Kabanata 14

3014 Words

Patuloy lamang s’ya sa paglalakad kahit pa kanina pa s’ya tinatawag ng kanyang mga kaibigan. Iniiwasan n’ya ang kanyang mga kaibigan. Wala s’yang mukhang maihaharap sa mga ito dahil sa mga nangyari. Umiibig s’ya sa isang Engkanto at hindi n’ya alam kung paano iyon maipapaliwanag dito. Halos isang linggo na rin ang nakakaraan mula nang huli n’yang makita si Janus at araw-araw n’yang naaalala ang tagpong iyon na s’yang nagwasak sa kanyang puso. Pinahid n’ya ang luhang tumulo mula sa kanyang mata. Sariwang-sariwa pa sa kanyang alaala ang nangyari. Sa tuwing naiisip n’ya kung ano ang mga posibleng mangyayari kung sakaling iba ang kanyang naging desisyon ay baka hindi s’ya nasasaktan ngayon. Hindi n’ya maatim isipin na labis n’yang sinaktan ang lalaking kanyang pinakamamahal. Napapikit s’ya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD