Chapter 5

2066 Words
"Kuya Jose," mahinang sambit ni Neri sa pangalan ni Jose ng nilakihan nito ang bukas ng pintuan. Napakunot noo naman siya ng bigla na lang siyang tinalikuran nito. Dahil sa wala itong inimik kahit isang salita ay napasunod na lang siya sa loob ng bahay. Malinis naman, ang kabuoan ng bahay na nakikita niya maliban sa center table. May nakapatong doon na takure, maliit na hawong, platito at kutsara. Nandoon pa ang balat ng instant noodles na dadagdagan lang ng mainit na tubig at pwede ng kainin. Napatingin naman si Neri sa pinasukang kwarto ni Jose ng lumapat ang panara ng pinto. Dalawa ang kwarto ng bahay na iyon ni Jose. Maliit lang pero maaliwalas. Binuksan muna niya ang bintana na nakita niya, para may pumasok na hangin. "Mukhang hindi niya narinig ang sinabi ko kanina. Higit sa lahat, parang hindi niya alam na ako ang nandito. Baka akala ni Kuya Jose, ay si Kuya Igo ako. Mabuti na rin, makakakilos ako ng maayos dito sa bahay niya. Makabawi man lang ako sa paghahatid niya sa akin kahapon." Inilibot muna niya ang tingin sa kabuoan ng bahay. Nakita niya ang kusina na may nakapatong pang tasa sa lababo. "Masama talaga ang pakiramdam niya. Parang kasalanan ko talaga ito eh," aniya at niligpit ang mga nakapantong sa center table at dinala sa kusina. Mabuti na lang at kahit hindi niya pag-aralan ang pagdadayag ay marunong siya sa mga ganoong simpleng gawain sa bahay. "Kayo palagi ang kasama dito ni Kuya Jose?" tanong niya sa mga bagay na nasa kusina. "Hindi ba kayo naiinip sa kanya? Nagbubuhay man lang ba siya ng radyo o tv, para may nagsasalita naman dito sa bahay niya habang nagluluto o naghuhugas ng pinggan. Naku naman, nakakainip kaya ang isang bahay kung wala man lang ingay. Oh! Ikaw lang ba ang maingay dito?" tanong ni Neri sa faucet habang tuloy-tuloy ang pag-agos ng tubig. Napatingin pa siya sa lamesa ng mapansin ang gamot at baso na nakalagay doon. "Mabuti naman at may stock siyang gamot dito. Nakalimutan ko pa namang bumili," aniya at napangiti. Idinamay na rin niya sa pagdadayag ang baso na nandoon. Matapos ang ginagawa ay inilabas naman ni Neri ang pagkaing dala niya. Mabuti na lang at thermal ang loob ng lunch bag niya kaya lahat ng pagkain na dala niya ay mainit pa. Inilagay niya sa isang mangkok ang nilaga at sa platito naman ang pritong tilapia. Hinayaan na lang niya ang kanin sa lalagyan nito at kumuha na lang siya ng plato. May nakita siyang tray doon kaya doon niya ipinatong ang lahat ng pagkain bago nagtungo sa tapat ng kwarto ni Jose. Nakakatatlong katok na siya ng marinig niya ang sinabi ni Jose. "Bakit Igo?," tanong nito na hindi na niya pinansin at basta na lang niya binuksan ang pintuan ng kwarto. Pagkapasok niya ay tumambad ang mabangong amoy. Hindi siya sigurado kung gawa ng sabong ginagamit sa paglalaba, pero nasasamyo niya ang natural na bango ni Jose. Nilapitan niya ito habang nakabalot ng kumot. Sarado din ang lahat ng bintana, pero maliwanag naman dahil may salamin ang bintana nito. "Kuya Jose sobrang init mo." hindi niya mapigilan puna ng salatin niya ang noo ni Jose. "Okay ka lang ba?" nag-aalala niyang tanong pero hindi ito nagmumulat ng mata. "Kumain ka muna Kuya Jose, may dala akong pagkain para sa iyo. Para makainom ka na rin ng gamot." Dahan-dahan namang iminulat ni Jose ang mga mata ng mapagtanto niyang hindi gaanong pamilyar ang boses na naririnig niya. Umaasa siyang si Igo ang pinagbuksan niya ng pintuan kanina. Sinabi kasi kanina ng huli na gagawan nito ng paraan na puntahan siya. Pero ngayon ay nalilinawan na siyang hindi si Igo ang kasama niya. Pinagmasdan naman ni Jose ang babaeng nasa loob ng kwarto niya. Nakangiti ito pero nakikita niyang nag-aalala. "Kuya Jose kain ka na muna. Tapos ay uminom ka ng gamot," anito sabay turo ng pagkain na nasa isang tray ay nakapatong sa silya. "Ako ang nagluto niyan. Galing ako sa palengke kanina. Wala ka naman. Sabi ni Jester masama daw ang pakiramdam ko. Tapos may naghatid sa akin dito. Kaya nandito ako. Kain ka na." paliwanag pa ni Neri ng ilapit nito ang pagkain sa tabi ng kama. Nahihilo pa rin si Jose. Sa tagal ng panahon na hindi siya nagkakasakit ngayon pa talaga siya tinamaan ng hindi niya inaasahan. Ang masakit pa ay parang sobrang lala naman ng sakit niya. Pati katawan niya ay damay. Masakit ang mga hugpungan ng kanyang mga buto isama pa ang mabigat na pakiramdam kaya hirap siyang kumilos. Nagulat naman si Jose ng alalayan siya ni Neri. Hindi na naman siya nagreklamo pa at hinayaan na lang niya ang sarili na tulungan ng dalaga na makaupo. Nilagyan pa nito ng unan ang kanyang likod para hindi siya nakadikid sa dingding. "Hindi na sobrang init iyan kaya naman kumain ka na. Ako ang nagluto niyan. Dinalhan ko din ang mga kasamahan mo sa palengke. Akala ko kasi nandoon ka. Pero ito, para sayo talaga yan, ibinukod ko talaga ang sayo. May dala din akong black coffee. May dala akong sabaw para naman makakain ka ng maayos. Kaya kain ka na Kuya Jose, at uminom ng gamot," nakangiti pang wika ni Neri habang nakatingin lang si Jose sa dalaga. Unang beses sa buhay ni Jose na may mag-alala sa kanya, at ipaghanda siya ng pagkain ngayong may sakit siya. Maliban kay Igo at Cy. Noong nagkasakit siya, ay matagal ng panahon. Si Igo at si Cy ang umaalalay sa kanya. Pero hindi naman siya iyong tipo na talagang nagpapaalaga. Pag hindi niya kayang magluto ay dinadalhan lang siya ng pagkain ng dalawa. Pero ngayon, ang babaeng kahapon lang niya nakita ay nasa bahay niya at may dala pang pagkain para sa kanya. "Pagkatapos mong kumain, uminom ka ng gamot ha ng gumaling ka na. Hindi ako uuwi hanggat hindi ka pa magaling." Patuloy lang sa pagsasalita si Neri kahit walang nakukuhang sagot kay Jose. Ang mahalaga lang sa kanya ngayon ay kumakain ito ng niluto niya. "Pasensya na Kuya Jose kung hindi ako masarap magluto. First time kong magluto eh." "Masarap kang magluto, mapait ang panlasa ko. Pero alam kong masarap ang luto mo," natigilan si Neri ng magsalita si Jose. "Pwede ka namang palang magsalita Kuya Jose eh. Dalasan mo kaya," aniya pero hindi na ulit nasundan ang sinabi nito. Hanggang sa makatapos na itong kumain at uminom ng gamot. Ililigpit na sana niya ang pinagkainan nito ng hagipin ni Jose ang vacuum container kung saan nakalagay ang kape. "Naku kuya Jose. Bawal ang kape. Hindi tatalab ang gamot kung iinom ka ng kape." biglang sabi ni Neri ng ilayo niya ang pinaglagyan ng kape. "Konte lang." Napangiti naman si Neri sa sinabing iyon ni Jose. Hindi niya akalaing magsasalita ito ulit. "Hindi talaga pwede Kuya Jose. Hindi ko naman akalaing may sakit ka. Kung alam ko lang ay fresh juice ang dinala ko sayo at hindi kape." "Please, ayaw mo o magtitimpla na lang ako." sagot ni Jose ng bigla itong tumayo at naglakad palapit sa may pinto. Naharang naman ni Neri si Jose at halos magdikit ang katawan nila sa pagpigil nito sa binata. Ramdam na ramdam niya ang init ng katawan nito. Alam niyang nilalagnat si Jose pero nandoon ang kakaibang pakiramdam ng madait ang katawan niya dito. Bagay na hindi naman niya naramdaman sa iba. "Hindi na mabiro. Upo ka na ulit sa kama mo. Kahit ubusin mo pa." aniya at mabilis namang naglakad pabalik sa kama si Jose. Ipinagsalin naman ni Neri ng kape sa tasa na inihanda niya kanina pa. "Masarap?" tanong niya ng simulang higupin ni Jose ang kape. "Oo." tipid nitong sagot na ikinangiti niya. Natutuwa talaga siyang marinig ang boses ni Jose. Isa pa mukhang hindi napapansin ni Jose na kanina pa itong sumasagot sa mga tanong niya. Matapos maubos ang isang tasang kape ay ibinigay na ni Jose ang tasa kay Neri. "Thank you," tipid nitong wika na ikinangiti ni Neri. "Alam mo kuya Jose, dalasan mo ang pagsasalita. Sinasayang mo ang boses mo eh." "Bakit ka ba kuya nang kuya? Kahapon ko pang napapasin yang pagtawag mo ng ganyan sa akin. Hindi naman kita kapatid. Kaya wag mo akong tawaging kuya. Salamat sa pagkain. Makakauwi ka na." mahabang wika ni Jose at mabilis ng nahiga sa kama. Alam naman ni Neri na baka nahihilo na ito, mabuti na rin na mahiga ito kaagad at hindi naman niya ito kayang buhatin pag biglang natumba. "Ano namang gusto mong itawag ko sayo? Parang hindi naman bagay sa akin na tawagin kitang Jose. Liligpitin ko na lang muna itong pinagkainan mo at babalik ako para sabihin sayo kung ano ang pwede kong itawag sayo. Ayaw mo ng kuya eh." wika pa niya at ibinalik sa tray ang mga dapat niyang hugasan. Pagdating sa kusina ay hindi naman napigilan ni Neri ang tahimik na pagtili ng makailang beses siyang sinagot ni Jose sa mga sinasabi niya. Umaawit pa siya habang hinuhugasan ang plato, at baso. Daig pa niya ang teenagers na pinansin ng crush niya. "Oh wait! Teenager na pinansin ng crush? Parang gusto ko ng pangarapin na maging girlfriend niya. Why not di ba? Nasa right age na ako. Isa pa mukha wala naman siyang girlfriend. Kung mayroon di sana siya ang nandito at hindi ako di ba? Hindi naman ako pinagbabawalan ni mommy at daddy. Why not di ba?" pagkausap pa ni Neri sa sarili at muling binalikan si Jose. Hawak nito ang cellphone, pero nakapatong lang ang kamay sa kama. "Love?" nakangiti pa niyang tawag sa nakapikit na si Jose. Hinawakan pa niya ang noo nito, pero hindi na ganoong kainit. "Hmm," ungot nitong sagot na nagpangiti kay Neri. "Kaya pala ayaw mo ng Kuya Jose, love pala ang gusto mo. So iyon na lang itatawag ko sayo ha. Pagaling ka love," may pagkapilya pa niya wika ng gumalaw si Jose. "Nakatulog ka na nga pero ang gwapo pa rin. Basta ikaw ang love ko." Kinuha naman ni Neri ang cellphone ni Jose. Wala iyong lock kaya naman mabilis niyang tinawagan ang cellphone niya gamit ang cellphone ni Jose. "Gotcha!" ngiting tagumpay si Neri sa mga oras na iyon. Nakuha niya ng walang kahirap-hirap ang number ni Jose. "Love," basa niya sa pangalang inilagay niya sa cellphoneni Jose. "Grabe naman kasi, bakit ako kinikilig? Okay lang ba ako?" tanong pa niya sa sarili. Bago sa kanya ang lahat pero sa bagay na iyon siya masaya. Love din ang ginamit niyang pangalan ni Jose sa cellphone niya. Nagbago na naman ang pwesto ni Jose. Sa tingin niya maginhawa ang pakiramdam nito dahil na rin sa nakainom ito ng gamot. Sinubukan niyang tumabi kay Jose sa kama, nais lang naman niyang magnakaw ng larawan. Bagay na ngayon lang talaga niya gagawin. "One, two, three. . . say cheese!" mahina niyang sambit ng biglang bumaling ng mukha ni Jose sa pwesto niya, kasabay ng pagtama ng labi nito sa kanyang pisngi ang pagshot ng camera. Medyo natigilan pa siya sa parteng iyon. Kakaibang init ang dulot ng halik na iyon sa kanyang pisngi. Sa pisngi lang iyon, pero iba ang hatid nito sa kanyang puso. Dahan-dahan siyang bumangon ng kama, at baka magising pa si Jose. Iyon ang ginawa niyang wallpaper sa cellphone niya. "Ang ganda," puna pa niya sa larawan nila kahit pikit si Jose. "Pakialamera pala ako love. Palitan na rin natin ang wallpaper mo ha. Alisin na natin ito default ha," natatawa niyang sambit ng pareho na sila ng wallpaper. "Hayan na, bagay na bagay. Mas maganda na ngayon ang wallpaper mo love." kinikilig pa niyang wika kahit alam niyang siya lang naman ang nakakaalam. "Pagaling ka na love." aniya kahit alam niyang hindi ito sasagot. "Thank you." Napabaling bigla si Neri sa nagsalitang si Jose. Tinapik pa niya ang balikat nito, pero tulog talaga ito. "Nagsasalita ka ng tulog? O nananaginip lang. Gusto ko lang ng pruweba love mahirap na." humagikhik pa siya sa naiisip. "Love? Okay lang na love ang itawag ko sayo di ba? Ayaw mo kasi ng Kuya Jose. Sabi mo pa, hindi naman tayo magkapatid, kasi hindi naman talaga." malambing ang boses ni Neri sa tanong niyang iyon. Habang nakaready ang voice recorder sa cellphone niya. At umaasa na sasagot ito kahit walang kasiguraduhan. "Uhmm, oo." "Gotcha!" Malakas niyang sigaw matapos pindutin ang stop ng recording.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD