Lucy’s POV
8:50 A. M. at Ranch del Romance
The hell! Wala pa bang balak kumilos ang matangkad at ubod ng guwapong plumberman na nasa aking harapan?! Time is ticking, duh! Ano pa ba’ng hinihintay nito? Pagputi ng uwak?! Napabuga ako ng hangin then in a swift move, I grabbed the backpack hanging on his shoulder.
“Hoy! Kilos na mister! Hindi dahil pogi ka, eh puwede ka ng magtamad-tamaran sa trabaho!” Hinigit ko ito sa braso patungo sa malaking bahay.
Napansin ko nang mapakunot-noo ito ngunit hindi naman siya umimik at sa halip ay napakamot na lang sa leeg. Geez! Kailangan pa talagang itulak ha!
Tsk! Omega this days! Kakaunti na lang talaga ang mga responsable at matitino ngayon. Lahat puro katamaran na ang pinaiiral. Dismayadong napailing ako, but then I pouted and took a glimpse on the plumberman beside me. In fairness to this one, yummy ang lolo n’yo at ang titigas pa ng muscles sa mga braso! Yay! Ang sarap siguro nitong kagatin! Rawr!
Lihim na napangisi ako ngunit agad din na sinaway ang aking sarili. Behave, Lucy! Trabaho muna bago ang kalandian. Hindi pa humihilom ang ibang latay na gawa ng bruhang madrasta ko at wala na akong balak mag-ambisyon na madagdagan pa iyon. Thanks to my werewolf genes at naging madali ang healing process sa aking halos gutay-gutay ng katawan kagabi.
Believe me, Selene Callahan del Romance is such a sadist b***h. Hindi ako nito tinantanan hangga’t hindi ako duguan at nawawawalan ng ulirat. A heartless witch! Pasalamat ito at masyado akong mapagpatawad na kahit ilang beses ako nitong saktan at ni Katrina ay umaasa pa rin akong darating ang araw na magbabago ang pagtrato nila sa akin.
Haist! Teka, tama na muna ang dada! Marami pang dapat pagtuunan ng pansin ngayon kay sa mga drama ko sa buhay.
“Unahin mo muna ang lababo sa kusina. Tapos isunod mo iyong mga nasa itaas. Bilisan mo okay? Kailangang matapos mo lahat ng pagkukumpuni sa mga sirang tubo bago pa dumating ang mangkukulam, este ang senyora," turo ko sa guwapong tubero na hawak ko pa rin sa braso.
Agad naman itong tumango. Good, masunurin naman pala ang isang ito. Iginiya ko ito sa dirty kitchen and I finally let go of his arm saka inilapag sa wooden table ang backpack nito.
“Ako nga pala si Lucy, ang magandang omega ng Ranch del Romance.” Hinarap kong muli ito sabay lahad ng aking kanang kamay. He blinked then stared at me for a moment. Okay, nagdududa ba ito sa pangalan ko o sa sinabi kong maganda ako?
Tss!
Nang akala ko'y dededmahin nito ang aking kamay ay saka naman ito nagpakilala. “I'm Za— I mean, Cria. I’m Cria,” he said then gave me a lazy smile bago ako kinamayan.
Ilang segundo naman akong napatitig sa kaniya. Hindi dahil kakaiba ang pangalan nito at ka-rhyme ng pinaiksing pangalan ng aking ex-prince charming na si Alpha Mayor Zacria Reid. Kung ‘di sa lalo itong naging yummy sa tipid na ngiting iyon na naka-guhit sa labi nito.
Damn! This man in front of me is so gorgeous, lean, sexy and hot! Wearing a V-neck fitted white T-shirt, a blue ripped jeans and Converse on his feet. Seriously, is he really a plumberman? Parang alangan yata rito ang trabahong iyon sa hitsura nito. ‘Cause he looks more likely of a demigod casted down to earth than a low rank plumberman.
Umiral ang pagiging intrigera ng aking utak. May mate na kaya ang kumag na 'to? May girlfriend na kaya? Saan sila nagkakilala? Or may asawa na kaya ito? Ilan na kaya ang pups nila?
Argh! Agad kong naipilig ang aking ulo. Cut it off Lucy del Romance! May dapat kang unahin kay sa pagtuunan ng pansin ang love life or whatever life ng isang ordinaryo but very intriguing na tubero. Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan saka binitiwan na ang kanina ko pa pala pinipisil na kamay ng nakangiti pa ring lalaki sa aking harapan.
“Uhm, nice to meet you, Cria right?” I gave him an awkward smile then walked past him. “Siguro naman nagka-itindihan na tayo. Tawagin mo na lang ako ‘pag tapos ka na rito sa kusina. Nasa likuran lang ako.” Teka, bakit pakiramdam ko biglang uminit ang paligid?
Tinanguan ko si Cria dude at didiretso na sana sa back door upang balikan ang aking gawain sa back yard at upang umiwas sa tukso na nakahain sa aking paningin. Ngunit muntik na akong mapatili sa gulat nang may mahiwagang kamay ang biglang pumigil sa isa kong braso.
What the heck?! Nabitin ang aking paghinga at awto-matikong napabaling ako sa may gawa niyon. I yelped nang sinalubong ng matigas na dibdib ni Mr. Plumberman ang aking mukha na ikina-out of balance ko.
Handa na akong bumagsak at makipag-face to face sa sahig, ngunit mabilis na kumilos ang guwapong plumberman sa aking harapan. Agad nitong hinapit ang aking baywang at awtoma-tikong napakapit naman ako sa leeg nito. Whoa!
Napamulagat na tumingala ako rito, which is a very bad move nang mapayuko naman ito. I gasped nang maglapat ang tungki ng mga ilong namin and my brown orbs met his dark hipnotizing one.
Sh*t! Pareho kaming nagulat at saglit na napatitig sa isa’t isa. Isang maling kilos lang at tiyak lalapat ang virgin lips ko sa very inviting na labi nito! Which is by the way, a very cliche but tempting scene ever! But when I sniffed his scent, my goodness! Hindi lang ito super guwapo, kung ‘di super bango pa ng hininga. His minty breath almost made me feel dizzy. It intoxicate my wolf senses.
I noticed him looked down on my parted lips then stared at me. My heart started to beat so very fast dahil sa matiim nitong pagkakatitig sa akin. Ngunit kahit na gusto kong mag-enjoy sa napaka-cheesy na sitwasyong ito ay kailangan ko munang maging killjoy. I cleared my throat at binawi ang mga kamay ko mula sa pagkakapulupot sa leeg nito. Marahan ko itong itinulak palayo saka alanganing ngumiti.
“Okay. Puwede mo na akong bitiwan, Mr. Hot Plumberman,” namaos na boses na wika ko rito.
I saw a strange emotion passed in his eyes ngunit agad ding naglaho iyon. Mapanudyo itong ngumisi pagkatapos. “Hot Plumberman? Am I?” I mentally grimaced. Nasabi ko ba iyon?!
“Okay, you're hot and gorgeous pero wala akong crush sa ‘yo ha! Now let go of me, mister!”
He laughed with glint of amusement in his eyes, but then freed me anyway. “You're really something, Miss Lucy del Romance. Tell me, do you have a boyfriend already?"
Napakunot-noo ako sa hindi inaasahang personal na tanong nito. Tss! Ano’ng meron?! Close ba kami at interesado ang tuberong ito sa love life ko?! Bakit?!