Emalyn's Story: 365 Nurseries

1404 Words
The 365 Nurseries Ako si Emalyn, taga Alabang, Muntinlupa. 25 palang po ako sa ksalukuyan ako ay isang guro dito sa may Taguig. Bago pa lang po ako dito. May Principal po kami ang pangalan niya ay si Ma'am Maricris. Medyo strikto siya sa paaralan. Hindi niya masyado kasundo ang mga guro dito. Nakilala ko si Ma'am Cathy ang aking teacher aid. Small school lang itong napasukan kong paaralan. Sa ngayon ay humahawak kami ng mga nursery. Makikita ko naman na bago ang building namin hindi ko nga alam kung registered ba ito sa Deped. Siguro registrado naman kahit small school lang. Sa kadahilanang sa ibaba lang kami ng nagroroom samantalang hanggang limang palapag ito. Kinausap ko si Teacher Cathy ang sabi niya sa akin hanggang ikalawang palapag lang kmi at ang tatlong palapag ay bawal pasukin. Pero sabi naman ni Teacher Cathy registered naman ito ng Deped. Pumasok na ang aming mga mag aaral ang cucute ng mga bata. May Studyante kami ang pangalan niya ay Scarlet. Lagi siyang tahimik at umiiyak dahil ayaw niya magklase sa akin. Pito pala kaming guro rito, si Sir Jervic, Ako, Mam Cathy, Mam Rona, Mam Rhyl, Mam Liezel, at si Jessica. Iba iba ang hinahawakan naming section. May kanya kanya kaming teacher Aid. Pati ang amig principal ay humahawak na rin ng nursery. Minsan ay nag lalunch kami napag usapan namin ang skwelahan. Dalawa lang kming bago rito, si Mam Cathy at ako. Sir Jervic: Ano kaya ang ikatlong hangang ikalimang palapag no? Tatlong taon na ako rito eh. Mam Rona: Ay! Oo nga sir, lagi kaya nagsisink in sa utak ko kung ano nga ba ang nasa ikatlo, ikaapat hanggang ikalimang palapag. Mam Rhyl: oo nga no. Ako nga limang taon na ako rito ok naman sahod natin dito diba. Kaya ayokong umalis dito. Mam Liezel: Wala ba kayong napapansin sa mga bata? Dahil kada pumasok rito e puro nagsasalitang mag isa. Like yung mga gumaraduate na mga studyante noon, wala na sguro maalala ngayon dahil mga malalaki na sila. Mam Cathy: Naku, mam malawak mga imagination ng mga bata kaya ganun siguro. Ako: Oo, nga mam baka nga ganun po. Biglang pumasok si Mam Maricris na aming principal at di namin na pansin na second batch na pala ng mga nursery ung panghapon class. Kung makikita mo ang school napakalaking building nito ngunit mukha naman itong bago. Bakit kaya may 3rd to 5th floor kung di naman ginagamit. Isang araw ay Recess ng mga bata tinignan ko si Scarlet na aking studyante. Tinanong ko ito Ako: Baby, Bakit ayaw mo makisali sa paglalaro sa mga kaklasi mo? Scarlet: Ayoko po teacher, masyado silang marami. Marami na silang kalaro. Nagtataka ako dahil ang hawak namin nurseries ay 10 sa umaga at 10 sa tanghali. Yung mga bata nakikita ko ay tila may kalaro silang di nakikita. Hindi ko nalang pinansin dahil baka malawak lang yung imagination nila. Isang araw ay naglilinis kami ng classroom dahil hapon na rin. Umuwi na ang mga bata. Kinuskus ko ang pintunan. May nakita akong 05. Kinuskos kong mabuti, nakasulat ay 1905. "1905" Pinakita ko ito sa aking principal at sabi niya sa akin pinturahan ko daw bukas para di makita ang 1905. Sinabi ko ito sa aking mga ka co teacher. Nagtaka sila sa year dahil ang sabi nila ay kakagawa lang nito. Umabot pa ako ng 3 buwan dito, hindi na normal ang nakikita ko sa mga bata. May pinag uusapan sila. Hindi na ako nakatiis ay tinanong ko si Eyra ang aking isa pang mag aaral. "Eyra, baby, ano ang nakikita niyo rito?" "Mga bata po. Karami nila pero kalaro po namin sila." "Bakit hindi namin alam yan? Sa kabilang room ba sila?" "Hindi po teacher, sabi nila sikreto lang po sila." Sa di kalayuan ay sumigaw si Teacher Jervic, dahil ang mga studyante niya ay namuti ang kanilang mga mata. At sinasabi nila ang "Tuloooooonggggggg.... Tulooonnnnng....." Palakas ng palakas ang knilang tinig.. Nang mahimasmasan ang mga bata ay hindi ko na maiwasan anf magresearch sa nakita kong "1905". Kasama ko rin nagresearch ang mga ka co teacher ko dahil sa nangyari natakot ang mga magulang na papasukin ang kanilang mga anak. Ngunit may nakita kaming article nung 1905. Ang skwelahan namin ay dating bahay ampunan noong panahon ng digmaan. Pwersahan daw ang pagpapapasok rito ng gobyerno. Tatlo Pataas ang pinipwersang papasukin rito sa ngayon ay skwelahan namin. Nang ayos na ang lahat at napabless ulit ang aming skwelahan, hindi ko alam kung nagmamalik mata ako. Habang nakaupo ako sa aking room ay may nakita kong mga bata. Patakbi takbo ito sa may hall. Madami sila parang nagmamadali sila. Napasigaw ako sa nakita ko at bigla akong nahimatay. Habang pinapaypayan nila ay humarap si Scarlet sa akin at tinitigan lang ako. Kinabukasan ay nilapitan ako ulit ni Scarlet at binulong niya na "Teacher, ipikit mo mata mo at hahawakan kita po." Pumikit ako, at may nakita kong lumang building na gaya ng nasearch ko. Sa may taas ng pinto my nakasulat na 1905. May mga madre dito at mga pari. May pumasok na pari at hinalikan niya ang tatlong taong bata. Namatay ang bata at inilibing sa likod ng building na ito. Sa paglilibingan nito ay marami pang mga nabubulok na bata ang nakikita ko. Ang ibang madre ay pinapahirapan nila ang mga bata. Hindi ko natiis ang nakita ko kayat natulak ko si Scarlet. "Ahhhhhhhh.... Hindi...." Agad agad ay pumunta ang mga ka co teacher ko at pawis na pawis ako. Iniisip ko kung totoo ang pinakita sa akin ni Scarlet. Umalis si Scarlet at pumunta sa likod ng skwelahan. Kinausap ko si Ma'am maricris, at binalaan akong ilihim ito. Ngunit totoo nga ba yun? Kinagabihan ay nanaginip ako, kung ano ang pinakita ni Scarlet ay ganun din ang pinakita sa akin. Ang mga bata ay pinapahirapan nila, ginagahasa at ginugutom. Kinausap ako ni Teacher Cathy kung bakit ako tulala. Kinwento ko ang nangyari, ngunit di siya naniwala sa akin. Sa room ni Teacher Rona gaya ng nangyari dun kay sir Jervic. Pinabless na tong skwelahan ay wala pa ring pinagbago. Kaya't nagdesisyon akong magresearch pa. May nakita daw silang 65 na batang bangkay noong 1905 dito sa aming skwelahan. Kinausap ako ni Scarlet, misteryosonh bata ito. "Kailangan ka po nila" Kinausap ko si teacher Cathy Ako: May napapansin ka ba kay Scarlet? Cathy: sino un? Ako: studyante natin. Cathy: Ai madam, nagagya ka na sa mga bata. Nagtataka ako, ako lang ba nakakakita kay Scarlet? Kinausap ko sina mam Rhyl at mam Liezel wala daw silang kilalang Scarlet. Nagdesisyon akong alamin ang lahat. Pumunta ako sa room nung weekends kasama ang mga ka co teacher ko. Sinira ni teacher Jervic ang gate ng ikatlong palapag. Nakita naman na parang laboratory ang ikatlong palapag, ang ikaapat ay bahay tulugan ng mga bata at ang ikalima ay bhay kulungan. Kada palapag ay may nakikita akong vision. Ang ikatlng plapag ay inieksperementuhan ng gobyerno ang mga bata, ang ikaapat nakikita ko na dun ginagahasa ang mga bata at ang ikalima ay ginugutom at ikinukulong ang mga bata. Hindi ko nakaya ang nakikita ko at nahimatay ako. Dinala ako ng mga ka co teacher ko sa ospital. Dun na nila kinausap si mam maricris. Kwento kwento lang daw yun. At wala daw siyang alam at ginawa niya daw para dumami ang bata ay pinapinturahan at pinagawa niya ang kanyang skwelahan ngunit hanggang ikalawang palapag daw ang pinagmit. Ayaw daw niyang ipaalam sa mga parents na lumang building ang aming skwelahan. Araw ng lunes ay kinalkal namin ang mga larawan sa internet noong 1905. Nakita ko roon si Scarlet. Sa mga nangyayari sa mga bata na tila nababaliw na ang mga stujante namin, walang magawa si mam maricris at kinausap niya ang may ari ng school na si Mrs. Austria. Walang magawa si Mrs. austria at ipinasara ang school at pumayag siyang ibagiba ang school. Nang hukayin nila ang nasa likod ay maraming bangkay ang knilang nakita. Mga 300 ang nahukay nila. Edad 3 pataas. Iba pa yung nakita nilang 65 noong year 1955. At nakita ko ang mga bata na nagpaalam sa akin. Inilibing nila ng maayos ang mga bata. Nakita ko si Scarlet at papalayo siyang umalis at bigla nlang naglaho. At sa ngayon isa na akong public school teacher dito sa barangay namin, ngunit may nakikita akong bata na hindi nakikita ng iba. End of Emalyn's Story
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD