Kabanata 6

1944 Words
Bumuntong hininga si Eeya pagkalabas niya sa opisina ng kanyang guro. Hindi man niya gustong magsinungaling ay kinailangan niya itong gawin upang hindi siya maparusahan dahil kay Isagani. “Siguradong narito siya,” aniya sa isip. “Lumabas ka na.” Mula sa likod ng puno ng mangga ay lumitaw si Isagani. “Nakakamangaha! Naramdaman mo ang prisensya ko kahit pa gumagamit ako ng kapangyarihan?” Tumingin ang malamlam na mga mata ni Eeya sa elemento. “Hinula ko lang. Sabi mo naman sinusundan mo ako rito `di ba?” Tumayo nang maayos si Eeya saka nagpumewang. “Nga pala, paanong na sa `yo ang takdang aralin ko gayong sigurado akong nilagay ko iyon sa mga gamit ko?” “Iyon ba? Nakita ko sa may tubigan sa tapat ng klase mo. May babaeng maiksi ang buhok na nagtapon niyon doon.” “Maiksi ang buhok?” Tumango si Isagani. “Nakita ko siya kanina sa silid aralan mo.” Hindi makapaniwala si Eeya sa narinig. Isa lamang ang babaeng may maiksing buhok sa kanilang klase ay si Rea iyon. “Si Rea? B-bakit niya gagawin iyon? Hindi naman kami nag away.” “Wala ka namang kaibigan kaya naisip ko na hindi ka lang marahil gusto ng mga kamag aral mo.” Narinig man ni Eeya ang sinabi ni Isagani ay hindi niya ito gaanong naintindihan sapagkat iniisip pa rin niya ang maaaring dahilan ni Rea upang magawa iyon. Kaibigan ang turing niya rito kaya naman hindi siya makapaniwala na magagawa iyon ni Rea sa kanya. “Teka nga! Baka akala mo nakakalimutan ko na!” Naalala ni Eeya ang mga sinabi ni Isagani sa kanyang guro. “Anong pinagsasabi mong hindi ko nagawa ang dapat kong gawin sa `yo?! Alam mo bang muntik na akong mapahamak dahil doon? Wala akong naaalalang may sinabi  akong gano`n sa `yo!” Sumigkit ang mga mata ni Isagani sa kanyang pag ngit. “Gano`n ba? Nagkamali lang siguro ako.” Ngunit sa loob loob ng elemento ay sinadya niyang sabihin iyon dahil alam niyang nakakatawa iyon. Nakarinig ng kaluskos si Eeya mula sa kanyang likuran. Mga yapak na palapit sa kanya. “J-Joaquin!” Batid man niyang siya lamang ang nakakakita kay Isagani ay nataranta pa rin ito dahil naisip niyang baka nakita siya ni Joaquin na kausap ang sarili. Natigilan si Joaquin sa kanyang paglalakad nang makita si Eeya sapagkat nakaramdam ito ng prisensya ng elemento. “Narito ka rin, Joaquin.” HIndi man buo ang paniniwala ni Joaquin na isa ngang elemento ang kanyang naramdaman sa paligid ni Eeya ay hindi niya iyon maaring maipahalata dalaga. Ngumiti ito. “Pabalik ka na ba sa klase mo?” “Oo. Nagpahangin lang ako rito sandali.” “Gusto mo bang sabay na tayo? Napapansin ko palagi tayong nagkikita nitong mga nakaraan araw,” ani Joaquin habang tinitignan si Eeya na palapit na sa kanya. “Oo nga. Maliit lang naman `tong paaralan natin pero sa dinami rami ng mga estudyante rito, laging tayo ang nagkikita,” nahihiyang tugon ni Eeya habang sinasabayan na ang binata sa kanyang paglalakad. “Tamang tama nga eh, gusto rin kasi kitang makilala pa nang lubusan.” Animo’y binuhusan ng malamig na tubig si Eeya sa kanyang narinig. Ibubuka niya sana ang bibig ngunit dala ng pagkagulat at pamumula ng mga pisngi ay hindi niya nasabi ang nais niyang sabihin. “Tagapangalaga ka ng templo hindi ba? Interesado ako sa mga ginagawa mo.” Bahagyang tumawa si Eeya bilang depensa. Ngunit naisip din niyang magandang pagkakataon na iyon upang makapagpaliwanag siya at maalis sa isip ng binata ang unang pagkikita nila na kung saan tiyak siyang nawirdohan ito. “W-Wala naman ganoon ka espesyal sa mga ginagawa ko. Liban sa pananatiling malinis ang templo ay wala naman akong masyadong ginagawa pa.” “Gano`n man ay natutuwa akong nakilala kita. Sana ay hayaan mo akong makilala ka pa.” Sa malambing na ngiting ipinakita ng binata ay tila ba tumigil ang oras. Hindi maintindihan ni Eeya ang kaba sa kanyang dibdib na ngayon lamang niya naramdaman. “Oh siya, dito na ang klase ko. Magkita tayo ulit bukas.” Kasabay ng pagtango ay ngumiti si Eeya. Malaki ang pasasalamat niya at lumipat si Joaquin sa kaniyang paaralan dahil nakakilala siya ng isang mabait na taong tulad niya. Hindi niya maitatanggi na nais rin niyang makilala pa nang lubusan ang binata. Hindi alam ni Eeya ay pinagmamasdan sila ni Isagani mula sa malayo. Unang tingin pa lamang ay alam niyang ang lalaking kamag aral a iyon ni Eeya ay isang babaylan. Matagal na nang huli siyang makakita ng babaylan. Batid niya ang panganib kung mananatili siya sa bayang iyon habang naroon din ang babaylan. “Ano ang pakay ng lalaking ito? Paano niya nalaman na narito ako?”   Tulad ng nakagawian ni Eeya matapos ang kanyang klase ay naglinis na ito sa templo matapos niyang makapagbihis. Lagi niyang inuuna ang loob ng templo kung saan naroroon ang mga estatwa na sumisimbolo sa apat na elemento na kanilang pinaniniwalaang nagbibigay ng kaginhawaan sa kanilang bayan. Nilinis na rin niya ang mga abo mula sa mga insenso na inihandog doon ng mga dumadayo upang magdasal. Huling nilinis ni Eeya ang labas ng templo kung saan araw araw ay naglalagas ang mga puno. Hindi na iyon kataka kata sapagkat panahon na ng taglagas ay kailangan niya iyong gawin araw araw. “Wala ang elemento. Nakakapagtaka,” bulong niya sa sarili. Sa biglang paglitaw ni Isagani ay nakahiga ito sa sahig na kahoy sa labas ng templo na may hawak pang alak. “Saglit lang akong nawala, hinahanap mo naman ako agad.” “Hindi kita hinahanap! Mabuti ngang wala ka. Madali ka pa naman maramdaman. Paano na lang kung naramdaman ni Joaquin ang prisensya mo? Baka isipin pa ng tao na may koneksyon ako sa `yo.” Bahagyang bumagsak ang mga talukip ng mata ni Isagani. “Gusto mo ba ang lalaking `yon?” Nagpangalumbaba pa ito upang tignan nang mabuti ang dalaga. Binitawan ni Eeya ang walis na kanyang hawak at umupo sa hagdang malapit sa elemento. “Oo. Bakit? May reklamo ka?” Hindi napigilan ni Isagani ang mapalamig ang kanyang hawak na mangkok ng alak, na sa sobrang lagi ay nagyelo pa ito. “Ano bang meron sa kanya?” Kuminang ang mga mata ni Eeya sa saya na bigla na lamang niyang naramdaman sa pag iisip lamang kay Joaquin. “Gwapo siya. Matalino. At higit sa lahat mabait siya.” Mabilis na tumayo si Isagani mula sa pagkakahiga sa sahig na kahoy para lapitan ang dalaga. “Napaka simple ng mga hinahanap mo! Tignan mo ako.” Bahagyang napaurong ang ulo ni Eeya sa paglapit ni Isagani sa mukha niya. “B-Bakit?” “Hindi ba ako gwapo, matalino, at mabait?” “Ahh… Um… Gwapo ka naman. Pero pagdating sa matalino, wala akong ideya at sa mabait naman huwag na nating pag usapan iyan,” seryosong wika ni Eeya. Inayos ni Isagani ang kanyang upo at naghalukipkip. “Hindi ako papayag sa ganya.” Tumayo ito saka ginamit ang kanyang kapangyarihan upang palitan ang kanilang mga suot na dami. Agad niyang hinila ang kamay ni Eeya bago pa ito makapagreklamo. “A-Anong ginagawa mo?” Hinila ni Isagani ang bewang ng dalaga saka lumipad. “S-Saan mo ako dadalhin?” “Alam kong hindi ito ang oras para gawin ito pero patutunayan ko sa `yo na nasa akin din ang katangian na hinahanap mo.”   Samantala, pinagmamasdan ni Joaquin ang bilog na buwan mula sa kanyang silid nang bumukas ang pinto. “Ginoo, naghanda ako ng maiinom.” Sa tuluyang pagpasok ni Lyxa sa loob ng silid ni Joaquin ay napansin nito na malalim ang kanyang iniisip. “May problema ba, Ginoo?” Sandaling bumaling ng tingin sa kanya ang binata at muling bumalik sa pagtanaw sa buwan. “Posibleng nahanap ko na ang elemento.” “Mabuting balita iyan, Ginoo.” “Ngunit hindi pa ako sigurado. Nakaramdam ako ng kakaibang prisensyang nakapalibot sa tagapangalaga ng templo. At sigurado akong hindi iyon halusinasyon lamang.” “Kung gano`n ay ano ang plano mo, Ginoo?” Isinara ni Joaquin ang bintana saka kinuha ang inumin na dala ni Lyxa. “Kailangan kong mapalapit kay Eeya. Malakas ang pakiramdam ko na kung malapit ako sa kanya ay malapit na rin ako sa elementong hinahanap ko.”   “Teka lang! Nasaan ba tayo?” Tinatanaw ni Eeya ang malaking siyudad mula sa kanilang nililiparan. Bagama’t takot sa matataas na lugar ay panandalian niyang nakalimutan iyon sa pagkamagha sa kanyang nakikita. “Isa ito sa pinaka sikat na siyudad na malapit sa bayan n`yo. Napaganda hindi ba?” Marahang bumaba si Isagani kasama si Eeya sa tapat ng isang malaking gusali. Natutuwa man sa kanyang nakikita ay hindi naiwasan ng dalaga ang mangamba. “Bakit ba tayo narito?” Nang tignan niyang muli ang kasama ay naglalakad na ito palayo. “Sandali! Hintayin mo ako!” Hindi nagtagal ay tumigil si Isagani sa tapat ng isang sinehan. “Ano bang gusto mong panuorin?” May pagtataka man ay tinignan ni Eeya ang mga palabas. May palabas na tungkol sa pag ibig, mayroon ding palabas na dramatiko ngunit ang pinili ni Eeya ang palabas na patungkol sa mga misteryosong nilalang. Bagama’t may iilang tao sa loob ay malalaki pa rin ang puwang sa mga upuan sa loob ng sinehan. Sa kanilang panunuood ay napansin ni Eeya na tila ba hindi ito naniniwala sa mga paksa sa palabas. “Imposible. Hindi ganyan ang itsura ng mga taong-kabayo. Hindi sila gwapo. Hindi rin maganda ang mga nilalang sa dagat,” bulalas niya. “Bakit ba ang dami mong alam? Para namang nakakita ka na ng ganyan sa personal,” mahinang sigaw ni Eeya. “Hindi naman imposible iyon sa edad kong isang daan. Sa tagal ko nang nagpamamasyal sa mundo talaga nakakita na ako ng katulad nila maging mga nilalang na hindi n`yo na alam.” “Ganyan ka na pala katanda.” Batid man ni Eeya na magkaiba ang edad ng mga mortal sa katulad ni Isagani na isang elemento ay hindi niya naisip na isang daang taong gulang na ito dahil kung itsura lang ang pagbabasehan ay mukhang magka edad lamang sila. Sa pagtatapos ng pelikula ay hindi pa natapos ang gabi ng pamamasyal ng dalawa. Nakakita ng magandang laruan si Eeya na pumukaw sa kanyang atensyon. Agad iyong napansin ni Isagani. Namulsa ito saka kumuha ng maraming pera ngunit pinigilan siya ng dalaga. “Huwag mo ngang ilabas ang ganyang kadaming pera rito! Baka mapahamak pa tayo dahil d`yan!” “Gusto mo `yon hindi ba?” aniya na itinuturo ang laruan sa estante. “Bibilhin ko.” Muling inilabas ni Isagani ang mga pera ngunit si Eeya na lamang ang kumuha ng sapat na pera para doon. “Itago mo na ang mga `yan! Sapat na ito,” aniya na ibinigay ang sapat na perang kanyang kinuha mula sa bulsa ng elemento. Masayang niyakap ni Eeya ang malambot na laruan nang ibigay iyon ni Isagani sa kanya. Bata pa lamang ay nais na niyang magkaroon ng ganoon ngunit dahil wala namang sobrang pera ang kanyang lola ay hindi na ito nagpabili pa. Tuwang tuwa si Eeya habang yakap niya ang malambot na laruan na halos kasing laki na niya habang sila ay naglalakad. “Malalim na rin ang gabi. Mabuti pa ay inuwi mo na ako. Hindi na ako pwedeng mahuli sa klase ko bukas,”  aniya nang sandaling ibaba ang laruang kanyang hawak. “Hindi man ako pumayag sa lahat ng `to pero masaya ako. Salamat ah.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD