Sabina's Story: Mama! mama! Bakit mo ako iniwan sa hukay?

1077 Words
Mama! Mama! Bakit mo ako iniwan sa hukay? Ako si Sabina, 23 taong gulang. Nakatira ako dito sa Angeles City. Sa ngayon ang trabaho ko ay nagtitinda dito sa palengke kasama ang aking asawa na si Bernard, 32 gulang naman siya. Ulila na ako at sa kasamaang palad sa 3 taong pagsasama namin ni Bernard ay di kami magkaanak-anak. Madami nakaming ginawang paraan ngunit wala talaga. Naisipan ko na lahat ng paraan ngunit hindi tlaga ako nabubuntis. Lagi niya akong sinisisi sa lahat ng bagay. Wala daw akong silbing babae, kung dipa daw kami mag kaanak baka ako daw ay hiwalayan niya. Bata akong nag-asawa, 20 taong gulang palang ako nang maging asawa ko si Bernard. Ayaw ko man siya, ngunit anong magagawa ko mag isa lang ako sa buhay. Naghahanap din ako ng kakalinga sa akin habang buhay. Naghahanap ako ng pagmamahal ng mga magulang. Sapagkat ang nanay ko ay sumama sa isang Amerikano at ang ama nman ay namayapa na. Iniwan ako ng aking ina sa aking tiyahin ngunit lagi naman niya akong sinasaktan. Kaya nagdesisyon nalang akong umalis at tumakas sa poder ng aking tiyahin. Marami akong lihim na hindi alam ng aking asawa. Mapahanggang ngayon ay binabagabag ako ng aking konsencia. Tuwing nakakarinig ako ng sanggol, ako ay nabibingi. Ako ay natatakot at natataranta, kaya siguro hindi ako magkaanak anak dhil alam ko pinaparusahan na ako ng Maykapal. Noong ako ay 17 taong gulang, ako ay nabuntis ng aking kasintahan. Sinabi ko ito ngunit ako'y iniwan niya. Hindi pa daw niya kaya. Tatlong buwan na aking tiyan ng mga taong yun. Wala akong ibubuhay sa aking anak kung ito ay aking pagpapatuloy pa. Kaya nagpasya akong alisin nalang ito at pumunta sa manghihilot para paalis ang bata. Masakit man sa akin ay wala akong magagawa, dahil hindi ko ito kayang buhayin. Makalipas ang tatlong taon ay nakilala ko si Bernard at naging asawa ko ito. Nagkaroon kami ng tahanan, malapit sa pelengke. Ngunit dito na nagsimula ang lahat. Tuwing ako ay magigising ng alas kwatro ng umaga, may nakikita akong batang babae sa ilalim ng aking lamese. Sa tancha ko ay nasa tatlong taong gulang na ito. Nung una ay natakot ako, pero ng maglaon ay nasanay na rin ako. Kinakausap ko na siya, ngunit ang nakakapgtaka ako lang ang nakakakita dito. Ang tawag niya sa akin ay "mama". Pinangalanan ko siyang Shirly. Isang araw ay maaga rin nagising ang aking asawa kung bakit may kausap daw ako at tawag ko sa kanya ay "anak". Tinanong ng aking asawa kung ako ba ay nababaliw na. At ang sabi ko ay hindi. Bumalik siya sa kanyang higaan. Tuwing alas kwatro, ay nakakasama ko ang bata. At sa tuwing mag aalasais na kusa nalang itong mawawala at maglalaho. Diko alam kung bakit parang nagugustuhan ko ng magising ng alas kwatro ng umaga. Parang kasaya ko pag nagigising ako ng mga oras na iyon. Isang araw ay diko sadyang magising ako ng alas dose ng gabi, dahil ako ay nauuhaw. Nakita ko na nman ang bata, at kinakwayan niya ako. At lumapit ako sa kanya. Bagamat ako ay natutuwa, dko mapigilan ang aking sarili at siya ay aking niyakap kahit dko siya mahawakan. Bigla bigla ay nagbago nalang ang kanyang anyo at naging isang mala demonyong bata ang nakikita ko. Ang kanyang ngiti na nakakatakot at ang kanyang mata ay nanlilisik. Samahan ko daw siya sa kanyang pagtulog at sundan ko daw siya. Bagaman nag iba ang kanyng anyo, ako ay sumama. Kinaumagahan, ako ay nagising na lamang sa bakanteng lote. Nagtataka ako kung bakit andoon ako. Tinawag ako ng aking asawa, bakit daw ako nandoon sa bakanteng lote. Ang sagot ko ay dko alam. Kada umaga ganun ang nangyayari at nakakatulog ako sa may bakanteng lote. Bernard: Bat anjan ka na naman. Limang araw na kitang napapansin na diyan ka nakakatulog. Ako: pasencia na mahal, diko alam bakit dito ako nakakatulog. Bernard: mamayang gabi ay babantayan kita. Nang gabi ay binantayan niya ako. At nang mag aalas dose na ng gabi ay bigla daw akong tumayo. Parang may niyakap sa hangin tila bang may kasama ako. Pilit niya raw akong ginigising habang naglalakad ngunit tila ba ay wala akong marinig. At ang aking sambit daw ay "anak, sandali sasama ako". Nagulat daw siya at tila ba may tumulak sa kanya ng pagkalakas lakas ng ako'y hawakan niya. Nagising ako at namimilipit sa sakit si Bernard, tila ba siya ay binugbog ng mga kalalakihan sa kanto. Hindi na nkatinda sa palengke si Bernard. Dahil siya ay napilay. Lalo pa daw lumala ang pangyayari, kumuha daw ako ng pala at naghuhukay na sa bakanteng lote. At ang mas malala pa ay humiga daw ako sa aking hinukay at natulog na. Hindi na nakatiis si Bernard at tumawag na ito ng pari. Dumating ang pari ng alas dose ng gabi. Tila ba ang aking katawan ay sinasapian na. Lagi ko daw binabanggit ang pangalang "shirly". Na hindi ko na raw iiwan ang aking anak. Wala akong natandaan sa mga nangyayari sa akin. Ang naaalala ko lang ang salitang "mama" ang aking naririnig tuwing ako ay nasa baba ng aming tahanan. Nang tingnan nila ang hinukay ko doon sa may bakanteng lote ay nakakita raw sila ng isang garapon na may lamang Fetus. Natandaan ko na, ang bahay ng manghihilot ay nasa katabi ng bakanteng lote. Pumunta ako sa manghihilot at tinanong ko saan niya nilibing ang pinalaglag ko. Tinuro niya ang hinukay ko at ang ibig sabihin ay ang sinasamahan at nakikita ko ay aking anak. Babae pala sia kung natuloy lang ang pinagbubuntis ko noon sa kanya. Humingi ako ng tawad sa aking anak dahil hindi ko siya napanindigan. At binigyan ko siya ng maayos na libing. At pinangalanan ko na talaga siyang shirly. Sa ngayon ay tatlong taon na sana siya. Makalipas ang dalwang buwan, ako ay tuluyang nabuntis. Makalipas ang isang taon ay nanganak na ako, babae rin siya. Ang nakakapg taka lang ay kamukhang kamukha niya ang batang babae na nakikita ko tuwing alas dose at alas kwatro ng umaga. Iniisip ko, baka nga binalik siya sa akin ng Maykapal. At alam niya na pinagsisihan ko ang kasalanan ko sa yumao kong anak. Sa ngayon ay pinangalanan ko ang anak ko na "Shiela, alam ko anak shirly. Ikaw at si Shiela ay iisa. Ngunit kahit na ganoon ay patuloy ko pa rin binibisita ang aking anak na si Shirly sa kanyang puntod. The End
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD