Dianne's Story: Halika, Sayaw tayo!

1090 Words
Halika, Sayaw tayo! Ako si Dianne taga Cainta, Rizal. 27 taong gulang na pala ako. Mahilig akong magsayaw ng ibat ibang genre. Katunayan ay may Dance studio na ako binili ko ito malapit sa aming lugar. Kung titigan mo ito, isa na itong lumang parang pagkainan dati o restaurant. Marami na akong naririnig na kwento dito, dati raw itong disco bar na hindi na pinakanibangan ng may ari dahil sa kamalasang nangyari sa kanila. May kaibigan ako na si Lee An magaling din siyang sumayaw ngunit nagdesisyon siyang matulog nalang sa studio kasama ang aming isa pa ring kaibigan na si Rinalyn. Excited silang matulog rito sapagkat first time daw nilang magkasamang matulog. Unang gabi ay ayos naman ang kanilang pagtulog wala nman nangyaring kakaiba, kinabukasan ay maayos naman ang usapan namin at unti unti ng pumasok ang aming mga client. Nagsayaw kami ng chacha at ballroom. May mga lalaki din kaming kasama na sina Ace at Alwin, magkapatid sila. Sina Ace at Alwin ay binalaan kami na huwag nang ituloy ang ginagawa namin dahil daw hindi gusto ng naninirahan dito. Tinanong namin kung sino ngunit hindi sila nagsalita. Iniisip naming magkakaibigan kung sino. Hindi na namin pinansin ang mga taong ito. Mga baliw siguro ang mga ito. Ang aming pag uusap na tatlo. Lee Ann: Juice ko day, ano naman ang iniisip ng magkapatid na yun. Naguguluhan ako. Reynalyn: swerte na nga tayo dito eh unang araw palang ay marami na tayong costumer na taga ibang lugar. Ngunit dito sa mismong lugar natin, bakit natatakot sila no? Ako: Alam niyo, ako, hindi ako naniniwala na may sinapian dito. Sa ikatlong araw na pagtulog ng dalawa ay doon nagsimula ang lahat. Dahil si Lee Ann may naririnig daw siyang boses babae nang umihi siya sa c.r ang sabi daw ng babae ay "Halika, sayaw tayo." Ipinagkibit balikat daw ito ni Lee Ann. At bandang alas tres ng gabi bigla daw ay tumayo si Reynalyn at parang may kasayaw daw ito ng Cha Cha. Napagising si Lee Ann dahil may narinig daw siyang yapak ng paa na nagsasayaw. Nakita ni Lee Ann na may kasayaw si Reynalyn, isang babaeng walang mga mata. Duguan ito at isa lang ang kanyang kamay. Napatili si Lee Ann sa nakita niya. At sabi ng babae ay "Halika sayaw tayo" Reynalyn: Samahan natin siya Lee Ann At sabi ng duguang babae at Reynalyn ay "Halika sayaw tayo" Biglang nawalan ng malay si Lee Ann. Kinabukasan ay nanginginig ito na parang may lagnat. Ako: ui, Lee ANN, anong nangyayari sayo? Tulala ka na naman nilalagnat ka ba? Lee Ann: Nakita ko si Reynalyn na may kasaway na babae ngunit wala siyang kanang kamay at walang mga mata. Ako: tinatakot mo lang ang sarili mo, lee Ann. Reynalyn: Ano ka ba? Ano ang pinagsasabi mo? Ang himbing ng tulog ko kagabi!! Maiwan ko na nga kayo. Lee Ann: Ayoko na rito, Dianne. Ako: wag muna beshy.. Hindi umalis si Lee Ann sa amin. Marami ng nagbabala sa amin. Ang sinumang hindi raw nakisabay sa pagsayaw dun sa babaeng walang mata ay mamamatay. Tulad nung unang may ari dito. Kinabahan si Lee Ann baka siya na raw ang susunod. Sabi ng magkapatid sa akin ay Ace at Alwin: Binalaan ko na kayo, kung inaya kayong magsayaw nung babaeng nagsasayaw sumayaw kayo. Samahan ninyo siya. Kung hindi niyo siya sinamahan at nakita niyo siya ng dalwang mata ang sumpa ni kamatayan ay mapupunta sa inyo. Tila si Reynalyn ay hindi umimik nang napag usapan namin yun. Kinagabihan ay sinubukang kong matulog doon pra samahan si Reynalyn, tama nga si Lee Ann may kasayaw nga siya. Nakita ko ang babae, kahit takot na takot ako ay sumama ako sa pagsayaw dahil baka nga ay tama nga ang sabi nung dalawa. Kinabukasan na naman wala na namang matandaan si Reynalyn sa nangyari. Ako naman ay parang nilalagnat, nabalitaan ko nalang na namatay si Lee Ann. Dahil hindi ito nakisabay sa pagsayaw. Nang umuwi na ako sa aming tahanan ay bigla nalang bumukas ang aming bintana. Kitang kita ko na yung babaeng walang mata ay sinundan ako dito sa bahay namin, "Halika, sumayawa tayo" sambit ng babae. Nahimatay ako at nagising nalang kinabukasan sa may dance studio. Nakausap ko si Reynalyn. Reynalyn: Tapos na ako sa sumpa, Dianne. May humalili na sa akin, matatakasan mo lang ang babae kung may papalit sayo na partner niya. Ibig sabihin si Reynalyn pala ay nakisabay siya sa babaeng walang mata at naghahnap siya ng kahalili niya upang matanggal ang sumpa nung babae. Hindi siya nagtagumpay kay Lee Ann kayat sa akin napasa ang susunod na sumpa. Ilang taon din pala si Reynalyn dito, siya ksi ang unang lumapit upang bilhin sa kanya ang dance studio na ito. Last year ang may ari ay hindi siya nakisabay sa pagsayaw dun sa babae kaya't binawian ito ng buhay. Nasabi namin ng magkapatid na sina Alwin at Ace kung sino daw ang babae, siya raw si Jannine. Si Jannine ay nabuhay siya nung panahon ng 1960 at dito raw siya pinatay. Isang sikat na dancer si Jannine, ngunit pinatay daw ito ng kanyang dance partner at matalik na kaibigan na si Jhaz. Isinumpa daw ni Jannine ang sinumang hindi nakisabay sa kanyang pagsayaw ay mamamatay. Malagim ang kamatayan ni Jannine. Tinanggalan daw ito ng mata at isang kamay. Si Jhaz daw ang ama nina Ace at Alwin, na sa kasalukuyan ay hindi na nabigyan ng katarungan si Jannine. Nang nagsasayaw kami ni Jannine alas tres ng gabi ay may binulong siya sa akin ang salitang "Tulong" Araw araw ay naririnig ko ang salita mula sa kanyang bibig ang "Halika, sayaw tayo" Hindi nagtagal ay ipinabukas ko ang kaso at nakulong ang tatay nina Ace at Alwin. At itinuro niya kung saan nakabaon ang katawan ni Jannine. Tinanong ko sa magkapatid kung bakit hindi sila nagsumbong sa pulis. Ang sabi nila sa akin ay hindi na raw sila makatiis sa lihim ng kanilang ama, tsaka wala din sila proweba dahil mga bata pa sila ngayon at di sila paniniwalaan ng matandang pulis. Ipinahukay ang dance studio, at nakita doon ang buto ni Jannine. At inilibing nila ng maayos. Nang gabing alas tres ay nakita ko si Jannine, subalit ngayon nakita ko ay hindi na nkakatakot ang itsura. "Sayaw nalang tayo kapag nagkita na tayo sa mapayapang kalangitan" Bigla nalang itong nawala. Sa ngayon ay tinuloy ko ang pagsayaw at ipinganda pa lalo ang dance studio. Bilang alaala kay Jannine. Ang pangalan ng aking studio ay "Jannine's Dance Studio" The End
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD