Chapter 12

1776 Words
"Daddy, mommy!" may kalakasang sambit ni Neri ng makabalik sila ng kwartong inuukupa ni Shey. Si Jose ang may dala ng kape para sa mag-asawa habang ni Neri ay nakaabrisyete dito. Tahimik lang naman na tinanggap ni Nicardo ang kapeng iniabot ni Jose. Ganoon din ang asawa nito. Nagkatinginan pa silang lahat ng mapansin ang namumuong katahimikan pagkapasok palang nila. "May nangyari po ba? Bakit po parang ang tahimik ninyo?" tanong ni Neri ng tumikhim si Nicardo. "Uwi na muna tayo anak. Kailangan ko na rin ng pahinga." "Oo nga anak, lumalalim na ang gabi. Need na ng daddy mo ng pahinga ganoon din ako." pagsang-ayon pa ni Rozalyn sa asawa. Napatingin naman si Jose sa mga magulang ni Neri. Naramdaman niyang may kakaiba sa ikinikilos ng mga ito. Bumaling naman si Jose kay Rodrigo ng maglabas ito ng isang buntong hininga. "Sige po." pagsang-ayon ni Neri sa mga magulang. Kung hindi naman siya nagpanic kanina ay hindi niya madadala sa ospital ang mga ito. Kaya wala siyang magawa kundi ang sumunod na lang. "Love uuwi na kami." bulong ni Neri kay Jose na tinanguan lang ng huli. Nang makaalis sina mayor kasama si Neri ay napatingin naman si Rodrigo kay Cypher at Jose. Sinabi niya sa mag-asawa na wag iparating kay Jose ang mga sinabi niya sa mga ito. Pero hindi naman niya alam kung paano sasabihin kay Jose ang nalalaman nila ni Cy. Ngayon guilty si Rodrigo sa sinabi at nalalaman niya. Nakaupo lang si Jose sa isang sulok at ipinikit ang mga mata. "Anong meron Rodrigo?" may diing tanong ni Cy ng hindi na rin nito mapigilan ang magtanong. Mahina lang naman ang boses ni Igo habang sinasabi kay Cy ang nangyari noong wala ang mga ito. Halos hindi nga narinig ni Aize ang pinag-uusapan ng dalawa. Si Jose naman ay nasa malayong parte at pikit pa. Kaya sigurado silang hindi nito naririnig ang kung ano mang pinag-uusapan nila. "Anong sabi nila?" "Hindi ko nga alam, basta na lang natahimik. Kaya parang kahit ako, hindi ko alam ang saloobin nila." napasabunot pa si Rodrigo dahil sa kanyang ginawa. "Aamin ka na ba?" tanong ni Cy. "Hindi pa ito ang tamang panahon. Nandito pa tayo sa ospital. Kapapanganak pa lang ng asawa ko. Hindi ko yata kayang layuan tayo ni Jose." malungkot na wika ni Igo ng biglang nagmulat ng mata si Jose at naglakad papalapit sa kanya. "Don't feel guilty for what you tell them about me. In fact I just want to say thank you. You and Cy accept me for who I am and what am I. Akala ko nga noon lalayuan ninyo ako ng malaman ninyong dalawa ang nakaraan ko. Dahil nakabaril ako ng kapwa ko. Tapos hindi ko pa alam kung ano ang nangyari sa kanya. Kung buhay pa ba siya. Pero itinuring pa rin ninyo akong kaibigan. Hindi ninyo ako hinusgahan kahit nagawa kong magnakaw noon para manatiling buhay sa poder nila. Salamat sa lahat. Wag kayong magulat. Matagal ko ng alam na alam ninyo." wika ni Jose na nagpagulat sa kanila. "Paano mo nalaman?" sabay na tanong ni Rodrigo at Cy na may halong pagkagulat. "Nararamdaman ko lang sa bawat titig na ipinapakita ninyo. Kaya alam kong matagal na ninyong alam ang buong pagkatao ko." napayuko naman si Jose matapos sabihin iyon. Mula ng makarating si Jose ng San Lazaro, hindi na niya nagawang umiyak. Pero ngayon sa mga oras na ito, biglang lumabas ang tahimik niyang mga hikbi. Naguguluhan man ay napatingin si Aize sa asawa na katabi ni Igo at Jose. "Baby." tawag ni Cypher dito. Lumapit naman si Aize kay Cy. "Dito ka muna. Ikaw na muna ang bahala kay Shey. Dadaanan lang namin si Manang Lourdes at si Tito Henry na aalis lang muna kami. Pasabi kay Shey na babalik kami kaagad, pag nagising siya, Hmm." hindi man naiintindihan ang nangyari ay sumang-ayon na lang si Aize sa asawa. Walang tao sa likod ng ospital, kaya doon nila dinala si Jose. Nagpaalam naman sila sa gwardiya ng ospital, na doon muna silang tatlo. "Hindi masamang umiyak Jose. Kaibigan ka namin at mahal ka namin bilang kapamilya. Hindi mo kasalanan ang nangyari at wala kaming karapatang manghusga. Nandito lang kami Jose, hayaan mong buksan mo ang sarili mo sa ibang tao. Hindi lang sa amin ni Cy." paliwanag ni Igo ng mapasalampak si Jose sa damuhan at doon na binitawan ang pinipigilang hikbi. Nakahiga ito sa damuhan habang nakatingin sa madilim na kalangitan. Nahiga din ang dalawa sa tabi ni Jose at sabay-sabay nilang pinagmasdan ang langit na may panaka-nakang bituin. "Di ba masarap umiyak?" tanong ni Cy na hindi nila alam kung ano ang sagot ni Jose. "Noong may problema ako, kayo ang naging takbuhan ko. Si Cy ganoon din. Jose naman hindi naman kami iba sayo, kaya kung may problema ka, share mo lang sa amin. Pero pag pera solohin mo na lang ha. Kita mo namang magbabayad pa ako dito sa ospital, tapos magastos ang may baby." ani Igo ng maramdaman ang pagsipa ni Cy sa binti niya. "G*go ka Romero! Totoo naman ang sinasabi ko ah. Kung sa usaping pera. Sarilihin muna ni Jose ang problema. Ikaw pautangin mo." wika ni Igo habang hilot-hilot ang binti. "Mas mapera pa nga itong si Jose sa akin. Napakatipid nga nito. Dapat talaga kay Jose tayo nangungutang eh." ani Cy ng mapatingin sila pareho kay Jose na natawa. Napangiti din sila sa inasta nito. Iyon lang naman ang maganda kay Jose, madali nila itong mapasaya, kahit pa hindi ito gaanong nagsasalita. "Wala nga akong pera, nakalaan iyon sa future ng anak ko." Napabangon namang bigla si Igo at Cy sa sinabing iyon ni Jose. "Anong future ng anak mo!" hindi makapaniwalang saad ng dalawa habang si Jose ay nakahiga pa rin sa damuhan at nakatingin sa madilim na kalangitan. "Balak kong mag-ampon, siguro kung sasapat na ang ipon ko, hanggang sa makatungtong siya ng kolehiyo, mag-aampon na ako." "Bakit naman ampon kung pwede ka namang magkaanak. Tingnan mo itong si Rodrigo may baby girl na. Kami ni Aize nagpaplano na." nakangiting wika ni Cy ng maisip na naman ang asawa. "Sinong magmamahal sa isang tulad ko? Kulang na lang sabihin na mamamatay tao ako di ba? Halos mapatay ko noon si Alfredo. Pero hindi ko nga alam kung napatay ko nga ba siya o nakaligtas. Hanggang ngayon wala akong alam. Ayaw kong paglaki ng anak ko, pandirihan niya ako at maisip na masamang tao ang ama niya. Kung mag-aampon ako, kahit malaman niya ang totoo kong pagkatao. Hindi siya mandidiri sa dugong nananalaytay sa kanya kasi hindi ako ang tunay niyang ama." mahabang paliwanag ni Jose na muling ikinabalik Cy at Igo na mahiga sa tabi nito. "Jose, wag kang ganyan. Mabuti kang tao, at hindi mo sinasadya ang bagay na iyon." pangungumbinsi pa ni Cy. "Ikaw ang isa sa pinakamabuting tao na nakilala ko Jose, kaya wag mong i-down ang sarili mo. Isa ka nga sa paborito ng asawa ko, at masayang-masaya ako na isa ka sa ninong ng anak ko." paliwanag ni Igo. Hindi na muli nagsalita si Jose. Sapat na sa kanya ang dalawang kaibigan at ang mga nakapaligid sa mga ito na hindi siya hinuhusgahan. Naalala na naman niya si Neri. Mapait lang siyang ngumiti. Napakakulit nito. Paano ba niya palalayuin ang dalaga sa kanya, gayong hindi naman niya maitaboy. Masaya siyang nasa paligid lang niya ito at hindi nauubusan ng kwento. Naalala na naman niya ang titig na ibinigay sa kanya ni Mayor Dedace at ng asawa nito. Hindi niya maunawaan kung ano iyon. Kung pagkauyam, awa, panghuhusga? Hindi niya alam. "Hindi ko naman itinago ang tunay na ako. Lahat ng nakita nila na ugali ko, iyon ang tunay na ako. Walang pagkukunwari. Nagpakatotoo ako sa lahat ng taong nakasalamuha ko. Lalo na kay Igo at Cy. Kaya hindi ko alam kung anong magiging tingin ng lahat na may pangit na nakaraan ang isang taong sa tingin nila ay hindi gagawa ng masama. Pero may maduming nakaraan." aniya sa isipan bago ipinikit ang mga mata. Ilang minuto pa ang kanilang itinagal sa likod ng ospital bago sila nagpasyang pumasok. Gising na si Shey ng pumasok sila. Masaya si Jose para sa kaibigan. Kay Rodrigo man o kay Cypher. "Wag ka na lang munang pumasok bukas Jose, rest ka muna. Pero dadalhan mo kami ng pagkain dito." biro ni Igo na ikina okay sign ni Jose. "Anong gusto mo Shey." tanong ni Jose kaya naman naexcite si Shey. "Mahal ko, paano ba yan, ang lakas ko talaga kay Jose." ani Shey at napahagikhik pa. "Wala naman akong naiisip na kainin, pero parang gusto kong kumain ng kanin na may sabaw ng ginataang talangka." sagot ni Shey ng tingnan ito ng lahat. "Mahal ko, bakit naman ginataang talangka?" tanong ni Igo na labis ding naguguluhan. "Naalala ko noong umalis ka, galing ka kina Cy at Jose, iyong pinakawalan ko ang mga talangka. Sabi mo lulutuin mo sana iyong ginataang talangka. Pero dahil sa naiinis ka hindi ka na ulit bumili noon at baka pakawalan ko naman. Ngayon ko lang naalala, kaya naman gusto ko noon." paliwanag ni Shey ng halos hindi mapigilan ni Cypher ang matawa, pati si Aize ay natawa rin. Ganoon din ang Daddy Henry niya at si Yaya Lourdes. Nakatingin lang naman si Jose at may pigil na ngiti. "Langya Cardenal kaya pala tuwing may tindang talangka sa may isadaan ay hindi ka na bumibili. May pinagdadaanan ka pala." ani Cypher na hindi pa rin talaga mapigilan ang pagtawa. "Anak bakit mo naman pinakawalan ang mga talangka?" tanong ng daddy niya na hindi mapigilan ang tawa, na sinang-ayunan ni Yaya Lourdes. "Maliliit pa po kasi. Akala ko naman po noon babalik pa sila pag malaki na. Kaso hindi na po bumalik." sagot ni Shey ng lapitan ito ni Aize. "Napakaswerte mo sa asawa mo pinsan. Goodluck Igo. Tapos babae pa naman ang anak ninyo. Nakakatuwa talaga pag mayroon ng dalawang Shey na kahaharapin si Igo." ani Aize na hindi na rin mapigilan ni Aize ang matawa. Ganoon din ang mga taong nakapaligid sa kanila. "Mag-asawa nga kayo ni Romero." naiiling na wika ni Igo na mas lalong tinawanan ng lahat. Lumapit lang si Jose kay Shey at tumindig sa tabi ni Igo. "Dadalahin ko na lang ang nais mo bukas. Hindi naman ako pinapapasok ni Igo sa trabaho. Bukas ko na lang ulit kukumustahin ang inaanak ko." wika pa ni Jose bago nagpaalam sa kanilang lahat. Napatingin lang si Igo kay Jose habang papalabas ng kwartong iyon. "Ang isang iyon talaga. Deserve naman kasi talaga niya ang maging masaya." ani Igo sa isipan ng makalabas si Jose.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD