Kabanata 13

2774 Words

Nakatulala si Janus sa kawalan habang nakaupo sa isang malaking bato sa harap ng ilog ‘di kalayuan sa kanilang palasyo. Malalim ang kanyang iniisip. Hindi n’ya mawari kung bakit napakahirap ng sitwasyong kinasusuungan sa mga oras na iyon. Nagtatalo ang kanyang damdamin sa kung ano nga ba ang tamang desisyong kanyang pipiliin. Napabuntong hininga s’ya. Labis na s’yang naguguluhan pero pilit n’ya pa ring hinahanapan ng kasagutan ang mga tanong na bumabagabag sa kanya. Hindi n’ya maiwasang panghinaan ng loob matapos n’yang makausap ang kanyang inang reyna. “Ano itong naririnig ko mula kay prinsesa Lysithea, Janus?” Bakas ang galit sa mukha ng kanyang ina. Tama nga ang kanyang hinala na magsusumbong ito sa kanyang ina kahit na sinabi na n’ya dito na tutol s’ya sa nakatakda nilang pag-iisan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD