Paglabas ni Neri ng kwarto ni Jose ay bigla siyang napatingin sa may pintuan ng bigla iyong bumukas at pumasok ang dalawang magandang babae.
Nagkagulatan pa silang tatlo ng mapansin ang isa't-isa
"Sino ka?/ Sino kayo?" sabay-sabay pang tanong ng tatlo.
Napakunot noo naman si Neri ng mapansin ang ang tiyan ng isang babae. Malaki na iyon at halos manganganak na. Habang napakasexy namang tingnan ng isa.
Hindi tuloy niya alam ang sasabihin. Hindi niya kilala ang dalawa, at bago lang siya sa lugar na iyon. Kaya naman medyo nagkaroon ng kaba sa kanyang puso.
Hindi naman mukhang mananakit ang dalawang babae, pero kinakabahan pa rin siya. Hanggang sa may pumasok ulit mula sa labas ng bahay.
"Kuya Igo!" nagagalak pa niyang sigaw ng makita ito.
Mabilis din niya itong nilapitan. Lalo na at maliban kay Jose ay si Igo lang ang kilala niya.
"Kuya Igo," ulit niya sa pangalan nito.
"Kuya Igo?" sabay-sabay pang tanong ng tatlo.
Napakamot naman ng ulo si Igo. Pati ang kanyang asawa ay hindi makapaniwala sa narinig.
"Maupo ka muna mahal ko, at baka mangalay ka," ani Igo sa asawa at inalalayan ito.
Napatingin naman si Neri sa ginagawang pag-alalay nito kay Shey. "S'ya pala ang asawa ni Kuya Igo. Ibig sabihin," sabay baling kay Cy. "Ito si Kuya Cypher at ang asawa niya." bulong pa niya sa isipan na ikinatuwa niya.
"Asawa mo Kuya Igo?" tanong ni Neri na ikinatango ng huli. Nakita din niya ang pag-alalay ni Cy sa asawa nito para makaupo.
"Hi po. Ako nga po pala si Neri Dedace." pakilala niya. "Dahil kayo lang po ang magiging kilala ko dito magpapakilala po ako ng totoo. Anak po ako ni Mayor Nicardo Dedace at ng kanyang may bahay na si Rozalyn Dedace. Solong anak lang po ako. Wala po akong trabaho dahil ayaw po ni daddy. Isa pa ay tapos na rin po ako ng pag-aaral. Wala pong madaming nakakakilala sa akin, kaya po malaya po akong lumabas ng hindi nag-aalala, si daddy at mommy. Mahilig din po ako sa mga hayop. May aso po akong binibisita sa animal welfare friend po kami noon mula ng magkita kami sa daan. Tapos po ay," hindi natuloy ni Neri ang sasabihin ng pigilan ito ni Igo.
"Okay na iyon. Iba namang tanong ang sagutin mo." putol ni Igo sa sinasabi ni Neri.
Nakatulala namang nakatingin si Shey, Aize at Cy kay Neri. Ibinaling naman ng tatlo ang paningin kay Igo na nakangisi sa kanila.
"Saan mo nakilala yan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Cy.
"Ang itanong mo, saan siya nakilala ni Jose."
"Si Jose?" hindi makapaniwalang tanong ni Aize at Shey.
Napatingin naman sila sa babaeng nasa harapan nila. Hindi na ito bata, pero kung kumilos sa way ng pagsasalita ay parang batang paslit na napakaraming tanong.
"Neri, ako nga pala si Cypher, at ito ang asawa ko si Aize. Bahala ka na kung anong gusto mong itawag sa akin. Pero kung bet mo ang kuya ayos lang naman." Pakilala ni Cypher.
"At ito naman ang asawa ko Shey. Naikwento ko na naman sayo na malapit ng manganak ang misis ko di ba?" paliwanag ni Igo.
"Opo Kuya Igo. Natutuwa naman po akong makilala kayong lahat. Ate Shey okay lang ba?" tanong nito kay Shey na tinawanan lang nito.
"Makaate ka naman. Magkakasing edad lang tayong tatlo. Shey, and Aize is enough. Bahala ka na sa dalawa kung anong itawag mo sa kanila." Paliwanag ni Shey na ikina okay sign ni Aize.
"Shey? Aize? Pwede ko ba kayong maging kaibigan?"
"Oo naman." sabay pang sagot ng dalawa.
"Thank you sa inyo. Alam n'yo ba, wala akong kaibigan noong bata pa ako. Mahigpit kasi si daddy. Dahil iniiwas niya akong masaktan at mabully. Akala yata ni daddy ay baby pa rin ako. Kaya naman nitong malaki na ako. Wala akong makilalang kaibigan. Mabuti talaga nakilala ko kayo."
"Teka lang di ba sabi ko anak ka ni mayor?" tanong ni Cy, na ikinatango nito.
"Opo Kuya Cy."
"Saan ka naman nakilala ni Jose. I mean hindi iyon nakikipag-usap sa iba. Paano kayo nagkakilalala."
"Kahapon po. Doon sa palengke nagkabanggan kami tapos may interview po ako sa mga tao sa palengke. Kaya ayon."
"Nagpainterview sayo si Jose?" hindi makapaniwalang taong ni Cy.
"Hindi. Basta kahapon kami nagkakilala. Kung magkakilala nga ang tawag doon. Hindi naman ako kinakausap eh. Sinabi lang niya na Jose pangalan niya. Iyon lang."
"Ah okay." Tumatangong wika ni Cy. "Pero bakit hinahayaan ka ni mayor na lumabas na mag-isa. Hindi naman sa tinatakot kita. Kaya lang syempre. Need mo pa rin ng taga bantay."
"Hinahayaan na po ako ni daddy na lumabas lalo na at wala namang nakakakilala sa akin, tulad ng sinabi ko na kanina. Actually kayo pa lang po, ang nakakaalam na iba sa pamilya po namin at sa mga konsehal. Kahit po kasi si love, hindi pa niya alam." nagkatinginan naman ang apat sa sinabing iyon ni Neri.
"Bakit po kayo natigilan? May nasabi ba akong masama?" takang tanong ni Neri ng si Cy ang nagtanong.
"Sino naman itong love mo na hindi alam na anak ka ni mayor?"
"Love? May sinabi ba akong ganoon? Kuya Cy talaga wala akong sinabi ah. Sabi ko po si Kuya Jose. Hindi naman po ako tinatanong ng katulad ninyo. Hindi ko nga po sure kung kilala ako ni Kuya Jose." aniya.
Hindi na lang nila inungkat ang kanilang narinig kay Neri. Pero mukhang nakukuha nila ang dahilan kung bakit may isang Neri sa bahay ni Jose.
"Ay anong ginagawa ko dito?"
"Sumama ako kay Kuya Igo kanina papunta dito. May sakit daw si Kuya Jose. Mabuti na lang may dala na akong pagkain. Nakakain na siya, at nakainom ng gamot. Ngayon naman ay natutulog." paliwanag ni Neri.
Hindi talaga mapaniwalaan ni Cy at Igo kung paano nagkakilala ang dalawa at kung paano makakatagal si Jose sa babaeng kaharap nila ngayon. Sa dami nitong sinasabi parang sila ang mauubusan ng itatanong.
"Nagkaroon ka na ba ng crush, paghanga, ganoon ba, noon?" tanong ni Shey.
"Naku hindi pa Shey. Actually first time kong humanga. Hindi ko itatanggi pero crush ko talaga si Kuya Jose. Hindi man siya nagsasalita, pero iba 'yong pakiramdam pagnakikita ko si Kuya Jose. Isa pa kanina kung anong sabihin ko sumagot siya.
"Iba yon ha." sabay na wika ni Igo at Cy habang naiiling. "Exciting 'to." bulong pa ng dalawa, na narinig naman ng asawa nilang dalawa.
Napangiti pa sila kay Neri na hindi nauubusan ng kwento. Patuloy lang sila sa kwentuhan hanggang na mabilis na lumipas ang oras, at mag ala una na ng hapon.
Kahit pa sabihing maagap pa ay need ng umalis ni Neri. Hindi siya pwedeng magtagal doon. Nais pa sana niya, pero need pa rin niyang sumunod sa daddy niya na uuwi siya ng maagap.
Medyo nakakalungkot lang ay umalis siyang natutulog pa rin si Jose. Si Cy na ang naghatid kay Neri hanggang doon sa may labas ng subdivision nila. Hinintay naman ni Cy na mayroong sumundo dito bago siya umalis.
Dumaan na rin ng palengke si Cy ng magpabili ang asawa ng prutas. Hiniling kasi ng buntis sa asawa niya na igawa ito ng fruit salad. Total naman nasa palengke na siya. Bumili na rin siya ng pwede nilang kainin. Nandoon naman sila sa bahay ni Jose, ay doon mula sila mag stay, hanggang sa maging maayos na ang pakiramdam nito.
Nasa kusina ng bahay ni Jose si Shey at Neri habang nagluluto. Hindi pa gaanong sanay si Shey kaya nakatingin lang ito sa ginagawa ni Aize.
Nasa loob naman ng kwarto ni Jose si Cy at Igo na nakatingin sa binatang natutulog.
Ilang sandali pa ay biglang tumunog ang cellphone ni Jose. Hindi naman sila nangingialam ang gamit nang may gamit, ngunit naagaw ng atensyon nila ang wallpaper sa cellphone ni Jose.
"Woooh. Mukhang pumapag-ibig na si Jose. Tatahimik-tahimik lang pero mayroon namang tinatago." biro pa ni Cy ng mapakunot noo si Igo. "Bakit?" tanong pa niya.
"Mukhang walang alam dito iyang may sakit na iyan. Pagmasdan mo." itinapat pa ni Igo ang cellphone sa mukha ni Cy ng sabay silang matawa.
"Mukhang malaki ang tama ni Neri kay Jose. Pero naalala mo noong nakaraan sa karinderya ni Aling Lucing? Mukhang pati si mayor bet si Jose sa anak niyang nakilala natin ngayon." nakangising wika pa ni Cy ng gumalaw si Jose.
Wala na itong lagnat ng salatin nila kanina ang noo nito. Mukha ding maayos na ang pakiramdam. Lalo na at nakapagpahinga ito ngayon ng maayos.
Magsasalita sana ni Igo ng may pumasok na text sa cellphone ni Jose. Hindi naman nila binubuksan iyon, pero nababasa sa notification ang mensahe.
From: Love
Kumain ka ng maayos mamaya pagkagising mo ha. Uminom ka pa ulit ng gamot pag sumama ulit ang pakiramdam mo. Text back ka ha, pagnagising ka na. Hmm.
Nagkatinginan pa si Igo at Cy.
"Ibang klase. Malala ang tama ng anak ni mayor sa isang 'to." komento ni Cy.
"Ang tanong, may pag-asa ba sila ni Jose?" sagot ni Igo.
"Malay mo naman. Magbago ang ihip ng hangin. Kahit sabihin ni Jose na wala siyang karapatang maging masaya na katulad natin, malay mo naman. Si Neri ang sagot para sa isang iyan." ani Cy ng biglang naupo si Jose sa kama.
Napatingin naman si Jose sa dalawang taong nasa kwarto. Hindi na lang niya pinansin ang dalawa at hinanap ang cellphone niya. Wala kasing orasan sa loob ng kwarto. Pakiramdam pa niya ay mahabang oras ang kanyang naitulog.
Inilinga pa niya ang paningin, pero mukhang wala na rin si Neri sa bahay niya. Hindi tuloy niya alam kung anong oras ito umalis. At kung nakauwi pa ito ng maayos.
"Ito ba ang hinahanap mo?" sabay abot ni Igo sa cellphone niya at agad ding napakunot noo ng makita ang wallpaper doon.
"Kanino ito? Nasaan ba ang cellphone ko?" tanong ni Jose na nagpangiti sa dalawa.
"Cellphone mo kaya yan. Ikaw iyang pikit. Ang sweet ninyo ha." biro naman ni Cy.
Tinitigan namang mabuti ni Jose ang cellphone na hawak niya. Sa kanya nga iyon, at siya din ang lalaking pikit pero mukhang humalik sa pisngi ni Neri. Napailing na lang siya at akmang papalitan ang wallpaper niya ng may mag-appear na text doon.
From: Love
Don't you ever try to change your wallpaper, okay. Kasi pag pinalitan mo yan, at magkita ulit tayo ipapamalita ko na girlfriend mo na ako. Kaya dapat same tayo ng wallpaper ha. Pagaling ka na love. Sumunod ka lang, silent lang me. Promise. Nasa bahay na nga pala ako. See you when I see you.
Laglag pangang basa ni Jose sa mensahe galing kay Neri. Napatingin pa siya sa dalawang nakitsimis pa pala sa mensaheng binasa niya.
"Lover boy, mukhang magaling ka na. Sunod ka sa kusina mo. Nagluluto ang asawa ko, katulong si Shey. Kaya naman kumain ka muna at uminom ng gamot ng tuluyan ka ng gumaling." wika ni Cy.
"Ang sweet nila kaya." dinig pa niyang wika ni Igo at nag-apir pa ang dalawa.
Napailing na lang si Jose sa mga nangyayari. Nagkasakit lang siya, may nangialam na ng cellphone niya, at love pa ang tawag sa kanya. Tapos ang dalawa niyang kaibigan. Mukhang may kung anong nalaman habang tulog siya.
"Mga babae talaga problema." na wika na lang ni Jose sa isipan bago sumunod sa dalawa.