Kabanata 14

1907 Words
Nagsalok ng tubig si Eeya upang linisin ang silid na titirahan ni Isagani pansamantala. Hindi niya aatim ang mga naiisip na maaring mangyari kung magsasama ang dalawa sa iisang kwarto lalo pa’t alam niyang may pagka pilyo ang kasama. Pinakiusapan niyang sa labas na muna manatili si Isagani habang nililinis niya ang silid nito ngunit nang pagpasok niya sa silid ay naroroon ang elemento. Nakahiga. Nakapangalumbaba at tuon ang tingin sa kanya na tila ba hinihintay siya nito. “Pumasok ka nang hindi kumakatok. Iniksian mo rin ang damit mo. Inaakit  mo ba ako?” panunuyo nito nang may nakakalokong ngiti sa mga labi. “Nakarita man ako sa templo ninyo ay may mga prinsipyo sinusunod.” Alam ni Eeya na walang magagawa ang galit niya, na kahit sigawan o suwayin niya man ito ay hindi siya makikinig. Binitawan niya ang dala saka itong tumalikod para lumabas. Suko na siya sa pagsubok na pakitunguhan nang maayos ang elemento. Ngunit sa isang pitik ng daliri ay nakagawa agad si Isagani ng harang sa pintuan na hindi madaanan ni Eeya. Wala siyang nagawa kundi ang muling harapin ito. “Ano bang gusto mo?” galit nitong tanong. Itinaas ni Isagani ang kanyang dalawang kamay na para bang yayakapin ang dalaga. Taas kilay lamang siyang tinignan ng dalaga. Hindi niya maintindihan ang kilos nito hanggang sa bigla na lamang siyang inilipad ng hangin patungo sa kanyang bukas na bisig. “Ikaw `tong nagpakita ng motibo. Bakit hindi ikaw ang sumagot sa tanong mo? Ano nga ba ang gusto ko?” Kumabog man ang dibidb ni Eeya sa pagyakap sa kanya ni Isagani ay hindi pa rin nito nagawang maalis ang inis na nararamdaman niya. “Tigilan mo nga ako! Alisin mo ang harang at bitawan mo ako!” Subukan man kumalas ni Eeya ay hindi niya magawa. Tila ba sa pagyakap sa kanya ng elemento ay siya ring pagkabalot niya sa kapangyarihan nito. “Wala akong ginawa. Nagpapahinga lang ako rito. Ikaw `tong sumungab sa akin.” Bumuntong hininga si Eeya kasabay sa pag kamao ng kanyang mga kamay na siyang tangi niyang naigagalaw. HIndi nagtagal ay naitulak niya ang elemento palayo sa kanya na ikinagulat ni Isagani. “Nasira mo ang kapangyarihan ko?” Nagkunot ng kilay si Eeya sa galit. At sa kanyang pagtayo ay nagpumewang ito at humarap kay Isagani. “Napupuno na ako sa `yo. Binabawi ko na ang pagpapatira sa `yo rito. Umalis ka na!” Sa pagtalikod ni Eeya ay siya namang paghila ng elemento sa laylayan ng damit ng dalaga. “Kasalanan ko bang sabik lang ako mayakap ka? Ngayon lang tayo ulit nagkita kaya natural lang na gusto kitang makasama. Iyon lang naman ang gusto ko wala ng iba.” Taas kilay na minata ni Eeya ang elementong nagmamakaawa sa kanya. “Bahala ka! Dinadaan daan mo na naman ako sa mga ganyan mo. Wala akong oras sa mga laro mo. May pasok pa ako bukas. Ikaw na bahalang maglinis rito.” Malayang nakalabas si Eeya sa pagkakasira niya sa harang na gawa niya. May pagtataka man sapagkat wala pang nakakagawa niyon ay inisip na lamang niya na maaring epekto iyon ng pagbibigay niya ng kanyang pangalan sa dalaga. “Puro nalang pag aaral ang nasa isip niya. Mas mahalaga pa iyon kaysa sa akin. Kailangan ko makagawa ng paraan para sa akin niya ituon ang atensyon niya.”     Kasabay ni Mona sa paglalakad si Joaquin na kanyang hinintay sa paglabas mula sa klase nito para kumain. Kailangan niyang makuha muli ang atensyon nito para makalamang kay Eeya. Dinala niya ang binata sa likod ng gusali upang doon makausap nang sila lamang dalawa. “Pwede ba tayong kumain nang magkasama?” lakas loob na sabi ni Mona na hindi na nagpaliguy ligoy pa sa intensyon niya. “Pasensya kana, Mona. Mas mabuti kung iba naman ang yayain mo.” “B-Bakit?” malungkot na wika ng dalaga. “May nagugustuhan na akong iba. Sa katunayan nga ay yayayain ko siyang kumain ngayon. Gusto kong makasama siya hangga’t maaari.” “A-Ano?! Sino?” Ngumiti ang binata. “Si Eeya.”   Pagpasok ni Eeya sa kapetirya ay nakita niyang mayroong pinagkakaguluhan ang mga kamag aral niya. “Sino `yan? HIndi naman siya mukhang estudyante rito.” “Ang gwapo niya! Sino bang mas gwapo sa kanila ni Joaquin? Hindi ako makapili!” Sa kumpol ng mga tao roon ay nakita ni Eeya sina Rea at Amalia na bahagya niyang nilapaitan upang pakinggan ang kanilang pinag uusapan. “ `Yan `yong lalaki na nakahanap sa gamit ni Eeya noon. Siya `yong kinukwento ko sa `yo.” Nang marinig iyon ni Eeya ay nagpasya na itong lumapit sa kumpulang tao upang masiguro na  tama nga ang kanyang narinig. Isa lang naman ang naiisip niya kung sino iyon. Walang iba kundi si Isagani. Awang ang bibig ni Eeya nang makita niya si Isagani na nakasandal sa pader na tila ba hinihintay siya. Ngumiti lamang si Isagani nang makita niya si Eeya. Walang anu ano ay hinila ng dalaga ang kamay ng elemento saka tinakbo palayo sa lugar patungo sa kung saan walang makakakita sa kanila. Dinala ng dalaga ang elemento sa likod ng lumang gusali ng kanilang paaralan kung saan wala gaanong estudyante ang naglalagi. “Anong ginagawa mo rito?! At talagang nagpakita ka pa sa iba! Alam mo namang delikado kung makikita ka ni…” Natigilan si Eeya sa pagsasalita nang ilingon ni Isagani ang tingin sa ibang direksyon mula sa pagkakatingin sa kanya. Kapansin pansin ang paglukot ng mukha ni Isagani sa nais ipunto ng dalaga. “Hindi ako takot kahit pa makita ko siya ngayon. Hindi lang ako naging maingat noong una.” Taas kilay niyang tinignan ang dalaga. “Saka may responsibilidad akong protektahan ka! Kailangan kitang maprotektahan sa mapanlinlang na lalaking iyon lalo pa’t madali lang mauto.” Napumewang ang dalaga na nauubos na ang pasensya. “Huwag kang gumawa ng gulo rito! At saka sinong sinasabi mong madaling mauto?!” Napaurong si Eeya sa muling pag isip sa sinabi ni Isagani. “Mapanlinlang na lalaki? Si Joaquin ba ang tinutukoy mo?” “Sino pa ba?” “Eeya.” Kapwa napalingon ang dalaga nang tinawag ang pangalan ng dalaga. Nang makita ni Eeya na si Joaquin iyon ay agad niya itong pinuntahan. Agad na nagtama ang tingin ng dalawang lalaki na pinamagitnaan na lamang ni Eeya. “Joaquin, anong ginagawa mo rito?” aniya na pinipigilan si Isagani na nasa likuran niya. “Yayayain sana kitang kumain.” Nakikita man ni Joaquin ang elementong kanyang dapat basbasan ay hindi siya ang pakay niya. Nais niyang mas makapalapit pa kay Eeya at linawin ang kanyang intensyon. Mariin niyang tinignan si Isagani upang balaan ito na huwag mag umpisa ng gulo. “Alam kong mabalo itong ipapakiusap ko pero…” Itinukop ni Eeya ang dalawang palad. “Maaari bang magkasundo kayo kahit ngayon lang?”   “Anong nangyayari?” “Sandali! Huwag kang magulo! Hindi ko makita!” Mula sa kabilang dulo ng lumang gusali ay nakasilip ang dalawang babaeng estudyante na nakiki tsimis sa dalawang gwapo sa kanilang paaralan nang dumating sina Rea at Amalia dahil sa pagsunod kay Eeya. “Maganda ang palabas na `to!” wika ng babae. “Anong meron?” ani Rea na nagmamaang maanggan sa nalalaman. “Hinala ko. Itong si Eeya pareho nakikipagkita sa dalawang lalaki at ngayon ay nalaman na nila ang ginagawa niyang kagagahan.” “Pero bilib ako sa kanya. Kahit halatang galit `yong isang lalaki ay nakangiti pa rin si Joaquin.” Nakalukipkip si Rea na tinaasan lang ng kilay ang narinig. “Ano ba kayo! Sigurado namang ginayuma niya lang ang dalawang `yan. Nakakalimutan n`yo na ba na may kakayahan si Eeya dahil tagapangala siya ng templo.” Tumango tango ang dalawang babae. “Ah.. Gano`n pala. Sigurado ngang ganyan ang nangyari.”   Bahagyang lumapit si Joaquin kay Eeya saka ito ngumiti. “Wala akong balak makipag away ngayon. Ikaw ang pakay ko, Eeya. Malapit na ang pagsusulit. Mag aral tayo mamaya pagkatapos ng klase mo.” Walang tiwala si Isagani sa babaylan kahit pa sa maamo nitong itsura kaya naman upang makuha ang atensyon ng dalaga ay sinuntok niya ang pader na agad nagkalamat. “Huwag kang pumayag! Tigilan mo nga ang pagpapaloko sa lalaking `to! Wala siyang magandang intensyon!” “Ikaw ang tumigil!” Hindi napigilan ni Eeya na kweluhan ang elemento. “Mali ang pagkakakilala mo ay Joaquin! Siya ang tumutulong sa akin sa pag aaral ko! Bakit kung sa `yo ba ako papatulong, alam mo ang sagot? Hindi naman `di ba?!” Marahas na itinulak ni Eeya ang elemento saka ito tumalikod at naglakad palayo. “Hayaan mo muna siyang kumalma. Sigurado naman ako na hindi niya intensyong sabihin na tanga ka.” Nagtimpi lamang ng galit si Isagani dahil inaalala niyang lalo lamang magagalit si Eeya sa kanya kung mag uumpisa siya ng away.   Hindi niya iniwan ang dalawa sa kanilang pagkain. Kahit pa sa pagpapatuloy ng kanilang mga klase ay hindi niya iniwan si Eeya. Nagtago na lamang ito sa kanyang kapangyarihan para hindi siya makita ng ibang mag aaral. Hindi pa rin nawawala ang inis ni Eeya sapagkat nararamdaman niya ang prisensya ng elemento na nasa tabi  lamang niya. Nais mang manatili ni Isagani sa tabi ni Eeya ay nakaramdam siya ng kakaibang prisensya na nagmumula sa templo. Nilipad niya ang daan palabas ng paaralan upang puntahan ang prisensyang naramdaman niya ngunit nakita niya si Joaquin na naghihintay na kay Eeya. Hindi niya maatim na iwan ang dalaga sa babaylan na hindi niya pinagkakatiwalaan. Bumaba si Isagani sa tabi ni Joaquin. Wala mang mga salita ay naintindihan ng dalawa ang estado ng kani kanilang intensyon para sa dalawa. Kapwa walang balak magpatalo. Sa pag uwi ng tatlo sa templo ay tahimik na nag aral ang dalawa habang si Isagani ay walang ginawa kundi ang titigan si Eeya. “Hindi ka ba talaga titigil? Hindi ako makapag aral nang maayos!” “Hindi talaga ako titigil hanggat hindi ipinapakita ng lalaking iyan ang tunay niyang intensyon.” Napatayo si Joaquin na nagtitimpi lamang ng galit. “Hanggang ngayon ba ay hindi pa rin malinaw sa `yo ang--” Natigilan si Joaquin sa pagsasalita nang bigla na lamang tumayo si Isagani at nagpakawala ng kanyang kapangyarihan. Walang anu ano ay hinilia niya si Eeya. “Lumabas na tayo!” Nang maihila niya ang dalaga ay siya namang pagguho ng templo. “Joaquin!” Hindi man malinaw kay Joaquin ang nangyayari ay alam niyang hindi ang malakas na elemento ang may gawa ng pagkaguho ng templo. Mayroon siyang ibang prisensyang nararamdaman sa paligid. “Ginoo!” Laking gulat na lamang ni Joaquin nang dumating si Lyxa na sinagip siya mula sa gumuguhong templo.  Agad na nilipad ni Lyxa ang kinaroroonan ng kanyang amo saka siya niyakap at muling inilipad palayo roon. “Ayos ka lang ba?” Mangiyak ngiyak na lamang si Eeya nang pagmasdan niya ang templo na tuluyan ng nilamon ng lupa. Ngunit bago pa man siya makapag tanong kay Isagani sa nangyayari ay siyang paglitaw ng tatlong elemento na siyang dahilan ng pagguho ng kanyang tirahan. “Isang katutuwang tanawin!” Agad na napatingin ang lahat sa tatlong elementong lumapit sa kanila. “Ang tagapangala ng templo, isang babaylan, isang elementong kusang nagpaalila sa mortal, at ang pinuno ng mundo ng mga elemento sa iisang lugar. Kapag sinuswerte ka nga naman.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD