-=Nathan's Point of View=-
Hindi pa din ako makapaniwala na ang taong minahal ko noong college, ay nasa harapan ko ngayon, it's none other than Elijah Salazar.
"Ikaw? Pero anong ginagawa mo dito?" tanong ko dito na para bang hindi ko pa nahuhulaan kung bakit ito naroon.
"Isn't it obvious?" malamig naman nitong tanong, katulad ng dati ay wala akong mabasang kahit anong emosyon sa mukha nito, gaya nang nasa college pa lang kami.
"Pero bakit? Bakit..... kailangan mo akong bilhin?" naguguluhan ko pa ding tanong dito, anong dahilan nito para bilhin ako?
"Hindi ko kailangan ipaliwanag ang dahilan ko, nandito ka para sundin ako nang walang kahit na anong tanong." sagot naman nito, hindi na ako nakahuma nang agad itong lumabas ng kuwarto.
Naiwan naman akong litong lito sa mga nangyayari. Paanong ang isang Elijah Salazar ang bumili sa akin, considering sa kung ano ang nangyari sa amin sa college.
Sa pagkikita naming iyon ni Elijah ay hindi ko mapigilan maalala ang mga nangyari mahigit tatlong taon na ang nakakalipas, noong panahon na nagsimula ako sa kolehiyo kung saan una kong nakita si Elijah.
Sobra akong excited dahil unang araw ng pasukan at sa wakas ay college na ako. Sa isang international school sa bandang Quezon City ako napakasa ng scholarship. Sa totoo lang ay hindi pa din ako makapaniwala na makakapasa ako sa school na iyon, considering na mga mayayaman at sikat na tao lang ang madala na nakakapasok doon. Oo nga't valedictorian ako noong high school pero iba pa din talaga ang paraan ng pagtuturo sa isang private school kumpara sa public high school kung saan ako nagtapos.
"Sigurado ka bang handa na ang lahat ng kailangan mo? Sigurado ka bang wala ka nang nakakalimutan?" ang magkasunod na tanong ni Nanay, para ngang mas mukha pa itong excited kaysa sa akin ngayong unang araw ng klase.
"Opo handa na ang lahat ng kailangan ko, don't worry." nangingiti ko naman na sagot dito. Alam ko naman na masaya ito para sa akin.
"Kung buhay pa sana ang Tatay mo ang siguradong proud na proud din siya sayo gaya ko." halos maiyak nitong sinabi.
Hindi ko naman napigilan maging malungkot nang marinig ko ang tungkol kay Tatay, matagal na din itong wala sa piling namin. Sobrang bait ni Tatay dahil agad niyang natanggap kung ano ba talaga ako.
Yes I am gay, at hindi naman naging issue sa mga magulang ko at nakakabatang kapatid ang preference ko, sobra nga silang supportive.
Namatay kasi si Tatat fourteen years old pa lang ako nang dahil sa aksite nabangga kasi ito ng isang lasing driver nang pauwi ito galing trabaho, at simula nga noon ay si Nanay na ang mag-isang tumaguyod sa aming magkapatid, tumutulong tulong din naman kami ni Nick sa kanya kapag umuuwi kami galing sa school. Pareho kaming nagpapart time sa car wash sa kabilang kanto, pero hindi pa din sapat iyon para sa pangtustos namin sa pang-araw araw naming pangangailangan.
"Huwag niyo na pong isipin iyon Nay, ang mahalaga ay nasa tahimik na si Tatay, siguradong masaya na siya sa langit." sagot ko naman dito, hindi ko mapigilan yakapin ito dahil alam kong nalulungkot pa din ito sa pagkawala ni Tatay.
"Grabe ang drama ninyo naman." narinig kong biro ni Nick nang maabutan nito kaming magkayakap ni Nanay.
"Sira! Mag-ayos ka na nga at maaga din ang pasok mo." utos ko dito na agad naman nitong sinunod.
Sa huling pagkakataon ay tinignan ko ang mga gamit at nang masiguradong wala na talaga akong nakalimutan ay nagpaalam na ako sa kanila.
Agad akong dumiretso sa sakayan ng jeep sa may labasan. Inabot din siguro nang isang oras ang biyahe ko hanggang sa makarating ako sa bukana kung saan naroon ang school namin.
Dahil nga sa mayayaman at dekotse ang mga pumapasok sa school na iyon ay walang jeep ang dumidiretso doon, ako nga lang ata ang mahirap na estudyante sa school, well understandable naman dahil sa pagkakaalam ko ay ako ang kauna unahang scholar sa school.
Ang mga tanging puwede ko lang sakyan ay tricycle o taxi, may kamahalan naman kung magtataxi ako at dahil special trip ang mangyayari kapag nagtricycle naman ako ay minabuti ko na lang na maglakad mula sa binabaan ko papuntang school.
Halos thirty minutes din ang ginugol ko para lang makarating sa gate ng campus, medyo pawisan na nga ako sa ginawa kong paglalakad na iyon.
Lahat naman ng nakikitang mga estudyante ay pawang nakasakay sa mga magagarang sasakyan, pinilit kong huwag magpaintimidate sa kanila, pero hindi ko pa din maiwasang maramdaman iyon.
"Ano ka ba Nathan! Isipin mo na lang na pareho din naman kayong kumakain ng kanin, kahit na nga ba NFA ang kanin na kinakain niyo samantalang sila ay Zoe's Rice Pilaf." sa isip isip ko mas lalo atang hindi nakatulong ang naisip kong iyon.
Pinilit kong tanggalin sa isip ko ang mga negative na bagay na iyon, tinuon ko na lang ang atensyon ko sa bagay na kailangan kong gawin at iyon ay ang mag-excel sa pag-aaral ko, para na din ito sa kinabukasan ng pamilya ko.
And with that in my ay dumiretso na ako sa gate ng magiging school ko, agad kong sinuot ang I.D. at matapos nga noon ay dumiretso na ako sa loob.
Pagkapasok sa loob ay agad akong namangha sa nakita ko sa loob dahil mas mukhang first class hotelesort ang loob ng campus kaysa school, no wonder kung bakit ganoon na lang kahirap pumasok at makapasa nang scholarship sa school na ito, at kung bakit ganoon na lang kamahal ang tuition fee dito.
Habang naglalakad ay minabuti kong tignan na ang registration card ko, tinignan ko ang mga subjects ko nang araw na iyon pati na din kung saang building at room ang mga iyon, hindi ko tuloy napansin ang isang umaanda na itim na Jaguar galing sa gate.
Nagulat na lang ako nang makarinig ako nang malakas na busina sa bandang gilid ko at laking gulat ko nang malaman kong ilang pulgada na lang pala ang distansya bago ako mabundol ng kotse, mas lalo akong nataranta nang marinig kong sumigaw ang driver ng naturang kotse.
"Nagpapakamatay ka ba?" galit nitong singhal sa akin, sa narinig ay biglang nagpantig ang dalawang tenga ko at tuluyan kong nakalimutan ang takot.
Hindi ako pinalaki ng mga magulang ko para sigaw-sigawan lang ng kung sinong poncio pilato, sasagot na sana ako ng pabalang dito nang matitigan ko ang may ari ng kotse.
Parang biglang tumigil ang mundo sa pag-ikot, para bang bigla akong nahipnotismo habang nakatingin sa guwapo nitong mukha.
Kung noon ay hindi ako naniniwala sa Greek gods ay para bang nagbago na iyon habang patuloy na nakatingin dito.
Chinito ang mga mata nito na napapalibutan ng mapupungay na mga pili, matangos na ilong at manipis na mga labi na para bang sobrang sarap nitong halikan, mas lalong nagiging sexy ang mga labi nito sa tuwing nagsasalita ito.
Bigla naman akong nagising nang marealized kong muli itong nagsalita at dahil sa sobrang nakatuon ang atensyon ko sa mukha nito ay hindi ko naintindihan ang sinabi nito.
"Did I pass?" iritable nitong tanong, naguluhan naman ako sa sinabi nito.
"Sorry? Ano iyon?" naguguluhang tanong ko dito, kita ko naman ang pagbuntung hininga nito na para bang nauubusan na ito ng pasensya.
"Ang sabi ko nakapasa ba ako? Sa paraan kasi ng pagtingin mo parang nag undergo ako ng examination eh." inis nitong sinabi, bago pa man ako makasagot ay agad na itong bumalik sa sasakyan.
Hindi ko mapigilan sundan ng tingin ang papalayong kotse nito hanggang sa tuluyan na itong mawala sa paningin ko, saka ko lang napansin na kanina pa pala akong pinagtitinginan ng mga tao sa paligid ko, agad kong naramdaman ang pag-iinit ng mukha ko sa nangyari.
Dali dali akong umalis sa lugar na iyon at nagpatuloy na sa paglalakad, hindi ko pa din mapigilang isipin ang taong iyon.
"Ano kayang pangalan niya?" sa loob loob ko.
Inabot din ng mahigit twenty minutes bago ako nakarating sa una kong klase, mabuti na lang talaga at maaga akong pumasok ngayon dahil kung hindi ay baka nalate ako.
Pagkarating sa classroom ay agad kong napansin na mangilan ngilan palang ang naroon, base sa pagkukumpulan nila ay masasabi kong may sari sarili na silang grupo, sandali lang nila ako tinignan na tila ba tinatantiya nila kung kauri ba nila ako na isa ding mayaman, pero sandali lang iyon at muli silang nagbalik sa kuwentuhan nila, para bang may way sila para malaman nila na hindi nila ako kalevel.
Minabuti kong sa bandang dulo sa kanang bahagi ng classroom ako pumuwesto malapit sa exit at matapos nga ang fifteen minutes ay dumating na din sa wakas ang Professor namin, nagulat nga ako dahil ang guwapo nito puwede itong maging artista, bigla ko tuloy naisip na baka requirement para makagtrabaho dito ang loobs na kinailing ko na lang.
Mas nakumpirma ang hinala ko nang dahil sa dalawang kasunod na subject ko, kasi naman parehong maganda at guwapo ang mga Professor ko sa mga kasunod kong subjects.
Ilang sandali lang ay narinig ang bell, hudyat na lunch break na namin. Sa totoo lang ito ang pinakatatakutan kong sandali sa pagpapasok kong ito, ito kasi ang oras para makihalubilo ako sa mga classmates at schoolmates ko, at base sa naexperience ko sa far ay malamang sa malamang ay walang kahit na sino sa mga ito ang papansin sa isang tulad ko. Sure ako mga ninety-nine percent.
Sinunod ko lang ang arrows at signs hanggang makarating ako sa school cafeteria na parang five star restaurant sa ganda, naupo ako sa bandang sulok at napansin ko na ako lang ata ang may dalang baon.
Dahil sa nararamdaman kong pagkailang ay minabuti kong maghanap na lang ng tagong mapupuwestuhan.
Dinala naman ako ng paghahanap kong iyon sa rooftop nang engineering building, ngunit pagdating ko doon ay agad kong napansin na may nauna na pala sa akin doon.
Nagdalawang isip ako kung mananatili pa ba ako o aalis na, hanggang sa ngumiti ito sa akin at inaya akong sumabay sa pagkain nito.
"Estudyante ka din?" tanong ko dito nang tumabi ako dito.
"Hindi, nagtatrabaho ako dito bilang janitress." sagot naman nito, nalaman kong Lailani pala ang pangalan nito.
Makuwento si Lailani kaya naman nakapalagayan ko ito ng loob, mabuti na lang dahil mukhang wala talaga akong magiging kaibigan sa school na ito, lahat kasi sila ay snob.
"Hayaan mo na lang sila, ganoon lang talaga siguro kapag mayayaman, hindi sila nakikihalubilo sa hindi nila kauri. Oops sorry kung na offend ka." paghingi naman nito ng tawad.
"Naku ok lang iyon, totoo naman talaga na mahirap lang ako." ang natatawang sagot ko naman dito.
Matapos kumain ay sabay na kami nitong bumama sa rooftop, kailangan na din daw kasi nitong bumalik sa trabaho.
Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang isang bulto hindi kalayuan sa puwesto namin ni Lailani nang makababa kami sa rooftop, ito ang lalaking nakaagaw ng atensyon ko kanina.
"Lailani, kilala mo ba ang lalaking iyon?" tanong ko dito sabay turo sa lalaking muntik na akong masagasaan.
"Sino?" tanong nito na agad tinignan ang tinuturo ko.
"Ayung lalaki na matangkad at guwapo." nahihiya man ay muli kong tinuro ang lalaking iyon.
"Ahhhh si Elijah Salazar iyon, fourth year college, kumukuha ng B.S. Management. Sabi ko na nga ba may naamoy ako sayong something fishy eh. Crush mo?" tukso naman nito, naramdaman ko naman ang pag-iinit ng dalawang pisngi ko.
"Ahhh ehhh oo eh." nahihiyang pag-amin ko naman dito.
"Oo madami talagang nagkakagusto sa taong iyan, masasabi kong pinakasikat siya sa lahat ng estudyante dito, pero......" natigilan naman ako nang tumigil ito sa pagsasalita at nang tignan ko ito ay nakita ko ang kaseryosohan sa mukha nito.
"Just a piece of advce, kalimutan mo na si Elijah. Si Elijah kasi ang klase ng tao na hindi nakikipaglapit kahit na kanino. Oo siya ang pinakasikat dito, at dahil doon ay marami nang nagtangkang makipaglapit sa kanya, pero walang nagtagumpay, sobrang ilap ng taong iyan." pagpapatuloy nito.
Sinabayan ko ito sa paglalakad dahil patuloy ito sa pagkukuwento tungkol kay Elijah, alam ko naman na wala akong pag-asa sa taong iyon, pero hindi ko pa din maalis na macurious sa kanya.
Nalaman ko dito na maliban sa sikat ito ay isa ito sa pinakamatilong estudyante sa school, captain din ito ng fencing team. Halos lahat ng pasukin nito ay talaga naman nag excel ito. Nalaman ko din na ang Daddy nito ang isa sa pinakamayamang businessman hindi lang sa Pilipinas kung hindi sa Asya.
"Mukhang malabo ngang mapansin niya ako." ang buong akala ko ay nasa isip ko lang iyon sinabi kaya naman nagulat ako ng marinig ko ang sinabi ni Lailani.
"Cute ka naman Nathan, for sure makakahanap ka din ng magmamahal sayo." napangiti naman ako sa sinabi nito. Kahit alam kong wala akong pag-asa kay Elijah ay hindi pa din maalis sa isipan ko ito, mas lalo nga akong nacurious sa mga sinabi ni Lailani tungkol dito.
Bago maghiwalay ay nagpalitan muna kami ni ng numbers at matapos nga noon ay dumiretso na ako sa kasunod kong klase. Gaya kanina ay may sarili na naman akong mundo sa paraan ng pakikitungo ng mga kaklase ko.
Hindi ko na iyon pinansin dahil buo ang loob ko na pagbutihin ang pag-aaral ko, unang araw pa lang ay nagkaroon na ng recitation, halos ako lagi ang sumasagot sa mga tanong ni Prof at wala akong pakialam kung nagmumukha akong show off sa paningin nila.
Unlike them ay kailangan kong magsumikap para sa pamilya ko, at walang makakapigil sa akin na abutin ko ang pangarap ko.
Sa wakas ay uwian na, halos lahat ng naririnig kong pag-uusap ay tungkol sa kung saan ang mga lakad nila mamaya, habang ako ay nag-iisip kung saan puwedeng magtrabaho.
Katulad kanina ay muli akong naglakad hanggang makarating sa main road kung saan ako sumakay ng Jeep.
Sa paglalakad ko ding iyon ay muli kong nakita si Elijah na nakasuot ng brown ray ban shades, nakababa ang side window nito kaya naman kitang kita ko ang guwapo nitong mukha.
"Ang guwapo mo." ang nangingiti kong bulong habang tinatanaw ang papalayong sasakyan.
Naisipan ko naman na pumunta ng Trinoma upang maghanap ng trabaho, sakto naman dahil may interview sa Jollibee kaya dali dali akong nagpaprint ng resume at agad iyong pinasa.
Hindi ko alam kung masuwerte lang ako nang araw na ito o talaga lang kailangan kailangan nila ng tao dahil agad akong natanggap nang araw na iyon. Binigyan din nila ako ng list ng mga kailangan kong isubmit na kailangan kong ipasa within one week.
Medyo madilim na din nang makauwi ako at gaya ng dati ay nagbihis lang ako ng pambahay at agad dumiretso sa car wash ni Kuya Mario. Kailangan kailangan ko ng pera ngayon para sa pag-aayos ko ng requirements.
Bandang alas dies nang matapos ako sa trabaho, minabuti ko na munang kumain at matapos noon ay agad kong hinarap ang mga assignments ko. Gusto ko din kasing aralin ang mga lessons namin in advance.
Doon na ako naabutan ni Nanay, galing ito sa trabaho nito bilang massage therapist, maliban pa doon ay kung ano ano pa ang mga binebenta nitog bagay na binili nito sa Divisoria.
"Oh bakit gising ka pa?" tanong nito nang abutan pa ako nitong gising, agad naman akong tumayo para salubungin ito at magmano dito, kinuha ko na din ang mga dala dala nitong paninda.
"Tinatapos ko lang po ang mga assignments ko." sagot ko naman dito, agad ko naman itong pinaghanda ng makakain at matapos non ay bumalik na ako sa ginagawa.
"Kamusta ang unang araw mo sa school?" tanong nito.
"Ok naman po, mababait naman ang mga kaklase ko." sagot ko dito. Ayokong ayoko sanang magsinungaling dito, pero ayoko namang mag-alala siya kapag nalaman niya ang totoo.
Mga-aalas dose na nang matapos ako, agad akong dumiretso sa banyo para maligo at magtoothbrush na din at matapos nga noon ay tumabi na ako sa kapatid ko na himbing na himbing na sa pagtulog.
Kahit pagod sa buong araw na iyon ay hindi ko pa din maiwasang mapangiti nang maalala ko si Elijah Salazar, at ang imahe nga nito ang huling naisip ko ng talunin na ako ng antok.