Napaunat ang katawan si Jose ng makaramdam ng pangangalay sa pagbababa ng ilang bundle ng gulay mula sa truck. Halos tapos na rin sila ng mga oras ng iyon ng mapatingin siya sa isang bench.
Nakaupo doon ang babaeng nagpakilalang Neri sa kanya. Maganda ito at simple lang naman kung manamit. Iyon nga lang ay napakadaming sinasabi.
Mabilis siyang mairita, pag napakadaldal ng nasa tabi niya lalo na kung kinukwento siya. Maliban kina Igo at Cy na sanay na sanay siya sa kwentuhan ng dalawa.
Ipinagkibit balikat na lang niya ng mapansing kausap ng dalaga ang kasamahang si Jester.
"Uuwi ka na pre?" Tanong ng isa niyang kasamahan na tinanguan niya. Nag-okay sign naman ito bilang sagot.
Nilapitan muna ni Jose ang poste kung saan niya isinabit ang damit na hinubad kanina. Nakalimutan kasi niyang magdala ng extra na damit kaya naman naghubad muna siya ang suot.
Pagkatapos noon ay hindi na niya napagtuuan ng pansin si Neri, at nagpasyang umuwi na lang.
Simpleng buhay lang naman ang nais ni Jose. Ang tahimik na buhay, kasama ang mga kaibigan. Lalo na at si Igo at Cy lang naman ang pamilyang mayroon siya.
Hindi kilala ni Jose ang mga magulang. Higit sa lahat hindi madali ang kanyang pinagdaanan sa buhay. Kung mahina lang ang kanyang loob, baka nga mas pinili na lang niyang kitilin ang sariling buhay. Pero kinaya niya ang lahat, mula ng makilala niya ang dalawang kaibigan.
Pagkarating ng bahay ay itetext sana niya si Igo ng makapang wala sa bulsa niya ang cellphone niya. Napatingin pa siya sa kalangitan na nagbabadya ng malakas na pag-ulan.
"Kung hindi lang mahalaga, hindi ko babalikan," aniya at hinagip ang isang towel na siyang magiging panangga niya sa ulan at ang nag-iisa niyang payong.
Pagkalabas niya ng bahay ay nagsisimula na ngang bumuhos ang ulan. Pero hindi pa ganoong kalakas. Kaya mabilis ang kanyang ginawang pagmamaneho.
Malakas na nga ang ulan ng makarating siyang muli sa palengke. Nagpasalamat na lang siya at hindi nabasa ang cellphone niya.
Lalampas na sana siyang muli sa malaking puno sa tabing daan ng matanaw niyang nakaupo sa ilalim noon ang pamilyar na babae. Alam niyang madalang ang sasakyan sa parteng iyon. Bukod sa madilim ang kalangitan ay ilang oras na lang at maggagabi na rin kaya nilapitan niya ito.
Natuod naman si Jose sa pagkakatayo ng maramdaman niya ang malamig na kamay ni Neri na pumulupot sa katawan niya. Nararamdaman na rin niya ang panginginig nito dahil sa lamig.
Hindi siya maawain sa iba, lalo na kung hindi humihingi ng tulong. Ang ipinagtataka lang niya ay ang kusang pagkilos ng katawan niya para ihatid ang dalaga, sa bungad ng subdivision kung saan ito nakatira.
Basang-basa na rin si Jose ng ulan ng makabalik muli ng bahay. Ipinagpasalamat na lang niya na maayos ang toolbox niya dahil hindi nabasa ang cellphone niyang inilagay doon ng pauwi na siyang muli.
To: Igo
Maaga akong umuwi, dahil hindi na daw makakarating ang truck ninyo galing plantasyon. Lumakas daw ang ulan doon kanina pa. Si Bernie ang nagsabi. Hindi ka na daw inabala kaya ako na ang nagsabi sayo.
Padalang mensahe ni Jose kay Igo, ng makapasok siya ng bahay. Mabilis namang nireplayan ni Igo iyon.
From: Igo:
Thank you Jose. Your the best dude.
Napailing na lang siya sa sagot nito.
To: Igo
G*go!
Nailing na lang din si Jose ng sagutin siya ni Igo ng emoji na umiiyak at tumatawa.
Wala naman siyang ibang mahihiling sa buhay, kundi ang maging masaya ang dalawang kaibigan na nagturing sa kanya na kapamilya.
Napatingin siya bigla sa bubungan ng bahay niya. Nakaupo siya ngayon sa sofa at hindi alintana na basang-basa ang lahat ng suot niya.
Iniisip niyang, masaya na ang dalawang kaibigan sa piling ng asawa ng mga ito. "Pero ako? Tss," aniya sa sarili ng bigla na lang niyang maalala ang magandang mukha ni Neri.
"Mukhang napakabata pa nun. Isa pa hindi bagay na mahulog ang mamahaling kristal sa putik," wika pa niya saka bumuntong hininga.
Ilang minuto na siyang nakaupo sa sofa ng maramdaman niya ang pagtulo ng tubig sa sahig.
"Sh*t!" mura niya sa sarili. Noon lang niya naalala na basang-basa siya. Isang buntong hininga pa ang kanyang pinakawalan bago tinungo ang kwarto para muling kumuha ng bagong towel. Hindi na kasi niya kinuha kay Neri ang towel niya.
Pagpasok niya ng kwarto ay bigla na lang siyang nakaramdam ng pagkahilo. Hindi tuloy niya malaman kung gawa ng ulan o gutom. Pinalipas lang niya ang nararamdaman at hinayon na ang patungong banyo para maligo.
Samantala, nasa hapag kainan si Neri kasama ang mommy at daddy niya. Nagkatinginan pa ang mag-asawa sa ganang kumain ng anak.
"Parang may kakaiba sayo anak? May maganda bang nangyari? Eh parang basang sisiw ka nga ng dumating dito ng sunduin ka ng daddy mo?" ani Rozalyn sa anak. Napangiti naman ang ina, ng ngitian ito ng sobrang tamis ni Neri.
"Mommy, why I have this feelings na parang ang saya ko pagnaaalala ko ang pangalan ni Kuya Jose." Walang kemeng pag-amin niya sa ina. Napatingin naman si Nicardo kay Neri. Napailing lang din ang huli ng nginitian din naman ng anak.
"Who's Jose? Saan mo naman nakilala ang lalaking ito anak?"
Nakikinig lang naman si Nicardo sa kwentuhan ng mag-ina. Nagtatampo pa rin ito sa anak ng sabihin nitong mas gwapo si Jose kay sa, kanya.
"Anong mukha iyan Nic?"
"Iyan kasing batang yan, mas gwapo daw kasi iyong Kuya Jose niya kay sa daddy niya." May halong pagtatampo sa boses ng ama. Tinawanan lang naman ito ni Rozalyn na mukhang nagigiliw kung sino itong si Jose na sinasabi ng anak.
"Hayaan mo na. Dalaga na nga ang unica hija natin. Kung gwapo man nga iyang Jose na iyan, tiyak na madaming babae iyon anak. Hindi ka ba natatakot?" may pagkakyuryoso na tanong ni Rozalyn.
"Bakit ko naman po kailangang matakot? Mabait naman si Kuya Jose?" inosente niyang tanong.
"Anak ibig kung sabihin. . . ganito na lang. Ano ba iyong sinasabi mo na nararamdaman mo?"
"Mommy kasi, first time ko lang po itong naramdaman. Para po bang bumibilis ang t***k ng puso ko, mula ng makita ko kanina si Kuya Jose. Tapos noong nakita ko na umalis na siya nalungkot akong bigla. Pero naging masaya ulit ng makita niya ako doon sa may puno sa may daan. Kahit hindi naman niya ako binalikan at nakita lang talaga. Tapos napakagentleman pa. Hindi nga lang po nagsasalita madalas. Nanghuhula pa ako ng nais niyang sabihin," sagot ni Neri sa mommy niya.
"Paanong hindi nagsasalita?"
"Kasi mommy, isinakay ako ni Kuya Jose sa tricycle niya. Sumama naman ako. Pakiramdam ko naman mabuti siyang tao. Tapos tumigil kami sa tabi ng daan sa crossing. Hindi ko malaman kung bakit. Tapos ng ituro ko amg daan patungo dito. Ayon at hinatid nga po ako doon sa guard house. Doon po ako nakita ni daddy," paliwanag niya.
"Mukhang na love at first sight ang dalaga natin Nic. Ano bang trabaho niyang Jose na iyan anak? Nagtungo ka lang ng palengke, nagkaganyan ka na."
"Kargador po yata. Nagbababa po siya ng mga gulay sa mga truck eh."
Nagkatinginan naman ang mag-asawa. Napangiti bigla si Nicardo na wari mo ay may naalala.
"Nagpapahiwatig ba ng pagkagusto iyang Jose na iyan sayo anak?" may bahid pa ng panunukso sa tono ng ama.
"Daddy hindi nga nagsasalita. Jose nga lang po ang alam kong pangalan sa kanya. Nagtanong na ako ng nagtanong, tango, iling lang ang sagot. Pero pwede po ba ulit akong bumalik sa palengke?"
Halos magningning ang mga mata ni Neri, na tila nakikiusap sa ama.
"Hindi na pwede anak. Nagawa mo na naman ang dapat mong gawin doon." tangi pa ng ama.
"Alam mo daddy, napakagwapo mo at napakabait mo pa kaya mahal na mahal ka ni mommy, at mahal na mahal din kita. Kayo po ni mommy ang number one love ko. Isa pa po kaya ikaw ang ibinoto ng taong bayan. Iyong kalaban mong mayor, kaya naman nagpaubaya kasi ayon sa narinig ko, malaki po ang tiwala sa inyo. Kaya nakakaproud ka talaga daddy," ani Neri at niyakap pa ang ama.
Napatingin naman si Nicardo sa asawa. Nagkibit balikat lang ito at ipinagpatuloy ang pagkain. Medyo lumayo naman si Neri sa ama at bumalik na sa pwesto nito.
"Payag ka na daddy. Biro lang po talaga na mas gwapo si Kuya Jose kay sa sayo. Ang totoo napakagwapo mo po."
"Napakakulit mo talaga anak. Pero ano naman ang gagawin mo sa palengke."
"Daddy magdadala po ako ng pagkain sa mga kargador."
"Sa kargador o kay Jose?"
"Daddy naman eh," reklamo niya.
"Basta anak, mag-enjoy ka lang sa buhay mo. Hindi masama ang magkacrush, ang mainlove. Kung may kapalit o wala, wag kang magtatanim ng sama ng loob. Ang mahalaga maipakita mo ang best mo, sa taong minamahal mo o mamahalin mo ng walang hinihinging kapalit. Kung mahalin kang pabalik ng taong mahal mo. Ingatan mo iyon ng buong puso. Hmm," payo ni Nicardo sa anak.
"Opo daddy palagi ko pong tatandaan ang sinasabi po ninyo sa akin ni mommy," sagot niya sa daddy niya. Napangiti naman si Nicardo at Rozalyn.
Lumaking mabuting anak si Neri. Kaya naman kung may nais ito at kaya naman nilang ibigay, pagbibigyan nila. Lalo na kung iyon naman ay hindi makakasama sa dalaga.
Pinagmasdan lang muli ni Nicardo ang anak. Napakabilis ng panahon. Dalaga na talaga si Neri. Darating ang panahon na magmamahal ang kanilang anak ng makakasama nito sa habang buhay. Wala naman sa kanila kung ano ang katayuan sa buhay ng maswerteng lalaki na mamahalin ng anak nila. Ang mahalaga mahal nito ang unica hija nila ng tunay, totoo at buong puso.