Chapter 11

3206 Words
Nasa loob sila ng private room kung saan dinala si Shey at ang baby nito. Kasama nila doon ang si Daddy Henry, Yaya Lourdes, mag-asawa ni Cy, mga magulang ni Neri at si Jose na tahimik lang sa tabi ng dalaga. Naninibago talaga si Neri kay Jose lalo na at hindi na ulit ito nagsalita. Tumatango na lang ulit ito at umiiling sa mga tanong niya. Kausap ni Igo ang ang doktor na nagpaanak sa kanyang asawa. Kasama nito ang dalawang nurse na nag-aayos ng dextrose na nakalagay kay Shey. Kausap naman ni Daddy Henry at Yaya Lourdes ang pediatrician ng kanilang anak. Kung tutuusin ay may apat na ibang tao sa kwartong iyon. Isang buntong hininga naman ang pinakawalan ni Neri dahil hindi na naulit ang pagsasalita ni Jose. Mula ng maglakad sila sa may hallway hanggang sa makapasok ng kwartong iyon. Ilang sandali pa at ipinagpaalam ng doktor na dadalahin muna si baby sa NICU (neonatal intensive care unit). Pumayag naman sila. Ang daddy ni Shey ang sumama para sa pagdadala doon sa kanyang apo. Itawag na lang daw pag nagising si Shey para madala ulit ang sanggol para mapabreastfeed. Umalis na rin ang nurse at doktor na sumusuri kay Shey. Dahil nakatulog ito sa pagod, maya't-maya ang monitor dito para masiguradong nasa maayos itong kalagayan. "Love, hindi pa kumakain. Kumain ka kaya muna. Or ako na lang ang lalabas. Alam kong pagod ka dadalahan na lang kita ng pagkain dito." bulong ni Neri habang hawak ang braso ni Jose. Akala niya ay hindi pa rin ito sasagot pero bigla itong nagsalita. "Ayos lang ako. Kaya ko pa naman. Ang mahalaga, maayos lang ang lagay ng inaaanak ko at ang asawa ni Igo." sagot ni Jose kaya naman nagulat si Neri. "Bakit hindi ka sumasagot kanina? Pwede ka naman palang magsalita." may halong pagtatampo nito kay Jose pero narinig naman ng ibang nandoon ang sinabi niya. "Alam mo Neri ikaw lang ang nakapagpasalita dyan ng madalas. Isa pa, ayaw ni Jose na magsalita sa harap ng madaming tao. Hindi iyan nakikipag-usap sa iba. Pero napakaswerte mo, kasi kinakausap ka ng isang iyan maliban sa amin ni Cy." paliwanag ni Igo. "Isa pa sayang kasi kung mas maaga mong nakilala si Jose, narinig mo sana ang isang iyan na kumanta. Once in a lifetime lang mapakanta sa harap ng madaming tao ang isang iyan. Noong kasal namin ng asawa ko. At kasal ni Cy at ng asawa niya." dagdag pa ni Igo na ikinailing ni Jose. Mangha namang napatingin si Neri kay Jose. Hindi niya akalaing kumanta ito sa kasal ng dalawang kaibigan. "Kailan ko kaya maririnig ang boses mo na kumakanta. Tapos ako ang kakantahan mo." kinikilig pang wika ni Neri sa isipan ng mapatingin siya kay Cy. "Kung nagtitiwala at komportable sayo si Jose iimik yan pag gusto niya. Pero kung hindi, kahit pa maghapon at magdamag mo yang kausapin hindi yan magsasalita. Kung narinig nating lahat ang boses ni Jose ngayon. Ibig sabihin n'yan nagtitiwala at komportable si Jose sa ating lahat." ani Cy ng mapatingin silang lahat kay Jose na napapangiti at napapailing habang namumula ang pisngi. "Sus, nahiya pa. Kung hindi ka namin kilala ni Cy na hudyo ka baka kahit kami ay magtaka." sabat ni Igo ng itaas ni Jose ang gitnang daliri nito. "G*go!" "Naku Dimaano. Pasalamat ka at wala dito ang anak ko. Hindi na pwede iyang mga salitaan na iyan baka marinig ng baby." Natawa naman silang lahat sa sinabing iyon ni Igo. Napangiti naman si Neri sa nalaman niya. Ibig sabihin. Komportable at may tiwala sa kanya si Jose, kaya siya kinakausap nito. Ganoon din sa mga magulang niya na nandoon, na hindi alintana ni Jose, dahil umiimik ito. "Pwede ko bang malaman kung bakit madalang kang magsalita? Bakit hindi ka komportable sa ibang tao?" tanong ni Neri na biglang ikinatahimik ng lahat. Nakita niya ang sabay na pag-iling ni Cy at Igo, lalo na ang biglaang pag-iiba ng awra ni Jose. Hindi naman ito galit. Pero nararamdaman niyang hindi ito masaya sa tanong niya. "Anak, bakit kaya hindi mo ayaing kumain si Jose." pag-iiba ng daddy niya. "Oo nga naman Jose, tara pakakainin ko din ang asawa ko." ani Cy at inalalayan sa pagtayo si Aize. "Love." bulong ni Neri ng tumayo si Jose. "Kain lang kami, may gusto ka ba Cardenal?" tanong ni Cy ng magbilin na lang si Igo ng kung ano ang pwedeng kainin ng bagong panganak. Lumabas na rin naman si Yaya Lourdes at sumunod sa NICU. "Ikaw daddy, mommy. May ipapabili po ba kayo?" "Kape lang sa akin anak." si Nicardo. "Ako din," ani Rozalyn at lumabas na rin sila. Naiwan lang sa kwartong iyon si Igo at ang natutulog nitong asawa. Kasama ni Mayor Dedace at ang may bahay nito. Tahimik lang sila sa loob ng kwartong iyon at halos wala namang may balak magsalita. Pero mukhang hindi makatiis si mayor. "Rodrigo, may alam ka bang dahilan kung bakit napakatipid magsalita ng kaibigan mo? Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang nagustuhan ng anak ko kay Jose. Pero sa nakikita ko masyadong inlove ang unica hija ko." ani mayor at napakamot pa sa ulo. "Napaka tsismoso mo mayor." sabat ni Rozalyn. "Roz, hindi pagiging tsismoso ang tawag doon. It's curiosity. Kaibigan nila si Jose at bago tayo napunta sa sitwasyong ito, na ano bang oras na? Ay kasalanan iyon ni Jose. Sina Rodrigo ang kaibigan ni Jose kaya kay Rodrigo ako magtatanong." paliwanag ni mayor na ipinagkibit balikat ng asawa niya. "See, dahil kong si Jose ang tatanungin ko, baka naman sa isang libong salita na masasabi ko baka naman masagot ako ng hindi po. Di lugi ako." natatawang wika ni mayor kaya naman kahit si Igo ay natawa. Napatingin naman si Igo sa kanyang asawa na tulog na tulog pa rin ngayon. Nasa tabi kasi siya nito at hinahaplos ang maganda nitong mukha. "Hindi ako sigurado mayor sa dahilan pero sa pagkakaalam namin ni Cy ay mahirap ang naging karanasan ni Jose noong bata pa siya. Isa pa sa totoo lang hindi siya talaga dito sa San Lazaro lumaki. Hindi siya nagkukwento sa amin. Sa totoo mayor, isang beses lang naming narinig ni Cy ang kwentong iyon ni Jose at lasing pa ito. Nilasing talaga namin. Pero pagkatapos naming malaman ang lahat. Hindi na kami nagtanong, at hinayaan namin si Jose na isiping hindi namin alam ang parteng iyon ng buhay niya." Flashback "Sino ang batang iyan Gardo?" Tanong ng isang lalaking nakaupo sa lumang silya. Matalim ang titig nito sa lalaking kasama ng batang si Jose. "Ito? Nakita ko lang na palaboy-laboy. Mukhang kikita tayo dito ng malaki." "Paano mo naman nasabi?" "Ang hina mo talaga minsan Berting. Hindi ka ba maaawa sa mukhang yan?" sinabayan pa nito ng malakas na tawa. "Gwapong bata, pero mukhang pinabayaan. Wala daw siyang magulang kaya kinuha ko na. Magagamit natin siya sa panlilimos. Pang-ilan na ba siya? Pangsampu?" dagdag pa nito. Napatingin naman si Jose sa lalaking katabi niya. Ang ipinangako sa kanya nito ay aampunin siya ng mayamang mag-asawa kaya siya sumama dito. Pero mali pala. Gagawin lang din pala siyang manlilimos. "Sabagay. Siguradong kikita tayo dyan ng malaki." Sagot ni Berting. "Tandaan mo bata. Huwag na huwag kang magtatangkang tumakas, dahil pagginawa mo iyon at nahuli ka namin. Papatayin kita. Huwag ka ding magsusumbong sa mga parak. Pagginawa mo iyon, mababalita na lang ang katawan mong, palutang-lutang sa ilog." Nakangisi pa nitong saad na ikinatakot ni Jose. Sa mura niyang edad iyon na kaagad ang tumatak sa kanyang isipan. Nasa pitong taon pa lang siya noon. Hindi niya alam kung paano siya nabuhay mula noong sanggol siya hanggang sa dumating sa edad na pito. Nabubuhay niya ang sarili sa pagkakalkal ng basura. Pero ang munti niyang pag-asa para sa maayos na buhay ay napuno pa ng takot ng sumama siya sa lalaking nasa harapan niya ngayon. Gabi na at napuno ng pumasok ang siyam na bata ang kinalalagyan nila. Madungis ang mga ito. Payat at halos animo'y hindi pa kumakain sa maghapon. Tahimik lang ang iba, pero ang mga batang mas bata pa sa kanya ay umiiyak at dumadaing ng gutom. "Nasaan ang mga kinita ninyo!" Sigaw ng lalaking nagngangalang Berting. Iniabot ng pinakamatanda sa mga ito ang perang kinita ng mga ito sa maghapon. "Dalawang libo?" may pang-uuyam pa sa boses nito habang nakatitig sa siyam na kabataan. "Mga wala kayong silbi! Walang kakain ni isa sa inyo. Isama mo na rin ang batang dala mo Gardo. Wag silang pagkainin, ngayong gabi!" sigaw ni Berting kaya maman lalong nag-iyakan ang mga batang maliit pa sa kanya. Dahil sa galit ni Berting ay isa-isa nitong pinadapa ang mga bata kasama na rin siya. Hinagupit sila nito ng senturon hanggang sa mawala ang kanilang mga hikbi, at unti-unting lamunin ng dilim ang kanilang diwa. Kinaumagahan ay maaga silang ginising at dinala sa kalsada. Sanay namang mamalimos si Jose. Pero para sa sarili niya at hindi para sa ibang tao. Pero ngayon ang bawat sentimong ibibigay sa kanya, ibibigay pa niya sa iba. "Hoy bata, wag kang tamad kung ayaw mong hindi ka na naman makakain ng hapunan." sigaw ng isang batang halos kasing-edad niya. Matangkad lang siya dito. "Bakit hindi kayo tumakas? Paano kayo napunta sa kanila?" tanong ni Jose na ikinasalampak ng batang kausap niya sa gilid ng kalsada. "Pinangakuan ako ni Gardo ng magandang buhay sa piling ng mayayamang hindi magkaanak. Bilang pulubi, maeengganyo ako. Tumakas lang ako sa ampunan noon, dahil walang umampon sa akin. Akala ko sila ang pag-asa ko. Pero mali ako. Sila pala ang empyerno sa buhay ko. Kung tatanungin mo ako kung nagsisisi ba ako kasi tumakas ako? Oo ang sagot. Sana ay kasama pa ako ng mga mababait na madre kahit hindi pa ako maampon ng iba." paliwang ng batang kausap niya. "Ako nga pala si Alfredo. Ikaw anong pangalan mo." dagdag pa nito. "Jose, Joselito. Iyan ang kinalakihang pangalan ko. Hindi ko alam kung sino ang magulang ko, wala akong alam maliban sa pangalang Joselito Dimaano. Mahirap man ang pangangalakal ng basura, pero natitiis ko iyon. Lalo na pagnaka jackpot ka ng pagkain doon. Busog na ako sa isang araw. Pero tulad mo, nadala din ako sa pangako ni Gardo. Kaya nandito ako kasama ninyo." Nagkakwentuhan pa sila ng biglang may magandang ginang na dumaan sa pwesto nila. Napatingin lang sila dito ng maamoy nila ang dala nitong pagkain. Manok iyon galing sa isang sikat na fastfood. Sabay pa silang nagkangitian ng sabay din tumunog ang kanilang sikmura. Gutom na talaga sila. Bago pa makatawid ang ginang ay nalaglag sa bag nito ang wallet nito. Natakbo naman iyon ni Jose pero nakatawid na ang ginang. Hahabulin pa sana iyon ni Jose ng pigilan ito ni Alfredo. "Bakit?" "Ibigay na lang natin kay Gardo ang pitaka na iyan. Mapapakain nila tayo ng masarap ngayong gabi." "Alfredo, hindi natin pinaghirapan ang perang ito kailangan nating ibalik sa may-ari." "Hindi Jose, ibibigay natin iyan kay Gardo!" matatag nitong sabi. Sabay hablot sa pitaka na hawak ni Jose. Mabilis naman iyong binuksan ni Alfredo. Sa tingin niya ay nasa dalawampu o higit pa ang lilibuhing pera na nandoon. Bagay na ikinalabas ng pagkasakim nito. Pero hindi pumayag si Jose. Mahirap siya at nangangalakal ng basura. Kumakain ng tirang pagkain galing sa basura, pero hindi ang panlalamang ang sagot para sa maayos na kain sa isang araw. Kung maayos ngang matatawag ang kanin, tubig at asin na ipinapakain sa kanila nina Gardo at Berting. Pinilit namang makuha ni Jose ang pitaka kay Alfredo. Siya ang nakakita ng malaglag iyon sa ginang kaya siya ang mas lalong may karapatan doon. Iniwan niya si Alfredo at mabilis na tinawid ang kalsada. Ibabalik niya sa ginang ang pitaka. Papasakay na ang ginang sa kotse nito ng maabutan ito ni Jose. "Ma'am!" Malakas na sigaw ni Jose kaya naman napahinto ang babae. Nakita pa ni Jose ang pagngiwi ng babae dahil sa dungis na meron siya. Napatakip pa ito ng ilong ng makalapit siya. "Alam ko pong nandidiri kayo. Pero punasan na lang po ninyo ng alcohol ito." malungkot na wika ni Jose sabay abot ng pitaka ng ginang. Nakaramdam naman ng hiya sa sarili ang babae kaya naman bago pa makaalis si Jose ay tinawag nito ang bata. "Bata!" kaya napalingon dito si Jose. "Sayo na itong pagkain ko." Iniabot ng babae ang dala nitong pagkain na naamoy lang nila kanina. Ang tiyan na rin niya ang sumagot ng pagpapasalamat kaya naman natawa ang babae. "Heto pa." Sabay abot ng dalawang libo kay Jose. " Napakahalaga nitong pinataka ko. Lahat ng id's ko nandito pati na rin ang mga mahahalagang card. Kung hindi mo ito ibinalik, siguradong napakalaking aberya ang mangyayaring ito sa akin. Tanggapin mo iyang pera na iyan. Ibili mo pa ng pangangailangan mo. Pasasalamat ko na rin sa iyo." nakangiti pang wika ng babae ng tinanggap ni Jose ang pera. Nagpasalamat muna si Jose bago, niya iniwan ang babae. Nakangiti pa siya sa pagtawid dahil may makakain na sila ni Alfredo. Higit pa doon ay may maiibigay na sila kay Gardo ng hindi gumagawa ng masama. Dahil kusang loob iyong ibinigay sa kanya. Ngunit pagdating niya sa pwesto nila ni Alfredo ay siya na lang ang hinihintay. Matalim ang mga matang ipinukol sa kanya ni Gardo at ni Alfredo. Halos kaladkarin naman siya ni Gardo papalapit sa sasakyan. Isinakay silang lahat at ibinalik sa pinaka hideout. "Nasaan ang pera?" Agad na tanong ni Berting ng makapasok sila sa loob. Napatingin naman si Jose kay Alfredo na nakangisi sa kanya. Iniabot naman ni Jose ang dalawang libo na bigay ng babae. Tinanggap naman iyon ni Berting, ngunit nakaramdam na lang siya ang pamamanhid ng panga at pagbagsak sa sahig. Sa mura niyang edad nakatanggap siya ng suntok sa panga mula sa malaking tao. Halos maiyak si Jose pero pinilit niyang maging matapang. "Nakita ko ang pitaka na iyon. Makapal at maraming perang laman. Itinakbo niyang bago ninyo, para lang ibalik doon sa babae." may inis sa boses ni Alfredo habang nagpapaliwanag kay Gardo at Berting. "Pera na iyon bata! Pera na! Tapos ibabalik mo lang!" nanggagalaiting wika ni Gardo ng sipain nito ang batang si Jose sa tiyan na ikinasuka nito ng dugo. Ang dalang pagkain ni Jose galing sa ginang ay ipinakain sa mga batang kasama niya maliban sa kanya. Ilang araw siyang sinasaktan ng mga ito. Si Alfredo na akala niya ay magiging kaibigan niya ay ito pa ang naglubog sa kanya sa poder ni Gardo at Berting. Mula noon hindi na nagawang magtiwala ni Jose sa iba. Nasanay na rin ang katawan niya sa pananakit ng mga ito. Naging tahimik lang si Jose at naging ilag sa mga kasamahan. Kahit nakikita niya si Alfredo ay hindi na talaga niya ito kinakausap hanggang sa tumagal pa siya ng taon sa poder ng mga ito. Ilang kasamahan niya ang nagtanggkang kausapin siya, pero naging bigo ang mga ito. Nagbibigay lang siya ng kita niya kay Gardo at Berting pero wala ni isang salita ang lumalabas sa bibig niya. Minsan sinasadya siyang bugbugin ni Gardo para lang marinig ang pag-aray niya, at pagmamakaawang tigilan nito ang pambubugbog. Pero hindi iyon binigyan ni Jose ng katuparan, hanggang sa magsawa na ang mga ito sa ginagawa. Ang mahalaga ay nagagawa niya ang ipinapagawa ng mga ito. Hanggang isang araw, ay may nakita siyang pulis na nagpapatrolya. Hindi man niya alam kung paano makakaalis sa poder nina Gardo ay ginawa niya ang lahat para lang masabi sa mga pulis ang sitwasyon niya. Nasa labing isang taon na siya ng mga panahong iyon at sobra na rin ang pagpapahirap nina Gardo at Berting sa kanila. Kaya talagang naisipan na niyang humingi ng tulong sa mga pulis na nakita niya. Sa pamamagitan ng pagsusulat sa isang lumang supot gamit ang kanyang dugo galing sa daliri. Tiniis niya ang sakit para lang mabuo ang dapat niyang isulat. Kinagabihan habang natutulog na ang lahat, ay naraid ang hideout nina Gardo. Maraming pulis ang nakapaligid sa kanila. Makakatakas na sana siya ng mahuli siya ni Alfredo. Kaya naman hindi siya nakaalis. Naging malapit si Alfredo kina Gardo kaya ang nangyari ay parang ito ang naging bantay nila para walang makatakas. Hanggang sa nakuha ni Alfredo ang baril ni Berting. Nakipag-agawan si Jose ng itutok nito ang baril sa kanya. Hanggang sa hindi inaasahan na makalabit ni Jose ang gatilyo ng baril. Kahit si Jose ay nataranta sa kanyang nagawa. Hindi niya iyon sinasadya pero tinamaan sa may tiyan si Alfredo, dahilan para mag-agaw buhay ito. Dahil sa putok ng baril mas naging alterto ang mga pulis. Hanggang sa mahuli ng mga ito sina Berting at Gardo. Sinampahan ng kaso na nauukol sa paggamit ng mga ito ng dr*ga at sa mga bata para manlimos, at magnakaw. Ayaw pa rin niyang magtiwala sa ibang tao, kahit pulis pa ang mga ito. Alam niyang malaki ang kasalanan niya dahil nabaril niya si Alfredo. Pero pagtatanggol lang naman sa sarili ang kanyang ginawa. Pero alam niyang hindi patas ang batas kaya nagawa niyang tumakas. Ang paghuli ng mga pulis kina Gardo at Berting ang naging daan ni Jose para makatakas sa lugar na iyon. Pero naging bangungot din ni Jose dahil nawalan siya ng balita sa nangyari kay Alfredo. Hindi niya ginusto ang nangyari kay Alfredo, kaya ipinangako niya sa sarili na kahit kailan, hindi niya ilalagay ang sarili para maging masaya. Kung makahanap man siya ng mga taong mapagkakatiwalaan, hanggang doon lang iyon at hindi nababagay sa isang tulad niya ang magkaroon ng sariling pamilya. Sa paghahanap niya ng tahimik lugar ay dinala siya ng kanyang kapalaran sa San Lazaro. Lugar na malayo sa kinamulatan niya. Lugar na malayo sa bangungot na kanyang dala-dala sa mura niyang puso at isipan. Lugar na hindi siya hinusgahan, at tinanggap siya ng lipunan. Ilang taon ding nanirahan doon si Jose, bago siya natanggap na kargador sa palengke, hanggang sa napilit niyang makapag-aral. Matalino ito kaya naman ng pakuhanin siya ng exam para makalampas agad sa elementarya ay nakapasa siya. Nakapasok din siya ng sekondarya at doon na niya nakilala si Igo at Cy. End of flashback "Ganoon mayor ang alam namin sa nangyari kay Jose. Sana po ay wag makakarating sa kaibigan ko na naibenta ko na siya sa inyo." napakamot pa sa ulo si Igo, pero nandoon ang pag-aalala. Hindi dapat sa kanya manggaling ang kwento ng buhay nito. Pero alam niyang hindi ito magkukusang magkwento sa iba. Lalo na sa magulang ng babaeng sa tingin nila ni Cy ay unti-unting bumibihag sa puso nito. "Kayo na ang may sabi na mukhang inlove ang anak ninyo sa kaibigan ko, at anak lang ninyo ang pinagtuunan ng pansin ni Jose. Kung ayaw ninyo sa kaibigan ko, kayo na po ang maglayo kay Neri sa kanya. Hindi namin kayang madagdagan pa ang kalungkutan ni Jose. At isiping dahil wala siyang kinagisnang pamilya, at sa nagawa niya, wala siyang karapatang magkaroon ng pamilya na matatawag na sariling kanya." Wala namang ibang salita na lumabas sa bibig ng mag-asawa. Napatingin lang ang mga ito sa kanya. Kaya hindi niya alam kung ano ang iniisip ng mga ito. Pero mababakas sa mata ng mga ito ang awa para kay Jose.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD