Kabanata 16

2069 Words

Napahatsing si Indira kapagkuwa’y napaubo. Ibinalot n’ya ang kanyang katawan sa kumot habang yakap-yakap ang kanyang unan. May trangkaso s’ya dahilan upang lumiban s’ya sa klase ngayong araw. Naulanan kasi s’ya kahapon dahil nakalimutan n’yang magdala ng payong. Mabuti na lang at nakita s’ya ng kanyang Kuya Church na papalabas ng campus dahilan upang ihatid s’ya nito kasama ang girlfriend nito. Napatingin s’ya sa pinto ng may kumatok doon. “Pasok po,” aniya sa kung sino man ang kumakatok. Iniluwa niyon ang kanyang Nana Mira na may dalang tray ng pagkain. “Hija, mag-almusal ka muna bago ka uminom ng gamot.” Tumango s’ya at sinubukang bumangon. Napahawak s’ya sa kanyang ulo ng sumakit na naman iyon. Inalalayan s’ya ng kanyang Nana Mira upang maayos na makaupo. Nagpaalam ito na aalis sagl

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD