"Anong tinatawa-tawa mo love?" may inis na wika ni Neri ng makarating siya ng kusina. Nakaharap si Jose sa may lamesa at naglalagay ng asukal at kape sa tasa.
"Gusto mo?" alok ni Jose na sinang-ayunan niya. Nakanguso pa si Neri, dahil hindi nito sinagot ang tanong niya, kaya pasalampak siya naupo sa silya.
Kumuha naman ng isa pang tasa si Jose para kay Neri
Hindi nagkakape si Neri ng ikalawang beses pag nakapagkape na siya sa umaga. Pero mukhang masasanay siya sa ilang pagkakape dahil kay Jose.
Napangiti pa si Jose, na itsura ni Neri na naiinis. Nakanguso pa itong naupo sa silya sa tabi niya. Nangiti naman siya ng tumango ito ng alukin niya ng kape.
Hindi niya alam kung bakit nandito si Neri sa bahay niya. Oo nga at siya ang nagsama dito. Ang ipinagtataka niya ay bakit pinayagan pa ito ng mga magulang nito na makipagkita sa kanya. Gayong alam niya na alam na ng mga ito ang nakaraan niya.
"Hindi kaya tumakas ito?" tanong niya sa isipan na agad din niyang ikinailing ng mapansin ang cookies na dala nito. Walang ganoong nabibili sa palengke o sa kahit saan kaya sure na galing talaga sa bahay ng mga ito ang binigay ng dalaga sa kanya.
Isang buntong hininga pa ang pinakawalan ni Jose, ng maalala ang napag-usapan nilang tatlo nina Igo at Cy. "Hindi pa ba alam ni Neri ang nakaraan ko kaya nandito siya ngayon, at mukhang hindi natatakot sa akin? Hindi ba sinabi sa kanya ng daddy niya ang bagay na iyon? Di ba dapat matakot siya sa akin?" tanong ni Jose sa sarili. Napatingin naman siya kay Neri dahil hindi niya alam ang sagot sa mga tanong niyang iyon.
Pinagmasdan naman ni Neri si Jose, habang busy sa ginagawa. Nalungkot siya bigla ng maalala ang sinabi ng daddy niya sa kanya.
Sa mura nitong edad, naranasan na ni Jose ang lahat ng hirap, pati ang mapagbantaan ang buhay nito. Iniisip niya ang sitwasyon nito, noong panahon na iyon. Para sa isang batang musmos, sobrang hirap ng pinagdaanan nito.
"Napakatapang mo love. Pero wag kang mag-alala nandito lang ako para sayo. Tutulungan kitang magkaroon ng kasagutan ang lahat ng iyong katanungan." aniya habang nakatingin pa rin kay Jose na naghihintay ng tubig nitong nakasalang sa kalan.
"Bakit?" tanong ni Jose ng mapansing nakatingin sa kanya si Neri.
"Bakit kasi ang gwapo mo? Hindi ka ba anak mayaman na nagkukunwari lang. Tapos baka mayroong babaeng dapat kang pakasalan, kaya ka nagpapanggap na mahirap? Tapos kaya nandito ka sa San Lazaro ay para magtago?" hindi mapigilang tanong ni Neri ng guluhin ni Jose ang buhok niya.
"Mahilig ka ba sa drama? Nanonood ako noon pag hindi pa ako makatulog at bagong labas sa trabaho." pag-amin ni Jose na ikinagulat niya.
"Seryoso love? Eh ano namang koneksyon noon sa sinabi ko?"
"Pang drama kasi ang datingan ng tanong mo?" ng maalala ni Jose ang naging sitwasyon ni Shey at Igo noon. Napangiti pa siya dahil masaya na ngayon ang kaibigan. Pati na rin si Cy.
"Pero hindi nga, nanonood ka nga ng drama?" hindi mapaniwalaang tanong ni Neri.
"Oo nga. Ayaw maniwala. Pero ang meron ako, hindi kasing high quality ng nabibili ng mga mayayaman na tulad ninyo. Wala naman akong channel dito na pwedeng panoodan ng drama kaya naman bumibili ako. Pirated nga lang. Mahirap lang ako, at hindi pang original ang kaya ko."
"Okay lang iyon, manood tayo. Tamang-tama habang nagkakape," ani Neri na ikinatango ni Jose.
"Ang ganda talaga ng boses mo. Bakit kaya hindi mo na lang palagiin ang pagsasalita. May nabanggit pala sa akin si Kuya Igo. Hindi ko nakakalimutan iyon." wika ni Neri na ikinakunot noo ni Jose.
Bigla tuloy siyang binundol ng kaba. Hindi niya alam kung ano ang nalalaman ni Neri. Alam niyang may inilihim siya. Pero bakit natatakot siyang malaman ng dalaga ang nakaraan niya. Parang matatanggap niyang mahusgahan siya ng ibang tao. Pero si Neri? Bakit parang hindi niya kaya kung ito ang huhusga sa kanya.
"Bakit ka biglang namutla love? May problema ba?" anito ka ikinailing ni Jose.
"Ito na itutuloy ko na ang sinabi ni Kuya Igo. Sabi niya, kumanta ka naman daw noong kasal niya at kasal ni Kuya Cy. Pero bakit hindi mo pa ipinagpatuloy. Dalasan mo ang pagsasalita. Kahit pagtayong dalawa lang. Dali na love." napaungol naman si Jose sa isipan ng masabi ni Neri ang nalalaman nitong sinabi ni Igo. Nakahinga din siya ng maluwag sa kaalamang iyon.
"Akala ko naman kung ano na. Kinakausap na kay kita hindi mo pa ba napapansin?"
"Kanina ko pa ngang napapansin kaya sobrang saya ko love." sagot ni Neri kaya naman muling napatawa si Jose.
"Hindi ka ba naiilang na tawagin akong love? Tingnan mo ha, anak ka ni mayor. Mayaman kayo at may mataas na pinag-aralan. Tapos sa akin ka lang lalapit? Isang kargador sa palengke. Kita mo itong bahay ko? Simple, maliit at ako lang mag-isa. Hindi ka ba natatakot sa akin?" lakas loob na tanong ni Jose ng mapansin niya ang ngiti ni Neri.
"Isa-isa kung sasagutin ang tanong mo ha. Una paano ako maiilang. Sobrang gwapo mo kaya. Sabi ko nga sayo bagay sayo ang maging model. Pero wag na lang baka magkaroon ka pa ng fans club, maitsapwera pa ako." natawa naman si Jose sa sinabing iyon ng dalaga.
"Pangalawa, hindi naman basehan ang pinag-aralan. Tapos nga ako ng college. Pero dahil over protective si daddy at mommy. Palamuti lang ako ng bahay namin. Pangatlo, marangal na trabaho ang pagiging kargador. Pang-apat multo ka ba? As in ghost?" tanong ni Neri na ikinailing ni Jose.
"Hindi pala eh. Sa multo lang ako takot, kaya nga never akong nagbasa ng horror stories at nanood ng ganoon." Halos kilabutan pa si Neri ng maalala ang mga multo.
"Nasagot ko na ba love ang mga katanungan mo?" nakangiti pang wika ni Neri, kaya naman napangiti din si Jose.
"Pero bakit love?" tanong ni Jose ng kunin ni Neri ang cellphone niya at iparinig kay Jose ang voice record na nasa cellphone niya.
Halos man laki naman ang mata ni Jose sa narinig. Pinaningkita niya ang dalaga na siya namang iminatawa nito.
"Kaya wala kang kawala love. Ayaw mo ba sa akin? Ayaw mo ba akong maging girlfriend. Girlfriend for real hindi iyong assuming lang ako?" malungkot na tanong ni Neri ng iabot na ni Jose ang kape niya.
Naglakad naman sila patungong salas para doon magkape. Dala naman ni Jose ang cookies at cake na bigay ni Neri.
Hindi naman agad sila nagbuhay ng tv. Masyadong serysoso pa ang topic na need nilang pag-usapan.
"Paano mo ako nagustuhan kung hindi mo naman alam ang nakaraan ko? Hindi mo pa nga ako kilala ng lubusan."
"Dapat ba kilalanin muna kita ng lubusan? Dapat ba alam ko ang nakaraan mo? Ako nga hindi mo alam ang nakaraan ko. Alam mo bang ako ang pinakamabait na estudyante noong elementary ako. Kaya hindi maniwala ang teacher ko sa classmate ko na ako ang tumusok ng kamay niya ng lapis tapos dumugo?" paliwanag ni Neri ng masamid si Jose.
Hindi naman, malala ang samid nito kaya naman agad din nawala.
"Anong sabi mo?" hindi makapaniwalang tanong ni Jose ng ngisian siya ni Neri.
"Iyong classmate ko kasi, mayroon siyang kapatid dalawa yata. Alam mo namang solong anak lang ako di ba? Sa totoo lang unang beses akong nabully noon. Mabuti na lang iyon ang una at huli. Ayon na nga, sabi sa akin ng classmate ko. Kaya daw ako lang ang anak ni mommy at daddy kasi, wala daw kwenta ang mommy ko, at hindi na daw pwedeng magkaanak muli. Nagalit ako, kasi napakabait ni mommy sa galit ko natusok ko ng lapis kamay niya. Walang nakakita. Tapos matapos kong tusukin ang kamay niya, inagaw ang lapis ko at akmang itutusok rin sa akin, nakaiwas ako at natusok ulit kamay niya. Di ayon hindi paniwalaan ang classmate ko na kasalanan ko ang nangyari sa kanya. Sakto kasing nakita ni teacher ang pagtusok ng classmate ko sa sarili niyang kamay."
Mahabang pagkukuwento pa ni Neri na hindi malaman ni Jose kung hahangaan ba niya ito o tatawanan. Sa huli ay natawa na lang din si Neri sa naalala niyang iyon kaya natawa na lang din si Jose.
"Ang pilya ko ba? Basta sa tingin nila ako pa rin ang pinakamabait. Kahit hindi naman." natatawa pa si Neri sabay higop ng kape.
"Kaya love, pwede bang sagutin mo ang tanong ko. Ayaw mo ba sa akin?"
"Hindi naman sa ayaw ko. Kaya lang may nakaraan akong hindi magandang tingnan at hindi magandang malaman." pag-amin ni Jose.
"Lahat naman tayo, may nakaraan. Kanya-kanyang paghahandle lang iyan. Kung halimbawa ikwento mo sa akin, at iniwasan kita. Hindi ako totoo sayo. Ganoon lang iyon. Paano naman kung, hindi ako umalis sa tabi mo matapos kung malaman iyang nakaraan mo? Magiging girlfriend mo na ba ako?"
May panunudyo pang wika ni Neri kaya naman natawa na lang si Jose.
Noong una pa lang alam niyang kakaiba si Neri. Pero sana nga hindi siya nito iwasan, pag nalaman nito ang lahat ng nakaraan sa kanya.
"Magkukwento din ako. Siguro hindi pa ngayon. Pero masaya akong nandito ka. Masaya akong kasama ka. Totoo iyon at walang halong pambobola."
"Thank you love. Kontento na ako kung ano lang ang pwede. Hindi naman ako nagmamdali. Masaya lang akong makasama ka. Sa tingin ko nga ang bilis ng pangyayari. Pero masaya talaga akong nandito ako sa tabi mo."
"Me too."
"Basta ako lang ang love mo ha." may panunudyo pa sa boses ni Neri kaya nailing na lang si Jose.
Hindi naman malaman ni Jose ang isasagot kaya naman tumango na lang siya. Na nagpangiti pa lalo kay Neri.
Oo nga at wala silang lebel pero masaya na si Neri kung ano lang ang pwede. Higit sa lahat, ang napakatahimik na si Jose ay nagagawa ng magsalita at sumagot sa mga tanong niya. Akala niya noong una impossible. Pero sa nakikita niya ngayon. Pwede pa rin pala talagang maging posible ang isang imposible.
Madami pa silang napagkwentuhan hanggang mapagpasyahan na nilang manood ng drama. Una nilang isinalang ang isang korean drama na si Neri ang pumili. Bukod sa cookies at slice cake na dala ni Neri, may stock daw si Jose na pop corn kaya naman nagluto muna ito.
"Luto na?"
"Uhmm."
"Nood na tayo, nasa exciting part na eh." wika ni Neri at sabay na silang naupo muli na magkatabi sa sofa. Sa harap ng maliit na t.v ni Jose.