Annoyed

1425 Words
Lucy’s POV 9:05 A. M. at Ranch del Romance Tubero ba talaga ang yummy dude na kaharap ko o isang detective?! Bakit ang dami nitong tanong sa buhay? Sa mga sandaling ito, gusto ko itong bulyawan dahil sa kaniyang pagiging nosy. Seriously! Pati ba naman ang nananahimik na love life ng isang ranch omega ay usisain? Dapat talakan at tarayan ko ito, right? Pero bakit nagkaganoon? After ten minutes, biruin mong natagpuan ko na lang ang aking sarili na dumadaldal nang super bongga habang ina-assist si Mr. Hot and Gorgeous Plumberman sa pagkukumpuni ng lababo. “As you were saying…” Umalingaw-ngaw sa ilalim ng lababo ang boses ni Cria na lihim kong ikinahagikhik. He was lying on the floor at kalahati ng katawan nito ay nakalabas buhat sa sementadong ibabang bahagi ng lababo. Heck! I couldn’t helped but to find his deep sensual voice so very cute and amusing at that moment. Nagva-vibrate kasi iyon dahil sa pressure. Plus sabihin ng lumalandi lang ako nang slight. Fudge! I’m aware na halos mag-drool na ako habang hindi maalis-alis ang aking mga mata sa makisig na nilalang na nakahain sa aking harapan. Hold on my oh so very malicious eyes! Rawr! Cria's well-muscled legs made me want to bite them. His six pack abs were visible dahil bumabakat ang mga iyon sa suot nitong white T-shirt. How I wanted to lick them and feel them sa mismong aking mga kamay. Yay! Katawan pa lang parang gusto ko ng kumuha ng kanin. Very ulamlicious at nakakagutom ang isang 'to! But, wait! Hindi ako kasama sa cast ng Green Inferno, ‘cause I'm not a freaking cannibal. It was just that, nakakapanlaway lang talaga ang dating nitong si Cria dude. Nakakapagduda tuloy kung paanong naging isang hamak na omega lang ang lalaking ito, alangan kasi talaga. This guy in front of me was suited to be one of the Dark Stone's pack warriors. Haist! Ang unfair talaga ng buhay. I sighed and mentally shook my head. Ngunit magka-ganoon man, hindi pa rin maiiwasan ng kahit sinong she-wolf na tulad ko ang pagpantasyahan ang kakisigan nito. Ang sarap sigurong yakapin at pisil-pisilin nitong si Mr. Plumberman magdamag. To lie beside him and feel his warmth all night. Gumagarutay na kung gumagarutay! Pero juice ko pong pinya-apple! Hindi araw-araw na may ganitong tanawin sa Ranch del Romance, so I need to grab the chance to the tenth power! Lubos-lubosin ko na 'to! Isa pa, mukhang ang inner wolf ko ay bahagya ring nasisiyahan sa pagpi-piyesta namin sa makisig na tubero. My wolf, Sky is so very picky, kaya nakakapagtakang medyo lumalandi ito ngayon. “You already have a boyfriend, but he’s not aware that you're his girlfriend? Niloloko mo ba ako, Miss Lucy del Romance?” pagpapatuloy ni Cria sa pag-iinterogate sa aking buhay pag-ibig. Bahagyang bumalik ang aking diwa sa kasalukuyan dahil doon. So from giggling, I grinned widely. “Of course not! Seryoso ako, duh! Sa pagkaka-alam ko, may boyfriend talaga ako. And he's so yummy! Ideal man siya ng lahat ng mga she-wolves. He's so awesome and responsible. A real prince charming.” That was a total lie, dahil wala naman talaga akong boyfriend. Tss! Suitor nga wala, kasintahan pa kaya. Pero huli na upang bawiin ko ang aking isinagot dito, masabi-masabi wala ng bawian, touch move! Kaya paninindigan ko na lang. Tutal sa puso ko naman ay wala akong ibang naging crush at pinangarap na maging kasintahan maliban sa alpha at mayor ng bayang ito. Kaya ang nangyari, lahat ng sinabi kong description ng aking imaginary boyfriend ay taglay ng pinuno ng Dark Stone pack. Napabuntong-hininga ako at nakaramdam nang kaunting lungkot. I have already decided to forget my beloved Alpha Mayor kaya dapat itigil ko na ang pagpapantasya rito, ngayon at sa mga daraan pang mga araw. Waste of time na kasi, dahil alam kong hanggang dito na lang ako. Isang mababang ranggo na alipin sa sarili kong pamamahay. I sighed again, feeling hopeless in my situation. But then suddenly, napansin kong tumigil na si Cria sa ginagawa nito. “Prince charming?” he scoffed. “Do I know him?” Nagtikwasan ang aking mga kilay ngunit agad ding bumalik ang malawak na ngiti sa aking labi sa muling pag-uusisa nito. Tsk! Mukha talagang curious ang lokong tuberong ito sa love life ko ah! I clasped my hand together then continued my lies. “Uhm, siguro kilala mo siya dahil sa totoo lang ay kilala talaga siya nang marami sa bayang ito. And I'm telling you, for me he's the greatest man that I've ever known, except of course sa aking dad!” Totoo iyon, para sa akin mabuting tao si Zacria Reid. He's a good man, responsible and a just leader of this pack. Napangiti tuloy ako nang hindi na naman namamalayan. But I almost jump up high into the ceiling when I heard Mr. Plumberman growled loudly. This time, nag-vibrate iyon sa buong kusina. I automatically glared at him. Anak ng kamote! Ano ba’ng problema ng ungas na ito?! But before I could ask and snap at him, biglang lumabas si Cria sa ilalalim ng lababo sabay bangon at seryosong tumitig sa akin. “Who is he?” Stunned, I blinked. Mula sa pagkakasalampak ko ng upo sa wooden floor ng kusina habang katabi ang lalaking iyon ay halos maduling ako nang muntik na namang mag-banggaan ang aming mga mukha. s**t! Napalunok ako at diretsong napatuon ang aking paningin sa super lamlam na mga mata ng aking kaharap. I pouted when I heard a weird sound coming from my chest. Okay, what the hell was that weird sound?! Nasapo ng isa kong kamay ang aking kaliwang dibdib nang tila mag-marathon sa loob ng aking katawan ang aking mga internal organs. Nasa gitna pa ako ng pagkamaang at pakikipagtitigan kay Plumberman Cria, when he interrogated me again. “Tell me, who is he Lucy del Romance? I want to know his name,” he seriously asked for the second time while staring into my eyes intently, then down to my parted lips seductively. I gulped hard dahil hindi man lang ito nag-effort na gumawa ng kahit kaunting distansya sa pagitan namin. Nasasamyo ko pa ang minty breath nito na halos muntik ko ng ikapikit. Why the hell, his breath and his scent smells so good and very addicting? And tell me, why the hell was this Cria guy getting more and more gorgeous habang tumatagal na tinititigan ko siya? Without realizing it, something came out from my mouth. Napansin ko ang pagkunot-noo ng aking kaharap nang marinig ang aking itinugon dito. “W-who is he again?” Napansin ko rin nang bahagyang mabawasan ang kaseryosohan sa mukha nito. Pero teka, may isinagot na ba ako sa tanong nito? Ngunit bago ko pa man mapigilan ang aking pagkadalahira ay agad umentra ang pasaway kong bibig. “My boyfriend is the Alpha Mayor, Zacria Reid.” After saying that, I gasped aloud then covered my mouth immediately. Okay, saan iyon nanggaling? Nakita ko nang tuluyan ng mawala ang gusot sa guwapong mukha ni Cria. Lalong lumalim ang pagkakatitig nito sa akin. The side of his lips began to twitched and I winced because I already knew what's going to happen next. At dahil doon, tila gusto ko ng hukayin ang kina-uupuan ko ngayon upang ibaon doon ang aking sarili. Gyah! Kill me now, please! Dahil gaya ng inaasahan, bago ko pa mabawi ang aking nakakaloka na revelation ay napuno na ng halakhak ng usiserong tubero ang buong kusina. Ang ngiwi sa aking labi ay napalitan ng pagnguso. Pinagtawanan talaga ako ng ungas gano’n?! Haist! Kaasar lang ha! Awtomatikong namula ang buo kong katawan. Feeling annoyed, I pushed Cria away from me sabay tindig. “Oo na! Joke lang iyon, masaya ka na?!” I stomped my feet on the floor. “So what kung wala talaga akong boyfriend, at boyfriend ko lang sa panaginip ang Alpha Mayor? Geez! Bilisan mo na nga diyan at marami ka pang trabaho sa itaas!” Punong-puno ng kahihiyan na tinalikuran ko si Cria. Halos gumulong ito sa sahig dahil sa pagtawa na lalo lang ikinapula ng aking mukha dahil sa pagkairita. So, bago ko pa ito mahambalos ng walis ay padabog na lumabas ako ng kusina patungo sa back yard. I snapped at myself. Sino ba kasi ang nagsabi na may mapapala ako sa pakikipag-usap sa nakakainis at nakakairita pero guwapo at hot na plumberman na iyon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD