Ranch Del Romance

1073 Words
Zacria’s POV 8:30 A. M. near Ranch del Romance “Ranch del Romance? Aba'y sa dulo pa ng hangganan ang rancho na iyon, hijo,” tugon ng napagtanungan kong isang matandang male wolf. The old man's aura tells me that he is a low rank. He’s only wearing camiseta de chino and an old corduroy pants, plus worn out slippers on his feet. Napansin ko rin ang toolbox na dala nito. Napabuntong-hininga ako sabay kamot sa batok. “Gano’n po ba? Malayo-layo pala ang lugar na iyon sa kabayanan.” Somehow, I feel comfortable talking to this old man. Mukhang hindi ako nito nakikilala bilang alpha at mayor ng bayang ito, dahil hindi ko suot ang pamosong itim na maskara ni Zacria Reid, which is much better. I don't want to be recognized as the Dark Stone's leader at this moment. Dahil sa mga sandaling ito, gusto kong maranasan na maging ordinaryo sa mata ng aking mga pack members. At hindi mangyayari iyon kung ang naka-maskarang Alpha Mayor ang haharap sa mga ito. “Diretsuhin mo lang ang daan na ito binata, sa kaduluhan ay makikita mo roon ang malaking arko ng ranchong hinahanap mo.” I nodded at him and thankfully smiled. “Maraming salamat ho, sir! Kayo po ba? Maaari ko po kayong ihatid kung saan kayo pupunta,” alok ko rito ngunit umiling lang siya. “Naku, ay huwag na! Patungo rin ako sa Ranch del Romance, kaya nga lang ay may dadaanan pa ako. Kung maaari ay paki-suyuan mo na lang ako nitong aking gamit, kung hindi makaka-abala sa ‘yo, hijo.” Iniabot nito sa akin ang toolbox na agad ko namang tinanggap. “O sige ho. Walang hong problema,” nakangiting sagot ko rito. Maayos na inilagay ko sa loob ng dala kong backpack ang may kaliitang bagay na iyon at saka na pinaandar ang aking motorbike. “Paano, mauuna na ho ako.” Malugod na yumukod ang matanda. “Naku, ay hindi ka lang pala magandang lalaki, binata. Maganda rin ang iyong kalooban. Maraming salamat kung gano’n at nawa'y makita mo na ang iyong hinahanap.” Napangiti ako nang malapad sa narinig kong sinabi ng ginoo. Aking hinahanap? Napabuntong-hininga ako. Isa lang ang aking naiisip tungkol sa bagay na iyon—MATE! Nasa akin na halos ang lahat maliban sa isang napakahalagang nilalang—ang aking magiging kapareha habang-buhay. Hanggang ngayon ay naghi-hintay pa rin ako sa pagdating nito. Ang tanging problema lang, masyadong mailap at mapili ang aking inner wolf na si Prinx. Hindi na ako magtataka kung habambuhay na akong mag-iisa dahil malabo na makahahanap pa ako ng papasa sa panlasa nito. I scratched my nape in disappointment and frustration. “Sana nga po ay magkatotoo ang inyong sinabi, sige ho at kailangan ko na ring magmadali.” Nagpalitan kami ng tango ng aking kausap. Matapos niyon ay agad ko ng pinasibad ang aking motorbike patungo sa rancho na kinaroroonan ng isang omega na nagngangalang Lucy del Romance. Nilingon ko ang matandang ginoo bago ako makalayo. Ngunit napakunot-noo ako nang makitang wala na ito sa kinatatayuan nito kanina. I blinked in puzzlement and shook my head bago bumaling muli sa unahan. “That's a little weird,” I whispered to myself, wondering how’s that happened? Maybe he just shifted into his wolf form and ran through the forest. I took a long deep breath then doubled the speed of my motorbike. Isang oras lang ang ipinagpaalam ko kay Sasha. Tiyak magwawala ang aking beta kapag lumampas ang oras na iyon na hindi pa ako nakababalik sa city hall. *** Fifteen minutes later… 8:45 A. M. at Ranch del Romance Umibis ako sa aking motorbike nang sa wakas ay narating ko na ang rancho. Hindi ko napigilan ang humanga sa lawak at ganda ng lugar. May isang malaking bahay sa pinakagitna ng rancho na napapaligiran ng iba't ibang mga halaman at iba’t iba ring klase ng alagaing hayop. Green trees, flowers, flying butterflies and tweeting birds completed the fairytale effect. Magnificent! May natitira pa pa lang ganitong kagandang lugar sa loob ng Dark Stone City. Bilang Alpha Mayor, halos lahat ng sulok ng bayan na ito ay nalibot na namin ni Sasha kapag nagsasagawa kami ng sariling pagroronda maliban sa Ranch del Romance. Napangisi ako, hindi naman pala nasayang ang nasa thirty minutes kong biyahe patungo rito. Sasha will definitely be more curious when I mention this magnificent and beautiful place to him. Well, no kidding! The place is one hell of a paradise. I tilted my head upward, closed my eyes and breathed deeply. Pinuno ko ng sariwang hangin ang aking baga. My muscles and my nerves relaxed. I opened my eyes and looked at the big house in front of me. Hahakbang na sana ako patungo roon ngunit agad akong napahinto nang mapansin ang paglabas mula sa front door ng bahay ang isang babaeng may mamula-mulang buhok. Wearing an old worn out dress and a pair of dirty white flat shoes. She suddenly turn around to where I’m standing when she seems to felt my presence. Then, our eyes met and I froze. Caught off guard, my breath got stuck on my lungs nang sa pangalawang pagkakataon ay makita ko ang babaeng iyon. It's her! Lucy del Romance. The simple red haired beauty who saved me yesterday. The wind suddenly blows behind her and I sniffed as her sweet intoxicating scent filled my senses. Mix of mild powder and wild flowers. “Nice,” I mumbled to myself. A smile formed in my lips as I continue walking towards to where she is. “Uhm hi, I am—” Nahinto ako sa aking pagpapakilala sa dalaga nang pumamewang ito sabay taas ng magkabilang kilay. And before I knew it, isang gigil na tili ang pinakawalan nito na aking ikinangiwi at ikinaatras. Nagulat pa ako nang ito na mismo ang lumapit sa akin at pinukol ako nang nakamamatay na tingin. “Ikaw!” She stomped her feet on the dusty ground. “Bakit ngayon ka lang?! Kanina pa kita hinihintay, alam mo ba iyon?! Naku naman o! Hapon na kaya mister! Ano pa sa palagay mo ang magagawa mo niyan! Kalokang buhay ito! Ako na naiiiman ang mayayari nito kay Auntie!” Maang na napatitig ako sa tumatalak na babae sa aking harapan. Okay, what the hell is she nagging about?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD