Chapter 18

1824 Words
"Mahal ka naman." sagot ni Neri kaya naman napatitig dito si Jose. Napangiti pa si Neri ng mapansin ang pagkatulala ni Jose. "What?" mataray nitong tanong at nilapitan nito si Jose. "Totoo naman ang sinasabi ko sayo ah. Mali ba na magmahal ka ng isang tao ng ganoong kabilis?" malambing pang tanong ni Neri na ikinabuntong hininga ni Jose. "Wala namang masama, kaya lang paano mo nasabing mahal mo na kaagad ang isang taong ngayon mo lang nakilala?" "Luh? ang tagal na nating magkakilala. Nakapunta ka na nga sa bahay namin." nakangiting sagot ni Neri. Nailing na lang siya sa sagot ng dalaga. Alam niyang wala itong balak magpatalo sa kanya. "Love, hindi naman kita minamadali. Isa pa alam mo bang willing akong maghintay hanggang sa sabihin mo sa aking mahal ko ako. Pero kung sasabihin at ipaparamdam mo sa akin ngayon na mahal mo ako. Ehem naman love, kinikilig na ako ngayon pa lang." masayang wika ni Neri ng makatanggap siya ng isang pitik sa noo. "Aray naman!" "Mga iniisip mo, bawal sayo. Magkape ka na ng mainitan ka, at magluluto ako ng nilabong itlog na may misua at ng mawala ang panlalamig ng katawan mo. Maliwanag?" Napayuko na lang si Neri sa sinabing iyon ni Jose at bumalik sa upuan. "Daig pang si daddy eh. Malaki na kaya ako." reklamo pa ni Neri ng marinig niya ang pagtawa ni Jose. "Bakit ka tumatawa?" inis niyang tanong dito na lalong ikinatawa ni Jose. Wala namang nakakatawa talaga. Sa totoo lang ay natutuwa si Jose kay Neri. Dahil napakacute nitong tingnan habang naiinis. Bagay na hindi niya akalaing, kahit simpleng bagay, basta si Neri ang dahilan magiging masaya siya. "Love, hindi ako sanay na may babae akong kasama. Ikaw lang ang ibang babaeng nakarating dito sa bahay ko. Kasi ang nakapunta na dito si Shey na kasama ng Igo at si Aize kasama si Cy. Syempre naninibago ako sa lahat. Pati itong pagsasalita ko? Hindi ko alam na magagawa kong magsalita ng ganito. Ayaw kong magmadali. Sana maintindihan mo." paliwanag ni Jose ng biglang sumigaw si Neri. "Anong nangyari sayo?" takang tanong ni Jose. "Mula ng magkakilala tayo, never mo akong tinawag na love. Tapos ngayon love na rin tawag mo sa akin! Naman love. Kahit hindi mo sabihing mahal mo ako ngayon. Masaya na ako na tinawag mo din akong love at sa pangako mong ako lang ang nag-iisang love mo. I love you na talaga love ko." ani Neri at mabilis na tumayo at niyakap si Jose. Sa bilis ng pangyayari ay hindi na lang nakapagreact si Jose ng biglang tumingkayad si Neri at inabot ang labi niya. Dampi lang iyon pero talagang napatigil ng halik na iyon ang mundo ni Jose. Napatingin na lang si Jose kay Neri na ngayon ay humihigop ng kape. Hindi tuloy niya malaman kung paano kikilos sa kakaibang nangyaring iyon sa kanya. "Love, gutom na ako. Hindi ako mabubuhay ng kape lang sa magdamag magluto ka na." utos ni Neri na ikinakunot ng noo ni Jose. "Tatanda ako ng maagap sayo!" "Sus, matanda ka naman sadya sa akin. Ayaw mo nun. You're my love and I'm your baby." Napailing na lang si Jose ng makabawi sa pagnanakaw na ginawa ni Neri sa kanya. Napakainosente nitong madaming tinatagong kaalaman. "Basta dyan ka lang at wag makulit. Kanina pa akong dapat magluluto, hanggang ngayon puro salita pa lang ang aking nagagawa." "Paano ay ang slow mo. Kaya naman hanggang ngayon, ako pa rin ang nanunuyo sayo. Tsk, tsk." makahulugang sagot ni Neri. "Oo na lang. Doon ka na lang kaya sa salas at ng makapag-concentrate ako ng pagluluto." "Sus para iluluto lang naman ng itlog niya. Madami pang satsat." "Anong sabi mo?" tanong bigla ni Jose ng kumaripas ng takbo si Neri palabas ng kusina. Natawa na lang si Jose ng dahan-dahang bumalik ito. "Wala akong sasabihin. Kukunin ko lang po ang aking kape. Magluto ka na. Gutom na talaga ako love. Love you." pahabol pa ni Neri bago tuluyang iniwan si Jose. Nagsimula na namang magluto si Jose. Habang humihigop ng kape. Sumisilip pa siya sa salas habang nakaupo si Neri sa sofa at nakatingin sa labas ng bintana. Gawa ng poste ng kuryente sa labas na may ilaw. Kitang-kita ni Neri ang malakas na paghampas ng hangin sa mga puno. Napapikit pa siya ng biglang matumba ang isang puno. Malayo iyon sa pwesto ng bahay ni Jose. Pero nakita niya gawa ng ilaw sa poste ng kuryente. Nagtagal pa siyang nakatingin sa labas hanggang sa tawagin na siya ni Jose para kumain. "Salamat Po sa pagkain." aniya, ng mapatingin siya kay Jose na nilalagyan nito ng pagkain ang plato niya. "Thank you love." Isang ngiti naman ang pinakawalan ni Jose bilang sagot. Na ikinanguso ni Neri. "Hayan ka na naman. Pero ayos lang na hindi ka magsalita alam ko namang naninibago ka pa talaga ngayon. Basta masaya ako sa pagkupkop mo sa akin dito ngayon." Napatango naman si Neri ng matikman ang niluto ni Jose. Tulad ng sabi nito, nilabong itlog iyon na may karne. Bukod doon ay marami pa iyong kasama na gulay. Repolyo, carrots, at sayote. "Masarap ito love. Bagay na bagay sa ganitong panahon. Minsan turuan mo akong magluto nito, tapos ipagluluto ko din si mommy, daddy at yaya. Ang sarap eh. Lalo na pag may itlog mo." Napailing na lang si Jose at mukhang nasasanay na siya sa itlog na sinasabi nito sa kanya. "Oo na lang makulit na dalaga. Ituturo ko sayo basta kumain ka na at wag ng magsalita. Pakiusap ha." "Naman love, kasiyahan ko ang magsalita. Hindi tulad mong minsan ay ang boring ng buhay mo dahil sa hindi pagsasalita. Aba maiinip itong bahay mo. Paano pag katulad nitong bumabagyo? Di kung solo ka napakatahimik mo? Hay naku love dapat ay minsan gumagawa ka din ng ingay." ani Neri ng biglang may dumagundong sa labas. "Pero hindi ganoong ingay." ani Neri kaya natawa nalang si Jose. Napatingin na lang si Jose sa labas ng magtumbahan ang puno ng saging na nasisinagan ng ilaw. Kaya naman nakita nila kung ano ang gumawa ng ingay. "Bilisan mo na lang ang pagkain baka mamaya ay mawalan na ng kuryente." ani Jose. Hindi na nagtanong pa si Neri, dahil malamang mawalan na talaga ng kuryente. Hindi man siya takot na walang kuryente kung nasa bahay siya nila. Mayroon silang generator kaya kahit walang kuryente mayroon pa rin silang ilaw. Matapos kumain ay nag-ayos na si Neri ng sarili. Si Jose naman ang mabilis na nagdayag. "Okay ka na ba? Pasok ka na sa kwarto mo at matulog ka na. Baka mawalan pa ng kuryente." "Okay love. Goodnight." malambing na wika ni Neri na ikinagulo ni Jose ng buhok ng dalaga. Napangiti naman si Neri sa ginawang iyon ni Jose. Matapos pa nilang mag-usap ay pumasok na sila sa kanya-kanyang kwarto. "Nakakatuwa namang kasama ko si love dito sa bahay niya." kinikilig pang wika ni Neri ng biglang nawalan ng kuryente. Halos mapigil pa niya ang paghinga dahil medyo kinakabahan siya. Hindi siya sanay sa dilim, natutulog siya na may dim light sa kwarto niya. Pero ngayon ay biglang nagdilim ang paligid. Halos maiyak na siya ng biglang nagliwanag ang paligid. "Mabuti naman." Mahihiga na sana siya ng bigla na namang mawala ang ilaw. Sa pagkakataong iyon ay nasa ilang minuto na ang lumipas pero hindi na talaga nakabawi ang kuryente. Lalong lumakalas ang hangin sa labas at pakiramdam niya ay sobrang lakas ng ulan na humahampas sa labas ng bahay kaya naman pakiramdam niya ay bibigay ang dingding ng bahay. "L-love," nauutal niyang tawag kay Jose. Wala na talaga siyang makita. Na kahit na ano sa sobrang dilim. Hindi naman siya sanay sa bahay ni Jose kaya naman kung anu-anong bagay ang pumapasok sa kanyang isipan. Hindi na napigilan ni Neri ang maiyak. Sobra talaga siyang natatakot sa mga sandaling iyon. Naramdaman na lang niya ang pagbukas ng pintuan na lalong nagpadagdag kilabot sa kanya. "L-love," tawag na naman niya kay Jose ng maramdaman niyang may sumampa sa kama. "Waaaah!! Love!!!" malakas na sigaw ni Neri kaya naman napaupo siya. Nagpumiglas pa siya ng biglang may yumakap sa kanya. Takot talaga siya sa multo, kaya naman hindi niya napigilan ang sumigaw at magpipiglas. "Sshh, Neri ako 'to." wika ng malambing na boses na nagpakalma sa kanya. "L-love? K-kuya J-Jose?" nauutal niyang sambit sa pangalan ni Jose. "Oo. Tahan na." "Love, natakot talaga ako ng mawalan ng kuryente. Hindi ako sanay matulog sa ganitong kadilim. Love natatakot ako." hindi na napigilan ni Neri ang maiyak sa kaalamang, mag-isa siyang matutulog sa madilim na kwartong iyon. Natatakot na nga siya sa madilim na paligid, ay ang mag-isa pa kayang matulog? "Love hindi ko kaya. Natatakot ako." "Wala namang multo." "Pero madilim pa rin," pagmamatigas niya. "Pwede bang matulog na lang ako sa kwarto mo? Ayaw kong mapag-isa sa madilim. Love," nagsusumamo pa ang kanyang boses ng marinig niya ang pagbuntong hininga ni Jose. "May magagawa ba ako kung hindi ko papayagan ang nais mo?" "Wala love. Natatakot ako. Kung hindi ka naman naaawa sa sitwasyon ko. Iwan mo na ako dito." may halo pang pagtatampo sa boses ni Neri at bahagya pa nitong itinulak si Jose. "Tara na. Isasama na kita ng makatulog ka ng maayos." "Totoo?" hindi makapaniwalang tanong ni Neri ng bigla na namang humampas ang malakas na hangin sa labas at ang ulan. Napayakap pa ng mahigpit si Neri kay Jose. "Tara na matulog na tayo. Natatakot na ako." ani Neri ng umalpas na naman ang luha sa kanyang mata. Kasama na niya si Jose pero sa naririnig niyang malakas na ugong sa labas ang nagbibigay ng malaking takot sa kaya. Pagdating nila sa kwarto ni Jose ay iginaya na siya ng binata sa kama nito. Napangiti naman si Neri ng maamoy ang natural na bango ni Jose. Hindi man niya nakikita ang kabuoan ng kwarto sa dilim, ay naaalala naman niya ang araw na nakapasok siya sa kwartong iyon. Matapos isara ni Jose ang pintuan ay tumabi na ito sa kanya. Inayos nito ang pagkakakumot sa kanya. "Tulog na." "Tulog ka na rin love, hindi ka ba magkukumot? Ang lamig-lamig kaya. Ang lakas ng hangin sa labas. Sige na magkumot ka na." pamimilit pa ni Neri. "Okay lang ako. Hindi naman ako nalalamigan." "Paano nangyari iyon ay napakalamig naman talaga." "Tulog na Neri wag ng makulit at wag ng malikot. Maliwanag." "Ang lamig kasi talaga." pilit pa nito. "Ang init kasi," sagot naman ni Jose. "Paanong nangyari?" takang tanong ng dalaga ng kapain ni Jose ang ulo nito at guluhin ang buhok niya. "Bata ka pa kasi, kaya matulog ka na. Maawa ka na at wag kang malikot kung pwede lang ha." ani Jose ng yakapin siya ni Neri. "Goodnight love, matutulog na ako at hindi na magkukulit at maglilikot." "Haist! Hindi na nga mangungulit, may pagyakap naman. Goodluck Jose." wika ni Jose sa isipan at pinilit ipikit ang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD