bc

The Alpha Mayor

book_age16+
3.2K
FOLLOW
15.0K
READ
alpha
fated
kickass heroine
omega
humorous
straight
witty
pack
like
intro-logo
Blurb

(FILIPINO)

Si Lucy ay ang nag-iisang anak ni Señor Edward del Romance, isa sa mga mayamang businessman sa DarkStone City.

Nang mamayapa ang kanyang ama ay tila biglang bumaliktad ang buhay ng dalaga.

Inangkin ng madrasta at ng anak nito ang kayamanan at ang rancho na ipi-namana ni Señor Edward sa kanya.

From an heiress, she became a low rank. An Omega.

Masakit man sa loob ay wala na syang nagawa pa sa malaking pagbabagong iyon sa estado ng kanyang buhay.

Lumipas ang limang taon at dumating na ang panahon ng 'Mating Season'

At sa mismong kabilugan ng buwan ay gaganapin ang Mating Season's Ball. Ang engrandeng selebrasyon na pinaka-hihintay ng lahat ng mga kababaihan sa bayang iyon.

Ano kaya ang gagawin ni Lucy, kung ang ang mismong Alpha Mayor ng DarkStone ang mag-imbita sa kanya.

At ano din kaya ang gagawin ng dalaga kung ang invitation card na ibinigay nito ay inagaw ng kanyang intrimitidang step-sister?

chap-preview
Free preview
The Parade
February 8 (6 days before Mating Season’s Ball) 7:30 A. M. at Dark Stone City Naiiritang pilit na nakipagsiksikan si Lucy sa mga nagkakagulong werewolf civilians na nasa gitna ng Dark Stone City; isa sa mga malalaking wolf packs sa buong mundo na halos isang bayan ang sakop. Pinamumunuan ito ng matangkad, ubod ng guwapo, ubod ng kisig at nakatatakam na si Alpha Mayor Zacria. Katulong ng binatang alpha sa maayos at mapayapang pamamalakad sa bayang iyon ang best friend nitong si Beta Vice Mayor Magnum Sasha. The two bachelor male wolves were invincible that made DarkStone the most organized and improved pack in the content. Samantala, “Mating Season’s Parade” ang pinagkakaguluhan ng lahat kaya halos wala ng space na madaanan ang mga nagmamadaling omega na katulad ni Lucy. “Naku naman! Tanghali na!” nguyngoy sa sarili ng stress na dalaga. Wala pa siyang nailuluto para sa agahan ng kaniyang madrasta na si Selene Callahan del Romance at ang anak nito na si Katrina. Ang dalawang bruha na wala ng ginawa araw-araw kung hindi gawing impyerno ang kaniyang dating makulay na buhay. Si Lucy del Romance ay labing walong taong gulang at isang dakilang omega sa sarili niyang pamamahay. Hindi pa man nakakarating sa rancho ay nakikinita na niya ang wagas na pagtili sa pagkainis ng mga ito oras na makauwi siya sa Ranch del Romance. Napabuntong-hininga na lamang si Lucy. Galing siya sa simbahan upang humingi ng biyaya at hiniling niya na rin na sana ay humaba pa ang kaniyang pasensya para sa mag-inang bruha na sobra ang pagkakontrabida sa mala-Cinderella niyang wolf life. “We love you, Alpha Mayor!” “Alpha Mayor, be mine!” Naitirik bigla ni Lucy ang mga mata sa pagkairita dahil sa ingay na kaniyang narinig. Wala nang iba pang maririnig sa buong siyudad kung ‘di ang mga tili at sigaw ng mga malalanding she-wolves. Parang hindi mga asong lobo kung ‘di mga inahing baboy na ginigilitan sa leeg kung makapalakat ang mga ito. Sa bagay, hindi niya masisisi ang gumagarutay na mga she-wolves na iyon dahil kung hindi nga lang talaga siya nagmamadali ay baka siya pa ang manguna sa pagchi-cheer ng pangalan ng kanilang pack leader at pinuno ng bayan. “Oh, s**t! Nandito na sila!” “Alpha Mayor Zacria! Beta Vice Mayor Sasha! We love you!” Her ears suddenly perked up as she heard those names. Ano raw! Nandito na sina Alpha Zacria at Beta Sasha? Agad na kinalimutan muna ng dalaga ang dalawang mangkukulam sa Ranch del Romance at pumihit pabalik. Tutal makakatikim din naman siya ng parusa mamaya dahil sa pagkawala ng ilang oras sa rancho, kaya itotodo niya na ito! Mabilis na humakbang si Lucy at sumiksik muli sa masa ng mga asong lobo. Dahil hindi naman siya ganoon kalaking babae, madali lang siyang nakarating sa unahan kung saan may nakaharang na mga makakapal na lubid. Kapansin-pansin ang ilang mga pack warriors na nagmamasid sa paligid. Ngunit alam niyang naniniguro lang ang mga ito na walang anumang mangyayaring hinidi kanais-nais sa kasiyahang iyon. Bumalik sa gitna ng kalsada ang paningin ng dalaga at ngumisi nang malapad. Nagsisimula na ang Mating Season’s Parade na pinangu-ngunahan ng prince charming ng lahat ng mga she-wolves na si Alpha Zacria. Sakay ng float na tila higanteng swan ang Alpha Mayor katabi ang hindi papahuli na second-in-command nito. Lahat ng kababaihan ay halos mahimatay dahil lalong kumisig ang dalawa sa mga suot nilang pamprinsipe. Titili na rin sana si Lucy ngunit agad siyang nakaramdam ng pagkadismaya nang makitang suot na naman ng kanilang butihing leader ang pamosong itim at wirdong maskara nito. Napanguso na lang ito dahil sa kaniyang pagkadismaya. Akala pa naman niya ay iri-reveal na nito ang tunay na hitsura sa paradang iyon. Haist! Sayang naman! Sa totoo lang, wala pang nakakakitang wolf civilian sa tunay na hitsura ng kanilang alpha maliban sa ilang mga malalapit na kaibigan at pamilya nito. He remained mysterious because of that mask which almost covered half of his face. It was his trade mark, anyway. Pero sabi nga ng mga makakating dilang omegas na naglilingkod sa Reids’ Mansion na siyang permanenteng tirahan ng binata, super guwapo raw talaga nito. “Alpha Mayor, be my mate!” hindi napigilang sigaw ni Lucy na may kasama pang pagtalon habang may malapad na ngiti sa kaniyang mukha. Lahat ay kanya-kanya ng pagtili, kaya hindi nakakahiyang magbaliw-baliwan dahil sa nakahuhumaling na kakisigan ng leader ng Dark Stone. Isa pa, hindi naman siguro masamang humanga at mangarap ang isang mababang ranggo na tulad niya, ‘di ba? Lucy mentally sighed. Originally, she’s not really a low rank werewolf. Her father was a rich businessman. He was very famous in business world before and she’s his only adorable daughter. Everday they were happy because her dad always showed to her how much he loves her even though her mother was already gone. She passed away giving birth to her. And thankfully, her father didn’t blame her for the loss of his mate. Lucy was a daddy’s girl. She was spoiled and pampered. Lahat ng luho ay ibinibigay at wala na siyang mahihiling pa. Hanggang sa dumalo ang kaniyang ama sa Mating Season’s Ball at napiling maging second mate si Selene Callahan na may b*tch na anak named Katrina. Everything went upside down nang dumating at tumira sa rancho ang mga mangkukulam na iyon. From the very start, Lucy knew that they were up to no good. Inagaw ng mag-ina ang atensyon ng kaniyang ama. Pinasama ng mga ito ang kaniyang imahe na naging dahilan kaya nagkaroon sila nang hindi pagkakaunawaan ni Senior Edward del Romance bago ito ma-aksidente at bawian ng buhay. Nanikip ang dibdib ni Lucy dahil sa mga alaala nito. But she immediately shrugged those memories away. Tapos na ang mga pangyayaring iyon. Matagal na panahon na ang nakalilipas at tanggap na niya ang katotohanang hindi na maibabalik pa ang lahat. Ang kaniyang ama ay wala na pati na rin ang dating mala-prinsesa niyang estado sa buhay ay wala na rin. At ngayon, halos limang taon na siyang nagsisilbi sa Ranch del Romance dahil sa pagrereyna-reynahan ng kaniyang evil wolf stepmother at ang sidekick nitong si Katrina. Ngunit hindi kailanman naging nega ang dalaga. Nagpapasalamat pa nga siya na hindi pa nakakaisip ang kaniyang Auntie Selene na palayasin siya kahit alam niyang gigil na gigil na itong gawin iyon. Nagdesisyon si Lucy na ihinto na ang pagbabalik-tanaw sa nakaraan. Bumalik siya sa pangkasalukuyan kung saan may isang putok ng baril ang biglang pumailanlang sa ere na kumuha sa atensyon ng nagkakasayahang mga asong lobo. Awtomatikong natigil ang parada at huminto ang ingay sa paligid. Napakurap na lamang si Lucy at napatakip ng bibig. Putok ng baril? Saan iyon nanggaling? Nasagot agad ang kaniyang katanungan nang may isang malakas at basag na boses ang nagsalita mula sa kung saan. “Alpha Mayor! You’re dead!” Everybody gasped upon hearing that. Then, another gunshot and all hell got loose! Nagsimula ng magtakbuhan ang mga nasa paligid habang sumisigaw. Napalunok si Lucy nang muling magsimula ang sigawan ng mga asong lobo. At sa oras na iyon, hindi na sa pagchi-cheer kung ‘di sa gulat at takot. Nagkaniya-kaniyang takbuhan na ang mga ito. Maging ang dalaga tuloy ay nagsimula na ring makaramdam ng pagkataranta. Sisigaw na rin ba siya at tatakbo? Napa-iling siya. Pinili niya ang manatili sa puwesto at hindi kumilos. Mas magandang desisyon iyon kay sa mapagitna sa kumosyon. Ngunit hindi pa rin mapigilan ni Lucy na makaramdam ng takot dahil nauwi sa ganoong eksena ang masayang Mating Season’s Parade. Natatakot din siya dahil sampung hakbang lang mula sa kaniya, kitang-kita ng dalaga sa gitna ng nagkakagulong mga asong lobo ang isang male wolf na may nakakatuwang hairstyle. He's wearing black ripped pants and black leather jacket. Ini-angat nito ang isang long-ranged na baril at itinutok iyon kay Alpha Mayor Zacria. Napalunok si Lucy sa kaniyang nakita. The young leader of that city was still standing in front of the swan float and she saw the gunman smirked evilly. Directly looking at the masked alpha who gave a warning growl, Lucy groaned and stomped her feet on the ground. “Ano ba’ng kalokohan ang ginagawa mo, Alpha Mayor Zacria?” she mentally snapped at their pack’s leader. “Babarilin na siya, pero bakit nakipagtitigan pa ang lolo n’yo?! Anak ng tipaklong! Sayang ang genes!” dagdag pa nito. Nafa-frustrate na napasabunot sa sariling buhok ang dalaga. Hindi niya mapagdesisyunan kung ano ang gagawin sa pagkakataong iyon. Gusto niyang maging low profile dahil ayaw niya ng atensyon, at isa lang siyang simpleng babaeng asong lobo na may kaunting pagnanasa sa Alpha Mayor na may misteryosong black mask. Kaya pag-iisipan niya muna kung kailangan niyang mangialam. But when Lucy noticed the stupid mohawk haired gunman slightly pulled his gun’s trigger, mabilis pa kay The Flash na kumilos ang buong katawan ng dalaga. She just found herself jumped in the air and attacked the bad guy in the middle of the crowded street. But the hell! He saw her. At ang baril na nakatutok kay Alpha Zacria ay awtomatikong bumaling sa nagimbal na si Lucy. “Sh*t!” Huli na para umiwas dahil nabaril na siya ng gunman. Umalingawngaw ang pangatlong putok ng baril sa ere at muling napuno ang buong paligid ng sigawan. Shouts here and shouts there coming from the werewolves. “Ang ingay ha!” ungol ni Lucy. Nakulili siya dahil sa ingay ng mga ito. But the omega suddenly winced as she felt something. Tila may kung anong mainit na bagay ang tumama sa kaniyang kaliwang dibdib. “Teka! Nabaril ba ako?” she mentally asked to herself. “Ito ang napapala ng mga pakialamera. Sabi ng dapat low profile lang eh!” Matatapos tuloy ang kaniyang Cinderella wolf life nang hindi man lang nakaka-attend ng Mating Season’s Ball at naisasayaw ang kaniyang future prince charming! She bit her lips. As if naman na mangyayari iyon. Aasa pa ba siya na makadalo sa okasyong iyon na ipinagdiriwang ng lahat ng members ng Dark Stone tuwing ikalimang taon? Kung saan ang mga unmated wolves ay nabibigyan ng second chance na makapili ng kanilang magiging asawa at mamahalin sa buhay. Para sa mga rejected at namatayan ng kapareha, iyon ang pagkakataon ng mga ito na makahanap ng second chance mate. Sa pagkakataong iyon kasi ay hindi sinasaklawan ni Moon Goddess ang tadhana. Binibigyan ng diyosa ng buwan ang mga asong lobo ng kalayaang makapili at makapagdesisyon. Sa kaso ng mga omega, bihira lang sa mga ito ang pinahihintulutang makilahok sa malaking selebrasyong iyon. At sa sitwasyon naman ni Lucy, bukod sa pagiging low rank, may mga kontrabida rin sa buhay niya. Kaya ihahanda na lang niya ang kaniyang sarili na maging matandang dalaga habambuhay. Iyon ay kung may future pang naghihintay sa kaniya. With that thoughts, Lucy was snapped back to present. She felt herself being thrown up into the air from the gunshot’s impact. Lucy whimpered, “Masakit iyon, promise!” She prepared herself hitting the ground at pagtapak-tapakan ng mga histerikal na masa ng civilian werewolves, but she gasped in surprise nang may mga mahihiwagang bisig ang biglang lumitaw sa kaniyang tagiliran at sinalo ang kaniyang katawan. Naramdaman pa ng dalaga nang maingat na kabigin siya ng nagmamay-ari ng mga bisig na iyon palapit sa matipuno nitong dibdib. Her heart suddenly twitched from the left side of her chest as she sniffed his scent. “His”, dahil sigurado si Lucy na lalaki ito at sobrang bango nito. She heard a gentle thud as her savior landed on the street floor, with her inside of his arms. “Sasha! I got the girl! Now, move and bring me the head of that bastard!” Napasinghap muli si Lucy nang maulinigan ang buong boses na iyon na nagmumula sa kaniyang tagapagligtas. “What the fudge?” Pinilit na iminulat ng dalaga ang kaniyang mga mata. She wanted to know who saved her from the gunman. At buhat sa stampede ng masa ng mga asong lobo, bagama’t unti-unti ng hinihila ng nakakaantok na kawalan ang kaniyang diwa ay pinilit na nilabanan niya iyon. Because somehow, she felt over-whelmed. Sa unang pagkakataon kasi, mula nang magbago ang kaniyang buhay ay may isang nilalang ang nagmalasakit sa kaniya. So, she should at least thank him bago pa man siya tuluyang mawala sa mundong ito. But as Lucy’s savior turned his masked face to her, her eyes opened very wide. “Gyah!” Lucy and her wolf, Sky shrieked mentally. “Hey, it’s okay. I got you,” pagkomporta ng walang iba kung ‘di si Zacria Reid sa dalaga. He flashed her with a very heart melting smile that made Lucy grabbed her chest. “A-alpha Mayor?” hindi makapaniwalang anas niya bago tuluyang nawalang ng malay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Secret Agent's Mate

read
118.2K
bc

Sweet Temptress (Completed)

read
1.7M
bc

The Possessive Mafia Boss ( Tagalog )

read
344.9K
bc

One Last Cry for a Mafia Boss (Tagalog Story)

read
586.4K
bc

Seducing My Wife (R-18)

read
342.5K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
72.3K
bc

Mistaken Identity Tagalog Story

read
66.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook