Kabanata 9

1804 Words
“Para maganahan kayong mag aral, nagdesisyon ang paaralan na bigyan kayo ng bakasyon. Kasama n`yo pa rin kaming mga guro. Habilin din ng presidente natin na magsama sama kayong grupo para maiwasan ang pagkakahiwalay sa lugar at para na rin mabantayan ninyo ang isa’t isa.” Natuwa ang lahat sa klase ni Eeya maliban sa kanya. Ang lahat ay nag uusap usap na kung sinu sino ang mga magkakasama. Bumagsak ang mga balikat ni Eeya. Inaasahan niyang isasama siya sa grupo ni Rea ngunit nang dahil sa hindi niya inaasahang nagawa nito sa kanya ay umiiwas na ito. Naiwan si Eeya nang mag isa. Walang ni isa sa mga kamag aral niya ang kumausap sa kanya para isali sa grupo. Si Amalia na lamang ang natitira niyang pag asa. Pagsapit ng pananghalian ay lumabas si Eeya matapos siyang kumain upang kausapi si Amalia  na nasa ibang klase. Nais niya itong maka grupo sa paparating na bakasyon. Ngunit natigilan ito nang makita niyang kausap na ni Rea si Amalia. Nagtago man ay hindi nakatakas si Eeya sa paningin ni Rea. “Mabuti nga at mag isa siya. Bagay naman iyan sa isang wirdong katulad niya.” Sinadya ni Rea na lakasan ang kanyang boses upang marinig ni Eeya kahit pa nagtago na ito sa pasilyo. “Kawawa naman siya.” Kilala ni Eeya si Rea. Alam niyang nakukumbinsi niya si Amalia upang sa kanya na lamang sumama. Noon pa man ay nagagawa ni Rea na mapasunod ang kahit na sino pabor sa kanyang gusto. Hindi na umasa pa si Eeya na magkakaroon siya ng makakasama. Humahagikgik si Rea nang makitang naglakad na palayo si Eeya. “Kawawa nga. Parang gusto ko na rin siyang isama sa grupo. Mas magiging katawa tawa siya sa mga gagawin ko.” “Huwag ka namang ganyan, Rea. Mabait naman si Eeya. Kababata natin siya.” Hindi na sumagot si Rea. Bagkus ay tumakbo ito upang habulin si Eeya. Malawak ang ngiti nitong nang tapikin ang balikat ng dalaga. “Sguradong wala ka pang grupo. Sama ka na lang sa `min. Kawawa ka kasi.” Hindi na alintana ni Eeya kung pagkaawa lamang ang dahilan ni Rea para isama siya sa grupo. Ayaw niyang maramdaman na mag isa siya sa kanilang bakasyon. “Talaga ba? Isasama n`yo pa rin ako kahit wirdo ako?” “Ano ka ba? Nagbibiro lang ako nang sabihin ko `yon. Oo naman sama ka sa amin.” Nakangiti man si Rea ay iba ang takbo ng mga pangyayari sa kanyang isipan. Plano niyang gumawa ng mga katutuwa kang Eeya upang lalo itong pagtawanan ng lahat ng mga kanilang kamag aral. “Eeya!” Napalingon ang dalawa kay Joaquin nang tawagin ang dalaga. “Magkita na lang tayo sa lunes.” Tuluyang iniwan ni Eeya si Rea upang puntahan ang binata. “Joaquin.” “Natapos ko na ang mga ginawa kong tanong para sa aralin mo. Gamitin natin ito para sa pag aaral mo ngayong gabi.” Inabot ni Joaquin ang isang maliit na kwaderno na malugod namang tinanggap ng dalaga. “Maraming salamat.” “Hihintayin kita pagkatapos ng klase mo.” Sabay na umalis sina Eeya at Joaquin upang bumalik sa kani kanilang mga klase. Kunot ang noo ni Rea habang pinagmamasdan ang dalaga. “Nakakainis na talaga itong babaeng `to! Nang una binalik ng gwapong lalaki ang kinuha kong gamit niya. Ngayon naman malapit na siya kay Joaquin. Makakatikim  talaga siya sa galit ko!”   Pagkatapos ng klase ay hinintay ni Joaquin si Eeya hanggang sa matapos ang klase nito. Hindi naiwasan ng kanilang mga kamag aral na mapansin ang palagiang pagsasabay ng mga ito sa pag uwi. Hindi naman alintana ng dalawa ang mga pagbubulong bulungan at tingin ng mga ito sapagkat alam nilang wala silang ginagawang masama.   Nakapagbihis at nakapaghanda na rin ng makakain si Eeya. Dinatnan niya si Joaquin na abala sa pagbuklat sa  mga iba pang gamit sa pag aaral na kanyang dala. “Naghanda ako ng makakain at maiinom. Mukhang marami tayong pag aaralan ngayon,” aniya habang marahan na ipinapatong ang dalang bandeha. Maingat upang hindi tumapon ang mga laman nito. “Natuwa ako sa mga aralin ninyo kaya napadami ang nagawa kong mga tanong.” Umupo si Eeya sa tabi ng binata saka nag umpisang basahin ang mga ginawa nito. Hindi naiwasang mamangha ng dalaga sa mitikulosog pagkakagawa ni Joaquin sa mga tanong. Magkakasama pa ang mga magkakamukhang leksyon at malalapit na mga tanong. “Napakagaling naman ng pagkakagawa nito, Joaquin! Inayos mo pa ang mga madadaling tanong at hiniwalay ang mga mahihirap. Mapapadali ang pagsasaulo ko sa mga ito sigurado!” Lumingon si Eeya sa binata nang may malawak na ngiti. “Napakagaling mo talaga.” “Mahilig lang talaga akong mag aral kaya siguro hindi ako nahirapan.”   Hindi alam ng dalawa na sa kanilang likuran ay pinagmamasdan na sila ni Isagani na nagtatago gamit ang dahon nito. Kunot ang kanyang mga kilay habang tinatanaw ang dala mula sa bukas na pintuan. “Problema talaga ang babaylan na `to. Mabuti nalang at dala ko lagi ang dahon. Tiyak na hindi niya ako mararamdaman ngayon.” Malakas ang loob ni Isagani na lumapit sa dalawa dahil sa dahong nakapatong sa kanyang ulo. Tumayo ang elemento sa tapat ng mesa upang mapagmasdan ang babaylan. Batid niyang hindi lamang ang pagtuturo kay Eeya ang ipinupunta nito sa templo. Alam niyang sinasadya nitong lumapit sa dalaga upang mahuli siya. Sa tahimik na pag aaral ni Eeya ay bahagya siyang tinignan ni Joaquin. Alam niyang may koneksyon si Eeya sa malakas na elementong hinahanap niya. Hindi siya nagkakamali nang minsang maramdaman ang prisensya nito sa templo. Bukal sa kanyang loob na turuan ang dalaga. Ngunit hindi pa rin niya maaaring kalimutan ang kanyang tungkulin bilang isang babaylan. Kailangan niyang mapalapit kay Eeya upang lumaki ang tiyansa na mapalapit din siya sa elemento. “Eeya, anong tingin mo sa mga elemento?” Hindi man karaniwan ang tanong na kanyang binato lalo pa’t wala itong pinagmulan ay naisip ni Joaquin na kung hindi magpapakit ang elemento ay maaari siyang makakuha ng impormasyon mula sa dalaga. Natigilan si Eeya sa kanyang pagsusulat nang kumabog ang kanyang dibdib. Hindi man niya itago ang pagiging tagapangalaga ng templo ay sadyang kataka taka na marinig niya ang ganoong klaseng tanong mula sa binata. “B-Bakit naman ganyan ang tanong mo? Nagulat naman ako.” “Interesado kasi ako sa mga elemento simula pagkabata. Bilang tagapangalaga ka ng templo, naisip ko na baka may alam ka tungkol sa mga ito.” “Hm… marami ng naikwento sa akin ang lola ko tungkol sa mga elemento pero para sa akin ang mga elemento ay may pagkakaiba. May mga mukhang hayop, medyo nakakatakot, at ang iba naman ay sadyang magaganda. Kahit pa may kapangyarihan sila, palagay ko naman ay mababait naman sila at may marupok na damdamin.” Napaurong si Isagani nang simulan ni Eeya ang pagkukwento. Marahang nawawala ang inis na kanyang nararamdaman dahil sa babaylan. Unti unti ay napapangiti ito. “Sa palagay ko rin ah, kaya nilang gayahin ang mga gawi nating mga tao kapag narito sila sa mundo natin. Kahit pa sabihin nila na kalaban nila tayo at dapat na patayin katulad sa nakaraan ay pagpapanggap lamang iyon. Nagpapanggap lang sila na masama sila at nakakatakot. Pero sa katunayan, mabubuti naman ang loob nila.” Hindi namalayan ni Eeya na sa kanyang pagkukwento ay napapangiti ito sapagkat sa kanyang isip ay si Isagani ang kanyang inilalarawan. Nagpangalumbaba si Isagani sa mesa upang mapagmasdan ang mukha ng dalaga. “Totoong mabait ako, pero hindi ang pagkakaroon ng marupok na damdamin. Hindi mo lang alam na malakas akong klaseng elemento.” “Kakaiba ang pananaw mo sa mga elemento, Eeya. Nakakatuwa naman.” Ngumiti man si Joaquin hindi dahil natutuwa ito sa pananaw ng dalaga kundi alam niyang ang lahat ng mga binanggit nito ay paglalarawan sa relasyon mayroon sila ng elementong malapit sa kanya. Tumawa si Eeya sapagkat napansin niyang masyado siyang nawili sa pagkukwento at marami siyang nasabi. “Sa palagay ko lang naman ang lahat ng `yon. Ikaw ba, ano ba sa tingin mo ang mga elemento?” Agad na pumasok sa isip ni Joaquin ang mga elementong kasama sa kanyang bahay. Si Lyxa, Nume, at Chacha. “Magugulo,” nakangiti niyang sagot.   Maagang natapos ang dalawa sa pag aaral ng dalawang leksyon. Tumingin si Joaquin sa bukas na pinto na kung saan tanaw niya ang malaki at maliwanag na buwan. Isinara niya ang kwaderno na ipinagtaka ni Eeya. “Maganda ang buwan sa labas. Mabuti pa ay ipagpaliban na muna natin ang ibang leksyon sa ngayon tutal wala naman pasok bukas. Eeya, gusto mo bang maglakad lakad?” Natuwa si Eeya sa alok ng binata dahil sa katunayan ay nababagot na ito sa kanyang ginagawa. Sa kabila pa noon ay wala pang nag aaya sa kanya na maglakad lakad sa ilalim ng maliwanag na buwan. Magkahalong kaba at saya ang namumutawi sa damdamin ng dalaga. Kasabay niya sa paglalakad si Joaquin na halos magtama na ang kanilang mga kamay dahil sa sobrang lapit nila sa isa’t isa. Bahagyang inurong ni Eeya ang kanyang kamay nang maramdaman ang paggapang ng daliri ng binata. “Mabuti pa ay umupo muna tayo.” Dala ng hiya sa nagawa ay agad na tinungo ni Eeya ang batong upuan sa ulalim ng malabong puno na matagal ng nakatayo sa paligid ng templo. HIndi nila alam na simula nang lumabas ang dalawa sa templo ay sumama rin si Isagani. Nagtago ito sa likod ng puno na labis ang galit na nararamdaman para sa babaylan. Bahagyang ikinilig ni Joaquin ang kanyang ulo upang tignan ang dalaga ngunit hindi makatingin si Eeya sa kanya. Alam ni Eeya na iyon na ang magandang pagkakataon na hinihintay niya para magtapat  ng kanyang paghanga sa binata. “Eeya, napakaganda mo.” Lalong napakapit si Eeya sa kanyang suot na palda sa labis na pagtibok ng kanyang puso. Nilakasan ni Eeya ang kanyang loob at tiningala ang binata na nakatitig sa kanya. “A-Ang totoo n`yan, Joaquin…” Nagulat na lamang ang dalaga nang hawakan ni Joaquin ang kanyang pisngi saka marahang inilapit sa kanyang mukha. Kitang kita ni Isagani ang paglapit ng mukhang ng dalawa. Bagamat hindi niya nakikita kung ano ba talaga ang nangyayari ay bumabog ang galit nito dahilan upang matanggal ang dahon na nagtatago sa kanyang prisensya. “May dahon sa buhok mo,” nakangiting sabi ni Joaquin nang kumalas ito sa dalaga at ipinakita ang dahon na kanyang nakuha. Napangiti na lamang ito nang maramdaman niya ang malakas na kapangyarihan ng elementong kanyang hinahanap. “Magpakita rin ang halimaw,” bulong niya nang tignan ang paparating na elementong handang labanan siya. “Bitawan mo siya! Sa akin si Eeya! Humanda ka sa iyong kamatayan!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD