Chapter 3: Love Letter

2434 Words
-=Nathan's Point of View=- Halos mag-dadalawang buwan na din nang pumasok ako sa school na iyon at katulad dati ay wala pa din akong naging kaibigan maliban kay Lailani. "Huwag mo nang isipin ang mga snob mong mga kaklase, ang mahalaga ay nag eexcel ka sa lahat ng klase mo, kailangan mo iyon para mamaintain mo ang scholarship." pagpapalakas nito ng loob ko ng nasabi ko ang himutok ko dito. "Alam mo.... Tama ka! Hindi ko dapat problemahin kung walang pumapansin sa akin! Bahala sila sa buhay nila!" pagsang-ayon ko naman dito. "You go girl..... este dude." natatawang biro naman nito, imbes na maoffend ay tinawanan ko na lang ito dahil alam ko naman kung gaano din ito kaloko. Muli ay sa rooftop kami ng mga oras na iyon, doon na din kasi ang naging tambayan naming dalawa. Hindi pa din ako makapaniwala na magdadalawang buwan na din pala ako sa school na iyon at sa loob ng dalawang buwan na iyon ay madami na din ang nangyari.  Mahigit isang buwan na din nang magsimula akong magtrabaho sa Jollibee bilang isang service crew at dahil sa trabaho kong iyon ay malaking tulong iyon sa pangangailangan namin sa bahay. Oo nga meron akong nakukuhang allowance mula sa school, pero sapat lang iyon para sa mga pangangailangan ko sa school. Maliban sa trabaho ko sa Jollibee ay tinutuloy ko pa din ang pagpapart time sa car wash ni Kuya Mario.  Maayos na naman ang pag-aaral ko at dahil tanggap ko nang hindi ako tanggap ng mga tao sa school ay hindi na naging big deal sa akin ang bagay na iyon. All in all ay ok na naman ang lahat maliban sa isang bagay. Mas lalo kasing lumalalim ang nararamdaman ko dito kahit na nga ba alam kong walang pag-asa ang nararamdaman ko dito, gustong gusto ko siyang makita kaya naman madalas ay nagpupunta ako sa building nila para lang makita ito. Tawagin na nila akong baliw, pero ito na lang ang nagpapasaya sa akin sa school, ito din ang nagiging motivation ko para pumasok araw araw at para hindi sumuko, kahit na nga ba against sa akin ang lahat ng schoolmates ko sa akin. Kahit sa malayo lang ay makita ko ito, kahit na nga ba sigurado akong hindi naman ako nito kilala kahit na nga ba muntik na nito akong mabangga. "Please lumabas ka naman." tahimik kong dasal at mukhang malakas naman ako kay Bro, dahil ilang sandali lang ay lumabas na din, wala pa din itong kangiti ngiti , pero kahit gaanon ay hindi man lang nabawasan ang kaguwapuhan nito na hinding hindi ko pagsasawaan. At dahil nakita ko na si Elijah ay buo na ang araw ko at handa na akong pumasok sa trabaho, mukhang napansin naman ng mga katrabaho ko ang kakaiba kong ngiti. "Wow naman Nathan, mukhang inspired ka ngayon ah." biro sa akin ni Mac, nanliligaw ito sa akin, pero agad ko nang sinabi dito na iba ang priority ko ngayon at maliban pa doon ay may iba akong nagugustuhan na hindi ko na sinabi dito.  "Halata ba?" nakangiting tanong ko dito na tinawanan lang naman nito. Kahit mabigat ang trabaho ay hindi ko iyon iniinda, siguro ganito talaga kapag inspired ang isang tao. Nang matapos ang shift ko ay agad akong umuwi, nagpalit lang ako ng pambahay matapos mabilisang kumain at agad na akong dumiretso sa car wash, naabutan ko pa si Nick na nag-aasikaso ng customer. "Bakit late ka kuya?" tanong nito nang matapos itong makipag-usap sa customer. "Pasensya ka na, may inayos pa kasi ako sa trabaho. Nandiyan na ba si Kuya Mario?" tanong ko dito. "Wala pa naman. Mabuti na lang hindi niya naabutan na late ka kung hindi papagalitan ka na naman non." napapailing naman nitong sinabi. Nagsimula na kami sa pagtratrabahong magkapatid, mabuti na lang at hindi masyadong maraming customer ngayon, kaya kahit paano ay naisisingit ko ang mga assignment ko. Mabait naman na boss si Kuya Mario, at hinahayaan kami nito kung wala namang mga customer, ganito na din ang naging routine ko simula nang magcollege at magtrabaho ako sa Jollibee. Sanay na din naman ang katawan ko sa hirap ng mga trabaho ko, mabuti na lang talaga at hindi ako nagkakasakit, bonus pa na may nagpapasaya sa akin ngayon. Sabay na kami ni Nick na umuwi ng bahay, pareho kaming pagod ng araw na iyon, pero doble ang sa akin dahil nga may isa pa akong trabaho. Naabutan naman namin si Nanay na inaayos ang mga pinamili nito sa Divisoria. Hindi ko naman maiwasang mag-alala nang marinig ko ang sunod sunod nitong pag-ubo. "Nay mukhang mas lumalala na ang ubo ninyo ah. Mabuti pa kayang samahan ko na kayong pumunta ng health center?" nag-aalalang aya ko dito, matagal na din kasi ang ubo nito na hindi mawala wala. "Ano ka ba, sabi ko naman na simpleng ubo lang ito." sagot naman nito, ngunit nang makita nitong hindi nawala ang pag-aalala ko ay sumang-ayon na din ito, pumayag na ito na magpadala sa health center sa Sabado, sakto iyon dahil wala akong pasok sa school at rest day ko naman sa trabaho. Bago matulog ay nagdasal na muna ako, pinagdasal ko na din si Elijah at matapos nga noon ay agad din akong nakatulog dala ng matinding pagod. Nang sumunod na araw ay naging ganoon pa din ang routine ko, hindi ko alam kung saan nanggaling ang plano kong iyon at kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob. "Balikw ka ba? Anong ibig mong sabigin na magtatapat ka kay Elijah! Huwag ka ngang magbiro." gulat na gulat si Lailani ng sabihin ko dito ang plano ko bukas. "Seryoso ako, ipagtatapat ko na sa kanya ang nararamdaman ko, at ibibigay ko din sa kanya ang love letter na matagal ko nang gustong ibigay sa kanya." determinadong sinabi ko dito, hindi ko na pinansin ang reaksyon ng mukha nito. Sabi nga nila paano mong malalaman kung wala talagang pag-asa kung hindi mo naman iyon susubukan, kaya naman bukas na bukas ay magtatapat na ako kay Elijah, aaminin ko na sa kanya na mahal na mahal ko siya. Oo nauwi na sa pagmamahal ang dating paghanga lang dito, oo alam kong aloof ito at para itong may sariling mundo, pero naniniwala ako na may dahilan kung bakit ito ganoon. Matapos ang lahat ng klase ko ay dumaan na muna sa National Bookstore para bumili ng stationary paper, nakakatawa lang kasi ang lakas makababae ng plano ko at maliban pa doon ay hindi na ganoong kauso ang magbigay ng love letter, pero gagawin ko ito para sa taong mahal ko. Pumasok na muna ako sa trabaho matapos mabili ang mga kakailanganin ko, habang nagtatrabaho ay hindi ko mapigilan mangiti habang naiisip ko ang plano kong iyon. Agad akong umuwi nang matapos ang shift ko, hindi ko naman kailangan pumasok sa part time job ko sa car wash kaya agad kong sinimulan ang love letter ko kay Elijah, pero mahirap din pala lalo na't unang beses kong magsusulat ng love letter. "Ano yan!" nagulat na lang ako ng biglang sumulpot si Nick sa inis ay binato ko ito ng pambura na tinawanan lang naman nito. "Wala kang pakialam, umalis ka na nga muna." naiinis ko pa ding sinabi dito, pero hindi man lang ito natinag at nagpatuloy lang sa pang-aasar sa akin. "Wow love letter lakas maka high school ah." patuloy nitong pambubuksa, minabuti kong huwag na lang itong pansinin at mabuti na lang at iniwan na ako nito, pero bago umalis ay nag-iwan pa ito ng advice. "Isulat mo lang ang totoo mong nararamdaman, huwag mong lagyan ng kung ano ano ang isusulat mo, basta sincere ang isusulat mo ay sigurado akong mararamdaman ng taong gusto mo ang nais mong iparating." at matapos noon ay tuluyan na itong lumabas. Napaisip naman ako sa sinabi nito dahil tama ito, kaya naman sinimulan ko na ang pagsusulat ko ng love letter para kay Elijah. "Dear Elijah." pagsisimula ko, hindi naman naging mahirap ang pagsusulat na ginawa ko dahil sinabi ko lang ang nasa puso ko. Nang matapos ay agad ko nang nilagay ang sulat sa azul na envelope na kasama nang nabili kong stationary paper, napangiti naman ako habang tinitignan ang unang love letter na ginawa ko para sa unang taong nagpatibok ng puso ko. Magaan ang pakiramdam ko ng mga oras na iyon, kaya naman agad ko ding natapos ang mga kailangan kong gawin. Nakapagluto na din ako ng hapunan namin, sakto naman ang pagdating ni Nanay, napansin kong mas malala ang ubo nito kumpara kahapon. "Bukas na bukas din pupunta tayo sa health center." pinal kong sinabi dito, ngunit ngumiti lang ito at ginulo ang buhok ko. "Huwag na anak, hindi ba sinabi ko naman sayo na sa Sabado na ako magpapatingin." pagtanggi naman nito. "Pero......" agad naman nitong pinigilan ang sasabihin ko. "Huwag ka nang mag-alala Nathan, sa Sabado pangako ko. Ayoko din naman na umabsent ka sa school mo bukas." sinabi nito, wala na akong nagawa kung hindi sang-ayunan ang gusto nito, ayoko naman na magtalo pa kami, pero hindi ibig sabihin non ay nawala na ang pag-aalala ko dito. Sabay sabay na kami nila Nanay at Nick na kumain ng mga niluto ko, sobrang dalang na lang na sabay sabay kaming kumain dahil na din sa pagiging abala namin sa mga trabaho at school. Nakakamiss ang ganito kung saan nakakapagkuwentuhan pa kami sa mga nangyari sa pang araw araw naming buhay. Hindi naman ako agad nakatulog nang mahiga na ako, bigla kasi akong kinabahan sa gagawin ko bukas, paano nga kung wala naman talagang katugon ang nararamdaman ko dito. "Kaya mo to Nathan! Ang mahalaga ay maipaalam mo ang gusto mong sabihin at mapasalamatan ito sa lahat." pagpapalakas ko ng loob. Kinabukasan ay maaga akong naghanda ng mga gamit ko, nakapagluto na din ako ng almusal para kay Nanay at Nick, hindi na din ako nag-almusal dahil para hindi ko ata kakayanin dahil sa kabang nararamdaman ko. Alas siyete pa naman ang pasok ko, pero alas sais pa lang ay nasa school na ako, mangilan ngilan palang ang mga tao sa school. Nagtext na din ako kay Lailani na katagpuin ako nito sa rooftop. Sakto naman dahil naroon na ito pagpanik ko doon. "Sigurado ka na ba sa balak mong iyan Nate? May oras pa para magback out." seryoso nitong sinabi na tinawanan ko lang, kahit na nga ba parang sasabog na ang dibdib ko sa labis na kaba. Hindi ko na namalayan ang oras, narinig ko na lang ang bell kaya naman dumiretso na ako agad sa una kong klase, hindi ako makapagconcentrate sa klase ngayon dahil patuloy na lumilipad ang isip ko. Nagpatuloy pa iyon sa mga kasunod kong klase, mabuti na lang at hindi masyadong napansin ng mga Professor ko iyon. Sa wakas lunch break, oras na para makipagkita kay Elijah, pero bago iyon ay dinaanan ko na muna si Lailani at dahil hindi ako nito makumbinsi ay nagbigay na lang ito ng good luck. Una kong pinuntahan ang lugar kung saan ko madalas ito nakikita nang ganoong oras, ngunit sa kamalas malasan ay wala ito doon, nagpatuloy ako sa paghahanap dito. Malapit nang matapos ang lunch break pero hindi ko pa din ito nakikita, nag-aalala na ako na baka hindi ko ito makausap. "Nasaan ka na ba?" sa loob loob ko, mas lalo akong kinabahan ng makita ko ang oras, nagtanong tanong na din ako ng ilang estudyante, pero walang sumagot sa akin bagkus ay tinignan lang nila ako ng masama. Sampung minuto na lang ang natitira sa lunch break ko pero hindi ko pa din nakita si Elijah, minabuti kong sumuko na lang muna at dumiretso sa rooftop. Nakakalungkot lang kasi hindi ko man lang nakita ito at naibigay ang sulat ko dito. Napahugot naman ako ng hininga nang makarating ako doon, hindi ko kasi inaasahan na dito ko lang pala makikita ang taong ito. Iyon ay walang iba kung hindi si Elija. Mukha naman hindi ako nito napansin dahil sa lalim ng iniisip nito habang nakatingin sa kawalan. Isang malalim na paghinga muna ang ginawa ko bago ko ito tawagin. "Elijah...." mahina kong tawag dito, at doon lang nito nalaman na hindi na ito nag-iisa. "Sino ka?" wala pa ding emosyon na tanong nito, at tama nga ang hinala ko dahil hindi ako nito natandaan. "Ako.... nga pala si Nathan. Gusto.... ko sanang sabihin sayo na....." kahit anong pigil ko ay hindi ko magawang hindi kabahan habang kaharap ito, iba pa din talaga kapag nangyayari na ang plano mo. Sandali itong naghintay habang matiim na nakatingin sa akin, hindi nakatulong iyon dahil mas lalo lang nagugulo ang isip ko, ni hindi ko na nga nagawang magsalita pa, hanggang sa napagod na siguro ito kaya naman agad ako nitong nilampasan. "Eli..... gusto kong sabihin na gustong gusto talaga kita!" malakas kong nasabi dito, agad naman itong napaharap sa akin, hindi ko naman nagawang tignan ito sa mukha kaya hindi ko nakita kung anong reaksyon nito, natatakot kasi ako. "I'm sorry, pero wala akong nararamdaman na kahit na ano sayo." malamig nitong sagot, agad naman akong napatingin sa mukha nito at kita ko ang katotohanan doon, parang sinaksak ang puso ko nang makumpirma ko ang bagay na iyon. "Naiintindihan ko, gusto ko lang na mailabas ang nararamdaman ko sayo, puwede bang basahin mo man lang ang sulat ko." pakiusap ko dito, agad kong nilabas ang love letter ko dito, ngunit hindi nito iyon kinuha. Hindi agad ako sumuko at pilit ko pa ding inaabot sa kamay nito ang sulat, ngunit laking gulat ko nang tabigin nito ang kamay ko na naging dahilan para mabitawan ko iyon, agad iyon nilipad ng hangin hanggang malaglag iyon sa baba ng building. Hindi naman ako makapaniwala sa ginawa nito, hindi ako makapaniwala kung gano ito kacold na tao. "Just leave me alone." ang huling sinabi nito bago ako iwan. Bigla naman akong napaupo nang maramdaman ko ang panghihina ng tuhod ko, sobrang sakit lang na ang taong nagpapasaya sa akin sa school ay masasaktan ako ng ganito. Naabutan naman ako ni Lailani na umiiyak habang nakatakip ang dalawang kamay ko sa muklha, basta naramdaman ko na lang ang pagyakap nito sa akin. "Sige iiyak mo lang yan Nate." ang sinabi nito habang marahang hinahagod nito ang likod ko. Ang sakit sakit pala talaga kapag walang katugon ang nararamdaman mo, ganito pala ang magiging unang heartbreak ko. Sinong makakapagsabi na ang taong mahal mo na labis na nagbibigay ng saya sayo ay siya din mismo ang taong magbibigay sayo ng labis na sakit. Minabuti kong huwag na munang pasukan ang natitira kong klase nang araw na ito, hindi ko ata kakayanin ngayon kaya naman umuwi na lang muna ako. Agad naman akong sinalubong ng kapitbahay namin na si  Aling Lucy nang makarating ako sa bahay. "Naku Nathan mabuting nandiyan ka na. Ang Nanay mo sinugod sa ospital!" parang namanhid ang buong katawan ko sa sinabi nito. Dali dali akong pumara ng tricycle at nagpahatid sa ospital na pinagsugudan ni Nanay. "Please God, huwag po ninyong pabayaan si Nanay." piping dasal ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD