Kabanata 8

1649 Words
“Espesyal na dahon ito na tanging mga katulad namin ang makakagamit ng  tunay nitong kapangyarihan. Ginagamit ito upang malaya kaming makagala sa mundo ng mga mortal nang hindi nakikita at nararamdaman.” Sa harap ni Eeya ay nilagay ni Isagani ang dahon sa kanyang ulo nang sa isang iglap ay nawala ito. Maging ang amoy at prisensya nito ay hindi na maramdaman ng dalaga. Laking gulat niya nang muling nagpakita si Isagani na nasa kanyang likuran na. “Malamang ay alam mo na ang kwentong ito pero maraming taon na ang lumipas nang sa mundong ito pa naninirahan ang mga elementong tulad ko. Noong una ay kami ang laging nasusunod ngunit kalaunan ay nag aral at natuto ang mga tao na labanan kami. Mayroong dalawang namuno noon sa mga mortal ay sila ang may pinakamalakas na kapangyarihang babaylan. Natalo nila ang pinakamalalakas na elemento noon at bilang kapalit ng kanilang nagawa ay naging tagapagsilbing kaluluwa sila ng mga ito. Ang ibang mga elemento ay kinailangan hingin ang tulong ng diyos ng mga elemento para iligtas ang mga sarili nila.” “Narinig ko na ang ilan sa mga kwento mo. Kahit na niniwala ako noon, hindi ko naiwasang isipin sa paglaki ko na kuro-kuro lang ang `yan,” ani Eeya. “Tinulungan ba sila ng diyos ng elemento?” Bahagyang tumango si Isagani. “Pinakinggan niya ang hinaing ng mga elemento at bumaba ito mula sa kanyang trono. Upang tapusin ang kaguluhan sa pagitan ng mga mortal at mga elemento ay gumawa siya ng panibagong mundo para lamang sa mga elemento. Bilang kapalit ay ipinagbawal niya ang lahat na magpakita sa mga mortal.  Simula noon ay naging haka-haka na lamang ang mga elementong katulad ko dito sa mundo ninyo.” “Salamat sa mga kwento mo pero hindi ka pa rin nagpapaliwanag kung bakit ka narito. Parang ginawa mo na lang libangan ang pagdalaw rito ah.” Nakapamewang na bulalas ni Eeya. “Mabuti pa ay umalis ka na kung wala ka na rin namang sasabihin.” Tumalikod si Eeya pabalik sa templo ngunit hinila ni Isagani ang mangas ng kanyang damit. “Sandali… Huwag kang umalis.” Natigilan si Eeya at bahagyang tumingin sa elemento. “Bakit?” “Gusto mo bang… makita ang mundo ko?” Matagal ng pangarap ni Eeya na makakita ng mga elemento bagamat nagbago na ang kanyang tingin sa mga ito ay nais pa rin niyang makita kung tugma pa ba sa kwento ng kanyang lola ang mga elementong nabubuhay sa kanyang panahon. Hindi pa man nakakasagot ay hinawakan ni Isagani ang magkabilang balikat ng dalaga. Sa isang iglap ay nagbago ang suot nitong simpleng damit. Naging nakaluma man ang itsura ng kanyang damit mula sa kapangyarihan ni Isagani ay bumabay ito sa kurba ng kanyang katawan. Walang anu ano ay binuhat ng elemento ang dalaga. “Ipikit mo ang mga mata mo.”   Ramdam ni Eeya ang pag anggat nila sa ere dahil sa malamig na simoy ng hanging dumadampi sa kanyang mukha. Alam ni Eeya na bilang tagapangala ng templo ay isang kalapastanganan ang makihalubilo sa mga elemento. Mahigpit na panuntunin ng mga katulad niya na basbasan ang mga elementong nakakasalamuha niya bilang tagapangalaga ngunit iba ang sigaw ng kanyang isip. Matagal ng pahanon ang nakalipas nang maglaban ang mga mortal at mga elemento. Naniniwala siya na may mga pagbabago ng nangyari sa loob ng mahabang panahon na pananahimik ng dalawang kampo. Nais niyang makita sa sariling mga mata na maaring mabuhay ang mga elemento at mga mortal nang hindi na kinakailangan pa ng gulo. “Narito na tayo.” Marahang binuksan ni Eeya ang mga mata nang marinig ang malamig na boses ni Isagani. Wala siyang maisip ng itsura ng mundo ng mga elemento. Walang nabanggit ang kanyang lola tungkol  dito maging si Isagani. Kaya naman nang kanyang makita ang liwanag mula sa mga nakasabit na kandila ay namangha ito. Hindi nalalayo ang itsura ng mundo ng mga elemento sa itsura ng kanilang bayan. May mga kabahayan ding gawa sa kahoy at mga ilaw na nagmumula sa mga kandila na nakapaloob sa mga babasagin. Nakapalibot din ang mga estante na kung saan nagbebenta ng iba’t ibang pagkain na ngayon lamang niya nakita. Ngumiti si Isagani na natutuwa sa galak na ipinapakita ni Eeya sa kanyang mundo. Kasabay nilang naglalakad ang iba’t ibang elemento na iba iba rin ang itsura. Naroon ang mga elemento na narinig niya mula sa kwento ng kanyang lola ngunit hindi sila nakakatakot katulad ng pagkakaalala niya. “Hindi ko inasahan na ganito kaganda ang mundo ninyo,” ani Eeya na kumikinang ang mga mata sa pagtingin sa iba’t ibang lugar at elemento na kanilang nadaraanan. Ngunit nang tignan siya ng isang malaking elemento na mukhang pinaghalong tao at kabayo ay napakapit ito sa damit ni Isagani dala ng takot na kanyang naramdaman. Bilang tagapangalaga ng templo ay alam niyang maaari siyang makilala ng mga elemento at ituring na kalaban. Hinawakan ni Isagani ang kamay niyang iyon at bahagyang pinisil. “Huwag kang matakot. Iyang damit na ginawa ko ay itatago ang katauhan mo. Sa kanilang paningin ay isa kang magandang elemento.” Hindi matandaan ni Eeya kung kailan ba siyang nagsimulang magtiwala kay Isagani. Sa kabila ng kasaysayan ng kanilang mga ninuno ay hindi maitanggi ang pagkakasundo ng dalawa. “Kamahalan! Maligayang pagbabalik!” Natigilan ang dalawa sa kanilang paglalakad nang sumigaw ang isang magandang elemento na papalabas sa isang malaking bahay. Sa kanyang pagbaba sa hagdan upang makalapit ay napatingin ang babaeng elemento kay Eeya. “Napakaganda ng engkantada. Madalang na lang akong makakita ng tulad mo.” Ngumiti lamang si Eeya sapagkat hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Hinawakan ni Isagani ang dalaga sa kanyang balikat upang marahang akayin paakyat sa hagdan. “Ang engkantadang ito ay mahalang bisita. Alagaan n`yo siya.” Malambing na ngumiti ang elemento. “Masusunod, Kamahalan.” Sa pagtingin ni Eeya sa loob ng malaking bahay ay doon niya lamang napansin na ang lugar ay isang lugar ng pang tatanghal. Dinala sila ng iba pang mga babaeng elemento sa tapat ng isang entablo at doon ay hinainan sila ng maiinom. Hindi nagtagal ay may mga lumabas sa entablado upang tumugtog at sumayaw. Nakahahalina ang tunog na gawa mula sa makalumang gitara at marikit na pagsayaw ng mga elemento. Gayunpaman ay hindi maalis sa isip ni Eeya ang pagtawag na ng mga elemento sa kay Isagani. “May tanong ako,” aniya na bahagyang nilingon ni Isagani mula sa panunuod. “Bakit kamahalan ang tawag nila sa `yo?” “`Yon ba? Dahil isa ako sa mga namamahala sa mundo ng mga elemento.” Malawak ang ngiting gumuhit sa mga labi ni Isagani. “Namamahala? Sa mundo ng mga elemento?” Hindi makapaniwala si Eeya sapagkat sa maiksing panahon na nakikilala niya si Isagani ay simple lamang ang pagkatao nito. Ngunit napatunayan niyon na totoo nga ang una niyang pagkakakilala rito, na isang malakas na elemento nga ito. Hindi nagtagal ay hinainan din sila ng iba’t ibang pagkain. Kaiba man ang itsura ng mga ito sa nakasanayang kainin ni Eeya ay natuwa ito nang tikman niya ang mga nakahain. Sa labis na tuwa sa mga nangyayari sa kanyang paligid ay hindi na namalayan ni Eeya ang oras. Tuwang tuwa maging si Isagani sapagkat nakikita niya na tinatanggap ni Eeya ang kanyang mundo sa kabila ng pagiging tagapangala ng templo. Ang saya na nakaguhit sa mukha ni Eeya ay tulad ng ngiting nakita niya nang una niya itong makita. Noon pa man ay ninais na niya itong makilala. Hindi man ito katanggap tanggap dahil sa kanilang pagkakaiba ay pinili ni Isagani na lumihis ng landas. Nais niyang mapalapit sa dalaga. At unti unti ay nagagawa na niya iyon na labis niyang ikinatutuwa. Sa paglipas pa ng mga oras ay naramdaman na lamang niya ang marahang pagbagsak ng katawan ni Eeya sa kanyang balikat. Nang tignan niya ang dalaga ay nakapikit na ito at nakatulog na. Niyakap niya ito upang hindi ito tuluyang mahulog sa sahig na kahoy. Sa pagtingin nito sa maamong mukha ng dalaga ay napangiti ito. “Nakatulog siya kahit pa nakapalibot siya ng mga elemento.” Bahagyang hinawi ng elemento ang buhok na sumanggi sa mukha ng dalaga. Marahang binuhat ni Isagani si Eeya, iniiwasan na magising ito. Sa kanilang paglabas ay hindi maalis ang tingin ng mga elemento sa kanila sapagkat noon lamang nila nakita ang tinitingalang kamahalan na may kasamahang magandang elemento.   Sa paggising ni Eeya ay naramdaman niya ang malambot na kamang kanyang inihigaan. Sa pagmulat ng kanyang mga mata ay alam niyang nasa iba itong bahay. Ang liwanag na nagmumula sa bukas na bintana ay sandaling sumilaw sa kanyang mga mata ngunit tinakpan iyon ni Isagani nang dumating ito mula sa pagkuha ng maiinom para sa dalaga. “Gising ka na. Nakatulog ka ba nang maayos?” Umupo si Isagani sa tabi ni Eeya at inabot ang dala nitong inumin. “Nasaan ako?” “Sa bahay ko.” Sandaling natulala si Eeya at nang muli niyang pagmasdan ang liwanag sa labas ng bintana ay agad itong naaligaga. “K-Kailangan ko ng umalis. May pasok ako!” Agad na tumayo si Eeya at tinungo ang pintuan na kanyang nakita. Walang anu ano ay mabilis itong tumakbo na hindi naiisip na hindi niya alam ang pupuntahan. Laking gulat nito nang sa  kanyang pagtakbo ay wala na itong maaapakan pa sapagkat ang bahay ni Isagani ay nakatayo sa tuktok ng bundok. Tumayo si Isagani at nagpangalumbaba sa bintana habang tinatanaw ang pagkahulog ni Eeya mula sa bangin. Sa isang kumpas ng kanyang  kamay ay naibalik niya si Eeya sa kanyang templo at marahang nahulog sa kanyang kama. Hindi man alam ni Eeya ang nangyari ay wala na itong oras para pa isipin iyon. Ilang minuto na lamang ay mag uumpisa na ang kanilang klase at kailangan na niyang magmadali upang hindi siya mahuli.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD