Chapter 16

1880 Words
"Good morning everyone!" sigaw ni Neri na pababa ng hagdanan. Napalabas tuloy sa kusina ang mommy at Yaya Flor niya. Mula naman sa garden ay napapasok ng bahay si Nicardo, dahil sa pagsigaw ng anak. "Anong nangyayari sa iyong bata ka?" gulat na tanong ni Rozalyn ng takbuhin ito ng anak at yumakap sa kanya. "Masaya lang po ako mommy. Kaya nga bumabati po ako ng magandang umaga sa lahat." masaya pang sagot ni Neri kaya naman napailing na lang si Nicardo. "Good morning anak, balik lang muna ako sa garden." anito at lumabas na rin ng bahay. "Good morning anak," wika ni Rozalyn. "Good morning Neri." ani Yaya Flor. Sumunod naman siya sa mommy at yaya niya ang nagtungo sa kusina. "Ano pong niluluto ninyo? Pwede ko bang dalahan si Kuya Jose?" masaya niyang tanong, habang dumudukot ng gayat na hilaw na carrots na nakalagay sa isang bowl. "Pansit bihon anak. Parang namiss namin ng daddy mo ang bihon bilang breakfast. Kaya naman, nagluluto kami ngayon ni manang." "Pwedeng manghingi? Dadalahan ko po si Kuya Jose." "Bakit naman anak, palaging ikaw na lang ang pumupunta kay Jose. Nanliligaw ba siya sayo? Bakit naman ikaw itong babae ikaw pa palagi ang nasa poder niya." hindi mapigilang wika ni Rozalyn. Mula ng malaman nila ang sitwasyon ni Jose at ang pinagdaanan nito ay mas naging layas pa ang kanilang anak. Palagi itong na kay Jose tuwing walang trabaho ang huli. "Mommy, hindi naman sinabing ayaw sa akin. Pero hindi din sinabing gusto ako. Sabi lang happy siya na nakakasama ako. Mali po ba iyon? Mali po bang, ako ang palaging pumunta sa kanya?" "Hindi naman anak, pero bakit naman kailangang palaging dalahan ng pagkain si Jose? Kung pwede namang dito kumain si Jose. Imbitahan mo kaya." Halos manlaki ang mata ni Neri sa sinabi ng ina. Akala tuloy niya ay ayaw ng mommy niya kay Jose at pagbabawalan na siyang makipagkita dito. Iyon naman pala ay nais ng mommy niya na papuntahin sa bahay nila si Jose. "Hindi nga mommy? Totoo? Kaya lang baka naman po busy si Kuya Jose sa trabaho niya ngayon." "Sus kung gusto may paraan, pag ayaw may dahilan. Pwede namang hindi ngayong umaga. Pagkalabas kaya sa trabaho? O mamayang tanghali, naku anak basic." Tumataas pang kilay na suhestiyon ni Rozalyn sa anak ng bigla siyang yakapin nito. "I love you na talaga mommy." "Sus! Ay suggestions iyon ng daddy eh." anito na ng bigla na lang silang iwan ni Neri sa kusina. Narinig pa nila ang malakas na pagtawag nito sa daddy nito. Natawa na lang din sila ni Yaya Flor ng marinig ang reklamo ni Nicardo, kung bakit sumigaw na naman ang anak na tinawanan lang ni Neri. Tanghali na at nagpapahinga lang muna si Jose bago kumain sa karinderya ni Aling Lucing. Medyo nagtataka din siya kung bakit hindi niya nakikita si Neri. Hindi man talaga araw-araw niya itong nakikita. Pero nagpapadala ito ng mensahe, pag hindi s'ya nito pupuntahan. Nasanay na rin siya sa presensya ng dalaga. Pero ng araw na iyon. Walang text at hindi ito nagpakita. Ipinagkibit balikat na lang ni Jose ang bagay na iyon. Tatayo na sana siya ng bigla naman may mensaheng dumating sa kanya. Love: What time ka available, dito ka na kumain sa bahay. Please love payag ka na. Napangiti naman si Jose sa mensaheng iyon. Kung sa iba lang ay wala siyang pakialam. Pero sa kaalamang si Neri iyon ay napangiti siya. Love: Kakain pa lang sana ako ngayong oras na ito, lunch break and 3hrs pa ulit ang dating ng ibang truck. Walang ilang segundo ay nakatanggap na kaagad siya ng reply mula kay Neri. Love: Noted love. Dito ka na maglunch. Puntahan kita doon sa sa guard house. Hindi na siya nagreply sa dalaga. Umayaw man siya sa nais nito sure naman na kukulitin siya nito. Napangit pa si Jose, ng maalala ang dalawang kaibigan. Dati ay sabay-sabay silang kumakain ng tanghalian. Pero ngayon siya na lang ang mag-isa. Umuuwi ang mga ito sa kani-kanilang mga bahay, para makasabay sa tanghalian ang asawa ng mga ito. Isinasama naman siya ng dalawa. Pero ayaw niyang makaabala sa bonding ng mga ito sa kanya-kanyang mga asawa. Pero kahit ganoon, hindi nawawala sa kanila ang samahan at pagkakaibigan nila. Nandoon at makulit pa rin si Cy. Sabagay pareho naman ang dalawa. Napangiti pa siyang muli ng maalala ang pag-iimbita ni Neri sa kanya. Kahit papano hindi siya solong kakain ng tanghalian ngayon. Habang nagmamaneho ay biglang napaminor si Jose. Naalala niyang kaya siya inimbita ng dalaga ay dahil sa mga magulang nito. Hindi tuloy niya alam kung tutuloy pa ba s'ya o hindi na. Pero nanaig pa rin ang kagustuhan niyang pagbigyan si Neri sa nais nito. Nandoon na si Neri sa may guard house ng dumating si Jose. Wala itong kasama, kaya naman sa tricycle ito sumakay papasok ng subdivision. "Nilakad mo lang ito o nagpahatid ka?" "Nilakad lang. Hindi naman ako weak para sa kaunting lakaran ay mahihirapan. Hmp." Napangiti si Jose sa sinagot na iyon ni Neri. Hindi hindi talaga niya maintindihan ang ugali ni Neri. Minsan sweet, minsan masungit, lalong lalo na ang pagiging makulit. Pero may isa lang na hindi nagbabago ang pagiging mabait nito. "Nga pala, hindi ba nakakahiya na dito ako makikain? Ayaw ko sanang pumunta. Kaya lang alam kong hindi mo ako titigilan." "Kilala mo na talaga ako love. Mabuti naman at alam mong hindi kita titigilan kung hindi ka pupunta ngayon dito. Baka ako pa ang pumunta sayo." Nailing na lang si Jose. Tumigil sila sa isang malaking bahay. Alam niyang mayaman ang mayor ng San Lazaro. Pero hindi niya akalaing ganoon ito kayaman. Napangiti na lang si Jose ng sampalin siya ng kahirapan. Base lang sa lawak at laki ng bahay ng mga ito. Ang alam pa niya, mayaman na talaga ang Mayor Dedace bago pa ito sumabak sa politika. Mayroon ang pamilya nito na malawak na palaisdaan na isa sa nagsusupply ng mga isda sa palengke. May pabrika din ang mga ito ng gawaan ng papel. Kaya naman tuwing magpapasukan ay nagpapamudmod ang mga ito ng libreng papel at notebook sa mga estudyante ng pampublikong paaralan sa San Lazaro. Mula ng hindi pa ito tumatakbo sa politika, hanggang sa ngayon na mayor na. "Tara na sa loob love," aya ni Neri sa kanya. "Mukhang hindi ako nababagay dito. Umalis na kaya ako?" napayuko naman si Jose at hindi tiningnan si Neri. Nilapitan naman ito ng dalaga at hinawakan sa kamay. Si mommy at si daddy nga ang nag-imbita kaya naman relax love kasama mo naman ako." Wala namang nagawa pa si Jose ng hilahin na siya ni Neri papasok sa loob ng bahay. Mas lalo lang nahiya si Jose ng makita ang mga mamahaling gamit doon. Pagdating nila ng kusina ay nandoon na sa hapag ang mga magulang ni Neri na nakangiti sa kanya. Napansin din niya ang may edad na babae. Ganoon din ang itsura nito, mukhang mabait at masaya sa pagdating niya. "Maupo ka na hijo. Siguradong pagod ka. Kain na, para mamaya ay makapagpahinga ka, bago muli sumabak sa trabaho." ani Nicardo kaya naman naupo si Jose sa upuan itinuro ni Neri. "Wag kang mahiya hijo kumain ka lang ng kumain. Hindi naman namin alam ang paborito mo, kaya sabi ni Neri ay paborito na lang daw niya ang lutuin namin. Kain ka lang wag ka ng mahiya." wika naman ni Rozalyn na ikinatango ni Jose. "Yaya ano pong ginagawa mo?" tanong ni Neri ng mapansing nakatayo lang si Yaya Flor sa may gilid nila. "Anak naman, may bisita kayo, alam mo namang hindi ako sumasabay kumain pag may bisita nakakahiya Neri." pag-amin ng matanda. "Yaya wag kang kj, pamilya kaya tayo. Upo na kakatampo naman eh." reklamo ni Neri kaya naman natawa ang mag-asawa. Lihim namang natuwa si Jose sa mga naririnig niya at kilos ng pamilya ni Neri. Masasabi niyang tunay na mabait ang mga ito. Para tuloy gusto na niyang alisin ang agam-agam sa kanyang isipan. Sa kaalamang alam ng mga ito ang kwento ng buhay niya. "Hijo, mabuti naman at pinaunlakan mo ang pag-iimbita namin sa iyo. Akala ko nga ay hindi ka papayag eh. Isa pa, nakakatampo na itong anak namin, palaging gusto ay nasa piling mo. Isama mo na kaya sa bahay mo." wika ni Rozalyn na biglang ikinasamid ni Jose. Halos hindi naman malaman ni Jose kung paano pipigilan ang nararamdaman. Para kasing may pumasok na kanin sa ilong niya. Masakit iyon na hindi niya maunawan. Tapos ay hindi pa niya mapigilan ang pag-ubo. Nataranta naman bigla silang lahat sa nangyaring iyon kay Jose. Pati si Yaya Flor ay napatakbo para kumuha ng malinis na towel dahil pinagpapawisan na si Jose kakaubo. Inabutan naman ni Nicardo ng tubig si Jose habang si Neri ay hinahaplos ang likuran ni Jose. Ilang sandali pa ay nailabas ni Jose ang kaning pumasok sa kanyang ilong. Kahit papaano ay guminhawa ang kanyang pakiramdam. Napatingin naman silang lahat kay Rozalyn na parang batang naka peace sign sa kanila. Nailing na lang si Nicardo sa asawa. "Ayos ka lang ba Jose. Nagbibiro lang ako eh. Ang seryoso mo naman anak." wika ni Rozalyn na ikinatango ni Jose. Nagulat naman si Jose sa narinig na tawag sa kanya ng mommy ni Neri. Tumanda siya ng twenty eight years na walang kinikilalang magulang. Bigla tuloy nag-init ang puso niya sa simpleng salita na iyon. "Pasensya ka na. Ito kasing anak namin hindi na pumirmi sa bahay. Pero hindi naman namin pinagbabawalan. Kaya lang syempre, gusto din naming dito lang siya. Kung pwede namang ikaw ang dumalaw dito." nakangiting saad pa ni Rozalyn na hindi naman mapaniwalaan ni Jose. Mas matutuwa pa ang mga ito na magstay siya sa bahay ng mga ito. Pero sabagay mas okay nga iyon kay sa si Neri ang palaging magbyahe patungo sa kanya. Makulit pa naman ito at ang gusto, ay gusto. Pag hindi naibigay nagtatampo. Tumango na lang siya bilang sagot. "Alam kong sa isang araw ay day off mo. Kasi sa araw na iyon nagpapaalam si Neri na manonood daw kayo ng drama? Nakakatuwa na kalalaki mong tao mahilig ka sa ganoon. May bago akong korean drama na ipinabili ni Neri, i-marathon natin." natatawang pag-aaya pa ni Nicardo kay Jose. Kaya naman sumang-ayon naman ang huli. "Hindi ka ba talaga nagsasalita hijo?" hindi makapaniwalang tanong ni Yaya Flor na ikinatawa ng tatlo. "Nagsasalita naman yaya si love. . ." halos man laki ang mata ni Neri sa binitawang salita. Hindi niya akalaing mababanggit niya ang tawag niya kay Jose sa harap ng pamilya. "Si Kuya Jose! Tama po Kuya Jose. Ayon nagsasalita naman, talaga lang pong minsan tumatango lang siya." Nakahinga naman siya ng maluwag na mukhang walang nakapansin sa sinabi niya "Ganoon ba? Nakakatuwa lang na nagkakaintindihan kayo." ani Yaya Flor na ikinatawa nito. "Kain ka lang love./ Wag kang mahiya love./ Kain lang ng kain, love." sabay-sabay na wika ni Nicardo, Rozalyn at Yaya Flor kay Jose, ng pinaningkitan ang mga ito ng tingin ni Neri. "Daddy! Mommy! Yaya!" sigaw ni Neri, na ikinatawa ng mga magulang niya ganoon din si Yaya Flor. Tahimik lang si Jose, pero nandoon ang matamis niyang ngiti sa maayos at magandang pagtanggap sa kanya ng pamilya ni Neri.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD