bc

Poorman Series: Joselito Dimaano

book_age18+
1.0K
FOLLOW
11.7K
READ
family
HE
opposites attract
kickass heroine
bxg
lighthearted
naive
like
intro-logo
Blurb

Blurb

Joselito Dimaano, tahimik. As in tahimik. One word man kung ituring ng dalawang kaibigan. Kargador sa palengke ng San Lazaro ang trabaho niya. Kasama din niya doon ang dalawa.

Neri Dedace, madaldal na babae na parang hindi nauubusan ng salita. Sabi nga ikaw na ang mananawa.

Paano kung magtagpo ang isang tahimik at isang madaldal? Kaya kayang paingayin ni Neri ang tahimik na puso ni Jose?

chap-preview
Free preview
Prologue
"Daddy, ako na lang po ang mag-uuli sa palengke. Wala naman pong nakakakilala sa akin doon. Iisipin nila na isa lang akong miyembro ng mga taong nagvo-volunteer. Gusto ko po talagang makatulong daddy. Matapos ko pong makapagtapos ng pag-aaral ayaw naman po ninyo akong hayaan na magtrabaho. Bilang anak ng mayor ng San Lazaro. Hayaan naman po ninyong may magawa ako para sa bayan natin." Ani Neri sa daddy niya na nakaupo sa swivel chair sa pinaka opisina nito sa bahay. Madami itong trabahong naiuwi sa bahay, lalo na at ito ang personal na bumibisita sa ilang barangay, sa mga bahay-bahay. Para matugunan ang problema ng mga mamamayan ng lungsod na kayang kinasasakupan. Halos isang linggo din iyong pagpunta-punta ni Nicardo sa mga barangay kaya natambak ang trabaho niya sa opisina. Kaya ngayon ay iniuwi niya. Napatingin naman si Nicardo sa anak. Nag-iisang anak lang nila ng asawa si Neri. Kaya naman, talagang pinakaiingatan niya ang dalaga. Kahit sabihing nasa tamang edad na ito dahil twenty two na ito ay baby pa rin nila ito ng asawa. Mula kasi ng maipanganak si Neri ay nagkaroon ng komplikasyon sa reproductive organ ang mommy nito na si Rozalyn kaya pinayuhan sila ng doktor ng agarang operasyon. Kaya naman napakaswerte pa rin nilang mag-asawa na dumating si Neri sa buhay nila bago nangyari ang bagay na iyon. Dahil sa nangyaring iyon kay Rozalyn ay hindi na ulit sila mabibiyayaan ng anak muli. "Paano mo ba nalaman na pati ang palengke ay dapat puntahan?" "Narinig ko po kayo noong may meeting po kayo kasama sina konsehal at vice. Tapos nakinig po ako sa usapan po ninyo. Wala naman po akong magawa eh. Kaya po ayon. Daddy palengke lang ang pupuntahan ko hindi ako pupunta sa mga barangay. Malapit lang naman ang palengke daddy. Payag ka na daddy. Love mo naman ako di ba? Daddy." Wika ni Neri na ikinabuntong hininga ni Nicardo. "Hija, maingay at magulo sa palengke. Pero alam ko namang magkakasundo at mababait ang mga tindera doon, ganoon din ang ibang nagtatrabaho pa at." Ani Nicardo sa anak, na hindi natapos. "Talaga daddy? Mas madaming tao, mas madami po akong makakausap at makakasalamuha. Gusto ko doon daddy. Payagan mo na ako." Nagniningning pa ang mga mata ng anak ng marinig na maingay sa palengke at madami talagang tao. Napahilot naman ng noo si Nicardo. Alam niyang madaldal ang anak niya. Napakadami din nitong tanong noong bata pa ito, na minsan ay hindi na rin niya malaman kung paano sasagutin dahil sa sobrang dami naman talaga ng tanong nito. "Nagkamali yata ako ng pagkakasabi." Bulong niya sa sarili habang nakatingin pa rin ang kanyang anak na wari mo ay sobra talagang nagagalak sa narinig. "Daddy, mas gusto ko pong makisalamuha sa mga tao sa palengke. Promise po magiging friendly ako. At tunay naman pong friendly ako di ba? Kahit nga po iyong aso sa daan kinakausap ko kaya magkaibigan na po kami." Nakangiting saad pa ni Neri na mas lalong napahilot si Nicardo sa sentido. Nakita niya iyong tagpong iyon. Kasama niya ang kanyang anak sa pangungumusta sa mga taong nasalanta ng bagyo noong nakaraan. Kasama ang ilang volunteer at kawani ng munisipyo ay nagdala sila ng mga relief goods at mga personal na gamit para sa isang barangay na sobrang nasalanta ng bagyo. Ang ipinagpasalamat ni Nicardo ay walang nawalang buhay sa pagdaan ng bagyo. Noong araw na iyon ay may nakasalubong silang asong kalye, na nangangailangan ng atensyong medikal. Tumawag siya sa animal rescue ng kanilang probinsya para matulungan ang mga hayop na naninirahan sa lansangan para mailigtas at mabigyan ng maayos na tirahan at pagkain. Iyon nga lang pagbalik ng tingin niya sa anak, ay hawak-hawak na nito ang aso habang kinakausap ito. Napangiwi pa siya, lalo na akala mo ay nagkakaintindihan ang aso at ang kanyang anak. "Neri!" Tawag ni Nicardo sa anak. Napailing pa siya ng halos yakapin ng dalaga ang aso. "Anak madumi pa ang katawan ng aso, humingi na ako ng tulong sa animal rescue sila na ang bahala dyan. Pero hihintayin natin sila." Wika pa niya sa anak. "Daddy look, need niya ng kalinga at yakap ko. Sabi n'ya magkaibigan na daw kami at pag nadala siya sa animal welfare, doon ko na lang siya dadalawin. Kung hindi lang allergy si mommy sa balahibo niya iuuwi ko na siya sa bahay. Kaya lang ganoon talaga daddy. Kaya naman dadalawin ko na lang siya doon." Mahabang wika ni Neri kaya napailing na lang si Nicardo. Mula ng mailigtas nila sa daan ang aso na iyon, basta may pagkakataon si Neri ay dinadalaw nito ang mga hayop doon sa animal welfare. Napaiktad pa si Nicardo ng biglang sumigaw ang kanyang anak. Naglakbay pala ang kanyang isipan ng mga sandaling iyon ng hindi niya namamalayan. "Anong problema anak?" Nag-aalala pa niyang tanong. "Bigla ka kasing natulala daddy. Pero sige na daddy, ako na lang ang magtutungo sa palengke. Please, ako po ang makikipag-usap sa mga magtitinda at mga tao doon. Pati na sa mga mamimili. Para sa mga concern nila. Kung mayroon man ay maaksyonan na kaagad daddy." Pangungulit pa ng anak. "Paano naman kita papayagang magtungo ng palengke ng mag-isa? Pwede naman iyong gawin ng iba." "Narinig ko noong nakaraan daddy, na nagsisimula na sina vice-mayor para sa pagsesemento ng daan sa ibang barangay. Ang iba namang opisyal ay nagtutungo pa sa mga iba't ibang barangay na hindi pa ninyo napupuntahan. Walang magtutungo sa palengke. Kaya daddy, ako na sa palengke." Pangugulit pa ni Neri na hindi malaman ni Nicardo kung hahayaan ba niya ang na magtungo doon ang anak ng nag-iisa. "Anak, walang magbabantay sa iyo. Hindi kita hahayaang magtungo sa palengke lalo na at solo ka." Ani Nicardo ng bigla na namang sumigaw ang anak, at nagtatalon. Napakunot naman ng noo si Nicardo sa sigaw ng kanyang anak. Pero nagtaka din kung bakit masayang-masaya ito. Gayong hindi naman siya pumapayag. "Salamat daddy sa pagpayag. Bukas na bukas ay mag-uuli na ako sa palengke. Makikipag-usap ako ng maayos sa mga tao doon." Masayang wika ni Neri. "Anak wala akong sinabing pumapayag ako. Ang sabi ko ay paano kita hahayaang magtungo sa palengke ng mag-i." "Oh! Daddy! I love you pong talaga. Ako ng bahala bukas." Nakangiting wika pa ni Neri at hinalikan ang ama sa pisngi. Patalon-talon pa ito habang palabas ng kanyang opisina. Hindi na nagawa pang magsalita ni Nacardo ng talikuran ng masayang-masaya na anak. Napailing na lang si Nicardo sa inasal ni Neri. Wala naman na siyang magagawa kundi pagbigyan ito sa nais nito. Alam niyang dalaga na ang kanilang unica hija. Kaya siguradong kahit anong pigil niya rito ay ito pa rin ang masusunod. Hanggat para iyon sa ikabubuti nito ay hahayaan na lang niya. Wala namang masama na makisalamuha ito sa mga mamamayan ng San Lazaro. Narinig pa niya ang sigaw ng anak niya, na sa tingin ay nakasalubong ang ina nito. Ilang sandali pa at pumasok na nga sa opisinang iyon ang kanyang asawa at ipinagkibit balikat ang naganap sa labas. "Naisahan ka naman ng makulit nating dalaga ano?" Natatawang wika ni Rozalyn sa kanya. "Anong aking magagawa. Hindi pa nga ako pumapayag na siya ang magtungo sa palengke ay nagpasalamat na at tuwang-tuwa pa. Aalisin ko ba ang ngiti sa batang iyon?" Naiiling na sagot ni Nicardo sa asawa. "Ang ating prinsesa, kahit kailan talaga. Pero ano ba ang dahilan at ninais niyang siya ang magtungo sa palengke?" "Nadulas ako eh. Sabi ko maingay sa palengke." Natatawang sagot ni Nicardo na ikinatawa din ni Rozalyn. "Kaya naman pala. Kasalanan pala ni mayor kaya pala nagpilit ang unica hija niya." Natatawang saad ni Rozalyn, sa asawa. "Hindi ko naman sinasadya mahal ko. Talaga lang makulit ang ating dalaga. Pakiramdam ko ay nasa sampong taon pa lang ang ating anak. Gayong dalawampo't dalawa na." Pagbabalik tanaw pa ni Nicardo. "Ang bilis ng panahon Nic. Dati sanggol pa lang si Neri. Pero ngayon dalaga na. Paano kung isang araw ay may ipakilala ang ating anak, na lalaki na gusto niyang mapangasawa?" Tanong ni Rozalyn, ng biglang may naalala si Nicardo. Napangiti pa ang ginoo, ng maalala ang lalaking nakasalamuha noong nakaraan. Hindi naman siya tumitingin sa katayuan sa buhay ang mahalaga sa kanya ay mahalin at ituring na napakahalagang kristal ang kanya anak ay walang problema sa kanya. "Anong iniisip mo at nakangiti ka pa?" Natatawang tanong ni Rozalyn sa asawa. "May naalala lang ako mahal. Kung makatagpo nga si Neri ng lalaking makakasama niya sa buhay. Sapat na sa akin na mahal nito ang ating anak at hindi hahayaang umiyak. Higit sa lahat kahit mahirap basta may pagsisikap, at pangarap sa buhay ay sapat na iyon sa akin. Dahil nandito naman tayo para suportahan sila." Ani Nicardo sa asawa. "Tama ka Nic. Mahalaga ang pagmamahal, tiwala, pagsisikap, at pangarap. Kung mayroon ang lalaking mamahalin si Neri ng ganoon ay tanggap ko din siya ng buong puso. Ang mahalaga nagmamahalan sila ng buong totoo at tapat." "Tama ka Roz. Kaya mahal na mahal kita, lahat ay nasa sa iyo na. Maganda, higit sa lahat, mapagmahal na asawa, at ina sa ating unica hija." "Nambola ka pa. Para tuloy tayong teenager. Halika na nga kakain na tayo. Tatawagin lang naman sana kita para makakain na tayo." Ani Roz, at hinawakan ang kamay ng asawa. Tatayo na sana si Nicardo sa pagkakaupo ng marinig nila ang malakas na sigaw ng anak. Nailing na lang sila. Dahil ang dalaga nila, parang bata pa rin talaga. Sabay na lumabas ng opisina si Nicardo at Rozalyn, nakasalubong pa nila sa may hagdanan si Neri na may bitbit na isang stick ng barbecue na siyang paborito nito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
183.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.1K
bc

His Obsession

read
91.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook