Chapter 1

2054 Words
Nakaupo sa isang gilid ng palengke si Jose, habang hinihintay ang pagdating ng isang truck na kailangan nilang idiskarga. Galing ang mga gulay sa ibang probinsya kalapit ng San Lazaro. Madilim pa ng mga oras na iyon. Kaya naman kahit papaano ay malamig pa ang ihip ng hangin. Nakatingin lang siya sa paligid. Wala si Cypher at Rodrigo sa mga oras na iyon. Malapit ng manganak ang asawa ni Rodrigo. Habang sinusulit naman ni Cypher ang bakasyon, para makasama ang asawa. Lalo na at bagong kasal pa lang ang mga ito. Sa kanilang tatlo ay siya na lang ang single. Wala namang kaso iyon kay Jose. Ang mahalaga sa kanya ay may napapalibangan siya. Tulad na lang sa mga oras na iyon. Dumating, na ang truck na hinihintay nila ng iba pang kargador. Sumisikat na ang araw ng matapos nilang ibaba ang prutas at gulay na laman ng truck. Nagsisimula na ring umingay ang palengke. "Suki bili ka na." "Mura lang itong mga tindang gulay ko. Mayroon din akong mga prutas. Pili na." "Sariwang-sariwa ang mga gulay. Suki." Ilan lang sa sigaw ng mga tinderang nandoon sa mga mamimili na nagsisimula ng magdagsaan. Maingay sa loob ng palengke, pero kahit sabihing kompetisyon ang makabenta, magkakasundo naman ang mga tindera. "Oops! Sorry." Ani ng babaeng bumangga kay Jose. Lalabas sana siya ng palengke para magtungo sa karinderya ni Aling Lucing. Maaga siyang pumasok sa trabaho kaya hindi pa siya nag-uumagahan. Napakunot noo naman si Jose ng ang babaeng nakabangga sa kanya ay hindi pa rin umaalis sa harapan niya. Napatitig tuloy siya dito. Isang snap ng daliri ang nagpatikom sa bibig ng babae na kanina pa pala nakanganga at nakatitig kay Jose. "Sorry kuya hindi kita napansin." Hinging paumahin ng babae na hindi naman pinansin ni Jose. Bagkus ay nilampasan lang niya ito. Napasimangot naman ang babae at hinabol ang lalaking nabangga niya. Alam naman niyang hindi ito gaanong nasaktan, pero naabala pa rin niya ito ng saglit ng dahil sa pagkakabangga niya. "Kuya sandali!" Pigil ng babae kay Jose. Tuloy-tuloy lang naman sa paglalakad si Jose at binaliwala ang tumatawag. Wala naman siyang pakialam sa kahit na sino. Hindi naman siya nasaktan kaya ano pa ang dahilan para kausapin ang babae. "Ang bilis mo namang maglakad. Sabi ng sandali eh." Reklamo ng babae na ikinapout nito. Habang hawak-hawak ang kamay ni Jose, dahilan kaya napatigil ito sa paglalakad. Natigil naman sa paghakbang si Jose ng maramdaman ang mainit na palad na humawak sa kamay niya. May kung anong pakiramdam sa palad na iyon kaya napatigil din siya sa paglalakad. Pagharap niya ay ang babaeng nakabangga sa kanya. Nakapout ito na parang bata, kaya naman napangiti siya sa kanyang isipan. "Kuya galit ka ba, kasi nabangga kita?" Tanong ng babae sa kanya na ikinailing niya. "Akala ko kasi galit ka kasi hindi ka nagsasalita, noong magsorry ako sa iyo kanina." Dagdag pang wika ng babae habang nakatitig lang dito si Jose. Napangiti na lang si Jose sa babae at inalis ang kamay nitong nakahawak sa kanya. Iniwan niyang muli ang babae at ipinagpatuloy lang ang paglalakad, patungong karinderya ni Aling Lucing. "Mute ba s'ya kaya hindi nakakapagsalita?" Napatakip pa ang babae ng bibig ng maisip ang kalagayan ng lalaki. "Ang rude ko naman para hindi mahalata iyon?" Aniya sa sarili at sinundan na lang si Jose na pumasok sa loob ng isang karinderya. Nakaupo lang ito sa pandalawahang upuan, ng makita niya. Nasa malapit na siya ng lapitan ito ng isang magandang babae na sa tingin niya ay serbidora doon. "Anong sa iyo Jose? Tosilog, longgsilog, cornedsilog?" Dinig niyang tanong ng babae pero wala man lang reaksyon ang lalaking tinawag nitong Jose. "Bangsilog?" Dagdag pa ng babae ng tumango ito. "Okay, bangsilog, extra sinangag, kape at tubig lang." Pagtutuloy ng babae na sunod-sunod ang pagtango ng lalaking nagngangalang Jose. Matapos makuha ang order nito ay umalis na nag babae. Kinuha naman niya ang pagkakataon at nilapitan ang lalaki. Napatingin pa ito sa kanya at hindi naman siya pinagtuunan ng pansin. "Kuya pwede ba akong maupo dito?" Tanong niya ng ibaling ng lalaki ang tingin sa kanya. Napatingin pa ito sa paligid. Ipinagpasalamat na lang niyang puno ang karinderya sa mga oras na iyon. Kahit wala pa itong sinasabi na maupo na siya ay naupo na siya kaagad. "Ako nga pala si Neri." Pakilala niya sa lalaking kaharap. "Ikaw anong pangalan mo?" Tanong ni Neri sa lalaki, kahit alam niyang hindi ito sasagot at kahit alam na niya na Jose ang pangalan nito dahil sa narinig niyang itinawag dito ng serbidora. "Jose." Tipid na sagot ni Jose na ikinagulat ni Neri. Halos manlaki ang kanyang mga mata ng marinig ang boses nito. Hindi lang pala mukha nito ang gwapo, pati boses na rin. "Nagsasalita ka? Bakit kanina noong nagsosorry ako sayo hindi ka man lang nagsalita kung okay ka lang. Kaya naman naisip ko nagalit ka. Pero nagsasalita k naman pala, bakit hindi mo ako iniimikan?" Reklamo ni Neri habang nakatitig lang sa kanya si Jose. "Bakit nakatitig ka lang ng ganyan sa akin kuya? Wala ka bang balak kausapin ako? Aba mapapanis n'yan ang laway mo?" Sunod-sunod na wika ni Neri hanggang sa dumating ang babaeng kumuha ng order na pagkain ni Jose. "Wala ka bang balak magsalita?" Ani Neri ng ang babaeng naglalapag ng pagkain ni Jose ang sumagot. "Naku miss, once in a blue moon lang magsalita si Jose. Ngingiti yan kung ayos lang ang lahat. Kung need mo ng sagot sa sinasabi mo, tatango lang yan pag-approve sa kanya ang sinasabi mo. O kaya naman, ay iiling o hindi sasagot pag-ayaw niya sa sinasabi mo." Paliwanag ng babae, kaya napatingin siya kay Jose na nagsisimula ng kumain sa harapan niya. Mukhang wala itong pakialam sa itinatanong niya sa babae at sa sagot nito. "Bakit hindi siya nagsasalita?" "Ewan ko." Mabilis nitong sagot. "Basta masasabi kong napakabait niyang si Jose. Isama mo pa iyong dalawa niyang kaibigan." Paliwanag ng babae kaya napatango na lang siya. "Bakit ka nga pala nandito sa harapan ni Jose kakain ka ba?" Tanong ng babae sa kanya kaya naman agad siyang napatango. Umorder na lang siya ng tocilog, kape at tubig. Nahiya naman kasi siyang makitambay lang sa karinderya na iyon. Matapos kumain ni Jose ay napansin ni Neri na hindi ito umaalis sa pwesto nito. Ubos na rin ang kape nito pero nakaupo lang ito. Habang siya ay nangangalahati pa lang sa pagkain niya. Kumain na kasi siya bago nagtungo ng palengke. Napaupo naman siya ng tuwid ng maalala ang dahilan kung bakit siya nasa palengke. Gagawa nga pala siya ng report para sa mga kakulangan sa pelengke kong mayroon man. O kung nais irequest ang mga magtitinda doon. Kung kaya namang suportahan ng munisipyo ay ang daddy na niya ang bahala. Kaya lang sa halip na makipag-usap sa mga tao, ay nandito siya sa karinderya at kinakausap ang lalaking ayaw namang magsalita. "Okay na ako." Bigla niyang saad ng makita niya ang babaeng serbidora na papalapit sa kanila. Akma siyang tatayo ng hawakan ni Jose ang kamay niya. May kung anong kuryente na dumaloy sa kamay ni Neri patungo sa kaibuturan ng kanyang puso. May kakaiba siyang naramdaman sa paghawak na iyon ni Jose sa kanya kaya napatitig siya dito. Bigla namang napabitaw si Jose sa dalaga, naramdaman na naman niya ang kakaibang init sa palad niya ng mahawakan ito. Nagulat man sa biglang paghawak at pagbitaw ni Jose sa kanya ay mas napatitig siya sa lalaki. "Naramdaman mo din iyon?" Wala sa sariling tanong ni Aize na ikinatango naman ni Jose. Hindi itinanggi ni Jose ang naramdaman niya. Lalo na at hindi naman siya pamilyar kong ano iyon. "Bakit mo ako pinigilan? Tatawagin ko na sana si ateng serbidora eh." Tanong ni Neri ng magsalita si Jose. "Madaming mahihirap na tao, at pamilya sa bansa. Kaya wag kang mag-aksaya ng pagkain. Kung busog ka naman pala, dapat hindi ka na omorder ng pagkain. Hindi maganda ang nagsasayang." Mahabang wika ni Jose habang sinasabihan si Neri. "Alam kong sinesermunan mo ako. Pero bakit parang nabitin ako sa pagsasalita mo?" Tanong ni Neri sa isipan ng hindi niya napansin na nasa likod na niya si Jose at iniupo siya sa upuan, sabay turo ng pagkaing nasa kanyang harapan. "Opo kakain na po kuya." Nakapout pa niyang sabi ng maupo muli si Jose sa pwesto nito. Napalunok pa siya ng laway ng hindi talaga siya nilulubayan ng titig ni Jose habang hindi niya nauubos ang pagkaing nasa plato niya. "Mahigpit pa siya kay daddy, eh ngayon ko lang naman siya nakilala. Sabagay ang gwapo niya, pati ng boses niya. Iyon nga lang wari mo ay nagpapabayad pag may lumabas na boses sa bibig." Ani Neri sa isipan. Napatingin pa siya kay Jose ng tinawag nito ang serbidora, at sinabi ang babayaran nito, ng tiningnan ni Jose ang pinggan niya. Narinig niyang isasama na ng serbidora ang kinain niya sa babayaran ni Jose. "Naku ate, wag na. Ako na magbabayad." Pigil niya dito pero hindi naman siya pinansin ng dalawa hanggang sa makapagbayad si Jose, tapos ay mabilis itong humakbang palabas at iniwan siya. Napatakbo naman siya ng paghabol kay Jose sa bilis nitong maglakad. "Kuya!" Tawag pa niya para lang mapatigil si Jose, pero hindi talaga siya pinapansin nito. "Kuya naman eh! Sabi ng tigil!" Malakas niyang sigaw kaya naman pinagtinginan siya ng mga taong nakarinig sa sigaw niya. Nahihiya man ay hindi na lang niya pinansin ang mga tao. "Perks of being hindi kilala ng mga tao ang nag-iisang anak ng mayor. Malaya talaga akong nakakalabas ng mag-isa." Bulong pa niya habang mabilis na lumapit kay Jose at nag-abresyete pa siya. "Kuya, bakit ba ang tigas ng ulo mo? Sabi ng tigil! Bakit lalo kang lumakad ng mabilis. Isa pa kaya ko namang bayaran ang mga kinain ko, na pilit mong pinaubos sa akin. Pero bakit ikaw ang nagbayad?" Tanong ni Neri pero walang narinig na sagot mula kay Jose. "Kuya alam mo, kung nagsasalita ka lang mas magiging maayos ang communication mo sa ibang tao. Isa pa ang ganda ng boses mo sinasayang mo lang." Wika pa ni Neri, at hindi pa rin bumibitaw sa pagkakahawak sa braso ni Jose. "Heto na kuya ang bayad ko sa kinain ko kanina. Hindi mo dapat ako nililibre. Paano pala kung masamang tao ako?" Nakatingin lang naman si Jose sa sinabi ni Neri sa kanya. Hanggang balikat lang niya ang dalaga, kung masamang tao ito, kaya naman niya siguro itong isako. Napailing na lang din si Jose sa naisip. "Alam mo kuya mas, gwapo ka na, pero mas gwapo pagnakangiti ka. Kaya naman, ito na ang bayad ko tanggapin mo na." Umiling naman si Jose ng iniabot ni Neri ang bayad. Wala namang nagawa ang dalaga ng tanggihan ito ni Jose kaya naman binalik na lang niya sa pitaka. "May tanong ako, may asawa ka na ba kuya?" Hindi inaasahang tanong ni Jose na itatanong sa kanya ni Neri. Naubo naman siya bigla ng masamid sa sinabi nito. Nataranta naman si Neri dahil sa hindi mapigilang pag-ubo ni Jose. Agad siyang napabalik sa karinderya at bumili ng bottled water. Mabilis namang ininom ni Jose ang iniabot sa kanyang tubig ng dalaga. Kahit papaano ay naibsan ang pagkakasamid niya. "Kuya ayos ka na?" Tanong nito na ikinatango ni Jose. "Grabe ka naman kuya, nagtatanong lang kung may asawa ka na. Ay ano nga?" Umiling naman siya bilang sagot. Nakita pa ni Jose ang pagngiti ng dalaga pero hindi na lang niya pinansin. Napatingin pa si Jose na inanayos na ng driver ng truck ang pwesto noon para maisakay naman ang mga prutas at gulay na siya namang ibibyahe sa ibang lugar. Tinawag ulit siya ni Neri pero hindi na talaga niya pinansin ito, at mabilis na hinayon ang pwesto ng mga gulay na kanilang isasakay. Napangiti naman si Neri habang tinatanaw si Jose. "Ang gwapo mo naman kuya, gusto ko pa naman sanang makipagkwentuhan sayo, pero siguro next time na lang. Need ko pang makipag-usap sa mga tindera at mga tao dito sa palengke. Mahalaga alam ko na pangalan mo." Nakangiti pa niyang sambit bago pumasok sa loob ng palengke kung saan siya magsisimula. Hawak ang ballpen at notebook ay isinulat niya ang nakita niyang pwedeng palitan at baguhin sa loob ng palengke para sa ikagaganda at ikakaayos ng lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD