bc

The Price of Love (BXB)

book_age16+
1.6K
FOLLOW
8.5K
READ
billionaire
possessive
family
aloof
drama
sweet
bxb
lighthearted
campus
mxm
like
intro-logo
Blurb

Kinailangan ni Nathan Castillo na huminto sa pag-aaral upang suportahan ang kanyang inang may malubhang karamdaman ngunit kahit anong pagsusumikap niya at nang kanyang nakakabatang kapatid ay hindi pa din sapat upang suportahan ang pang araw-araw nilang pangangailangan kasama na din ang gamot ng kanilang ina, hanggang sa tinaningan na sila ng doctor upang mapaoperahan ang kanilang ina at dahil dito ay napilitan siyang pumayag na isubasta ang sarili para matustusan ang pangangailangan ng kanyang ina ngunit ang hindi niya inaasahan na ang taong bibili sa kanya ay ang taong si Elijah Salazar ang taong minahal niya noong college and the same person that rejected his love, anong dahilan at binili siya nito

chap-preview
Free preview
Chapter 1: The Auction
-=Nathan's Point of View=- Halos wala akong makita habang nakatingin sa harapan ko, nakakasilaw ang mga liwanag na nagmumula sa mga spotlights na nakatutok sa stage kung saan ako nakatayo. Naririnig ko naman ang mga pag-uusap ng mga taong naroon na nakatingin sa akin, kanina ko pa gustong lumubog sa labis na kahihiyan nang dahil sa kinasasadlakan ko ngayon. The organizer made me wear a white long sleeve na bahagyang malaki sa akin, tamang tama lang ito upang kahit paano ay matakpan nito ang pang-ibabang parte ng katawan ko na ang tanging suot ko lamang ay ang underwear ko. Hindi usual ang mga sinusubasta sa lugar na iyon, isa itong underground auction na kung saan daan daang mayayamang tao ang nagbibid, at hindi gamit o kahit na anong ari-arian ang sinusubasta dito, bagkus ay tao ang kanilang sinusubasta at isa na nga ako sa mga taong iyon. Hindi ko naman talaga ginusto ang pinasok kong ito, ngunit napilitan lanng ako dahil nangangailangan si Nanay ng pera para sa kanyang operasyon. May cancer of the lungs kasi ito at malaking halaga ang kailangan ko para dito, at labag man sa loob ko ay pumayag na din ako na isubasta ang sarili ko, upang mapaoperahan si Nanay. "Ok ladies and gentlemen, in front of you is a young man who just turned nineteen. Very much inexperience in a lot of things and more than willing to do your desire." pagsisimula ng naturang emcee. Madidinig naman ang interest mula sa mga manonood sa sinabi nito. "Matatapos din ito Nathan, para ito kay Nanay." sa loob loob ko, paulit ulit kong pinapaalala sa sarili kung para kanino ang ginagawa kong ito. "We will begin the bidding with one hundred thousand pesos." muli itong nagsalita para simulan na ang subasta. Hindi ko na halos nasundan kung magkano na ang huling bidding nang dahil sa mga bagay na naiisip ko. Bago magsimula ang subasta ay pumirma ako sa kontrata na binigay sa akin na kung saan ang hatian ay seventy-thirty. Seventy percent ang mapupunta sa akin samantalang thirty percent naman ang sa kanila. Kung makakakuha ako ng dalawang milyon ay matutulungan ko na si Nanay para mapaoperahan, pero hindi naman ako ganoong kaconfident sa itsura ko kaya naman hindi ako umaasa na maabot ko ang halagang iyon. Naputol ang pag-iisip kong iyon nang muli kong marinig na magsalita ang emcee, base kasi sa sinabi nito na naririnig ko ay mukhang dalawa na lang ang nagbibid at hindi naman ako makapaniwala sa halagang binanggit nito. Umabot na kasi  sa mahigit na isang milyon ang bid at mukhang mananalo na ang number seventeen sa bid nito na one and half million pesos. "One and a half million for number seventeen, do we have a late bidder? Going once, going twice....." ngunit bigla itong natigilan nang tila may makita itong isang imahe at base sa reaksyon nito ay hindi ito makapaniwala sa bid ng bagong dating. "Ten million pesos for number twenty two bidder!" hindi makapaniwalang sinabi nito. Dahil sa laki ng bid ni number twenty two ay wala nang nagtangkang mag bid pa, bigla naman akong kinabahan since hindi ko alam kung anong klase nang tao ang nakabili sa akin, pero nasa kontrata naman na hindi ako masasaktan kapag pumayag akong magpasubasta, ngunit hindi pa din nabawasan ang takot na nararamdaman ko sa maaring mangyari. Matapos ang turn ko sa auction ay dinala na ako ng organizer sa waiting area para hintayin ang taong nakabili sa akin, doon din mismo sa lugar na iyon una kaming pinaghintay bago magsimula ang auction, madami pa ang naghihintay na tawagin ang pangalan nila, halata sa mga itsura nila ang takot at halatang napipilitan lang din sa mga nangyayari katulad ko. "Nathan Castillo." narinig kong tawag sa akin ng organizer, hinintay lang nito na makapagbihis ako at matapos non ay sinamahan na ako nito patungo sa lobby kung saan naghihintay sa akin ang isang malaking tao na punong puno ng muscle sa katawan, bigla akong napaurong sa takot dito. Hindi naman ako naive na hindi alam kung anong mangyayari sa akin kapag pumasok at pumayag ako sa human auction na ito, ngunit hindi ko pa din maiwasang hindi matakot dahil isipin ko pa lang na may mangyayari sa amin ng lalaking ito ay malamang ay mahihirapan talaga ako lalo na't wala pa talaga akong experience, I'm still a virgin, but a deal is a deal, so matapos kong pirmahan ang mga kailangang dokumento ay inabot na sa akin ng organizer ang seventy percent ng sampung milyon which is seven million pesos, sinamahan na kami nito sa naghihintay na sasakyan sa labas. Agad naman akong napanganga nang makita ang itim na Rolls Royce sa parking lot, kahit mahirap lang kami ay mahilig akong tumingin nang mamahaling sasakyan sa internet kaya alam ko kung gaano kamahal ang sasakyang ito, isa ito sa pinakamahal na sasakyan sa buong mundo. Mas lalo naman akong kinabahan dahil ibig lang sabihin ay hindi basta basta ang taong nakabili sa akin, parang balewala nga lang dito ang magtapon ng sampung milyon. Nagulat naman ako ng pagbuksan ako nito nang pinto at matapos noon ay sumakay na din ito sa driver seat habang ako ay nasa bandang likuran. "A... akala ko ikaw ang nakabili sa akin?" naguguluhang tanong ko dito. "No I'm not, makikilala mo din siya mamaya. Meron lang siyang mga kailangan pang asikasuhin." sagot naman nito, habang nasa biyahe ay namayani naman ang katahimikan sa loob ng sasakyan.  Muling lumipad ang isip ko sa ospital kung saan nakaconfine si Nanay, kasama nito ngayon ang nakakabata kong kapatid na si Nick. "Nay hintayin niyo lang po ako, magiging maayos din ang lahat." sa loob loob ko, dala marahil ng pagod at stress ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Napanaginipan ko ang isang itim na imahe na pilit humahatak sa akin at pilit na tinanggal ang kasuotan ko, bigla naman napalitan iyon nang nakakasilaw na liwanag na nagmumula sa mga spotlights sa taas na para bang nakatutok sa akin. "Huwag po!" ang hinihingal kong sigaw nang maramdaman ko ang pagtapik sa braso ko, ngunit nang magmulat ako ng mga mata ay nakita ako lalaking sumundo sa akin kanina. "Nandito na tayo." walang emosyon nitong sinabi sa akin, matapos noon ay nauna na itong pumasok, hinayaan na lang nito akong makalabas ng sasakyan. Bigla akong namangha nang tuluyan akong makababa at bumungad sa akin ang bahay nang nakabili sa akin, pakiramdam ko kasi ay nasa ibang bansa ako. May dalawang palapag ang bahay nito na kung tama ang pagkakaalala ko ay inspired sa Mediterranean style. Sa harapan ng bahay ay may isang malaking swimming pool na oblong ang hugis. Agad ko naman tinanong ang sumundo sa akin kung sino ang kasama namin sa bahay at ayon dito ay tanging mga kasambahay lang at wala nang iba. "This guy is filthy rich." sa loob loob ko. Mas lalo akong namangha nang makapasok sa loob, hindi basta basta ang mga gamit na naroroon at sigurado ako na hindi din basta basta ang halaga ng mga gamit dito.  Nang nasa parking lot pa lang kami kanina ay nakita ko ang iba't ibang klase ng sasakyan, lahat ay kulay itim, from Porsche to Ferrari to Jaguar at Lamborghini, lahat ng sasakyan nito ay puro high end.  "Sumunod ka sa akin." ang sinabi nito kaya naman tahimik lang ako sumunod dito, dinala ako nito sa second floor ng bahay at muli ay naamazed ako sa mga bagay na nakikita ko. Ngayon ko mas lalong napagtanto na talaga namang sobrang unfair ng buhay, dahil sobrang daming mahihirap na kagaya ko samantalang konti naman ang mga taong mayayaman at hindi lang basta mayayaman kung hindi ubod pa ng yaman. Sa wakas ay nakarating na din kami sa magiging silid ko daw habang nananatili ako sa bahay na ito. Tumambad sa akin ang isang kuwarto na may kulay ocean blue na pinto at nang buksan ng lalaki ang pinto ay tumambad naman sa akin ang isang napakagandang kuwarto na para yata sa isang mamahalin na hotel. "Ito ba ang magiging kuwarto ko?" nag-aalangan kong tanong dito, hindi pa din kasi ako makapaniwala sa ganda at gara nang loob ng silid. Ang magiging silid ko sa loob ng tatlong taon. Tatlong taon kasi ang napag-usapan sa kontrata na pinirmahan ko. "Oo ito nga ang magiging kuwarto mo, ito ang inutos sa akin ni boss na ibigay sa iyo. Mamaya maya lang dadating na din siya." sinabi nito, hindi na din ito nagtagal at agad nang lumabas ng kuwarto, ni hindi man lang nito hinintay na makapagpasalamat ako dito. "Thank you!" ang pahabol kong sigaw dito, hindi pa din ako makapaniwala na ito talaga ang magiging kuwarto ko. Nakukulayan nang light blue ang buong kuwarto, which reminded me of the sky. Sandali ko pang nilibot ang kuwarto ko hanggang sa mapagod sa kakatingin sa mga bagay bagay sa loob niyon. Naisipan ko naman na subukang higaan ang kama at pakiramdam ko ay para akong malulunod sa sobrang lambot ng naturang kama na gawa ata sa tubig hanggang sa makita ko ang tag na sinasabing isa iyong water bed.  "Ok make sense." pang-aasar ko sa sarili ko well no one can blame me dahil simula pagkabata ko ay hindi ko pa naexperienced ang luxury sa buong buhay ko, kaya naman masyado akong namamangha sa mga bagay na nakikita ko. Actually ang buong akala ko talaga ay sa maid's quarter ako tutuloy kaya naman nagulat ako nang dito ako dinala nang sumundo sa akin, pero sigurado naman ako na mas maganda pa din ang maid's quarter kumpara sa tinutuluyan namin ng pamilya ko, bigla akong nalungkot nang maalala ko sila Nanay, ngunit agad ko din iyong winaksi sa isip ko. "Nandito ako dahil pag-aari na ako ng isang tao, at katulad nang napagkasunduan ay kailangan kong gawin ang lahat ng gusto niya sa ayaw ko man o sa hindi." pagpapaalala ko sa sarili, konsuelo na lang siguro na at mamumuhay ako in luxury sa loob ng tatlong taon. Kahit pilit kong huwag alalahanin ang buhay namin ay hindi ko pa din maiwasang isipin ang bagay na iyon. Oo nga sa isang maliit na kuwarto lang kami nakatira at kung minsan ay hindi kami makakain ng tatlong beses sa isang araw, pero kahit ganoon ay masaya pa din kaming magkakasama. Kung hindi nga lang talaga nangyari sa Nanay na nagkaroon ito ng cancer ay hinding hindi ko gugustuhin na malayo sa pamilya ko. Sa bilis nang mga pangyayari ay nakalimutan ko tuloy na hawak hawak ko pa din pala ang bag na naglalaman ng pera na pinambayad sa akin na nagpapaala sa akin sa pagbili ng dangal ko nang mayamang taong iyon. Hindi ko maiwasang isipin kung ano ba ang itsura nang taong bumili sa akin, marahil ay isa itong mataba at matandang lalaki  na nauubos na ang buhok, at marahil ay mahilig ito sa mga bata at walang experience pagdating sa s*x at malamang ay mahilig ito sa mga wild things sa kama. Isipin ko pa lang na may ganoong klase ng lalaki na hahawak sa akin ay hindi ko na maiwasang hindi bumaliktad ang sikmura ko, kasi naman nineteen pa lang ako at wala pa talagang alam pagdating sa bagay na iyon, dahil virgin pa din ako, wala pa nga akong nagiging karelasyon simula noon kaya kahit kiss wala pa akong experience at dahil iyon sa nangyari sa aking rejection noong nasa college pa lang ako, kasabay din kasi noon nang malaman namin ang sakit ni Nanay. Kahit naman ayoko ay wala na din naman akong magagawa, dahil pumayag ako sa nakalagay sa kontrata, sa totoo lang ay hindi ko alam kung paanong nakakalusot ang organizer nang ganoong auction samantalang isa itong klase ng human trafficking, naisip ko na lang na malamang sa malamang ay malakas ang kapit nito sa kung sinumang poncio pilatong pulitiko. Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ko ang paghinto nang isang kotse sa harapan ng bahay at dala ng curiosity ay napansin ko na lamang na nakalabas na pala ako ng kuwarto. Medyo dim ang ilaw sa labas kaya naman silhouette lang nang dalawang tao ang nakikita ko at hindi ko makita ang mga itsura nila, nakilala ko ang isa bilang siya ang naghatid sa akin pero iyong bagong dating na marahil ay ang magiging amo ko ay hindi ko makita ang itsura talaga, but one thing that I noticed ay matangkad ito mga six footer marahil at sa physique naman ay agad kong tinanggal ang adjective na mataba sa isip ko. Bigla akong napaatras nang makita kong tumingin ito sa itaas kung saan naroon ang kuwarto at hindi ako sigurado kung nakita ba ako nito o hindi, dali dali akong bumalik sa loob habang hawak hawak ko ang dibdib ko na ang bilis bilis nang kabog. Agad kong tinurn off ang ilaw dahil hindi ko alam kung paano ko ba pakikiharapan ang taong nakabili sa akin at kung ano ba ang magiging reaksyon ko kapag nagkaharap na kami. Narinig ko na lang ang pagbukas ng pinto makalipas ang ilang minuto at nanatili lang akong tahimik habang nasa sulok ng kuwarto, narinig ko ang mahihinang yabag nang bagong dating at kahit paano ay pumasok ang konting liwanag mula sa labas, ngunit kahit ganoon ay hindi ko pa din maaninag ang mukha nito. "Nathan?" his baritone voice caught me off guard, the way he said my name is so sexy at parang ang sarap pakinggan, ngunit sandali akong nagtaka nang parang pamilyar sa akin ang boses nito, pero agad kong winaksi sa isip ko iyon dahil malabong maging kilala ko ito. Hindi ako sumagot hanggang iturn on na nito ang ilaw sa kuwarto, bahagya akong nasilaw sa liwanag kaya naman tinakpan ko ang mga mata ko at nang makapagadjust na ang mga mata ko ay saka ko lang natitigan nang maigi ang taong bumili sa akin at bigla akong nanghina at nanlamig nang makita ko kung sino ito, at hindi ako makapaniwala na ang nasa harapan ko ngayon ay ang mismong taong pinagtapatan ko ng pag-ibig ko noong nasa college pa ako, ang taong nagreject ng nararamdaman ko. It's none other than Elija Salazar! Ang taong minahal ko noon unang taon ko sa isang international college school kung saan ako nakakuha ng scholarship , ang taong nagreject nang pag-ibig ko ang taong nagturo sa akin na hindi totoo ang pag-ibig.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Sex Web

read
151.1K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
6.2K
bc

OSCAR

read
236.9K
bc

NINONG III

read
385.2K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
188.3K
bc

My Favorite Subject

read
227.8K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
468.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook