Napatingala si Jose ng may tumulo na tubig sa kanyang uluhan. Doon niya napansin na madilim na ang paligid kahit alas singko pa lang ng hapon.
"Jose uwi na tayo. Wala na ring dadating na deliver. Sabi naman ni Bossing Igo, umuwi na daw tayo pag-uulan. Dumaan kasi siya kaninang tanghali. May bagyo daw. Nandoon ka yata sa karinderya ni Aling Lucing kaya sa amin na niya ibinilin." ani Jester habang na nagsasakbit na ng kanyang backpack.
Napatango naman si Jose, bilang sagot. Nakita rin niya ang iba pang kasamahan na naghahanda na rin pag-uwi.
Napatingin pa siya sa madilim na kalangitan. Kailangan na rin talaga niyang umuwi ng bahay.
Habang nasa daan ay bumubugso na ang malakas na ulan. Nagpapasalamat pa rin siya na hindi pumasok si Cy at kasama ngayon ang asawa nito. Ganoon din si Igo na pagkagaling ng palengke ay umuwi na din ng bahay. Iyon kasi ang sagot ng dalawa ng magpadala siya ng mensahe sa mga ito.
Pamilya niya si Igo at Cy, kaya naman pag may ganitong kalamidad ay talagang kinukumusta niya ang mga ito. Mas maayos sa pakiramdam niya na safe ang dalawa, na ngayon ay kasama na ang kanya-kanyang mga pamilya.
Malapit na si Jose sa bahay niya ng hindi magpapigil sa pagtunog ang cellphone niya. Ayaw sana niya iyong sagutin. Kaya lang sobrang kulit ng tumatawag.
Sinagot niya iyon ng hindi tinitigan ang caller. Hindi naman siya nagsalita agad. Gusto niyang marinig kung sino ang nasa kabilang linya.
"Love, nasaan ka?" wika ng nasa kabilang linya na ikinakunot ng noo niya. Kaya naman mabilis niyang tiningnan ang pangalan ng caller. Kaya naman nagulat siya ng mapagtantong si Neri iyon.
"Pauwi na ng bahay. Malapit na ako. Bakit?"
"Love, nandito ako sa palengke. Wala ng tao. Umalis kasi ako ng bahay. Wala naman akong kasama doon. Umalis kasi si daddy at mommy kaninang umaga. Baka daw sa isang araw na sila makakauwi. Dahil daw ng bagyo. Tapos si Yaya naman umuwi ng probinsya. Ako lang naiwan sa bahay. Tapos pagpunta ko dito wala ka naman." sumisinghot na si Neri at halatang naiiyak na ang boses nito.
Napatingin naman si Jose sa madilim na kalangitan, at malakas na ulan. Nagsisimula na ring humangin pero, hindi pa ganoong kalakasan.
"Wag kang aalis dyan, babalikan kita."
"Okay love, nandito lang ako sa may bench. Hihintayin kita. Bilisan mo ha." narinig pa ni Jose ang hikbi ni Neri bago tuluyang mamatay ang tawag.
"Pagkakataon nga naman. Palagi na lang siyang mag-isa pag-umuulan." ani Jose bago mabilis na nagmaneho pabalik ng palengke.
Pagdating niya ng palengke ay wala sa bench si Neri. Medyo mataas na rin ang tubig sa parteng iyon. Bumabaha na kaagad dahil na rin sa lakas ng ulan.
Tinawagan muna niya si Neri pero hindi ito sumasagot.
Iniwan muna niya ang tricycle sa mataas na parte kung saan walang baha. Hindi naman niya pwedeng dalahin ang cellphone niya dahil mababasa iyon.
"Nasaan ka na ba?" tanong niya at nagpasyang libutin ang lugar kung saan pwedeng magtungo si Neri.
Magsasampung minuto na rin siyang naghahanap at basang-basa na rin siya ng ulan. Pero hindi pa rin niya makita ang dalaga.
Nandoon na rin ang kaba na bumabalot sa kanyang puso dahil hindi niya makita ang dalaga.
Inikot pa niyang muli ang palengke ng makarinig siya ng sigaw sa parteng dulo ng palengke kung saan nandoon ang pinakaisdaan.
Mabilis niya iyong tinakbo para makita ang dalaga. Pagdating ni Jose sa parteng iyon, ay nakita niya si Neri na umiiyak bitbit ang backpack nito, habang nakatayo sa pinakalamesa ng mga magtitinda ng isda. Hanggang gitnang binti na kasi ang baha sa parteng iyon. Kaya siguro sumakay na si Neri sa pinaka lamesa.
"L-love!" sigaw nito ng makita siya.
Mabilis naman niya itong nilapitan. Kinuha niya ang bag nito at siya ang nagdala.
Binuhat naman niya si Neri na parang bagong kasal. Kaya napahawak ito sa may batok niya.
"Bakit umalis ka sa may bench? Di ba sabi ko sayo wag kang aalis doon?" sermon ni Jose na mas lalong ikinahigpit ni Neri ng yakap dito.
"Tumataas kasi ang baha. Baka mamaya ay madala ako. Kaya tumakbo ako papunta dito. Wala pa namang baha kanina eh. Pero bigla na lang ding dumami at nakarating ako dito." nanginginig pa ang boses nito habang nagpapaliwanag.
"Wag ka ng matakot kasama mo na ako. Pero bakit hindi ka na lang nagpadala ng mensahe para naman hindi ka na umalis pa ng bahay ninyo? Di sana ikaw na lang ang pinuntahan ko."
"Nawala na rin kasi sa isipan ko. Ang naiisip ko kasi maabutan kita kanina. Sumakay lang din ako ng tricycle at agad ding umalis ng makababa ako. Sorry ulit."
"Paano itong gamit mo. Wala akong dalang payong?" nag-uusap sila habang naglalakad, at buhat pa rin ni Jose si Neri.
"Hindi naman mababasa ang mga gamit ko sa loob. Waterproof naman yan." sagot nito kaya naman biglang naglakad si Jose sa ulanan.
"Ang lamig." hindi mapigilang bulalas ni Neri ng tuluyan na siyang mabasa. Medyo malayo ang pinagparadahan ni Jose ng tricycle kaya talagang basang-basa na siya.
"Love maglalakad na ako. Ibaba mo na ako."
"Kaya na kitang buhatin ang gaan-gaan mo kaya."
"Pero mapapagod ka."
"Kung ikaw din lang naman ang dahilan ng pagod ko, walang problema." sagot ni Jose na ikinapula ng pisngi ni Neri.
Hindi naman makikita ni Jose ang pamumula ng pisngi niya lalo na at bigla siyang yumuko ng maramdaman ang pag-iinit ng kanyang mukha.
Wala talaga siyang masabi kay Jose. Hindi man nito intensyon na pakiligin siya. Pero kinikilig talaga siya sa mga salitang binibitawan nito.
Nang makarating sila sa may tricycle nito ay mabilis siyang pumasok sa loob at kihuha niya ang bag niyang dala ni Jose. Walang baha sa parteng iyon na ipinagpasalamat niya.
Sobrang lakas na ng ulan at ng hangin. Ipinagpapasalamat na lang niya na walang kulog at kidlat.
Napapasigaw na lang siya sa paghampas ng hangin sa mga punong nadadaanan nila. Pakiramdam niya ay matutumba ang mga iyo at ma-stranded sila sa daan. Kaya naman ipinikit na lang niya ang mga mata. Kay sa makita ang mga nakakatakot na pagsasayaw ng mga puno na kanilang nadadaanan.
Panay pa ang panalangin niya, na sana ay makarating sila sa bahay ni Jose, ng ligtas. Nang tumigil ang tricycle ni Jose ay saka lang siya napamulat. Nasa bahay na sila nito. Ligtas, buhay at humihinga.
"Maligo ka muna. May towel ka bang dala?" tanong ni Jose ng makapasok sila ng bahay. Pareho silang tumutulo at basang-basa. Pero baliwala lang kay Jose kung mabasa ang sahig nito.
"Meron. Ito oh," sabay taas ng towel na galing sa kanyang bag.
Napanganga naman si Jose ng magpagtanto ang towel na iyon. Towel kasi niya iyon na ipinahiram niya kay Neri, ng makita niya ito sa may puno, sa una nilang pagkikita.
"Tuwalya ko yan eh."
"Nope, mula ng ginamit ko ito sa akin na ito. Kaya akin 'to okay." ani Neri at kumuha na rin ng damit na kanyang ipapalit. Pati naman sabon at shampoo ay may dala s'ya.
"Sure kang ako ang mauunang maligo?" tanong ni Neri na ikinatango ni Jose.
Pagpasok naman ni Neri ng banyo ay kumuha na rin naman ng towel si Jose at nagtungo sa likod bahay. Nandoon ang parte kung saan siya naglalaba. May bubung iyon at hindi ka naman mababasa.
Doon naligo si Jose. Wala namang makakakita sa kanya kahit maligo siya doon. Suot naman niya ang boxer shorts niya kaya wala ding problema sakaling may makakita sa kanya.
Matapos maligo ay nagtungo na si Jose sa kwarto niya para magbihis. Suot ang jogging pants at t-shirt na puti. Tapos ay pinunasan na rin niya ang basa sa sahig. Ang bag ni Neri ay dinala naman niya sa isang kwarto.
Nagpapakulo na ng tubig si Jose ng lumabas si Neri sa banyo. Naka pajama ito kaya naman napangiti si Jose.
"Hindi ka na naligo? Baka magkasakit ka? Dapat kasi ikaw na ang unang naligo kay sa nagbihis ka kaagad." ani Neri na kababakasan ng pag-aalala.
"Sinong may sabi na hindi ako naligo? Sa likod bahay ako naligo. Wala namang problema sa akin dahil wala namang ibang makakakita sa akin doon. Doon talaga ako naliligo minsan pagganitong gabi na."
Awang ang labi ni Neri sa mangha sa sinabi ni Jose. Hindi kasi niya naransang maligo sa labas ng bahay.
"Ganoon ba?"
"Uhmm. Nasa isang kwarto ang bag mo. Pagpasensyahan mo na ang kwartong iyon. Alam mo namang parehong maliit lang ang kwarto dito sa bahay ko at hindi ganoong kaganda ang kama, kaya sana maging komportable ka."
"Love naman. Komportable ako basta kasama kita, hmmm."
Napangiti naman si Jose sa sinabi ng dalaga sa kanya.
"Ilagay ko lang itong towel ko sa kwarto. Tapos iyong basa kong damit inilagay ko muna sa isang maliit na basin na nakita ko sa banyo." Tumango lang naman si Jose.
Tapos ng magtimpla ng kape si Jose ng lumabas si Neri ng kwarto. Mabuti na lang at kahit malakas ang ulan at hangin ay hindi nawawalan ng kuryente.
"Magkape ka muna para mainitan ka. Tapos ay magluluto ako ng panghapunan natin."
"Gusto ko ay yakapin mo ako ng mainitan ako. At hindi iyong pagkakapehin mo lang ako." walang prenong wika ni Neri kaya naman natawa si Jose.
"Bawal iyon sayo. Bata ka pa naman." sagot na lang ni Jose at iniabot kay Neri ang bagong timpla na mainit na kape.
"Daya." rinig ni Jose na sagot ng dalaga kaya naman mas lalo siyang natawa.
"Magluluto na lang ako ng nilabong itlog at lalagyan ko ng karne at ng misua. Masarap iyon lalo na at sa ganitong malamig na panahon." wika na lang ni Jose.
"Okay masarap nga iyang luto ng itlog mo." wala sa sariling sagot ni Neri sabay higop ng kape.
Nanlaki naman ng ang mata ni Jose sa gulat sa sinabi ni Neri sa kanya.
"Anong sabi mo!?"
"Sabi ko masarap ngang ganoon ang luto ng itlog mo."
Natutop naman ni Neri ang bibig ng mapagtanto ang kanyang sinabi kay Jose. Dahan-dahan namang siyang humarap kay Jose, habang nakataas ang dalawang daliri na naka-peace sign. Nakangiti pa siya ng mapansing nakatingin ito sa kanya. Napailing na lang si Jose sa mga pinagsasasabi ni Neri sa kanya.
"Pasaway!"
"Mahal ka naman."