Chapter 5: Anything For My Family

2439 Words
-=Nathan's Point of View=- Mabilis naman lumipas ang mga araw, kahit paano ay bumuti na ang kalagayan ni Nanay, nang bumalik nga kami ay sinabi ng doctor nito na puwede na siyang bumalik sa trabaho, pero pinaalala din nito na huwag na huwag itong masyadong magpagod. "Pasensya ka na anak, napilitan ka pa tuloy na tumigil sa pag-aaral." malungkot nitong sinabi sa akin. Naipagtapat ko na kasi dito ang ginawa ko, nang nalaman nga nito ang nangyari ay nagalit ito sa akin, pero napaliwanag ko naman sa kanya ang lahat kaya kahit mabigat sa loob ay tinanggap na lang iyon. Wala na din naman kaming magagawa dahil na process ko na iyon. "Huwag po ninyong isipin iyon, ang mahalaga ay ang gumaling kayo." nakangiti kong sagot dito. "Basta ipangako mo na kapag gumaling ako ay babalik ka sa sa school n iyon para ituloy ang pag-aaral mo, gusto kong makapagtapos ka ng pag-aaral mo." wala na akong nagawa kung hindi mangako dito. Hindi ko naman maiwasang hindi maguilty dahil hindi ko naipagtapat dito na nawala na ang scholarship ko nang magdrop out ako. KInabukasan ay minabuti ko nang pumasok sa trabaho, kinausap ko din ang manager namin at naintindihan naman nito ang sitwasyon ko. Pinayagan ako nitong mag extra hours sa trabaho, mas madalas nga ay nagdodouble shift pa ako para lang mas malaki ang kitain ko, naubos na kasi ang ipon namin sa mga gamot ni Nanay. Maliban sa trabaho ko sa Jollibee ay patuloy pa din ako sa pagsasideline ko sa car wash ni Kuya Mario. Mas mahabang oras na ginugugol ko doon kumpara noong dati. "Sumama ka naman sa amin Nathan, puro ka na lang trabaho eh." aya sa akin ni Arlene na isa sa kasamahan ko sa Jollibee, ngunit gaya ng mga iba aya nito ay tumanggi din ako doon. "Sorry Arlene, alam mo naman ang sitwasyon ng pamilya ko ngayon, hindi ko kayang hindi kumita ng pera sa isang araw." sagot ko dito, at kahit na anong pagpupumilit ng mga ito ay hindi nila nabago ang isip. Hindi ko maiwasang hindi mainggit sa kanila. Nagdecide kasi silang mag-outing ngayong araw. Kitang kita ang kasiyahan at excitement ng lahat. Kung wala nga lang sana kaming problema ay baka kasama na nila ako, ngunit agad ko iyong winaksi sa isip ko. Kahit paano naman ay naging maayos ang trabaho ko. Sa awa ng Diyos ay umayos na din ang lagay ni Nanay. Nasanay na din ang katawan ko na kakaunti lang ang tulog, kahit na nga ba pinapagalitan ako ni Nanay. Nakabalik na din siya sa trabaho, pero gaya ng sinabi ng doctor ay kailangan niyang mag-ingat dahil hindi siya puwedeng masyadong mapagod. Kahit paano naman ay naigagapang namin ang pang araw araw naming pangangailangan gayon na din ang mga gamot ni Nanay. Hindi naman natapos ang pangungulit sa akin ni Nick na huminto muna ito sa pag-aaral, pero kahit anong sabihin nito ay hindi ako pumayag.  Rest day ko ngayon sa Jollibee, ngunit imbes na magpahinga ay ginugol ko ang araw kong iyon sa pagcacar wash. Naabutan naman ako ni Nick nakakauwi lang galing school. "Pinapatay mo ba talaga ang sarili mo, baka naman ikaw ang magkasakit niyan." nag-aalala nitong sinabi sa akin, napangiti na lang ako sa concern nito. "Wow ang sweet naman ng kapatid ko." biro ko dito, lalo na't nakikita ko ang labis nitong pag-aalala. "Kuya naman! Seryoso ako." naiinis nitong sinabi. "Sige uuwi na ako." sagot ko naman dito, minabuti kong sundin ang gusto nito dahil baka nga magdilang anghel ito at totoong magkasakit ako mahirap na at baka mapagastos pa kami. Sabay na kami nitong umuwi, pagkadating sa bahay ay kinuha ko ang mga libro noong nag-aaral pa ako, hindi ko maiwasang malungkot at manghinayang dahil hindi ko natuloy ang pag-aaral ko. Sa totoo lang ay gustong gusto ko nang bumalik sa pag-aaral, pero alam ko naman na hindi pa ito ang tamang panahon. "Kung gusto mo nang bumalik sa school ay gawin mo. Ok na naman ako." narinig kong sinabi ni Nanay nang maabutan ako nitong tinitignan ang mga libro ko. Agad kong tinago ang mga libro ko at ngumiti na lang dito. "Nay, kapag magaling na magaling ka na, pangako ko sa inyo babalik ako sa kolehiyo at makakapagtapos ako." pangako ko dito. Hinintay lang namin si Nick para sabay sabay na kaming makapaghapunan, hindi ko mapigilan tignan ang pamilya ko. Habang nakikita kong maayos sila ay nawawala ang pagod at kalungkutan ko. Mabilis na lumipas ang panahon, lumipas ang mga buwan na naging taon, hanggang sa namalayan ko na lang na tatlong taon na pala ang lumipas nang madiagnose na may cancer si Nanay at nang magdrop out ako sa school. Incoming first year na si Nick, nakapasa ito sa PUP at kumukuha na ito ng Marketing na course, sa nakalipas na mga taon ay naging maayos na naman ang lagay ni Nanay, kaya naman pumasok sa isip ko na bumalik na sa pag-aaral. Yes nagdecide na akong bumalik sa pag-aaral, malabo nang makabalik ako sa dati kong school, pero hindi ibig sabihin non ay hindi na ako makakahanap ng iba pang mapapasukan. Excite na ako nang umuwi ako nang araw na iyon, ipapaalam ko na kasi kay Nanay ang naging desisyon ko, sigurado akong matutuwa ito dahil matagal na din ako nitong pinipilit na bumalik sa school. "Nay?" tawag ko dito nang makauwi ako, nagtaka naman ako ng walang sumagot sa akin sa loob, samantalang bukas ang pinto. Minabuti kong hanapin ito. Laking gulat at takot naman ang naramdaman ko nang makita ko itong nakabulagta sa kusina namin. "Nay! Gumising po kayo." pagmamakaawa ko dito, ngunit nanatili pa din itong walang malay. Humingi na ako ng tulong sa mga kapitbahay namin para madala si Nanay sa ospital, Dito sa ospital na ito din siya naconfine at nadiagnose na may cancer ito. "Doc ano pong nangyari bakit nawalan na naman siya nang malay?" tanong ko sa doctor ni Nanay habang binabasa nito ang resulta ng test. Bigla naman akong kinabahan sa ginawa nitong pag-iling. "I'm sorry Nathan, pero mukhang may panibagong tumor na naman ang tumubo sa pasyente." malungkot nitong sinabi sa akin. "Paano pong nangyari iyon? Ok na naman siya ah. Hindi din naman siya nagmimintis sa pag-inom ng gamot kaya nga akala ko ok na ang lahat." naguguluhan kong tanong dito, buong akala ko ay magaling na si Nanay dahil noong huling check up namin ay sinabi ng doctor na nakatulong ang mga gamot para mawala ang sakit ni Nanay. "Ang nangyari kasi ay naging immune ang cancer cell sa iniinom na gamot ng Nanay mo kaya naman may tumubong bagong tumor sa pasyente." paliwanag nito. "Sige po, ano po bang gamot ang kailangan kong bilhin para tuluyan nang gumaling si Nanay?" tanong ko dito, ngunit muli itong umiling. "Ikinalulungkot ko, pero sa lagay ng Nanay mo ngayon ay walang gamot ang makakapagpagaling sa kanya, your mother needs to undergo a surgery within four months, upang tuluyan natin mapigilan na maging cancer ang bagong tumor niya." paliwanag nito, nalula naman ako nang malaman ko ang kailangang halaga para mapaoperahan si Nanay. "Halos dalawang milyon?" Pero saan naman po ako kukuha ng ganoong kalaking halaga?" naguguluhang tanong ko dito, hindi ako makapaniwala na muli na naman naming pagdadaanan ang pagsubok na ito. Nakita ko naman nang dumating si Nick, kakauwi lang nito nang malaman nitong sinugod si Nanay sa ospital kaya agad itong dumiretso dito. "Kamusta na si Nanay?" agad nitong tanong nang salubungin ko ito. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang sinabi ng doctor, ayoko sanang ipaalam dito ang sitwasyon namin ngayon, pero wala akong ibang choice. Kita ko naman ang panglulumo ni Nick nang malaman nito ang totoo, naawa na ako dito dahil napakabata pa nito para maranasan ang ganitong mga problema. "Kuya tutulong na ako sayo, hihinto na muna ako sa pag-aaral." desidido nitong sinabi. "Ilang beses ko bang sasabihin sayo. Hindi ka titigil sa pag-aaral" galit kong sinabi dito. "Pero... kuya paano naman natin maiipon ang halagang iyon kung hindi kita tutulungan?" tanong nito. "Gagawan ako ng paraan." ang determinadong sagot ko dito, hindi ako papayag na huminto ito sa pag-aaral. Sa totoo lang y hindi ko alam kung saan magsisimula ang alam ko lang ay kailangan kong gawin ang lahat para mailigtas si Nanay. Ilang araw din na nanatili si Nanay sa ospital, sa mga araw na iyon ay hindi ako nagmimintis sa pagpasok sa sa trabaho at sa pagbabantay dito, kapalitan ko naman si Nick kapag kailangan ko nang pumasok. Napakiusapan ko naman ang manager namin na ilipat na muna ako ng ibang store kung saan bukas ng twenty four hours. "Nathan tama na yan, umuwi ka na, halata naman sayo na pagod na pagod ka na." ang narinig kong sinabi ni Ma'am Aida na siyang store manager namin. "Ma'am kailangan kailangan ko po talaga ng pera." pakiusap ko dito, ngunit hindi na ito pumayag pa, mukhang halatang halata na ang pagod ko. Mag-aalas onse na ng gabi nang makalabas ako sa trabaho, minabuti kong maglakad na muna pauwi para makapag-isip isip. Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko namalayan na napadpad naman pala ako sa sinasabi nilang tambayan ng mga callboy sa lugar na iyon. Laking gulat ko naman ng may isang magarang kotse ang huminto sa tapat ko, agad naman dumungaw ang nakangiting matandang lalaki. "Boy magkano ka?" tanong nito sa akin, nagtaka naman ako sa naging tanong nito hanggang sa marealized ko kung nasaan ako. Mukhang napagkamalan pa ako nitong callboy. "Sorry po sir, pero hindi po ako callboy." pagtatama ko dito, nagpatuloy na ako sa paglalakad, ngunit nanatiling nakasunod ito sa akin. "Kapag binigyan ba kita ng five thousand magbabago ang isip mo?" natigilan naman ako sa sinabi nito lalo na nang ilabas nito ang limang libo sa pitaka. Bigla akong napatigil kaya naman nakita ko ang matagumpay na ngiti sa mga labi nito, mas lalo tuloy naging creepy ang itsura nito sa ginawang pagngiti. Kahit napipilitan ay sumakay pa din ako sa kotse nito, sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko ng dahil sa kaba nang dahil sa naging desisyon ko. Habang nasa biyahe ay pilit ako nitong tinatanong ng kung ano ano, nanatili naman pinid ang labi ko hanggang makarating kami sa isang motel. Papasok na sana ang sasakyan nito nang magbago ang isip ko. "Pasensya na po sir, pero nagbago na ang isip ko." hindi na ito nakapagreact ng bigla kong binuksan ang pinto at bumaba sa kotse nito. Dali dali akong tumakbo palayo sa lugar na iyon. Habang naglalakad ay hindi ko mapigilan ang mapaiyak sa awa sa sarili, dahil sa muntok ko nang pagbaba ng sarili ko. "May iba pang way para magkapera na hindi ko kailangan ibaba ang sarili ko." sa loob loob ko. Hanggang sa makauwi ako ay hindi ako agad dinalaw ng antok, patuloy pa din ako sa pag-iisip kung paano ko ba masosolusyunan ang problemang kinahaharap ko, pero hanggang sa makatulog na ako ay wala akong maisip na solusyon. Kahit kulang sa tulog ay pumasok pa din ako sa trabaho. Mabuti na lang talaga at walang pasok ngayon si Nick, kaya ito na muna ang nagbantay kay Nanay. "Paulo wala ka bang ibang alam na raket na malaki ang kita?" tanong ko dito. "Naku Nathan, pasensya na wala din eh, pero kapag meron sabihan kita." sagot naman nito, hindi naman nakaligtas sa akin ang isang customer namin na kanina pa tingin ng tingin sa akin. Base sa pananamit nito ay masasabi kong may kaya ang naturang lalaki, bigla ko naman naalala ang matandang lalaking nagpick up sa akin kaya agad akong napailing, pinangako ko sa sarili ko na hinding hindi ko ibababa ang dignidad ko para gawin ang gusto nila. Bahagya naman akong nakahinga nang mapansin kong umalis na ang naturang lalaki na kanina pa nakatingin sa akin. "Sige po Ma'am mauna na po ako." paalam ko kay Ma'am Aida, binalak kong dumiretso na sa ospital para palitan si Nick sa pagbabantay. Habang naglalakad ay napansin ko agad ang isang kulay itim na kotse na kanina pa sumusunod sa akin, grabe ang kabang naramdaman ko ng mga oras lalo na nang makita ko ang parehong lalaki sa store. "Boy! Narinig kong nangangailangan ka ng pagkakakitaan, baka makatulong ako." nakangiti naman nitong sinabi. "Pasensya na po, pero hindi po ako callboy." naiinis ko naman na sinabi dito, hindi ko alam kung bakit ba ako napagkakamalang callboy ng mga ito. "Sino bang nagsabing callboy ka?" naguguluhan nitong tanong. Hindi ko alam kung anong iniisip ko at napapayag ako nitong makipag-usap dito, pinili kong manatili sa labas ng kotse nito just in case na may gawin itong hindi maganda habang ito ay nasa sasakyan pa din nito. Minabuti kong pakinggan ang gusto nitong sabihin, napasipol naman ito nang malaman nito ang halagang kailangan ko. "Sobrang laki naman ng halagang kailangan mo." hindi makapaniwalang sinabi nito, alam ko naman na malabong kumita ako ng ganoong halaga kaya hindi na ako nasupresa sa reaksyon nito, pero nagulat naman ako sa sunod nitong sinabi. "Well, may paraan para kitain mo ang ganoong halaga, but it will cost three years of your life and your obedience." misteryoso nitong sinabi, nakuha naman nito ang atensyon ko. "Ano pong ibig ninyong sabihin?" tanong ko dito. "Ang tanging naisip ko ay ang ipasubasta ka sa isang underground auction house kung saan mabibili ka ng highest bidden. Makukuha mo ang seventy percent ng total amount sa huling bid sayo." paliwanag nito. Nanglaki naman ang ulo ko sa sinabi nito, hindi ako makapaniwala na may ganoong auction house dahil ang alam ko lang ay mga gamit ang sinusubasta at hindi tao. "Mister, hindi po ako nakikipaglokohan, kaya paalam na." galit kong sinabi dito, ngunit bago pa man ako makalayo ay naiabot na nito sa akin ang calling card nito. "Just in case na magbago ang isip mo ay tawagan mo lang ako." hindi na din ito nagtagal at agad na itong umalis, naiwan naman akong tulala sa naging offer nito. Bigla akong kinabahan ng makarating ako sa ospital, agad ko kasing nakita ang paghangos ng mga doctor at nurse kung saan ang kuwarto ni Nanay. Nang makapasok ay nakita ko ang umiiyak na si Nick habang nakatingin kay Nanay, nanglumo naman ako dahil mukhang lalong lumalala ang kalagayan ni Nanay. "I'm sorry Nathan, pero lalong lumalala ang kalagayan ng pasyente kailangan na siyang maoperahan sa lalong madaling panahon." paliwanag sa akin ni doctor Perez na siyang doctor ni Nanay. Biglang nablangko ang isip ko sa naging taning na iyon ng doctor, hindi ko alam kung saan ako makakahanap ng ganoong kalaking pera sa loob lamang nang maikling panahon, bigla naman akong may naalala. Dali dali kong kinuha ang calling card sa bulsa ko, mabuti na lang talaga at hindi ko natuloy itapon iyon, lalo na at nakapagdecide na ako. "Tinatanggap ko na ang inaalok ninyo." ang sabi ko sa kabilang linya ng tawagan ko ang numero na nasa calling card. "Good, magkita tayo bukas." sagot naman nito at agad na nitong tinapos ang tawag. Kahit hindi ko gustong gawin ito ay kinakailangan kong lunukin ang pride ko para kay Nanay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD