Chapter 4: My Sacrifice

1869 Words
-=Nathan's Point of View=- "Please God huwag niyo pong pabayaan si Nanay." piping dasal ko. Dali dali akong dumiretsp sa ospital kung saan sinugod si Nanay, agad akong dumiretso sa nurse's station pagkarating na pagkarating ko doon. "Nurse hinahanap ko po ang Nanay ko si Nancy Castillo?" tanong ko sa naabutan kong nurse, abot abot ang kabang nararamdaman ko nang mga oras na iyon, patuloy kong sinisisi ang sarili ko dahil dapat napatignan ko na siya ngayon. Agad naman nitong hinanap ang pangalan ni Nanay at ilang sandali lang ay ipinaalam na nito na nasa room three zero three ito, agad naman akong dumiretso sa nabanggit nitong kuwarto, naabutan ko si Nick na agad akong sinalubong pagkakita nito sa akin. Mas lalo akong kinabahan ng makita ko ang nag-aalalang mukha ni Nick. "Kuya si Nanay." tila nanghihina nitong sinabi sa akin, sabay na kaming lumapit sa kama, kung saan nakahiga ang natutulog naming ina. Parang nadudurog ang puso ko sa nakita kong itsura ni Nanay, awang awa ako dito. Humpak ang mukha nito at nanlalalim naman ang ilalim ng mga mata nito, halata kasi dito na hindi ito masyadong nakakatulog ng maayos. "Anong sinabi ng doctor?" tanong ko kay Nick, habang hawak ang kamay ni Nanay. "Wala pa naman. Hinihintay pa kasi nila ang resulta ng mga test kay Nanay." sagot naman nito, umaasa na lang ako na hindi na sana ay hindi malubha ang sakit nito. "Mabuti pang umuwi ka na lang muna para magpahinga. Malamang sa malamang ay bukas pa natin malalaman ang resulta sa mga test." sinabi ko dito, akma itong tatanggi ngunit agad ko din itong pinigilan. "Kailangan ng ni Nanay ng damit pampalit at magluto ka na din para bukas dahil siguradong mahal ang pagkain dito." bilin ko dito. Wala na nga itong nagawa kung hindi ang sumunod, sandali muna itong nagpaalam kay Nanay bago ito tuluyang umalis. Habang binabantayan si Nanay ay nakatanggap naman ako ng tawag mula kay Lailani, sandali akong lumabas para sagutin ang tawag nito, ayoko naman na maistorbo si Nanay sa pagpapahinga nito. "Hello Lailani, napatawag ka?" bungad ko dito. "Nasaan ka ngayon Nathan? Kamusta ka?" tanong nito, bigla naman napakunot ang noo ko nang maramdaman kong may problema kaya ito napatawag ngayon, hindi kasi ito basta basta tumatawag sa akin at madalas ay nagtetext lang ito.  "Nasa ospital ako ngayon, sinugod kasi si Nanay sa ospital. Bakit may problema ba?" agad kong tanong dito. "Wala naman, kamusta naman ang Nanay mo?" halata sa boses nito na nagsisinungaling ito, sa tagal naming magkakilala ay kahit paano ay basa ko na ito. "Naghihintay pa din kami ng resulta ng test ni Nanay." sagot ko naman dito, hinintay ko itong magsabi ng totoo, pero kung ano ano na lang ang sinasabi nito. "Alam kong may problema, kaya sabihin mo na ang totoo." ang sinabi ko dito, isang malalim na paghinga naman ang narinig ko mula dito. "Ayoko sanang sabihin ito lalo na't nalaman ko ang nangyari sa Nanay mo, pero karapatan mong malaman ang nangyari. Kumalat na kasi sa school ang ginawa mong pagtatapat kay Elijah, at lahat ng estudyante dito ay ikaw ang pinag-uusapan. Hindi ko alam kung paano kumalat ang namagitan sa inyo." pagtatapos nito. Agad akong nasaktan sa nalaman ko, kasunod noon ay ang pagbangon ng galit sa dibdib ko, galit kay Elijah dahil sigurado akong ito ang nagpakalat non, dahil kaming dalawa lang naman ang nasa rooftop ng mga oras na iyon. "Well alam naman natin na kaming dalawa lang ni Elijah ang nasa rooftop nang magtapat ako sa kanya, kaya siguradong ako siya ang nagpakalat ng ginawa ko." mapait kong sinabi dito. "Ano ka ba Nathan, hindi tayo nakakasigurado sa bagay na iyan. Sa tingin ko naman hindi magagawa ni Elijah na pahiyain ka ng ganoon." pagtatanggol naman nito kay Elijah. "Hindi ko na alam ang iisipin ko Lai, gulong gulo na ang isip ko, ayoko munang isipin yan. Salamat sa pagsasabi sa akin ng totoo." ang sinabi ko dito. Nagpaalam na din ako dito, dahil parang sasaboh ang dibdib ko sa sama ng loob na nararamdaman ko. I felt betrayed, paanong ang taong nagpasaya sa akin sa loob ng halos dalawang buwan ay magbibigay sa akin ng sobrang sakit na damdamin. Pinilit kong itago ang sakit na nararamdaman ko bago ako muling bumalik sa loob, ayoko naman kasing makita nito ang paghihirap ng loob ko, baka mas lalo pang makasama iyon kay Nanay. Pagkabalik ko naman sa kuwarto ay agad kong napansin na nagising na pala si Nanay kaya dali dali akong lumapit dito, bakas sa mukha nito ang pagtataka. "Anak nasaan tayo?" tanong nito habang nililibot ang mga mata sa loob ng kuwarto. "Nasa ospital po tayo, nawalan kayo ng malay, kaya naman dinala kayo dito" paliwanag ko dito, akma itong tatayo ng pigilan ko ito. "Lumabas na tayo Nathan, mapapagastos lang tayo dito kapag nagtagal pa tayo dito. Inuubo lang naman ako." pagpupumilit nito, ngunit hindi na ako pumayag. "Hindi Nay, kailangan nating manatili sa ospital na ito. Kailangan nating malaman kung ano ba talaga ang sakit ninyo." sagot ko dito, nangako na lang ako na kapag walang nakitang problema sa results ng test nito ay agad kaming uuwi, kaya naman sumang-ayon na din ito.  Muli itong nakatulog nang matapos ang naging pag-uusap namin, bumalik naman ako sa upuan na nasa gilid ng kama nito. Pilit kong tinatanggal sa isip at puso ko ang nangyari sa school, ang sakit sa puso ko.  "Tama na Nathan, hindi ito panahon para iyakan mo ang nanakit sayo, kailangan mong magpakatatag para sa Nanay mo." kastigo ko sa sarili, dala marahil sa pagod ay stress ay hindi ko napigilan ang makatulog sa inuupuan ko. Nagising ako nang maramdaman ko ang banayad na pag-uga ng balikat ko at namulatan ko ang nakangiting mukha ni Nanay. "Magandang umaga anak." ang bati nito sa akin, saka ko lang napansin na nakabalik na pala si Nick at may dala itong pagkain para sa agahan namin. Pinagsaluhan na muna namin ang dala nitong pagkain, habang hinihintay ang resulta ng mga test kay Nanay. Mag aalas onse na ng dumating na ang doctor, dala nito ang mga test result ni Nanay. Hindi ko naman maiwasang hindi kabahan sa malalaman ko mula dito. Dinala ako nito sa opisina nito, mas lalo tuloy akong kinabahan sa malalaman ko, kasi naman kung wala itong nakitang problema ay siguradong sasabihin na nito sa amin kanina, kahit kaharap si Nanay. "Ikinalulungkot kong sabihin, ngunit ayon sa mga test na sinagawa namin sa pasyente ay nalaman namin na merong cancer of the lungs ang pasyente, at base sa iba pang resulta ay stage one na ito." seryoso nitong sinabi. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa nalaman ko, hindi ko alam kung bakit naging sunod sunod ang kamalasan na dumating sa buhay namin. Binigyan ako ng mga reseta nang mga kakailanganin kong bilhin na gamot ni Nanay, at hindi biro ang halaga ng mga gamot na nakasulat doon nang magtanong ako sa pharmacy sa ospital. Ayon kasi sa doctor ni Nanay ay malalaman namin kung madadaan ba sa mga gamot ang sakit ni Nanay at baka hindi na ito kailangan pang maoperahan. Minabuti kong ipagtapat sa kanila ang tunay na lagay ni Nanay, at labis ang pagkagulat nila sa sinabi ko, ayoko muna sanang malaman nito ang karamdaman, pero karapatan nitong malaman ang totoo. "Kakayanin natin ito." sigurado kong sinabi sa kanila, kung paano ay hindi ko alam, sakto lang ang mga kinikinita namin sa pang-araw araw na pangangailangan kaya hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera sa mga gamot ni Nanay. Kinabukasan din ay nilabas na din namin si Nanay sa ospital, pumayag naman ang doctor nito na sa bahay na iton magpagaling. Nang makauwi ay agad kong inalalayan ito sa higaan niya, at matapos masiguradong kumportable na ito ay saka lang ako lumabas ng kuwarto nito. "Kuya, puwede ba kitang makausap?" seryosong tanong ni Nick nang maabutan ako nito sa kusina, magluluto sana ako ng makakain namin, sandali kong tinigil ang ginagaw at agad itong hinarap. Nanatili lang akong tahimik habang hinihintay itong magpatuloy sa sasabihin nito. "Gusto ko na munang tumigil sa pag-aaral, para mas makatulong ako sa gastusin natin." seryoso naman nitong sinabi na agad kong tinutulan. "No Nick, hindi ka titigil sa pag-aaral mo, sisiguraduhin kong maitutuloy mo ang pag-aaral mo. Hayaan mong ako na ang gumawa ng paraan bilang ako ang panganay sa ating dalawa." napapailing kong sagot dito. "Pero.... kailangan natin ng pera para sa mga gamot ni Nanay, maliban pa doon kailangan nating paghandaan ang operasyon ni Nanay, kung sakaling kailangan niyang maoperahan." pagpupumilit nito. "Huwag kang mag-alala nagdecide na akong magdrop out, para matutukan ko ang pagtatrabaho." sigurado kong sinabi dito. "Pero kuya, matagal mo nang pinangarap na makapasok sa school na iyon, nakita ko ang naging paghihirap mo sa pag-aaral para lang makapasa ka sa scholarship sa school na iyon." patuloy nitong pangungumbinsi sa akin, pero buo na ang desisyon ko at hindi na iyon magbabago pa. "Huwag ka nang mag-alala dahil puwede ko pa naman balikan iyon kung sakaling matapos na ang pagsubok sa pamilya natin. Mas mahalaga kayo ni Nanay kaysa sa scholarship kong iyon." madamdamin kong paliwanag dito, nagulat naman ako ng makita ko ang pangingilid ng luha sa magkabila nitong mga mata na pilit niyang tinago. "Halika nga dito." nakangiti kong sinabi dito sabay hatak palapit dito, mahigpit na yakap naman ang binigay ko dito para palakasin ang loob nito. Nang sumunod na araw ay bumalik na ako sa school, agad akong dumiretso sa opisina ni Dean, pinaliwanag ko sa kanya ang sitwasyon ng pamilya ko at naintindihan naman nito ang dahilan kung bakit kailangan kong magdrop out, masakit lang dahil tuluyang mawawala sa akin ang scholarship na pinaghirapan kong makuha, pero ganoon talaga siguro, kailangan mong mamili kung ano ang mas matimbang sa iyo. Mula kanina ng pumasok ako ay napansin ko agad na sa akin nakatingin ang lahat, iba't ibang reaksyon ang sumalubong sa akin ng dumating ako kani-kanina lang. Minabuti kong huwag na lang pansinin ang mga ito lalo na't hindi ko na din sila makikita dahil nga nagdrop out na ako. Nagbingi bingihan ako sa mga naririnig kong insulto mula sa kanila. Minabuti kong puntahan si Lailani para makapagpaalam ng maayos dito, hindi naman ako aalis ng basta basta na hindi ko man lang nakikita ito. Naabutan ko naman ito sa tambayan namin sa rooftop. "Mamimis kita Nathan." malungkot nitong sinabi sa akin ng malaman nito ang plano ko, naintindihan naman nito ang dahilan kung bakit kailangan ko iyong gawin. "Mamimiss din kita Lailani, alam mo naman na ikaw lang ang kaibigan ko dito." nalulungkot man ay kinailangan ko na talagang magpaalam dito, isang mahigpit na yakap ang namagitan sa amin bago ako tuluyang nagpaalam dito. Nangako naman akong magigin open pa din ang contact naming dalawa. Naglalakad na ako palabas ng school nang hindi ko naman sinasadyang nakita si Elijah, patungo ito sa parking lot sa west wing ng campus. Kahit masama ang loob ko dito ay hindi ko maiwasang malungkot dahil simula ngayon ay malabo na magkita pa kami. Agad ko naman kinastigo ang sarili ko dahil hindi na dapat ako makaramdam ng kahit na ano dito, lalo na't kumbinsido pa din ako na ito ang dahilan kung bakit kumalat ang pagtatapat ko dito. "Paalam Elijah, salamat sayo at kahit paano ay natutuhan kong tanggapin na hindi laging happy ending ang isang love story lalo na't isa lang ang nagmamahal." bulong ko sa hangin, hanggang makasakay na ito ng kotse nito at tuluyan na itong nakalabas ng school.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD