bc

Ang Manliligaw Kong Engkanto

book_age12+
2.5K
FOLLOW
7.7K
READ
forbidden
goodgirl
fairy
drama
bxg
mystery
magical world
another world
supernatural
like
intro-logo
Blurb

Indira Brielle Samonte is a modern Maria Clara: mahinhin ngunit palaban, mabuting anak at kaibigan, at mabait sa kapwa. Lumaki s’yang walang ina ngunit hindi naman nagkulang sa pagmamahal mula sa kanyang ama. Ang kanyang dalawang bestfriends ang palagi n’yang kasa-kasama. Ang isa sa mga ito ang nagmulat sa kanya sa ibang mga nilalang na nabubuhay sa mundo: ang mga Engkanto. Of course, she never believed any of it. Para sa kanya, isa lang itong kuwentong bayan. Hanggang sa may nakilala s’yang lalaki na s’yang nagligtas sa kanya sa kapahamakan na agad n’yang nagustuhan at nakamabutihan. Nagising na lang s’ya isang araw na may mga kakaiba nang nangyayari sa kanya. Little did she knows, the man that she admires is the same man who secretly watches her sleep almost every night. Matagal na pala s’yang pinagmamasdan ng isang nilalang na hindi n’ya pinaniniwalaan!

Oh, no!

Ano ang kanyang gagawin sa oras na malaman n’yang may manliligaw pala s’yang isang Engkanto?

chap-preview
Free preview
Panimula
Ang masagana at preskong simoy ng hangin ang s'yang sumalubong sa kanya pagkalabas n'ya sa kanilang kaharian. Pinili n'yang mamasyal na muna dahil ayaw n'yang maupo sa harap ng konseho habang nagtitipon ang mga ito sa bulwagan kung nasaan ang trono ng kanyang amang hari. Inilagay n'ya ang kanang kamay sa bulsa ng kanyang puting damit pang-ibaba at nagsimulang maglakad patungo sa kanilang malawak na hardin. Paniguradong hahanapin s'ya ng kanyang inang reyna at nakasisiguro s'yang mapapagalitan s'ya ngayon sa kanyang pagtakas. Napabuntong hininga ang prinsipe. Ayaw n'yang dumalo sa mga pagtitipon ng konseho dahil ayaw n'yang mamuno sa kanilang kaharian pagdating n'ya sa tamang edad. Ngunit alam n'yang wala s'yang magagawa sa bagay na iyon dahil s'ya lang ang maaasahan ng lahat. Nag-iisa s'yang anak kaya sa kanya maipapasa ang lahat ng responsibilidad. Sa mura n'yang edad ay iyon na ang kanyang nakamulatan. Kung ang ibang batang Engkanto ay naglalaro, s'ya naman ay pinag-aaralan ang pasikot-sikot ng politikal na aspeto ng pagpapatakbo ng palasyo. Ilang beses na n'yang ginawa ang pagtakas sa mga pagpupulong at ilang beses na rin s'yang naparusahan. Nang may mga pagkakataon na pinili n'yang manatili sa pagtitipon upang makinig sa mga diskusyon, nakatulog lamang s'ya. Iyon na yata ang pinaka nakakahiyang bagay na nagawa n'ya sa harap ng konseho at mga iskolar ng palasyo. Labis ang galit ng kanyang amang hari at inang reyna sa nangyaring iyon. Nakatanggap s'ya ng malupit na parusa. Hindi s'ya pinakain ng ilang beses at iginapos ang kanyang mga kamay at mga paa tuwing may pagpupulong upang hindi s'ya makatakas. Pagkarating sa malawak na hardin ay pinili n'yang maupo sa isang malaking bato na malapit sa ilog. Mapayapa ang kanyang pakiramdam sa tuwing nananatili dito. "Hinahanap ka ng mahal na reyna, mahal na prinsipe." Napabaling s'ya kung sa pinanggalingan ng boses na iyon. Nakatayo si Atlas, ang kanyang tagapangalaga na matanda lang sa kanya ng kaonti, malapit sa matayog na mahiwagang puno na pinamamahayan ng mga alitaptap. "Gusto ko munang malayo sa palasyo, Atlas. Matutulungan mo ba ako?" Naglakad ito palapit sa kanya at tumigil sa kanyang harapan. Nakakunot ang noo nito na tila ba hindi maintindihan ang kanyang sinabi. "Ano ang nais mong gawin, mahal na prinsipe?" "Tawagin mo ako sa aking pangalan, Atlas. Tayong dalawa lang naman ang nandito." Hindi lang ito tagapangalaga para sa kanya. Isa din itong matalik na kaibigan. Palagi s'yang pinagtatakpan sa kanyang kasalanan kahit na ito pa ang maparusahan. Umiling ito. "Hayaan n'yo na ako, mahal na prinsipe. Paano ba kita matutulungan?" "Alam mo ba ang daan patungo sa mundo ng mga tao?" Napasinghap ito. "B-Bawal kang pumunta doon, mahal na prinsipe." Napangisi s'ya. "Kung ganoon, alam mo kung nasaan ang daan patungo doon?" Hindi pa kasi sapat ang kanyang kapangyarihan upang gumawa ng lagusan papunta sa mundo na gustong-gusto n'yang puntahan. May naririnig kasi s'yang usap-usapan mula sa mga kawal na Engkanto na napakaganda daw ng mundo ng mga tao. Ang mga ito'y ipinadala doon para sa iilang misyon habang ang iba'y pumupuslit upang masaksihan ang kabilang mundo. Sunud-sunod na umiling si Atlas at nag-iwas ng tingin. "H-Hindi makakabuti sa iyo ang pagpunta doon." "Hindi mo sinagot ang tanong ko, Atlas." Napalunok ito at unti-unting tumango. "O-Opo, mahal na prinsipe. Alam ko ang daan patungo sa mundo ng mga tao." Lumawak ang kanyang ngisi. Napatayo pa s'ya mula sa batong kanyang inuupuan. "Kung ganoon, igiya mo ako sa daan patungo sa kabilang mundo." "P-Pero—" "Ipinapangako kong walang ibang makakaalam nito. At kung sakaling mahuli ako ng mga kawal at makarating ito sa aking mga magulang, hinding-hindi ko babanggitin ang iyong pangalan. Nakahanda ako sa aking magiging parusa. Ang pagkabahala ay mababanaag sa mukha nito. "Baka mapahamak ka, mahal na prinsipe." "May tiwala ako sa 'yo, Atlas. Sana ay ganoon ka din sa akin." Napatigil ito at yumuko upang magbigay-galang sa kanya. "Ako ay nagtitiwala sa iyo, mahal na prinsipe." Ilang sandali pa ay binaybay na nila ang daan patungo sa napakalaking puno ng dalakit, ang tinutukoy ni Atlas na daan patungo sa mundo ng mga tao. Bahagya mang kinakabahan, agad s'yang pumasok sa isang lagusan. Sa wakas, matutupad na ang kanyang minimithi.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SILENCE

read
383.0K
bc

YOU'RE MINE

read
895.9K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.6K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.9K
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
535.6K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K
bc

AGENT KARA_SERIES 1(R-18-SPG)

read
200.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook