"Yaya Flor," tawag ni Neri sa yaya niya na nasa kusina. Nagtitimpla ito ng sariling kape ng maabutan niya.
Alas kwatro pa lang ng umaga noon pero gising na siya. Nagtataka naman ang matanda sa pagtawag ng alaga niya sa kanya.
"Maaga pa. Bakit nagising ka na kaagad Neri? Gusto mo ba ng gatas? Ipagtitimpla kita." tanong nito na ikinailing niya.
"Yaya, gusto ko pong matutong magluto. Turuan mo ako. Magluluto po ako ngayon," masaya niyang wika na nagpangiti sa matanda.
"Parang alam ko na ang dahilan. Dahil ba iyan sa lalaking ikikukwento mo sa mommy at daddy mo?"
"Hindi na po ako tatanggi, yaya. Opo gusto ko po sanang ipagluto si Kuya Jose bilang pasasalamat sa paghahatid niya sa akin. Pumayag naman po si daddy na magtungo ako ng palengke ngayon eh." excited na niyang wika bago nagtungo sa harap ng kalan.
"Yaya ano pong mga kailangan ko? Kahapon ang kinain lang ni Kuya Jose, bangsilog. Healthy naman, kaya lang dapat hindi ganoon palagi, dapat may sabaw din. Iyon po ang turo ninyo ni mommy eh. Hindi dapat palaging prito. Dapat may sabaw din. Kaya po magluluto po ako ng nilagang baboy at pritong tilapia," aniya.
"Isa lang ba ang ipagluluto mo anak?"
"Hindi po yaya. Kahapon po ay pito silang nandoon. Gagawin ko na pong sampu para may pasobra sa iba. Isa pa kasama na rin po ang pang-umagahan natin. Baka magtampo si mayor pag hindi nakatikim ng luto ko," aniya at napahagikhik pa. Natawa naman ang Yaya Flor niya.
"Ikaw na bata ka talaga."
"Yaya, isa pa po. May mga lalagyan pa naman po tayo di po ba?"
"Oo madami. Iyong mga pinaglalagyan ng daddy mo ng mga pagkain pag may pa free food sila. Tapos may lalagyan din ng lugaw na may takip. Pwede doon ang nilaga, may disposable na kutsara pang kasama."
"Mabuti naman. Bigla akong magkakaroon ng problema kong wala pong lalagyan." natatawa pa niyang sambit bago kinuha ang mga pagkaing lulutuin niya.
Hinayaan ni Yaya Flor na si Neri ang kumilos sa kusina. Si Neri ang naggayat ng karne at gulay para sa lulutuin niyang nilaga. Inihanda na rin niya ang tilapia para iprito. Nagsalang na rin siya ng bigas sa rice cooker.
"Manang Flor." mahinang tawag ni Rozalyn sa matanda ng lingunin nito ang tumawag.
"Ano pong nangyayari dito sa kusina?" kahit alam na ang ginagawa ng anak ay nagtanong pa rin si Rozalyn.
"Naku Lyn, si Neri daw ang magluluto ng breakfast eh. Kaya heto ako at inaalalayan ko lang iyang anak mo. Nakakatuwa at mukhang desididong matuto. Halos wala akong ginawa kundi ang tingnan lang ang kanyang ginagawa,"
"Ganoon ba manang? Kahapon lang napakaaga akong gisingin at ipagluto ko daw siya ng breakfast niya. Ngayon naman ay talagang gumising ng maaga para ipagluto ang kanyang Kuya Jose daw." natatawang wika ni Rozalyn.
"Kasama daw ang iba pa. Para daw sa sampung katao ang dadalahin niya eh," wika ng matanda na nagpatawa kay Rozalyn.
Dinaluhan na rin nito ang anak at tinulungan. Nagpasalamat naman si Neri sa ina.
Matapos maihanda lahat ng naluto niyang pagkain at tinawag na rin niya ang daddy niya. Sabay-sabay silang kumain ng agahan. Nakatanggap pa siya ng panunukso sa ama na kaagad ikinapula ng kanyang pisngi.
"Kaya mo na ba talaga anak? Hindi kita maiihatid sa palengke. Maaga ang tungo ko ngayon sa opisina. Nandoon na rin sa munisipyo sina konsehal."
"Okay lang talaga ako daddy. Isa pa, itinawag mo na po ako ng tricycle. Kaya ko na po iyon. Ingat ka po daddy. I love you," paalam pa niya sa ama ng sumakay ito sa kotse nito. Nakatanaw naman sa daddy niya ang mommy niya at kinawayan ito.
Muli namang pumasok si Neri ng kusina. Nakalimutan kasi niyang ipagtimpla ng kape si Jose. Binalikan pa niya sa may salas ang mommy niya, na nagbabasa sa mga oras na iyon.
"Mommy, can you teach, how me to make a coffee?" nahihiya pa niyang tanong, pero agad din naman siyang nilapitan ng ina.
"Sure anak."
Pagdating nila sa kusina ay kinuha ni Neri ang paborito niyang lalagyan. Maganda iyong lalagyan ng tubig na malamig or ng kape. Dahil nagtatagal ang init at lamig sa lalagyang iyon.
"Dyan mo ba ilalagay ang kape anak?"
"Yes mommy."
"Di ba paborito mo iyan? Ayaw mo nga na may ibang hahawak dyan. Sigurado ka?"
"Wala akong ibang lalagyan mommy. Isa pa para naman po ito kay Kuya Jose. Pasasalamat ko po sa paghahatid niya sa akin sa may guard house."
"Totoo? Pasasalamat lang talaga. Anak, bata ka pa, at madami pang pwedeng mangyari. Basta kung magmamahal ka, hindi naman masamang itodo wag mo lang ilalahat. Ayaw namin ng daddy mo na masaktan ka. Ikaw lang ang kayamanan namin ng daddy mo. Kaya ayaw ka naming masasaktan." paliwanag ng mommy niya kaya niyakap niya ito.
"Mommy, bibigyan ko lang po ng pagkain ang katrabaho ni Kuya Jose, at si Kuya Jose. May bonus lang na kape si Kuya Jose. Paanong nakarating na naman po tayo sa pagmamahal na iyan? Mommy talaga. Turuan mo na po akong magtimpla ng kape. Black coffee po kita kong ininom niya kahapon. 400ml po itong lagayan ko." sagot niya sa mommy niya kaya napabitaw ito sa kanya.
"Nagpapaalala lang anak kasi mahal kita."
"Opo at mahal ko din po kayo ni daddy. Pero, gaano na pong karaming kape at asukal mommy. Baka mainip na si manong driver iwan pa ako."
Napailing na lang si Rozalyn sa anak. Matapos mailagay sa lunch bag ang pagkain na para kay Jose ay ipinabuhat na rin ni Neri sa driver ng tricycle ang mga pagkaing pambigay sa mga kasamahan ni Jose, na nakalagay sa malaking eco bag.
Yakap-yakap pa niya ang lunch bag na pambigay niya kay Jose. "Sana naman magustuhan ka ni Kuya Jose. Ako ang nagluto sayo eh." Nakangiti pa niyang wika habang binabaybay nila ang daan patungong palengke.
Sa mismong pwesto na sila nina Jose tumigil. Matapos makapagbayad ay umalis naman ang tricycle na sinakyan niya. Nagpalinga-linga pa siya hanggang sa makita niya si Jester, at tinawag ito.
"Oh, anong ginagawa mo ulit dito?" tanong nito sa kanya.
"May dala akong breakfast para sa inyo ng mga kasamahan mo. Simple lang pasasalamat sa pagsagot ninyo sa tanong ko. Ilang ba kayo? Siyam lang iyang nadala ko eh," aniya dahil nakabukod na naman ang para kay Jose.
"Ah, tamang-tama. Dahil umulan kahapon maaga kaming pumasok ngayon. walo lang kami. Wala naman si Boss Igo pati mga kaibigan niya," sagot nito at muling inilinga ang paningin. Hanggang sa makita niya ang pito pang kasamahan ni Jester pero wala si Jose.
"Nasaan si Jose?" hindi niya mapigilang tanong. Sayang naman kasi ang pagkaing niluto niya para dito, kung hindi niya maiibigay.
"Ah si Jose. Hindi nakapasok. Masama daw ang pakiramdam. Hindi pinapasok ni Boss Igo. Kaya si Sir Bernie ang pupunta dito mamaya. Salamat pala sa pagkain. Ibibigay namin kay Sir Bernie mamaya ang isa," tinawag naman ni Jester ang mga kasamahan para paghatian ang pagkaing dala niya. Bigla tuloy siyang nalungkot sa kaalamang hindi nakapasok sa trabaho si Jose.
Matapos makakuha ng tigigisang pagkain ay nagpasalamat naman sa kanya ang mga kasama ni Jester, at nagtungo sa kanya-kanyang pwesto para kumain. Habang wala pang dumarating na truck.
Isang buntong hininga naman ang pinakawalan ni Neri. Bago naglakad-lakad.
"Anong gagawin ko sayo? Sayang naman kung hindi kita maiibigay kay Kuya Jose. Excited pa naman ako kanina. Tapos ganito ang mangyayari,' pagkausap pa niya sa lunch bag.
Naupo muna siya sa pwesto niya kahapon. Gusto niyang makapag-isip ng magandang gawin. "Kasalanan ko ba kung bakit masama ang pakiramdam ni Kuya Jose? Bakit hindi siya nakapasok?" reklamo niya.
Ilang sandali pa at dumadating na rin ang mga truck. Mayroong need ibaba mayroon namang kukuha ng pambenta.
"Hoy lunch box! Sumagot ka! Paano kita maiibigay kay Kuya Jose?"
Itinaas pa niya iyon na akala mo naman ay sasagot sa tanong niya. Maya-maya pa ay may asong dumaan sa kanyang tabi.
"Hi, doggy-doggy, kilala mo ba si Kuya Jose? Paano ko ba siya makikita ngayon? Ang unfair naman kung uuwi akong luhaan at hindi maipapatikim kay Kuya Jose ang luto ko sa unang pagkakataon," aniya na may kasama pang pagtakad kaya biglang tumakbo ang aso.
"Hindi ko naman inaano iyong aso. Bakit tumakbo?"
Hinipan na lang niya ang hibla ng buhok na humarang sa kanyang mukha.
"Okay ka lang ba?" tanong ni Neri sa sarili.
"Kuya Jose. Paano ko maiibigay itong pagkain mo sayo?" muli niyang sambit ng may gwapong lalaki na tumabi sa kanya. Mukha naman itong mabait, lalo na at nakangiti ito.
"Sino bang Jose ang tinutukoy mo?" nakangiti nitong tanong na parang nabibigyan na siya ng pag-asa kahit hindi niya alam kung paano nakalapit sa kanya ang lalaki ng hindi niya pinapansin.
"Si Kuya Jose, iyong gwapo tapos maganda ang katawan."
Naubo naman ang lalaking katabi niya ng dahil sa sinabi niya.
"Anong maganda ang katawan?"
"Iyong may katawan na parang pang magazine," paliwanag ni Neri sa lalaking katabi niya.
"Paano mo nakita ang katawan?"
"Topless kahapon habang may gulay na nakalagay sa balikat na ibinababa galing truck eh."
"Exciting to," dinig niyang bulong ng lalaki at bumaling sa kanya. "Kaya nagkasakit, nagpakabasa pa sa ulan," dagdag pa ng lalaki.
"Saan mo nakilala si Jose eh hindi naman iyong nakikipag-usap sa hindi niya kilala?" tanong nito sa kanya.
"Kilala mo si Kuya Jose?"
Bigla namang similay ang pag-asa ni Neri na makita si Jose sa araw na iyon.
"Hmm. . . Oo, pero paano muna kayo nagkakilala."
"Hindi ko nga sure kung magkakilala kami. Nakita ko lang siya kahapon. Tapos halos hindi nga magsalita. Napagkamalan ko pa nga s'yang mute. Hindi naman pala. Pero nasaan si Kuya Jose?"
"Kuya talaga ha?" natatawang wika ng lalaki pero hindi na lang niya pinansin.
"Ano pala ang pangalan mo kuya?"
"Ako?" sabay turo ng lalaki sa sarili. "Rodrigo, may ibinigay lang ako sa katrabaho ko. Pauwi na rin ako sa bahay. Sabi kasi ni Jester hinahanap mo si Jose. Tapos napansin ko ngang pati aso na dumadaan kinausap mo na. Wag kang mag-alala harmless ako at kaibigan ko si Jose. Malapit lang ang bahay ng isang iyon sa bahay ko. Gusto mo bang puntahan?" tanong nito na nagpatango kay Neri.
"Tamang-tama, hindi ko talaga mapupuntahan si Jose, sumaglit lang talaga ako dito. Ano nga palang pangalan mo?"
"Neri, Kuya Rodrigo."
"Okay Neri, Kuya Igo na lang. Sasama ka ba? Pero kung pupuntahan mo si Jose wag mong sasabihin na ako ang nagsama sayo. Lusutan mo na lang," anito ana sinang-ayunan ni Neri. Ang mahalaga sa kanya ay makita si Jose.
Habang nasa byahe ay wala ng ginawa si Neri kundi magtanong ng magtanong. Naikwento na yata ni Rodrigo ang buong talambuhay niya hanggang sa ngayon na manganganak na ang asawa niya.
"Sure ka talagang ayos lang sayo na puntahan mo si Jose? Parang kahit ako, naubusan ng kwento sayo. Paano makakatagal sayo si Jose na hindi naman nagsasalita?" natatawang wika ni Igo ng itigil niya ang tricycle sa hindi kalayuan sa bahay ni Jose.
"Simpleng tanong lang naman iyon." sagot ni Neri na ikinanganga ni Igo. Hindi siya makapaniwala sa kadaldalan ng babaeng naghahanap kay Jose.
"Sige na. Pag mamaya at hindi pa rin maganda ang pakiramdam ni Jose, puntahan mo ako sa bahay. Okay lang ba sayo ang lumakad kahit medyo malayo? Naituro ko naman sayo ang bahay ko. Pati ang bahay ng isa pa naming kaibigan na si Cy. Para magawan ko ng paraan na maihatid ka pabalik. Okay?" ani Igo na ikinasang-ayon ni Neri.
Nagpasalamat pa siyang muli kay Rodrigo bago ito umalis. Naglakad na rin naman siya, patungo sa harapan ng bahay. Umaga pa lang at sikat na ang araw, pero saradong- sarado ang buong bahay. Kahit isang bintana ay walang bukas.
Simple lang ang bahay na nasa harapan niya. May maliit na balkonahe, na may isang bilog na lamesa at apat na upuan. Pagtapat niya sa may pintuan ay agad din siyang kumatok pero walang sumasagot.
"Kuya Jose! Jose! Yoho!" tawag ni Neri habang kinakatok ang pintuan ng bahay, ngunit wala talagang sumasagot. Nangangalay na rin siya kaya naman kinuha niya ang dalawang upuan at itinapat sa may pintuan. Ang isa ay pinagpatungan niya ng lunch bag at ang isa ay inupuan niya.
"Kuya Jose, hindi ka ba naaawa sa pintuan mo? Kung nagsasalita ang pintuan mong ito, kanina pa itong nagreklamo kakakatok ko."
Tumayo siyang muli at paa naman ang ginamit pagkakatok. "Ano ba yan Kuya Jose? Tulog mantika ka ba? Tanghali na! Oi!" muli niyang sigaw, pero wala pa ring sagot.
"Kuya Jose!? Daddy Kisses! Mommy Hersey! Love! Love. . ." malakas niyang tawag kay Jose na may tono at parang kumakanta.
"I love you Kuya Jose!" gulat niyang sambit ng biglang bumukas ang pintuan. Napatakip siya bigla ng bibig, dahil sa sinabi niya.
Nakapikit ang mata ni Jose ng bukasan ang pintuan. Magulo ang buhok at halatang bagong gising. Maputla ang labi nito at halatang masama talaga ang pakiramdam.
"Kuya Jose."