Chapter 6: Golden Cage

2156 Words
-=Nathan's Point of View=- Nagpasya akong makipagkita dito sa bandang SM North Edsa, minabuti kong alamin ang dapat kong malaman sa papasukin kong kasunduan. "So ibig sabihin sabihin, kahit magkano ang ibinid sa akin sa subasta ay makukuha ang seventy percent doon?" seryosong tanong ko kay Kuya Cadio nang magkita kami nito kinabukasan ng umaga. "Oo tama iyon, kung may magbid sayo ng one million makakakuha ka ng seven hundred thousand pesos, at pagkatapos kang bayaran ay magiging pagmamay-ari ka ng taong iyon sa loob ng tatlong taon, at kahit anong ipagawa niya sayo ay kailangan mong sundin ng walang tanong tanong." balewala nitong sagot. "So ibig mong sabihin kung...... gusto niyang....." hindi ko matapos tapos ang gusto kong tanungin dito, dahil hanggang ngayon ay naiilang pa din akong isipin sa maaring ipagawa sa akin ng taong makakabili ng kalayaan ko. "Kung s*x ang ibig mong sabihin ay oo ang sagot doon. Madalas sa madalas kaya sumasali ang mga mayayamang tao sa auction nito ay para makasigurado sila na malinis at wala pang experience pagdating sa s*x, at base naman sa pamumula ng mukha mo ay masasabi kong wala ka pang karanasan, tama ba ako?" paliwanag naman nito, mas lalo ko tuloy naramdaman ang pag-iinit ng mukha ko sa sinabi nito. "Cut it out already..... Pero paano kung life threatening ang gusto nilang ipagawa sa akin?" natatakot kong tanong dito. "Tungkol naman sa bagay na iyan, makakasigurado kang magiging ligtas ang buhay mo. Hindi lahat kasi ng gustong sumali ay basta na lang makakasali. Bago kasi sila masali sa auction ay gumagawa muna kami ng thorough background check sa kanila at kapag nakapasa sila ay maari na silang lumahok sa auction, allowed din sila na magsama ng isang guest kung gugustuhin nila, pero sagot nila kung sakaling may hindi magandang gawin ang taong iyon kung sakaling sumali din ito sa auction." sagot nito. Kahit paano naman ay nabawasan ang kaba sa dibdib ko ng malaman kong hindi naman pala manganganib ang buhay ko, pero kahit gaanon ay hindi pa din tuluyan naalis non ang takot sa dibdib ko, sino ba naman kasi hindi matatakot, iniisip ko lang na may isang estrangherong na gagawa sa akin ng kung ano ano ay kinikilabutan na agad ako, pero nang maalala ko ang kalagayan ni Nanay ay agad kong tinatagan ang loob ko. "Kailangan ko na ng pera ngayong linggo kuya." determinado kong sinabi nito, nakita ko naman ang pagkagulat sa mukha nito. "Merong magaganap na subasta within this week, pero lahat kasi ng spots meron nang nakakuha, hindi lang naman ikaw ang taong nangangailangan ng pera." paliwanag nito. "Please Kuya Cadio, kailangan kailangan ko na ng pera, kailangan na kasing maoperahan ni Nanay sa madaling panahon." pagmamakaawa ko dito, sandali naman itong nag-isip bago sumagot. "Ok, bigyan mo ako ng dalawang araw para magawan ko ng paraan na makasali ka sa auction." seryoso nitong sinabi at matapos ang pag-uusap naming iyon ay agad akong dumiretso sa ospital para bantayan si Nanay. Habang papuntang ospital ay hindi ko naman maiwasang isipin na takasan ang lahat ng problemang pinagdadaanan namin. Parang gusto kong tumakbo, tumakbo palayo sa lahat ng ito, sa lahat ng mga problemang dumadating sa buhay ng pamilya ko, ngunit hindi puwede dahil may dalawang mahalaga sa akin ang umaasa sa akin, at hindi ko sila maaaring biguin. "Kamusta ka na anak? Parang ang laki na nang binagsak ng katawan mo ah." malungkot na sinabi ni Nanay nang makarating na ako sa ospital. "Ok lang po ako, matagal ko na kayang gustong pumayat." pagbibiro ko dito, ngunit isang mapait na ngiti lang ang sinagot nito sa biro ko. "Pasensya ka na Nathan, napakabata mo pa para pasanin ang ganitong kabigat na responsibilidad." ang sinabi nito sa akin, agad naman akong umiling bilang protesta. "Huwag na huwag niyo pong isipin yan, ang mahalaga ngayon ay ang gumaling kayo, ang humaba ang buhay ninyo, huwag kayong mag-alala dahil nakahanap na ako ng makukuhanan ng pera para sa operasyon ninyo." pinipigilan kong magpakatatag, pero sobrang hirap. Kailangan kong ipakita na malakas ako kahit na nga ba kanina ko pa gustong umiyak. Hinayaan kong dumaloy ang mga luha ko nang mapansin kong nakatulog na pala ito, ayokong makita nito na umiiyak ako dahil ayoko itong panghinaan ng loob. Bigla naman nangilid ang luha ni Nick nang makita nito ang pag-iyak kong iyon kaya dali dali ko iyong pinunasan. "Huwag ka nang umiyak, sapat na may isa sa pamilya natin ang iyakin." natatawang biro ko dito. Kailangan kong ipakita at iparamdam sa kanila na malakas ako at kakayanin ko ito, ngunit muli akong napaiyak nang mahigpit ako nitong yakapin. Ilan sa mga kapitbahay namin ang dumalaw kay Nanay, may dala dala pa silang prutas para daw makain ni Nanay. Naiusap naman ako kay Aling Lucy na bantayan muna nito si Nanay para kausapin si Nick. "NIck samahan mo muna ko." tawag ko dito, agad naman itong sumunod sa akin. Minabuti kong dumiretso na muna kami sa cafeteria ng ospital para makapag-usap. Kailangan na din kasi nitong malaman ang mangyayari. "May alam ka na ba kung paano natin makukuha ang pera sa operasyon ni Nanay?" tanong nito nang makarating na kami sa naturang cafeteria. "Huwag ka nang mag-alala, may nakita na akong tutulong sa atin para mapaopera si Nanay." nakangiti ko naman na sagot, umaasa akong wala itong ibang mapansin ng dahil sa pinagdadaanan ko. "Salamat naman sa Diyos, pero paano ka makakakuha ng ganoong kalaking halaga?" maang na tanong nito. "Ah... eh..... may nahanap kasi akong trabaho sa ibang bansa at handa silang magbayad ng advance sa magiging sahod ko sa kanila, at dahil sa ibang bansa ang trabaho ko ay malalayo ako sa inyo ni Nanay ng tatlong taon." pagsisinungaling ko dito, ni hindi ako makatingin ng diretso sa kanya sa takot na mahalata nitong nagsisinungaling lang ako. "Ibig bang sabihin hindi ka na namin makikita ni Nanay sa loob ng tatlong taon?" malungkot nitong tanong, agad ko naman ginulo ang buhok nito, kailangan ko kasing madistract para mapigilan ko ang mapaiyak. "Huwag kang mag-alala, mabilis lang naman ang tatlong taon at after noon ay magkakasama sama na tayo uli, at magaling na si Nanay kapag nakabalik na ako." paliwanag ko naman dito. PInaliwanag ko din sa kanya na baka agad akong umalis, nakita ko naman na bigla itong napaisip. Una na siguro ay kung paano ako kukuha ng passport gayong wala naman ako noon. Hindi ko naman kasi naisip na mab-abroad noon kaya hindi ko pinagkaabalahan mag apply non, mabuti na lang at hindi na ako inusisa pa nito. Nakatanggap naman ako ng tawag kay Kuya Cadio kinabukasan, ayon dito ay nagawan na nito ng paraan para makasali ako sa auction, alam kong dapat akong matuwa dahil ibig sabihin non ay mapapaopera ko na agad si Nanay, pero hindi iyon ang naramdaman ko, pakiramdam ko kasi ay silyado na ang buhay ko. "Mangyayari ang auction ngayong sabado kaya kung may kailangan ka pang gawin ay gawin mo na dahil kapag nabili ka na ay sasama ka na sa buyer mo." pagtatapos nito bago tapusin ang tawag. Kaya naman inayos ko na ang lahat ng dapat kong ayusin bago man dumating ang araw na iyon. Nakapagpaalam na din ako kay Nanay, kung ano ang sinabi kong paliwanag kay Nick ay ganoon din ang sinabi ko dito. Hanggang sa dumating na nga ang araw na iyon. Hindi ko alam kung saan ang pagdadausan nang auction, basta nakasakay lang ako sa kotse ni Kuya Cadio, nasa tagong lugar sa Quezon City ang naturang venue, sobrang private ng lugar at madaming mga security ang nasa lugar na iyon, madami na ding iba't iba klaseng sasakyan ang nakapark doon, lahat ay mamahalin. Mukhang kakilala naman nito ang mga security kaya agad kaming nakapasok. Dinala ako nito sa isang kuwarto kung saan naabutan ko pa ang iba pang mga isusubasta. Nasa dalawampu siguro ang mga naroon na nasa edad eighteen hanggang twenty five. Katulad ko ay pinasuot din sila ng mga damit na hindi appropriate para sa edad nila. Sa totoo lang ay hindi ako umasa na malaki ang makukuha ko sa auction na iyon, lalo na nang makita ko ang mga kasama ko sa kuwarto, kaya naman laking gulat ko nang malaman kung umabot na sa sampung milyon ang naging bid sa akin, kahit paano ay gumaan naman ang loob ko dahil sigurado ko nang mapapaopera ko na si Nanay at maliban pa doon ay may matitira pang pera para sa pamilya ko. "Ang suwerte mo bata, alam mo bang ikaw ang may pinakamalaking nakuha ngayong gabi?" napapalatak pa ito habang sinasabi ang bagay na iyon, nasa lobby na kami non at nandoon na din ang isang malaking lalaki na maraming tattoo. Matapos kong pirmahan ang mga dokumento ay inabot na nito sa akin ang perang binayad sa kalayaan ko. At ngayon nga ay nasa isang bahay ako na hindi ko alam kung anong naghihintay sa akin sa loob ng tatlong taon, ngunit ang hindi ko inaasahan ay ang malaman na ang taong minahal at nanakit sa kin noong college ang siyang magiging master ko.  Naputol ang pagbabalik tanaw ko na iyon nang makarinig ng banayad na katok sa pinto, ang akala ko nga bumalik si Elijah. "Pasok." sagot ko naman, nang mabuksan ang pinto ay bumungad sa akin ang nakangiting mukha ng isang matandang kasambahay. "Pinapatanong ni Sir Elijah, kung gusto mo ba daw kumain?" tanong nito sa akin, ngunit umiling lang ako dito. Sino ba naman ang makakain sa dami ng mga nangyari ngayong araw. "Maraming salamat na lang po, wala pa po akong gana." nahihiya ko naman na sagot. Nagpakilala itong si Manang Fe. "Ahh ganoon ba, sige maiwan na kita para makapagpahinga ka na." ang huling sinabi nito bago tuluyang lumabas ng kuwarto ko. Muli ay naiwan naman ako sa napakagandang kuwarto na ito, habang hawak hawak pa din ang bag na naglalaman ng pera para sa pamilya ko. "Kailangan ko nga palang madala ang pera na ito sa ospital." sa loob loob ko, at dahil doon ay kailangan kong makapagpaalam kay Elijah para mangyari iyon, kailangan kong magpaalam dito dahil pag-aari na niya ako.  Nagdecide akong kausapin ito bukas nang umaga, kung paano ay hindi ko alam, pero kailangan na talagang mapaopera si Nanay at hinihintay na lang ang go signal at pera sa operasyon nito. Nakatulog ako na iyon ang nasa isip, dahil sa nasanay na ang katawan ko na konti ang tulog ay bandang alas tres nang magising ako, agad kong naramdaman ang pagkalam ng sikmura, kaya naman nagdecide ako bumaba para pumunta sa kusina. Tanging liwanag lang na nanggagaling sa labas ang naging gabay ko habang hinahanap ang lugar na iyon, hindi ko kasi mahanap ang switch ng ilaw, nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating sa kusina. Agad akong dumiretso sa malaking ref, sakto naman at may mga prutas doon kaya agad akong kumuha ng dalawang mansanas at isang pitsel ng tubig at matapos noon ay agad kong sinarado ang pinto. Laking gulat ko naman nang mapatingin ako sa pintuan sa kusina. Nakatayo kasi si Elijah doon na nakasuot pa din ng working suit nito, matiiim ang pagtingin nito sa akin kaya hindi ko maiwasang mailang. "Tinakot mo ako! Bakit ka ba nananakot?!" singhal ko dito na para bang walang epekto ang pagsigaw ko dito. Bigla naman umangat ang pang-itaas na labi nito sa sinabi ko. "Sorry, kung alam ko lang kasi na may daga palang pupuslit sa kusina ko ay nagpahanda na sana ako ng engrandeng pagsalubong para hindi naman nagulat." sinabi nito sa nanunuyang boses. Agad naman akong natauhan sa sinabi nito, wala nga pala akong karapatan na sigawan ito, dahil maliban sa bahay niya ito ay pag-aari din niya ako. "Pasensiya ka na, nagulat lang talaga ako." paghingi ko ng paumanhin dito. "Save your breath, I don't care." malamig nitong sagot sa akin, muli ay naalala ko na naman ang malamig nitong pakikitungo sa akin noong college, bigla ko tuloy naisip kung may pinagdaanan ba ito upang maging ganito kacold. Akma itong aalis nang maalala kong balak ko nga pala itong kausapin ngayon. "Sandali lang Elijah, magpapaalam sana ako. Kailangan ko na kasing ihatid ang pera para sa operasyon ni Nanay. Baka puwedeng umalis muna ako para mabigay ko sa kapatid ko ang pera?" mahinang tanong ko dito, kinakabahan naman ako na baka hindi ito pumayag. Muli itong humarap sa akin, ngunit dahil madilim ay hindi ko nakita ang expression ng mukha nito. "Magmessage ka na lang sa kapatid mo at sabihin sa kaya na makipagkita kay Bruno para maibigay ang pera. Bigyan mo na din ng instruction si Bruno. Hindi mo na kailangan makipagkita pa sa kapatid mo, you will be here hanggang matapos ang tatlong taon, nagkakaintindihan ba tayo?" malamig pa din nitong sinabi. "O...oo." sagot ko dito, nasa kontrata na pinirmahan ko na hindi ako maaring makipagkita sa mga mahal ko sa buhay. Tuluyan na akong nawalan ng ganang kumain nang muli akong napag-isa sa kusina. Binalik ko na lang sa ref ang mga kinuha ko at bumalik sa kuwarto ko. Habang nakahiga ay hindi pa din mawala sa isip ko ang mukha ni Elijah, hanggang ngayon ay naguguluhan ako kung bakit ako nito binili at kung bakit naging ganito ang pakikitungo niya hindi lang sa akin kung hindi sa lahat ng tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD