bc

Creepy Stories (Handa ka na bang matakot?)

book_age18+
31
FOLLOW
1K
READ
dark
bxg
scary
multi-character
supernature earth
tortured
spiritual
like
intro-logo
Blurb

Ang kwentong ito ay hango sa tunay na pangyayari. Walang pantasya ito, ito ay katatakutan sa unibersidad, gamit at iba pa. Masasaksihan niyo rito ang mga kwento sa likod ng mga totoong tauhan. Hindi ito haka haka at pawang katotohanan lamang. Tunghayan at abangan ang katatakutan ng mga may taong ito, pinagsama sama ito ng may akda. Ang mga katatakutang totoong pangyayari ay itinago ang tunay nilang pagkakakilanlan.

chap-preview
Free preview
Story of Vianne: A Pre-love Wedding Dress
Ako si Vianne, 24 taong gulang. Ngayong January 15, 2020 ikakasal na kami ng aking kasintahan na si Argie. Siya ay 25 taong gulang. Ngunit iniisip ko ay wala kami ganoong kalaking pera para makabili ng isang magarbong wedding dress. Pumunta kami sa isang Botique Shop, ngunit sadyang napakamahal ng mga wedding dress na nirerecommenda sa amin ng may ari. Di namin kaya ang ganoong kaespesyal na Gown. Kahit anong mangyari ay dapat matuloy ang kasal. Naisip ko na rin na manghiram ng isusuot na gown sa aking kakilala. Ngunit wala naman kaming kakilalang ikinasal na. Gusto ko sanang mag arkila kaya lang iniisip ko baka kapusin kami lalo na at ang trabaho namin ni Argie ay hindi ganoon kalakihan ang sweldo. Dalawa lang kasi kami ang gagastos, dahil ang mga magulang namin ay di sang ayon sa relasyon naming dalawa. Isang araw ay naisipan kong pumunta sa may ukayan, baka mas mura doon. Kasama ko ang aking kasintahan, naghanap kami at may nakita akong wedding dress. Ang wedding dress na ito ay sadyang napakaganda, at hindi mo napaghahalataan na luma na ito. Ngunit may napansin lang ako na may bakas na kulay mamula mulang patak na wari'y dugo sa may dulo ng gown. Ako: ate, may mantsa ata sa may baba? Dugo ba yan? Tindera: Hindi, iha. Mantsa lang yan. Di kami nagbebenta ng gown galing sa mga nadisgrasya na. Kami ay di na nagdalawang isip at binili namin yung gown. Saan ka ba makakabili ng gown sa halagang 500 pesos. Kung tutuusin sa 50k ata kung titignan mo ang gown na ito. September 2019 Nag usap kami ng aking kasintahan na si Argie kung tama ba ang desisyon na bilhin namin ang gown, ewan ko ba parang kumakabog ang dibdib ko pag nakikita ko ang gown na yan. Sinukat ko ang gown sa aking kwarto, tila ba may nakasilip sa aking likuran. Parang sa pakiramdam ko na dapat diko na isuot ang gown na ito. Pero siguro ay pakiramdam ko lang ito. Baka nag aalinlangan lang ako. Nilabhan ko na ang gown, ngunit ayw matanggal ang mantsa. Tila ba sa pagtingin ko ay pula ang tubig na nakikita ko sa may batya. Napasigaw ako sa takot. Ako: mahal! May dugo! May dugo! (Biglang lumabas si Argie) Argie: wala naman mahal, nagmamalik mata ka lang. At tinulungan ako ni Argie sa paglalaba ng aking wedding dress. Tinago ko ang gown sa aming aparador. Dito na nagsimula ang aking kinatatakutan. Napapansin ko si Argie, pagsapit ng alas tres ng gabi. Tila ba lagi nakatitig sa Wedding gown ko, at isinasayaw niya ito. Nagigising ako na parang may kasayaw si argie. Ipinagkibit balikat ko ito, baka nananaginip ito. Ilang araw ang nakalipas ay kada alas tres ng umaga ganoon ang eksena na tila ba may kasayaw si argie. Tinatanong ko siya pagkagising niya ngunit wala siang matandaan sa ginagawa niya. December 2019 ( ang nalalapit naming kasal) Naging balisa si Argie at tila ba may nililihim siya sa akin. Hindi ko mawari bakit nagbago nalang sa akin ang aking mapapangasawa. Lagi niyang yakap yakap ang gown at tinatawag niya ang pangalang "Jennica". Lagi siyang umiiyak at parang nababaliw na. Naglakas loob akong kausapin ang magulang ni Argie. Ako: Tita, may itatanong lang po ako. Mama ni Argie: ano yon, hiha? Ako: sino po ba si Jennica? (Tila ba nagulat siya sa aking natanong) Mama ni Argie: (lunok) Siya ang dating kasinthan ni Argie na nagpakamatay dahil ayaw pakasalan ni Argie ang babaeng yon. Bumili siya ng wedding gown at nabaliw ang babae, bago siya nagpakamatay suot suot niya and wedding gown at kinitil ang sariling buhay. Pinuntahan ng kanyang ina si Argie para kumustahin ito. Ina ni Argie: anak, kalimutan mo na si Jennica, matagal na siyang patay. Argie: mama, hindi pa siya patay. Heto nga at kayakap ko, kasayaw ko pa siya gabi gabi. Hindi ko na siya iiwan mama. Narealize ko na mahal ko pala si Jennica. Diba Jennica, magsasama tayo ulit para sa anak natin. Nagulat ako sa aking narinig, ang aking mahal na kasintahan ay mahal na iba. Ang mas maskit may anak pa siya. Ngunit nasaan ba ang bata? Iniisip ko rin na hindi kaya ang nabili kong wedding gown ay kay Jennica? Bumalik ako sa may ukayan, at tinanong ko kung san niya galing ang wedding dress. Ako: Manang, saan mo galing ang wedding dress? Bakit ganoon na lamang ang reaksyon ng aking kasintahan? Tindera: (nanginginig) sa iyong kasintahan mo mismo doon ko galing. Sinabi niya na ibenta ko raw sa iyo. Galit na galit ako sa tindera dahil pinagsabwatan nila ako. Umuwi ako ng bahay at inalam ko kay Argie saan niya kinuha ang dress. Pinagtapat niya sa akin na hinukay niya ang libingan ni Jennica at gusto niya ipasuot sa akin para manatili sa katauhan ko si Jennica. Sa sobrang galit ko ay sinunog ko ang dress ngunit hindi ito mapuksa puksa ng apoy. Kaya napagdesisyunan kong pumnta sa simbahan para ipabless ang wedding gown at iniwan ko ang wedding dress sa may simbahan. Bigla bigla nang alas tress ng umaga, sinasayw ito ulit ni argie, naglaks loob na ako upang magsalita. Tinapangan ko ang loob ko. Ako: Jennica, kung anjan ka man pakawalan mo na si Argie, prang awa mo na. Ibigay mo ulit ang mahal ko. Maawa ka na sa amin. Bigla nalang may humangin na malakas at malamig ang ihip nito, may bumulong sa tenga ko. Ang sabi ng babae ay " pakakawalan ko si Argie at mananahimik ako kung hahanapin niyo ang anak namin ni Argie" Kinabukasan ay pumunta ako sa may bahay ampunan at nakita ko doon ang anak nina Argie at Jennica. Inuwi ko siya sa bahay namin. Alam ko mahirap ang proseso ng pag aampon ngunit isinama ko ang ina ni Jennica upang makipag ugnayan at patunayan na siya talaga ang guardian ng bata. Ang ina din ni Jenica ay maraming koneksyon kaya agad agad ay nakuha namin ang batang si Prince na anak ng aking fiance at namayapa nitong ex girlfriend. January 2020 ( araw ng kasal) Ito na ang pinaka hihintay ko, sa wakas ay matutuloy na ang aming pangarap. Hindi ko sinuot ang gown na nabili ko sa ukayan, bagkus ay ibinalik namin sa libingan ni Jennica. Naging maayos na rin si Argie at wala na siyang kasayaw tuwing alas tres ng umaga. Bigla bigla ay may kinakwayn si Prince na anak nina Argie at Jennica. Ako: sino kinawayan mo Prince? Prince: yung babaeng susunod po na ikakasal ata. Naka gown po eh. Parang nagpapaalam sa akin. Ako: (kinikilabutan) sige na pasok na tayo sa simbahan. Sa paglalakad ko papuntang simbahan tila ba may bumulong na naman sa akin, "alagaan mo ang mag ama ko at salamt". Ngumiti nalang ako at tumingala sa langit. Nasambit ko na "salamat din Jennica" (End of Vianne's Story)

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
134.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
118.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
166.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
73.0K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
13.3K
bc

His Obsession

read
80.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook