"Ay daddy ko!" Gulat na sambit ni Neri ng biglang tumunog ang cellphone niya. Malakas iyon gawa ng usapan nila ng ama. Pagtumawag ito ay sasagutin niya kaagad kaya lalakasan niya ang volume noon.
"Sandali lang po manang ha, sagutin ko lang po ang tawag ni mayor," nanlaki bigla ang mata ni Neri ng mapagtanto ang sinabi. Sanay kasi siya na pagnasa labas siya ng bahay ay mayor ang tawag niya sa ama. "Hehe sagutin ko lang po ang tawag ni daddy. Palaging akala po yata ay nawawala ako," aniya na tinanguan ng tindera.
"Daddy naman. Pabigla-bigla ka ng tawag. Nag-iinterview pa ako eh," reklamo niya sa ama na ikinatawa nito.
"Anak, pauwi na sina konsehal sila na daw ang bahala dyan," naalarma naman si Neri sa sinabing iyon ng ama.
Tanghali pa lang ng mga oras na iyon. Napakadami pa niyang makakasalamuha. Kaya masayang-masaya siya sa ginagawa. Hindi siya makakapayag na pauuwin na lang siya basta ng daddy niya.
"No, daddy! Hindi ako papayag. Ako ng bahala dito," pigil niya sa ama. "Madali lang naman po, ito eh. Kaya ko na daddy," pakiusap pa niya.
Napabuntong hininga naman si Nicardo sa nais ng anak. "Pero Neri. Wala kang bantay."
"Sus daddy, I'm strong and independent woman na kaya. Wala ngang nakakilala sa akin noong kumain ako sa may karinderya dito sa may palengke."
"Kumain? Akala ko ba, nagpaluto ka ng breakfast sa mommy mo para hindi ka na kumain kung saan-saan?"
"Mahabang kwento daddy babye na. Mamaya na po ulit," aniya at mabilis na ibinaba ang tawag.
Muli niyang binalikan ang tindera na kausap niya. Sinasabi nito na kung maaari ay magtalaga ng isang tao para siyang magmintina ng kalinisan ng pampublikong palikuran. Mayroon namang tubig, pero dahil walang bantay. Naaaksaya lang minsan at hindi pa iyon nagagamit ng tama.
Isinulat naman iyon ni Neri sa notebook niya. May nakausap pa siya na itinuro ang butas na bubungan ng malawak na pamilihan. Maayos ang ibang parte, pero sa pwesto ng bagsakan ng gulay ay may malaking sira na iyon. Ayos sa sinabi ng isang magtitinda ng gulay.
Madami pa siyang natanong, nakakwentuhan hanggang sa umabot na ng hapon ay hindi pa siya nakakarating sa sinasabi ng mga tindera doon na sirang bubungan. Kaya iyon na ang isinunod niyang puntahan.
Nilakad ni Neri ang parte kung saan binabagsak ang mga gulay na ibinababa sa mga truck. Namangha pa siya sa parteng iyon. Malawak nga ngunit may malaking sira na nga ang bubungan. Pwede ding makabasa o makasira ng paninda paglumakas ang ulan.
"Kuya!" Tawag ni Neri sa isang kargador na dumaan sa harapan niya. May dala itong isang bundle ng talong. "Balik ka po sa akin mamaya. Magtatanong lang po ako about sa concern po ninyo dito sa palengke. Kung may pangangailangan po kayo o ano pa man," aniya at tumango lang ang lalaki.
Naupo muna siya sa may bench habang hinihintay ang lalaking nakausap niya. Nililibot pa ng kanyang paningin ang paligid ng mahagip ng kanyang paningin ang lalaking naka topless habang may nakalagay na bundle ng talong sa balikat.
Halos, mapalunok pa si Neri ng laway sa ganda ng katawan na nakikita niya. Bata pa siya, para sa mga magulang niya. Lalo na at siya lang ang baby ng mga ito. Pero hindi na siya menor. Nasa tamang edad na siya, kung tutuusin. Ngunit ngayon lang talaga siya humanga sa katawan ng may katawan.
"Jose? Oh my gosh Kuya Jose, ikaw nga!" Napatakip pa siya ng bibig at hindi makapaniwala. "Why your body is stunning? I can't take my eyes off of you," aniya na parang nahihipnotismo siya sa katawan ni Jose.
"Ano iyon?" muli pa niyang tanong at hinawakan ang dibdib sa tapat ng puso.
Hindi naman napapansin ni Jose ang dalagang nakaupo sa bench hindi kalayuan sa kanya. Jose is dedicated to his work. Wala siyang ibang napapansin sa paligid. Basta ang mahalaga sa kanya magawa niya ng maayos ang trabaho na nakatoka sa kanya.
Hindi naman lumalayo ang pwesto si Jose, dahil ito lang naman ang sumasalo ng bundle ng gulay galing sa truck, tapos ay ilalagay sa isang gilid. Ang hinarang niyang kargador kanina ang nagdadala gulay o prutas kung kaninong pwesto iyon sa loob ng palengke ibabagsak.
"Matutunaw yang kaibigan ni bossing," ani ng isang tinig kaya napatingin si Neri dito. Ito ang lalaking kanina lang ay hinarang niya.
"Sshh. Napatitig lang matutunaw kaagad. Hindi nga yan nagsasalita," reklamo niya sa lalaki.
"Ganyan talaga iyang si Jose, hindi ko nga naririnig ang boses niyan," wika ng lalaki sabay tingin sa binata. "Ako nga pala si Jester. Pwede bang malaman ang pangalan mo miss? At ano nga pala ang pakay mo dito?" Tanong ni Jester ng mapatingin sila ni Neri sa pwesto kanina ni Jose.
Nakatingin ito sa kanila at nakatitig mismo kay Neri. Napalunok naman ang dalaga, saka napatungo.
"Why I feel this weird feelings? Bakit parang sa mga titig niya daig ko pang nangchi-cheat? Hala! Why I feel that in this moment? Kanina parang si daddy kung pagsabihan ako. Tapos titig pa lang parang naging cheater ako sa boyfriend ko," ani Neri na nagpangiti pa sa kanya. Lalo na ang tinatakbo ng kanyang isipan. "Oops. Wala pala ako noon." Napakamot pa siya ng ulo. "Wala pala akong boyfriend. Pero titig lang naman, baka inaaalala lang kung sino ako. Malayo na kaagad ang narating ng isipan ko."
Napabalik naman siya ng tingin sa pwesto ni Jose, ngunit wala na ito doon. Hanggang sa matanaw niya ito na naglalakad papalayo.
"Bakit umalis na?" bigla naman siyang nalungkot ng mawala ito sa paningin niya. Saka lang niya napansin na wala na palang laman ang truck at naghahanda na rin ito sa pag-alis. Nag-aalisan na rin ang ibang kargador, pero mayroong iba na pinipili na mamahinga at manatili sa pwesto nila.
"Miss." Kinalabit pa ni Jaster ang braso niya kaya siya napatingin dito. Napakunot noo pa siya sa lalaki kaya napakunot noo din ito sa kanya.
"Akala ko ba may itatanong ka? At ano ang pangalan mo?"
Saka lang niya naalala ang dahilang kung bakit siya nandoon.
"Oo nga pala. Ako nga pala si Neri. Baka kasi may nais kayong gawing pagbabago dito sa palengke, at dito sa babaan ng gulay. Baka may gusto kayong ipadagdag or alisin. It's a survey lang naman. Ganoon ba, thesis ng college."
Ganoon ang sinasabi niya, para naman hindi siya mahalata na ang daddy niya ang may need ng mga itinatanong niya sa mga nandoon. Tapos ay pag-uusapan iyon ng mga kosehal. Pag-approve sa lahat, gagawim nila ng mabilisan ang project para sa ikakaganda ng palengke.
Lumapit din ang ibang kasamahan ni Jaster at isinulat niya sa dalang kwaderno ang mga nais ng mga ito. Kasama na nga ang sirang bubong.
Matapos makausap ang mga kargador ay umalis na ang mga ito sa pwesto niya. Naiwan na lang si Jaster na nagpapahinga na rin.
Nagpalinga-linga pa siya pero hindi na talaga niya nakita pa si Jose. Nakaramdam siya ng lungkot. Kahit hindi naman dapat.
"Bakit parang malungkot ka? Ang dami na nga naming sumagot sa survey mo, malungkot ka pa rin? O dahil umalis si Jose?" Nanunuri nitong tanong sa kanya.
"Ah! Hindi ah," tanggi niya sa sinasabi ni Jaster, na ikinatawa nito.
"Wag kang mag-alala Neri, bukas makikita mo ulit iyon, kung babalik ka dito. Umuwi na eh," ani Jaster at umalis na rin sa tabi niya ng tawagin ito ng kasamahan.
Napasimangot naman si Neri sa kaalamang umalis na si Jose. "Teka nga lang. Bakit ba ako nalulungkot?" Tanong pa niya sa sarili, hanggang sa siya din ang sumagot.
"Hindi nga ako nagkaroon ng boyfriend noong nag-aaral ako at mas inuna ang pag-aaral. Pero ngayon naman. Itatanong ko na lang kay mommy at daddy kung ano itong kakaibang nararamdaman ko kay Kuya Jose," aniya at tumayo na rin sa kinauupuan.
Naglalakad lakad si Neri ng maramdaman niya ang pagpatak ng ilang butil ng tubig. Napatingin pa siya sa kalangitan ng mapansin ang biglaang padidilim noon.
"Uulan pa yata," aniya at tinanaw kung gaano siya kalayo sa may palengke. "Saan naman ako sisilong? Wala pa naman akong payong."
Ilang sandali pa nga at unti-unti na ang pagbuhos ng malakas na ulan. Kaya naman, napatakbo na lang si Neri kung saan may masisilungan. Nagkakaroon din ng kulog at kidlat dahil sa mabilis na pagbabago ng panahon.
Napatigil na lang siya sa ilalim ng mayabong na puso. Napatingin pa siya sa sobrang dilim ng kalangitan.
"Bakit ba, ngayon pa umulan? Kung kailan naman wala ako kahit isang kasama."
Napaupo na lang siya sa nakausling ugat ng puno. Nagkakaroon na rin ng mumunting baha sa harap niya. Nababasa na rin siya. Gusto man niyang tawagan ang daddy niya ay hindi niya magawa. Natatakot pa rin siya sa malakas na kulog at kidlat.
Basang-basa na ang damit niya at hindi malaman ni Neri kung papaano makakaalis sa kinalalagyan. Napatungo na lang siya dahil sa lamig, ng biglang nawala ang pagtulo ng ulan sa kanya, at may mainit na tela na dumampi sa katawan niya.
Napatunghay siya at tumambad sa kanya ang nakakunot na noo ni Jose.
"Kuya!" Sigaw ni Neri at hindi mapigilang mapayakap kay Jose. Kanina pa siyang natatakot sa malakas na kulog at kidlat, pero hindi siya makaiyak.
"Paano mo nalaman na nandito ako?" Tanong ni Neri ng ituro ni Jose ang tricycle nito na nakatigil sa may daan, malapit sa pwesto nila.
"Bumalik ka ba para sa akin?" malambing na tanong ni Neri ng itaas ni Jose ang cellphone niya.
"Akala ko naman bumalik ka dahil sa akin," may panunukso pa sa boses ni Neri na hindi naman pinansin ni Jose. Napanguso tuloy siya.
"Aalis ka na?" Hinawakan naman ni Neri ang kamay ni Jose ng humakbang ito palayo sa kanya. Hagya na ngang nawala ang takot niya ngayong may kasama siya tapos iiwanan pa siya.
Bigla namang naramdaman ni Neri ang pag-alalay ni Jose sa kanya naglakad sila palapit sa tricycle nito. Hindi man niya alam kung ano ang gagawin sa kanya ni Jose, pero wala pa rin siyang takot na sumama dito.
Pinasakay siya nito sa loob ng side car. Bago ito nagtungo sa pinakamotor, at pinaandar iyon. Nakatingin lang siya sa daan hanggang sa itigil ni Jose ang sasakyan sa magkasanggang daan.
"Ano bang gusto nitong palabasin? Kinakabahan tuloy ako na ewan," aniya sa isipan ng mapansing nakatingin pala sa kanya si Jose. Napakunot noo siya ng mapansin ang daan.
Iyong isang daan ay iyong patungong terminal ng bus, patungong subdivision or sa mga bahay na malapit sa bayan.
"Doon ang daan," itinuro niya kay Jose ang daan patungo sa pinaka main gate ng subdivision kung nasaan ang bahay nila. Sinunod ni Jose ang ituro niya hanggang sa makarating sila sa guard house.
Napailing na lang si Neri kay Jose. "Dito na lang ako kuya. Bakit ba hindi ka nagsasalita? Di sana kanina pa tayo nagkakaintindihan."
"Not in the mood," ani Jose na sumagot din naman.
"Minsan kuya, dalasan mo ang pagsasalita. Ngayon lang tayo nagkakilala pero, gusto mo bang dalasan kong makipagkita sayo? Kulang lang sayo ay makakausap eh." Sabi pa ni Neri ng alalayan siya ni Jose na makababa ng tricycle.
Hindi na ulit sumagot si Jose at inihatid lang siya hanggang sa guard house. Kilala naman siya ng mga guard na nandoon kaya naman mabilis siyang pinapasok sa loob ng hindi na lalong mabasa.
"Salamat kuya sa paghahatid kahit parang puzzle ang makipag-usap sayo. Yaan mo pipilitin kong palaging makipagkita sayo," pangungulit ni Neri at iniwan na siya ni Jose.
Napatawa na lang si Neri sa papalayong tricycle ni Jose ng makita niyang bumama sa sinasakyang kotse ang daddy niya.
"Daddy,"
"Bakit naman hindi ka tumawag, nag-alala ako sayo anak."
"Nakakatakot ang kulog at kidlat daddy. Mabuti na lang nakita ako ni Kuya Jose hinatid ako dito."
"Kuya Jose? Saan mo naman nakilala anak?"
"Hindi ko nga po alam daddy kung magkakilala kami. Hindi naman po nagsasalita si Kuya Jose. Napakatamad umimik," paliwanag niya sa daddy niya na ikinatawa nito.
"Madaldal ka lang anak."
"Daddy naman eh. Tamad ngang magsalita si Jose."
"Kanina kuya ngayon Jose na lang. Curious tuloy ako."
"Daddy ang tsismoso mo," bulong niya sa ama. "Para kang hindi mayor eh."
"Aba anak, hindi ang pagiging tsimoso ang sukatan. Tama?" Baling ng daddy niya sa dalawang guard na nandoon. Hindi man alam ang sinasabi ng daddy niya ay sumang-ayon pa rin ang mga ito. Napakamot na lang din siya ng ulo.
"Tara na nga, baka magkasalit ka pa. Saan ba galing ang towel mo na iyan?"
"Kay Kuya Jose, pero infairness daddy, ang bango ha, at gwapo si Kuya Jose."
"Gwapo? Kuya na ulit? Mas gwapo pa sa mayor ng bayan na ito?"
"Si daddy talaga. . . pero opo daddy mas gwapo sayo," pilya niyang sagot at mabilis na tinakbo ang back seat ng sasakyan.
Hindi man maipaliwanag ni Neri ang nararamdaman. Pero sa mga oras na iyon, napakasaya talaga niya. Isa sa dahilan si Jose.