ang babaeng iyon ay may gusto kay Joaquin. Napangiti na lamang ito nang makita na ang damit na dala ng babae ay ang mga damit ni Eeya. Sa pagbalik niya sa kababata ay kinuha niya ang kanyang tuwalya at agad itong itinapis sa kanyang katawan sa kanyang pag ahon. “Halika na, Amalia. Mabuti pa at magpahinga na tayo.” “Maaga pa. Dito na muna--” “Halika na sabi!” Hinila niya ang kababata na wala ng nagawa kundi ang kunin na rin ang kanyan tuwalya para sumama sa kaibigan. “Mauna na kami, Eeya!” pagpapaalam ni Amalia. Nang bahagyang makalayo ay hindi na napigilan ni Amalia ang magtanong. Nais pa niyang magbabad sa bukal kung hindi lang siya hinila ng kaibigan. “Bakit ka ba nagmamadaling umalis?” ani Amalia habang inaayos ang pagkakatapis ng kanyang tuwalya. “Masyado tayong naging masaya kaninang umaga kaya nakalimutan ko na ang mga plano ko sa pagpapahiya kay Eeya. Mabuti na lang at sa akin pa rin sangga ang pagkakataon.” Bahagya siyang lumapit sa kababata para bumulong. “Nakita ko na may kumuha sa mga damit ni Eeya. Alam kong may gusto ang babaeng iyon kay Joaquin at sa palagay ko ay gumaganti ito kay Eeya dahil sa pagiging malapit nito kay Joaquin.” “Ano?! Tulungan natin siya!” Babalik sana si Amalia ngunit pinigilan siya ni Rea. “Hayaan mo na. Nakakainip na rin naman dito kaya ano ba naman `yong may konting pagkakatuwaan.” “P-Pero hahanapin si Eeya ng guro natin panigurado.” “Ako na ang bahalang magsabi para hindi siya hanapin.” Ngumiti si Rea sa naiisip na kahihiyang mangyayari kay Eeya ngunit pag aalala naman ang nararamdaman ni Amalia. “Hindi ba’t sobra naman ito? Baka mapahamak si Eeya.” Nagkunot ng mga kilay si Rea sabay sa halukipkip ng mga kamay. “Kung naaawa ka sa kanya at kung iniisip mo na ako ang masama rito at may kasalanan, hala sige! Sundan mo siya. Huwag mo na lang asahan na kakausapin pa kita.” Tumalikod ito at iniwan ang kababata. Sandaling tinitigan ni Amalia ang paglayo ng kaibigan. Hindi na niya makakaya na malamatan ang pagkakaibigan nilang dalawa. Matagal na niya itong kasama at may utang na loob na rin ito sa kanya at sa pamilya niya. “Sandali! Hindi ko naman kayang masira ang pagkakaibigan natin dahil lang sa kanya.” Hinabol ni Amalia si Rea na nagpangiti sa kanya. “Mabuti naman.” Kinalawit nito ang kanyang may sa braso ng kababata sa kanilang pagpapatuloy na paglayo sa bukal.   Mag isa na lamang si Eeya sa bukal. Maswerte siya kung tutuusin dahil madalang lamang ang mapag isa sa ganoong kagandang bukal lalo na’t maaga pa. Ngunit unti unti na rin niyang nararamdaman ang pagod kaya naman nagdesisyon na rin ito na umahon na. Laking gulat niya nang puntahan ang malaking bato ay wala na ang damit nito. Sigurado siyang doon niya iniwan ang mga damit niya. Sinubukan niyang hanapin iyon sa iba pang lugar ngunit wala na siyang nakita. “Nasaan ang mga damit ko?” Naisip niya ang dalawang kasama. “K-Kinuha ba nila ang mga damit ko?” Hindi naiwasan ni Eeya ang makaramdam ng lungkot. Maiintindihan niya kung si Rea lamang ang gagawa noon ngunit pati si Amalia ay tila ba nagpapakita na rin ng kapilyuhan sa kanya. “Ano ng gagawin ko ngayon?” May kalayuan ang bukal sa silid kung saan naroroon ang iba pang gamit niya Eeya. Wala na rin siyang ibang damit na maaari niyang gamitin. Wala rin ang mga empleyado ng bahay tuluyan na maaari niyang hingan ng tulong. Nagpasya si Eeya na pansamantala na munang manatili roon sa pag asang may dumating na iba. Ngunit sa paglalim ng gabi ay unti unti na rin siyang nawawalan ng loob na makahingi ng tulong. Maiilit na tuwalya lamang ang nakatapis sa kanyang hubad na katawan. Gayunpaman ay alam ni Eeya na kung hindi siya aalis doon ay lalo lamang siyang mapapahiya kung dadatnan pa siya roon ng iba kinabukasan. “Bahala na,” aniya. Nagdesisyon si Eeya na lumabas sa bukal kahit pa nakatapis lang ito. May kalaliman na ang gabi at tiyak na pagod na rin ang iba pang mag aaral. Maswerte naman siyang walang tao sa palisyo na magdadala sa kanya sa kanilang silid. Ngunit nang ilang hakbang na lamang ito ay nakarinig siya ng mga yakap sa hindi kalayuan. Sandaling nagtago si Eeya ngunit nakita pa rin siya ng isang lalaking kamag aral. Pinagmasdan siya ng lalaki. “Maswerte yata ako ngayong gabi,” bulong niya. “Anong ginagawa mo r`yan at bakit iyan lang ang suot mo?” Dala ng pagkagulat ay bigla na lamang tumakbo si Eeya palayo sa direksyon ng kanyang silid. Lalo pa niyang binilisan nang marinig na hinahabol siya ng lalaki. “Sandali, Ganda! Gusto mo bang samahan kita?” Sa labis na pagtakbo ay hingal na siy Eeya ngunit wala siyang balak na tumigil. “Ganda! May mga kaibigan pa ako na siguradong matutuwang makilala ka!” Laking gulat ni Eeya nang sa pagliko niya sa isang pasilyo ay dulo na ito. Lalong lumalakas ang mga yapag ng lalaking humahabol sa kanya kaya batid nitong malapit na ito. Nang sa kanyang paglingon upang bumalik sa kabilang dulo ng pasilyo ay siya namang dating ng lalaki. Nakakalokong ngiti ang sinalubong nito habang pinagmamasdan siya mula ulo hanggang paa. “Nasisiyahan ako sa nakikita ko,” aniya na dumila pa. Wala ng ibang magawa si Eeya kundi ang magbukas sa mga pintong naroroon. Hindi man niya alam kung saang siya dadalhin ng mga ito ay wala na siyang ibang maisip na paraan. Maswerte pa rin si Eeya sapagkat ang unang pintuang nabuksan niya ay nagdala sa kanya sa isang malaking silid. Halos matisod pa ito sa pagmamadali sapagkat naramdaman niyang muling sumunod sa kanya ang lalaki. “Ganda, nasaan ka na?” Sa lakas ng kabog ng kanyang dibdib sa nakaabang na panganib ay malaking ginhawa sa kanya nang makita niya si Joaquin. Agad siyang tumakbo rito dahilan upang mabangga niya ito ay pareho silang mapaupo sa sahig. Hindi man maliwanag kay Joaquin ang nangyayari ngunit nang hawakan niya ang nangagatog na mga balikat ni Eeya at sa pagdating ng lalaki ay naintindihan niya ito. Mariin ang tingin na sinalubong niya sa lalaki. Tingin ng pagbabanta. “Anong kailangan mo sa kasintahan ko?” Agad na nakilala ng lalaki si Joaquin na tanyag sa kanilang paaralan kahit pa baguhan lamang ito. “P-Pasensya na. Ikaw pala ang hinahanap niya.” Agad na isinara ng lalaki ang pinto saka ito kumaripas ng takbo. Bumuhos ang mga luha ni Eeya sa pag alis ng lalaki. Hindi na niya napigilan ang magkakahalong emosyon na kanyang nararamdaman. “J-Joaquin… B-Bakit nila nagawa sa akin `to? Bakit ako? Bakit hindi nila magawang itrato ako bilang isang kaibigan?” Napakapit na lamang si Eeya sa damit ng binata sa kanyang paghagulgol. “W-Wala naman akong ginagawang masama. Ang gusto ko lang naman ay maging kaibigan sila.” Hinawakan ng binata ang ulo ng dalaga upang patahanin ito. “Huwag kang mag aalala. Narito ako. Hindi ka na nila masasaktan pa.” Ramdam ni Joaquin ang panlalamig ng dalaga kaya naman gamit ang kanyang papel na may kapangyarihan ay gumawa ito ng apoy upang maibsan ang lamig ng dalaga. Hinila nito ang nakatuping kumot sa hindi kalayuan na agad niya ibinalot kay Eeya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD