Chapter 13

1635 Words
Nakatingin lang si Neri sa pananahimik ng mommy at daddy niya. Mula kagabi ng umuwi sila ay tahimik lang ang mga ito. Akala pa nga niya ay pagod lang ang mga ito gawa ng abalang kanyang nagawa. Pero ngayong umaga ay talagang wala man lang siyang narinig na kahit na ano sa mga magulang. Binati lamg siya ng mommy at daddy niya ng dumulog na siya sa hapag para mag-almusal. Excited na rin siyang puntahan ang mag-asawang Rodrigo at Shey sa ospital. Wala siyang kapatid kaya naman excited talaga siyang makakita ng baby. "Daddy, mommy pupunta po akong ospital ha." masayang wika ni Neri na ikinabuntong hininga ni Nicardo. Natigil naman sa ere ang pagsubo niya. "Anak wag ka na lang munang umalis. Dito ka na lang muna sa bahay. Naiinip na rin ang mommy mo. Palagi ka na lang lumalabas." lambing pa ng daddy niya. "Babalik din naman po ako kaagad, tulog pa po si Shey ng umalis tayo, hindi ko tuloy alam kung ano pong name ng baby girl nila." "Pwede naman sigurong sa isang araw? Tama sa isang araw na lang anak. Dito ka na muna. Gumawa muna tayo ng cake and cookies. Pwede mo pang dalahan si Shey sa ospital." suhistiyon ni Rozalyn na sinang-ayunan pa ng daddy niya. "Sabagay tama ka mommy. Mas okay nga kung dadalaw akong may dala man lang, para sa kanila. Pwede ko din bang bigyan si Kuya Jose?" nakangiti pa ang mga matang tanong ni Neri sa mga magulang, pero agad ding nawala ang ngiting iyon ng hindi pansinin ng mommy at daddy niya ang simabi niya at ipinagpatuloy lang ang pagkain. "May problema po ba?" naguguluhan pa niyang tanong pero umiling ang mga ito. "Wala naman anak. Kaya lang gaano mo ba kakilala iyang si Jose? Sigurado ka bang mabuting tao ang binatang iyon?" "Daddy!" may kalakasang wika ni Neri. "Neri! Bakit mo sinisigawan ang daddy mo!?" hindi makapaniwalang sambit ni Rozalyn sa anak. "Bakit po parang, may kakaiba sa inyo? Mula pa noong bumalik kami matapos kumain hanggang sa pauwi na tayo kagabi dito sa bahay. Hanggang sa mga oras na ito. Akala ko po ba ayos lang sa inyo si Kuya Jose?" nanggigilid amg luhang tanong ni Neri na nagpahinto sa dalaga ng pagkain. "Wala naman kaming masamang intensyon anak. Simasabi lang namin kung makakabuti ba sayo na mapalapit kay Jose." ani ng daddy niya. "Nagdududa po ba kayo sa pagkatao niya? Si Kuya Igo na ang nagsabi sa akin, isa sa pinakamabait niyang nakilala si Kuya Jose, pero bakit ngayon parang hinuhusgahan na ninyo siya?" Hindi mapaniwalaan ni Neri ang mga magulang. Nagtataka din siya sa biglaang pagbabago ng tingin ng mga ito kay Jose. Base na rin sa mga sinasabi ng mga magulang niya. "Gusto lang naman naming maging maayos ang kalagayan mo. Hindi pa natin lubusang kilala si Jose. Paano kung may hindi pala siya magandang nakaraan?" tanong ng daddy ni na nagpangisi kay Neri. "Kung may masama nga siyang nakaraan, tulad ng sinabi ninyo nakaraan na iyon. Ngayon po ang kasalukuyan. Kung masama siyang tao, sana kahit mga kasamahan niya sa palengke sinabing ganoon ang pagkatao ni Kuya Jose. Si Kuya Igo at Kuya Cy na lang, ganoon na lang ang pagmamahal nila kay Kuya Jose. Tapos kayo? Ikaw pa naman daddy ang mayor dito. Tapos naging mapanghusga ka na." sagot ni Neri na umulantang sa mga magulanf niya. Nagkatinginan tuloy si Rozalyn at Nicardo dahil sa sinabing iyon ng anak. Ni minsan ay hindi sila sinagot-sagot nito. Pero ng dahil kay Jose, parang nag-ibang tao ang nag-iisa nilang anak. "Tapos na po akong kumain." mahina niyang sambit bago mabilis na iniwan ang mga magulang sa hapag. "Neri!" may diing sambit ni Nicardo sa pangalan ng anak. Pero hindi na ito pinansin ng huli. "Ano ba kayong mag-asawa? Anong problema at nagkakaganoon ang anak ninyo?" sabat ni Yaya Flor ng makalapit sa kanila. Nasa pinaka kusina ito kanina at hindi sumabay sa kanila ng pagkain. "Upo ka po manang," wika ni Rozalyn. Sumunod naman ang matanda sa sinabi nito. "Napansin ko din iyang pananahimik ninyo ng pagdating ninyo kagabi. Nagulat nga ako ng biglaan kayong umalis. Pero nang bumalik kayo, parang may nagbago." pauusisa pa ng matanda. "Tungkol manang kay Jose," ani Nicardo at napabuntong hininga. "Ano ang tungkol sa binatang si Jose?" Lahat ng nalalaman ng magasawa ay ikinuwento ng mga ito kay Manang Flor. Hindi man nila kadugo ang matanda, pero ito ang nagsisilbing magulang nilang mag-asawa. Ito din ang nagpapayo sa kanila tuwing nagkakaroon ng problema. Personal man, o sa ibang aspeto bilang isang naglilingkod sa bayan. "Alam ba ninyo ang pakiramdam ng mahusgahan?" Makahulugan tanong ng matanda. Nagkatinginan naman silang mag-asawa sa tanong na iyon ni Yaya Flor. Sa haba ng kanilang sinabi ay iyon lamang ang itinanong nito. Hindi man nila alam ang ibig nitong sabihin ay napabuntong hininga silang mag-asawa. "Masama sa pakiramdam ang mahusgahan. Kahit ako, na tumutulong na nga nasasabihan pa rin ng hindi maganda at nahuhusgahan pa rin ng iba." wika ni Nicardo. Napahawak naman si Rozalyn sa kamay ng asawa. "Hindi naman natin kayang i-please ang ibang tao. Kahit gumawa ka ng mabuti, may masasabi pa rin ang iba. O kung halimbawa naman na buong buhay mo naging mabuti kang tao basta may malamang nagawa mong masama o hindi maganda. Nagiging tingin na sayo ay masama at hindi na nakita ang mga mabuti mong nagawa," dagdag pa ni Rozalyn "Tama naman kayong dalawa sa sinabi ninyo. Ngayon, kumusta naman ang binatang si Jose? Hindi naman talaga natin alam ang tunay na kwento. Ipagpalagay na alam natin. Ginusto ba ng batang iyon na mangyaring iyon sa buhay niya? Pinili niya ang alam niyang makakabuti, pero tinulak pa rin siyang maging masama. Pero anong nangyari ng makawala siya sa lugar na iyon. Itinuwid niyang muli ang buhay niya. Bangungot sa binatang iyon ang nakaraan niya. Sana ay hindi sa ganoong pagkakataon matatapos ang kabaitang nakita ninyo sa kanya. Sana ay manaig pa rin ang pagkilala sa isang tao ng walang panghuhusga." nakangiting paliwanag sa kanila ni Yaya Flor bago sila nito iniwan at pupuntahan daw si Neri sa kwarto nito. Nagkatinginan silang mag-asawa at nangiti pareho. "Nangyari sa atin?" sabay nilang tanong at parehong natawa. Samantala, patapos na si Jose sa niluluto niya ng dumating si Cy sa bahay nito. "Ang dami naman. Pwede bang kumain muna? Parang ang sarap eh." ani Cy at naupo na kaagad sa hapag. Dadamputin sana ni Cy ang isang maliit na talangka ng hampasim ni Jose ng sandok ang kamay niya. "Ang damot naman ng Dimaano na ito," reklamo ni Cy ng iabot ni Jose ang isang malaking disposable container na may lamang ginataang talangka na may kalabasa. "Para kanino naman yan?" tanong ni Cy ng basta lang ilapag ni Cy ang lalagyan sa kanyang tabi. "Malamang sayo g*go!" singhal ni Jose ng biglang tumayo si Cy at halikan ito sa pisngi. "Kaya mahal na mahal kita Jose, napakabait mo talaga." masayang wika ni Cy, ng hindi naman magkaintindihan si Jose kung paano aalisin ang kamay ni Cy na nakayakap sa kanya. Hindi naman mapigil ni Cy ang pagtawa ng tapakan ni Jose ang paa niya. Oo masakit, pero iyon talaga ang Jose na kilala nila ni Igo, tahimik pero minsan makulit. Minsan budol din. "Salamat dito ha. Ibibigay ko 'to kay Aize sure na matutuwa iyon." Napatingin naman si Jose kay Cy. Napabuntong hininga naman si Cy at talagang nagsimula na naman si Jose na pahulaan ang nais nitong sabihin. "Nasa ospital na si Aize, ihatid ko daw muna s'ya bago kita balikan. Excited na malaman ang pangalan ng inaanak natin. Pero hindi ko na rin tinanong, para sabay tayo." ani Cy at napatango na lang si Jose. Matapos masandok ang kanin ay tinakipan na ni Jose ang pagkaing dadalhin nila para kay Igo at Shey. Mayroon din dala si Jose, na saging, mansanas at ponkan. May dala rin siyang tubig at biscuit. Higit sa lahat kape. Para kay Igo. "Nakz Jose, kompleto ah. Pati baso, pinggan kutsara at tasa." puna ni Cy ng tawanan lang ito ni Jose. "Gagawin mo din ba iyan sa akin, kung halimbawa na magkaanak na kami ni Aize at manganak na ito?" "Gagawin ko, kahit kanino sa inyong dalawa. Kahit sino sa pamilya ninyo. Dahil kayo lang ang pamilyang maiituring ko." ani Jose na halos pabulong lang ang pahuli. Isang buntong hininga lang ang pinakawalan ni Cy bago nilapitan si Jose. "Pamilya naman talaga tayo at parang magkakapatid na tayong tatlo nina Igo. Kaya naman, hiling naming dalawa na mahanap mo ang babaeng nakalaan para sayo. Para magkaroon ka ng sarili mong pamilya at maging masaya katulad naming dalawa ni Igo." "Masaya ako sa buhay ko Cy. Masaya ako at kontento na akong ikaw at si Igo ang pamilya ko." "Paano si Neri?" hindi mapigilang tanong ni Cy ng mapansin niya ang tipid na ngiti ni Jose. Ipinagkibit balikat na lang ni Jose ang sinabing iyong ni Cy. "Si Neri? Hindi ako nangangarap ng mataas Cy. Hindi dapat nating tawirin ang hindi kaya. Kasi maaaring mapahamak ka, o maipahamak mo ang iba." "Pero Jose?" "Hindi ako umaasa." sagot na lang ni Jose hanggang sa matapos ang kanyang ginagawa. Si Cy na ang nagsakay ng mga eco bag na pinaglagyan ng pagkain at gamit sa tricycle niya. Hindi na niya hinayaang magdrive pa si Jose ng tricycle nito, para isang tricycle na lang ang gagamitin nila. Isang buntong hininga naman ang pinakawalan ni Jose, habang nakatingin sa daang tinatahak nila. Naniniwala pa rin naman talaga siya sa kapalaran. Dahil tulad ng nangyari sa kanya, ang kapalaran niya ang nagdala sa kanya para makilala si Igo at Cy. Pero hindi siya umaasa, ang mahalaga lang sa kanya ngayon, ay kontento na siya kung ano lang ang ipinagkaloob sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD