Chapter 14

1633 Words
"Kumusta naman kayo? Gusto ba ninyo ako ang magdilig sa inyo?" malungkot niyang wika habang kinakausap ang mga tanim na halaman doon. Matapos niyang umalis sa hapag ay wala siyang gustong makausap kahit ang kanyang Yaya Flor. Hindi naman siya mapakali sa loob ng kwarto niya kaya naman lumabas na siya sa may garden. Doon na lang siya nagtungo para naman marelax ang kanyang isipan. Hanggang sa mapansin niyang basa pa ang lupa na kinatataniman ng mga halaman. "Hay, mamaya ko na kayo didiligan ha. Mukha namang nadiligan na kayo ni Yaya Flor kanina." aniya at nahiga na lang siya sa damuhan. Napatingin na lang siya sa malawak na kalangitan. Payapa ang langit, naghahabulan lang ang mga iilang ulap na nadadala ng hangin. Isang buntong hininga pa ang kanyang pinakawalan, at naisip na naman niya ang nangyari sa hapag. Hindi niya talaga alam ang dahilan kung bakit biglang nagbago ang mommy at daddy niya tungkol kay Jose. Kahit naman wala siyang nakikitang masama sa ginagawa nito. "Gusto ko pa rin sanang puntahan si Shey. Alam kong magtutungo si Kuya Jose doon. Kaya lang hindi naman ako lumaking suwail na anak. Hindi ka nga pinayagan. Paano ka aalis?" pagkauisap niya sa sarili. Isang buntong hininga pa ang kanyang pinakawalan bago ipinikit ang mga mata. Nasasaktan talaga siya sa ipinaparamdam ngayon ng mommy at daddy niya sa kanya. Sa pagkaayaw ng mga ito ngayon kay Jose. "Anak." tawag ng daddy niya sa pangalan niya pero hindi niya magawang magmulat ng mata. Mahal na mahal niya ang daddy at mommy niya. Lahat ng gusto niya, ibinibigay ng mga ito. "Siguro ganoon talaga ang pakiramdam ng makatanggap ng rejection. Pakiramdam ko, nareject bigla si Kuya Jose. Kahit wala namang kami talaga. Dahil ako lang naman ang may gusto sa kanya." piping sambit niya, sa isipan. "Anak tampo ka pa?" tanong ng daddy niya. "Alam mo daddy? Sana maramdaman mo po. Wala namang ginagawang masama si Kuya Jose. Sa akin man o kahit sa inyo. Pero napagsalitaan ninyo siya ng ganoon. Oo nga po at walang alam si Kuya Jose sa sinabi ninyo. Kaya lang ako ang nasasaktan na nahusgahan ninyo ang pagkatao niya." sagot niya, pero sa sarili lamang niya. Hindi niya inihayag sa daddy niya. "Parang naninibago na ako anak. Bakit ayaw mo ng magsalita? Ginagaya mo na ngayon si Jose?" Naramdaman ni Neri ang pagtabi ng daddy niya sa paghiga sa damuhan. Pero hindi niya iyon pinansin. "Tampo na talaga ang dalaga ko. Gusto pa naman sana naming sabihin ng mommy mo na, sorry sa nasabi namin. Kung nahusgahan man namin si Jose hindi namin iyon sinasadya. Isa pa ako lang ang nandito sa tabi mo para makausap ka, dahil ang mommy mo ay gumagawa ng cake at cookies para sa mga kaibigan mo. Tapos may bukod pang cookies kay Jose. Higit sa lahat ay ihahatid sana kita sa ospital, bago ako magtungo ng munisipyo. Lalo na at tanghali pa ang meeting ko kina konsehal." mahabang paliwanag ni Nicardo ng biglang magmulat ng mata si Neri, pero hindi pa rin kumikilos. "Totoo po daddy?" "Uhmm. Kaya hindi mo pa rin ba kakausapin ang daddy?" tanong ni Nicardo at naupo na lang sa tabi ng anak. "Daddy!" sigaw ni Neri at niyakap ang daddy niya. Napatawa naman si Nicardo sa ginawang iyon ng anak. "Thank you daddy. You're the best daddy in the world. Ganoon din po si mommy. Mahal na mahal ko po kayo." "Mahal na mahal ka din namin anak. Kaya lang gusto kong malaman mo muna ang dahilan kung bakit nasabi namin ang mga bagay na iyon." "Okay po daddy makikinig po ako." Sinimulang ikwento ni Nicardo ang lahat-lahat ng sinabi ni Igo sa kanilang mag-asawa tungkol kay Jose. Ni isang detalye ay wala siyang iniwan. Gusto niyang maunawaan ng kanyang anak ang dahilan ng biglaan niyang pagbabago kanina at kung bakit ganoon ding kabilis magbalik ng kanilang pananaw na mag-asawa. "Bakit ka naman umiiyak?" natatawang tanong ni Nicardo ng punong-puno ng luha ang mga mata ni Neri, pati ang mukha nito ay basang-basa na ng mga luha. "Kasi po nakakaawa po ang pinagdaanan ni Kuya Jose. Sobrang tapang po niya, para labanan ang lahat ng iyon na mag-isa. Noong bata pa po ako, nadapa lang ako, at nagkagasgas sa tuhod sobrang pag co-comfort na ang ginawa ninyo ni mommy wag lang akong umiyak. Pero si Kuya Jose, hinarap lang niya iyong mag-isa." patuloy ni Neri habang hindi pa rin mapigilan ang mga luha sa mga mata. Niyakap naman ni Nicardo ang anak. "Wag kang umiyak anak. Pag hindi ka pa tumahan, baka hindi ka na makapunta ng ospital. Sinabi sa akin ni Igo na hindi alam ni Jose ang mga nalalaman nila ni Cypher. Kaya anak wag mong ipapaalam sa kanya ang nalalaman mo. Kung gusto mong mapalapit sa kanya, wag kang magpaparamdam na naaawa ka sa kanya. Kasi baka iwasan ka ni Jose dahil ayaw niyang malalaman ng iba ang nakaraan niya. Siguro natatakot talaga ang binatang iyon na mahusgahan." Isang buntong hininga pa ang pinakawalan ni Neri. "Opo daddy. Pero daddy pwede po bang humiling?" "Ano iyon anak?" Ibinulong ni Neri sa daddy niya ang mga nais niyang gawin ng daddy niya. Hindi man ganoong kabigat, pero alam niyang daddy lang niya ang makakatulong sa kanya sa mga oras na iyon. "Sana daddy magawa mo sa lalo at mabilis na panahon." "Sana nga anak, pero mahirap at wala tayong idea sa lugar. Pero susubukan ko anak. Sana nga ay mabigyan natin ng sagot ang mga katanungan." "Salamat daddy. Pero tayo na kay mommy, tutulong po ako sa paggawa ng cookies." pag-aaya pa ni Neri s daddy niya at sabay na silang nagtungo sa kusina. Naging maayos naman ang bonding nilang mag-anak sa kusina. Natuwa naman si Yaya Flor sa nangyaring pakikipag-usap ni Nicardo sa anak. "Love." nakangiting wika ni Neri, ng paglabas ni Jose sa kwarto na inuukupa ni Shey ay bumungad sa kanya si Neri. Nagulat pa siya na makita ang dalaga sa araw na iyon. Akala niya ay hindi na niya ito muling makikita. Nakita niya iyon sa mga mata ng magulang ni Neri. Pero naging masaya ang puso niya ng makita ito sa harapan niya ngayon. "Hintayin mo ako, o sasamahan mo ako sa loob. Dadalahin ko lang kay Shey itong cookies at cake na ni-bake ni mommy. Ito nga pala, para sayo." sabay abot ni Neri ng isang plastic container na punong-puno ng cookies at isang single slice ng cake. Umiling naman si Jose, kaya naman tumango na lang si Neri. "Sige ako na lang papasok sa loob. Pero hintayin mo ako dito ha at wag kang aalis." utos ni Neri na ikinatango naman ni Jose. Matapos ibigay ang cake at cookies kay Shey at Aize, dahil nandoon din ang mag-asawa ay nagpaalam siya sa mga ito na lalabas muna at nandoon si Jose hinihintay siya. Hindi naman siya pinigilan ng mga ito, at nagpasalamat na lang sa kanyang dala. "Love, saan ka ba pupunta at lumabas ka? Nandoon pa silang lahat sa loob eh." ani Neri at nagpatuloy lang sila sa paglalakad hanggang sa makalabas ng ospital. Sumunod lang naman ng sumunod si Neri kay Jose kung saan man ito pumunta. Pumara ito ng tricycle na ipinagtaka niya. "Wala kang dalang tricycle?" tanong pa ni Neri na siya din ang sumagot sa kanyang tanong. "Sabi ko nga. Papara ka ba ng tricycle kung kung may dala kang sayo?" Napakamot na lang sa ulo si Neri ng bumalik na naman sa pagiging tahimik si Jose. Sumakay na si Jose sa tricycle at siya naman ay naiwang nakatayo lang sa gilid ng kalsada. "Anong gagawin ko?" tanong pa ni Neri sa sarili. Hindi man lang siya inalok ni Jose na sumakay. Bigla tuloy siyang napahiya sa pagiging assuming niya. Pero kahit ganoon pinilit pa rin niyang ngitian ang sitwasyon. Ilang sandali pa ay biglang bumaba si Jose sa tricycle at hinawakan ang kanyang balikat. Napasunod na lang siya ng e-diposito siya ni Jose sa loob ng tricycle, saka ito sumakay sa tabi niya. Ilang sandali pa at umandar na din ang tricycle. Tinatahak nito ang daan patungo sa bahay nina Jose. "Love, manghuhula ba ako na sasakay pala ako dito sa tricycle. Akala ko kasi iiwan mo na lang ako ng basta doon." Nakita pa niya ang pagngiti ni Jose na mas lalong nagpabilis ng pagtibok ng puso niya. Hindi man ito nagsasalita ng madalas. Pero kuhang-kuha naman nito kahit sa ngiti pa lang ang puso niya. Ilang minuto din ang naging byahe nila bago nakarating sa bahay ni Jose. Matapos nitong magbayad ay umalis na rin ang magtatricycle. Pinagmasdan lang naman ni Neri ang pagbubukas ni Jose ng pinto. Gumagalaw ang muscles nito sa biceps nito habang ipinapasok ang susi ng lock sa pintuan. Napalunok pa siya sa kanyang natatanaw. "Bata pa ako. Pero bakit nahuhumaling ako sa love ko? Bata pa ba? Bakit si Shey? Magkakasing edad lang naman daw kami. Di ba?" aniya bago napalunok. "Braso pa lang iyon. Paano pa kung mahawakan ko iyong abs niya? Nakita ko na iyon mas masarap iyong titigan. Ano ba?" kinikilig pa niyang wika sa isipan. "Love bakit hindi mo subukang magmodel. Mas bagay sayo ang maging model kay sa maging kargador lang sa palengke. Sinasayang mo yang katawan mo at kagwapuhan mo. Hindi mo nagagamit ng maayos." puna ni Neri ng mapabaling sa kanya si Jose matapos buksan ang pintuan. "Ikaw pa nga lang nakakita sa akin, crush mo na ako. Paano pa kung makita pa ako ng iba, di may kaagaw ka na." natatawang biro ni Jose, na laglag pangang sinundan ni Neri ng tingin papasok sa loob ng bahay. "Love! Anong sinabi mo?" sigaw niya ng marinig na lang niya ang malutong na tawa ni Jose, na ngayon ay nasa loob na ng kusina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD