Kabanata 10

1717 Words
Itinabi ni Joaquin si Eeya sa kanyang likod sapagkat pasugod na ang halimaw na sinadya niyang galitin. Hindi man sabihin sa kanya ng binata ang tunay na katauhan ay batid nitong hindi siya normal na mag aaral lamang. Nang kanyang bahagyang tignan ang hawak ng binta ay nakita niyang hawak na nito ang isang papel na may basbas na isa ring makapangyarihang nagagamit upang basbasan ang mga elemento. “Ako na ang bahala sa halimaw na `to.” Nilingon ni Joaquin ang dalaga kasabay ang pag anggat ng kanyang kamay upang palibutan ito ng kakaibang kapangyarihang puprotekta sa kanya. Akma lamang nailayo ni Joaquin si Eeya sapagkat nang kanyang lingunin ang elemento ay nasa harapan na niya ito. Gamit ang hangin na kapangyarihan ni Isagani ay sinugod niya ang babaylan. Ngunit handa si Joaquin sapagkat protektado ito ng kanyang kapangyarihan. “Hindi ko inaasahan na may itsura ang elementong umaalingid kay Eeya. Ano ba ang pangalan mo?” Ngumisi si Joaquin. “Mamamatay ka muna bago mo malaman ang pangalan ko!” Nagpasbog ng malakas na hangin si Isagani kasabay ng kanyang paglayo. Naramdaman niya na hindi lamang ordinaryong babaylan ang kanyang kalaban, kundi isang malakas na uri ng babaylan na nagmula sa lahi ng mga unang babaylan. “Hindi ka karapat dapat para malaman ang pangalan ko!” Ngumiti lamang si Joaquin. “Mukhang hindi kita madadaan sa mabuting usapan. Huwag kang mag alala. Handa akong makipaglaban.” Sa muling pagtaas ng kamay ni Joaquin ay siyang paglabas rin ng  mas marami pang binasbas na papel na gumawa ng bilog sa kanyang harapan. Hindi lamang nito sinangga ang hanging walang habas na ipinapatama sa kanya ng elemento, bagkus ay hinihigop lamang ito. “Malakas ang loob mong kalabanin ako. Binigyan mo lang ako ng pagkakataong mahipaghiganti ang mga ka uri ko!” Itinukop ni Isagani ang magkabila niyang mga kamay saka gumawa ng malakas at malaking ipuipo. Sa lakas niyon ay nagagawa nitong mahugot ang mga naglalakihang puno sa paligid. At nang kanyang ituon ito sa babaylan ay nagawa nitong masira ang harang na pumuprotekta sa kanya. Walang pansidlan ang galit na namumutawi sa damdamin ni Isagani. Ang lakas na kanyang pinapamalas ay ang kanyang tunay na kapangyarihan bilang isa sa mga namamahala ng mundo ng mga elemento. Sa tuluyang pagkasira ng harang ng babaylan ay siyang pagtuon niya sa matatalim na kuko sa kanyang kalaban. Nakalundag man si Joaquin ay hindi ito nakaiwas sa mabilis na kamay ng elemento. Nasugatan ang kanyang kamay nang tangkain niyang pigilan ito. Batid ng binata na sadyang malakas nga ang halimaw na kanyang harapan. Alam niyang hindi magiging maganda ang kanyang posisyon sa laban kung magpapatuloy pa ito sa paglaban sa kanya nang malapitan. Ilang beses na nagpalundag lundag si Joaquin sa palibot ni Isagani. “Iyan ba ang abilidad mo? Ang umiwas sa kalaban?” Lingid sa kaalaman ni Isagani ay malinaw ang plano ni Joaquin sa kanyang isip. Ang pagpapalipat lipat niya ng posisyon sa palibot ng halimaw ay siyang pag iwan niya ng markhang kukulong sa halimaw. Sa huling posisyong kailangang lagyan ng kapangyarihan ay bigla na lamang naningas ang katawan ni Isagani. Napangiti si Joaquin nang kanyang ipakita ang kadenang pumapalibot na sa halimaw. “Malakas ka mang klaseng elemento ay hindi ako tulad mo na ignorante.” Tuluyang bumagsak si Isagani sa bilog na markhang may hawak sa kapangyarihan ng kadenang bumabalot sa kanya. “Bibigyan kita ng pagkakataon para mabuhay. Nais mo bang maging alipin ko?” Kahit gaano pa kalakas si Isagani ay hindi niya nagagawang makagawa nang anumang paglaban dahil sa kadenang pumalabot sa kanya. Hindi siya makapaniwala na hindi niya napansin ang hakbang na ginawa ng babaylan at nagawa niya itong mabihag Sa bawat segundong nagdadaan ay lalong tumitindi ang kapangyarihang pumapaloob sa kadena na sa lakas niyon ay nakuha ng mga mata at umubo ng dugo ang elemento. Gayunpaman ay pinipigilan pa rin ni Isagani ang tuluyang lumuhod sa harapan ng isang babaylan. “Hindi ako, si Isagani, kailanman magiging alipin ng isang tulad mo!” Natawa na lamang si Joaquin nang muli na naman niyang makuha ang gusto. “Nakkalimutan mo na bang pangalan mo lang ang kailangan ko para maging alipin ko?” Muling gumawa ng papel si Joaquin na kung saan niya kinakailangang isulat ang pangalan ng elemento upang tuluyang maging alipin niya. Gamit ang kanyang daliri ay isinulat ni Joaquin ang pangalan ng halimaw sa papel na siyang seselyo sa kanilang kasunduan bilang amo at alipin na pang habangbuhay ang tagal. Laking gulat na lamang ng binata nang imbes na maselyo ang papel ay nagkapira piraso ito mula sa kanyang kamay. “Joaquin! Sandali!” Mula sa kanyang likuran ay nagawa ni Eeya na makalawa sa harang na kanyang ginawa para sa kanya. Malaking pala isipan iyon sa binata sapagkat siya lamang ang kapapang walang bisa roon ngunit walang hirap iyong nasira ng dalaga. “Hindi ba’t sinabi ko naman sa `yo na hindi mo ako magiging alipin.” Muling humarap si Joaquin sa elemento. “Dahil ibinigay ko na ang pangalan ko kay Eeya. Siya lamang ang nag mamay ari sa akin.” Matulin ang takbo ng dalaga na sinadya ang elemento. Kitang kita nito sa kanyang paglapit ang labis na epekto ng kapangyarihan ng isang babaylan sa kanya. Alam ni Eeya na malakas na elemento si Isagani ngunit ang isang babaylan na siya ring bumabasbas na katulad niya bilang isang tagapangalaga ng templo ay labis na nagpapahirap sa kanya. Hindi mawari ni Eeya kung ano ba ang kirot na kanyang nararamdaman sa kanyang puso sa kanyang nakikita. Awa. Lungkot. Galit. Hindi niya mapunto kung bakit siya nasasaktan para kay Isagani. “Bumalik ka na,” bulong ng dalaga. Hindi man maliwanag kay Isagani ang mga salita ng dalaga ay nagdulot ito ng sakit sa kanyang damdamin na kahit minsan, sa tinagal tagal na ng kanyang buhay ay hindi pa niya nararamdaman. “Bumalik ka na sa mundo mo. Huwag ka ng pumunta dito sa mundo ng mga tao.” Sa pagtalikod ni Eeya ay siyang tuluyang pagkasira ng kadenang nakapalibot kay Isagani. Gayunpaman ay wala pa ring magawa ang elemento na tanging nakatuon ang mga mata sa papalayong dalaga. Bilang alipin niya ay malakas ang epekto ng bawat salita mula sa kanya amo. Yumuko na lamang si Isagani at hindi naglaon ay unti unting naglaho sa pag ihip ng hangin. Animo’y may bara sa lalamunan si Eeya matapos niyang bitawan ang mga huling salita kay Isagani. Kinailangan niyang lumayo sapagkat may kung anong humihila sa kanya pabalik. Puno ang kanyang isip sa mga  tanong na nabuo dahil sa mga nangyari. Sa kanyang likuran ay pinagmamasdan siya maging ni Joaquin na hindi makapaniwala na hindi lamang isa kundi dalawang beses na nasira ni Eeya ang mga kapangyarihang ginawa niya. Akma sana itong hahakbang upang lapitan ang dalaga nang lumingon ito sa kanya. “N-naging malapit ka lang ba sa akin para mahuli mo ang elemento?” Nahuhuyo ang lalamunan ni Eeya sa pagpigil niya sa mga luhang nais kumawala mula sa kanyang mga mata. Tumitig lamang si Joaquin sa kanya sapagkat totoo ang sinabi ng dalaga. Ang paglapit niya rito ay para mahuli ang malakas na elemento. Nais man niyang magpaliwanag ay naunahan siya ng kaba. “Hindi na babalik rito ang elemento. Wala na akong silbi sa `yo ngayon. Huwag mo na rin akong lapitan pa.” Tuluyang tumalikod si Eeya at iniwan ang binata. Ang mga mararahang hakbang ay unti unting bumibilis at nagiging takbo. Hindi na napigilan pa ni Eeya ang mga luha na bumuhos sa kanyang paglayo. Ang inakala niya ay nakaharap na siya ng mga makakasama na makapagbibigay sa kanya ng kaligayahan sa buhay. Ngunit ang lahat ay kathang isip lamang niya. Parehong nawala ang dalawang mahalagang lalaki sa kanyang buhay. Si Joaquin na kanyang nagugustuhan at si Isagani na itinuturing na niyang kaibigan. “Bakit lagi na lang nagiging ganito? Sadyang nabuhay ba ako para maging mag isa?”   Iniyak ni Eeya ang bigat ng kanyang damdamin pagbalik niya sa templo. Walang sinumang makakapag pagaan ng kanyang loob kundi siya lamang at tangging pag iyak lamang ang kanyang nagawa upang mawala iyon kahit panandalian lamang. Wala siyang ibang mapagsasabihan ng kanyang mga nararamdaman. Ang mga kababata na itinuring niyang mga kaibigan ay tiyak na pagtatawanan lamang siya kung pagsasabihan niya sa nangyari. Hindi niya magawang lapitan ang mga magulang kahit tawagan lamang ang mga ito sapagkat maging sila ay hindi naniniwala na totoo ang mga elemento. Takot si Eeya na isipin ng lahat na nababaliw na siya. Noon pa man ay iyon na ang sinasabi nila at kung sasabihan niya ang mga ito sa nangyari ay lalo lamang silang maniniwala na baliw na nga siya. Sa pagdaan ng mga oras at sa unti unting pagkalma ng kanyang damdamin ay nagdesisyon siyang ituon na lamang ang atensyon sa templo. Hindi natapos ang kanyang pagiging tagapangalaga dahil lamang sa nangyari. Muling naglinis si Eeya sa loob at labas ng templo. May bigat man sa damdamin ay nakatulong iyon upang mawala ang lungkot na kanyang nararamdaman kahit pa paano. Ngunit sa kanyang pagwawalis sa palibot ng templo ay tila ba bumabalik sa kanyang isip ang mga alaala ni Isagani. Sa pag ihip ng malamig na hanging dala ng makulimlim na kalangitan na nagpalagas sa mga tuyong dahon sa malaking puno ay naalala niya ang panggugulo ng elemento sa kanya. Ang una nilang pagkikita. Ang pagbisita niya roon nang madalas. Ang mga dahon na nag papaalala sa kanya sa mga pagkakataon na masaya siyang nakasama ang elemento sa pamamasyal sa kanyang mundo. Ngunit sa kanyang pagtingala sa puno na madalas pagkitaan ni Isagani ay wala siya roon ay lalo lamang siyang nakaramdam ng lungkot. Binitawan ni Eeya ang walis upang magpahinga muna sandali. Umupo ito sa kahoy na hagdan kung saan minsan na ring nagpakita si Isagani sa kanya. “Nasaan kaya siya? Nagamot na kaya ang mga sugat niya?” Tuluyang humiga si Eeya sa eksaktong lugar kung saan nahiga na noon ang elemento. “Kung mananatili siya sa mundo niya, wala ng masasaktan pa.” Ngunit nang kanyang muling makita ang nakangiting mukha ni Isagani sa kanyang isip ay lalo lamang niya naramdaman ang pangungulila rito. “Marami namang mapaglilibangan sa mundo niya. Hindi naman siguro siya mababagot doon.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD