Densio's Salon Story: Cora at Serio

681 Words
Cora at Serio Nangyari ito sa lumang bahay na mala kastila ang dating at sa ibaba nito ay pinag tayuan na ng salon. Makikita mo ang bahay na ito sa tabi ng Red Cross malapit sa Maria Christina Park. Kung makikita mo ang bahay ay opisina ng mga sinaunang tao panahon pa ng kastila. Taong 2016 pa ito nangyari. Nangyari ito noong bumisita ako sa bahay ng kaibigan ko at bagong lipat sila doon. Mayroon siyang pamangkin na lalaki ang pangalan ay "Joren", apat na taong gulang at sadyang napakalikot. Ang bahay na ito ay may dalawang palapag ang taas. Lagi namamalagi si Joren sa may taas ng bahay at halos di na bumababa. Gustong gusto niya raw roon, at halos pabayaan siyang maglaro mag isa. Isang araw, nagtataka daw ang nanay nito dahil tumatawang mag isa ang batang ito. At nang tinawag siya ng kanyang ina para kumain, nabanggit ng bata na sasabay daw sina "Cora at Serio" sa kanila. Tinanong ng mama niya kung sino sina "Cora at Serio" at nasabi ng bata na kalaro niya sila at matagal na silang naninirahan dito sa bahay na iyon. Nangilabot ang ina ng bata na kaya pala minsan nagpapabili ang bata ng pagkain, tatlo daw silang kakain doon. At nung unang gabi nila doon, dahil sa baba sila ntutulog kasama ang trabahador nilang mga beki. Nung gabing iyon ay para bang may tao sa taas at may lumalakad. Bawat yapak daw ay parang patakbong paglakad at ang mas matindi pa dun sa hagdan ay parang may tumatakbong bata pataas at pababa. Meron pang pagkagising nila may bakas ng paa ng bata doon sa hagdan at doon sa taas ay bakas naman ng paa ng mga matatanda. Halos naman daw bago sila matulog naglilinis muna sila. Noong ika mayo 2016, may kaunting magaganap na salo salo sa kadahilanang ang isa nilang pamilya ay pumasa ng board exam. Umuwi ng Pura ang pamilya ni Jaren, at ang natira doon ang mga nagtatrabahong mga beki na bigla bigla ay tumakbo silang palabas ng bahay at sila ay takot na takot. Tinanong ko kung ano ang nangyari, ang sabi nila ay may narinig daw silang naggigitara sa taas at may naririnig daw silang yapak. Dahil sa nakasampay ang twalya ng isang beki sa itaas, humangin daw na malakas at nung sumama sa hangin ang twalya, nag anyong tao raw ito. Laking gulat naman nitong mga beki kaya sila napalabas ng bahay at iniwan ang niluluto nila. Halos sa sobrang takot, kinabukasan ay umalis sila sa salon. Isa pang nakakapangilabot na pangyayari tila ba ang dalawang myembro ng kanilang pamilya ay nagbago ang ugali. Isang araw habang nakaupo ako sa mesa, sabi nung isang kapamilya nila ang pangalan niya ay "Simon". Sabi niya sa akin, may mga kasama raw kami at gusto nilang makisalo sa pagkain namin. Hindi ko sia masyadong pansin. At sabi pa niya na may bubulong daw sa tenga ko para malaman niang totoo dw ang sinasabi niya dahil hindi ko sia pinapaniwalaan. At totoo nga tila bang may humihip sa aking tenga at nilagnat ako kinabukasan. Kung di ako pinatawas ni mama ko sa kilala niang albularyo, hindi ako gagaling. Ilang gamot para sa lagnat ang aking ininom ngunit wala pa ring epekto. Hanggng sa sobrang takot na ng pamilya, ibinenta na nila ang bahay na iyon. Dahil para bang nag iba ang ugali ni "Jaren" magmula nung napunta sa bahay na iyon. At nasabi niyang gusto niyang sumama kina Cora at Serio dahil umaakyat at tumatalon doon sa may bintana. At dun sa ibaba nakikita niya ang dalwang bata at tinatwag daw sia. Sa ngayon, isa na raw itong Canteen na tindahan ng lugaw. May nabanggit ang pastor na ito dahil nakwento ko nung kumain kami doon. Ang bagong may ari doon ay kachurch daw nila. May sinapian daw sa bahay na ito, sa ikalawang palapag. Bata daw ang sumapi sa taong yon. At binanggit ng pastor ang pangalang "Cora at Serio" halos tumindig ang balahibo ko, dahil iyon ang laging binabanggit ng pamangkin ng kaibigan kong si Joren. The end
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD