April Joy Story: My Real Family

1222 Words
My real family Ako si April Joy, 26 na taong gulang. Ako ay isang Doctor ng isang Hospital dito sa Cavite. Ako ay taga Tarlac ngunit lumipat ako dito sa Cavite, upang takasan ko ang isang bagay na hindi ko na siguro matatakasan pa. Nais kong ibahagi sa inyo ang aking kwento na gusto kong takasan. Dati akong nag aaral dito sa isang mataas na Unibersidad dito sa Tarlac, kursong Bachelor of Bussiness and Accountancy. Mayroong akong kasintahan na ang pangalan ay Angelo. Kaklase ko siya. Sinasabi ko sa kanya lahat ng pangarap ko. Lagi ko sinasabi sa kanya na gusto kong maging Doctor, ngunit ayaw naman ng aking magulang. Alam ko na mahal ako ni Angelo at ganoon din ako. Gusto ko na nga magsama kami noon, ngunit kami ay pawang studyante palang at dipa kayang buhayin ang isat isa. Nangako si Angelo hanggang sa huling hininga niya ay hindi niya ako iiwan. Anniversary namin noong April 11, 2013. Kami ay mag 2 taon na. Ang saya ko noon, ngunit may isang problema lang ako. Nabuntis niya ako, pero iniisip ko paano ito? Bata pa kami. Ako: Mahal, buntis ako. Paano to, dalwang buwan na. Angelo: (ngumiti) edi pananagutan ko, diba sabi ko sayo kahit ano man ang mangyari ay hindi kita iiwan? Dahil mahal na mahal kita. Ikaw ang buhay ko, April Joy. Teka, uuwi lang ako sa amin para ipagbigay alam ang balita at pupunta ako sa inyo mamaya. Tuwang tuwa ang puso ko sa aking narinig. Ngunit isang oras na ang nakakaraan at di parin bumabalik si Angelo, e sa kabilang kanto lang naman ang kanilang tahanan. Biglang nag ring ang phone ko at tumatawag pala ang kanyang ina. Mama ni Angelo: April, anak wala na si Angelo. Patay na siya.. Ako: Tita naman, di ako naniniwala sa inyo. Kanina palang ay kausap ko siya. Imposibleng mangyayari yan. Mama ni Angelo: Na hit and run siya. Kaninang tumatakbo sia dito sa may kalsada. Talagang namatay na nga aking kasintahan at kahit wala na siya dahil dinadala ko ang anak niya, pinatuloy ako ng magulang niya sa kanila. At dahil din di ako matanggap ng aking magulang, dahil isa raw akong kahihiyan sa kanila. Naging kwarto ko ang kwarto ni Angelo, at dahil hindi ko matanggap na wala na siya. Isang araw ay ayaw kong kumain dahil sa aking kalungkutan ngunit parang may humalik sa aking pisngi. At sabay himas dito. Magmula noon ay iniisip ng nanay niya na nababaliw na ako. Isang araw... Mama ni Angelo: April, bakit dalawa ang dinadala mong plato? Para san yung isa? Ako: mama, kay Angelo po itong isa. Baka magutom na. Hindi nalang kumibo ang kanyang ina at nagpatuloy siya sa kanyang ginagawa. Marahil iniisip niya na tinatanggal ko lamang ang aking lungkot. Kahit na malaki na ang aking tiyan ay pinagpapatuloy ko pa rin ang aking pag aaral. Napapansin ng mga kaibigan ko na parang di nawala ang ngiti ko kahit wala na si Angelo. Ang kaibigan kong si Jenny ay biglang nagtanong, Jenny: Friendship, hindi ka ba nalulungkot kahit wala na si Gelo? Ako: Friendship, ano kaba andito lang si Angelo sa tabi ko hinihimas ang buhok ko. Matakot ka nga sa sinsabi mo. Kung tutuusin ay 3 na buwan ng patay si Gelo. Ngunit, alm ko andito siya. Katabi ko siya. Iniisip nila na nababaliw na ako. Makalipas ang ilang buwan ay nanganak nako, ngunit nanatili pa rin ako sa 2nd yr college dahil binabalikan ko mga bagsak ko. Isang araw may bago akong kaklasi ang pangalan niya ay Henry. Lagi siyang nakatingin sa akin, nanlilisik ang mga mata niya tuwing tinitignan niya ako. Isang araw binalaan niya ako. Henry: Mag ingat ka, April. Dahil may demonyo kang katabi. Hindi tao ang katabi mo kundi isang demonyo. Ako: ano ka ba Henry, katabi ko ang mahal ko. Wag ka nga! Nagtinginan ang mga kaklasi namin. Alam ko ang iniisip nila na baliw na ako. Pinatawag ang nanay ni Angelo sa skwelahan at kinausap siya. Magmula noon ay wag ko na daw babanggitin si Angelo dahil matagal na itong patay. Ngunit ayaw ko parin maniwala. Habang nasa higaan ako, kinausap ako ni Angelo. Angelo: Mahal, hahayaan mo na ba akong umalis? Ako: Hindi, bat naman kita hahayaan e, sabi mo di moko iiwan. At dko kaya yun mhal, at isa pa paano si Ezra kung iiwan mo kami? Angelo: oo, mahal di kita iiwan. Gusto kong maging Doctor ka pag nakuha mo na ang pangarap mo, magiging malaya kana. Ako: ano ang ibig sabihin mo mahal? Gelo: magiging malaya kana sa lahat. (Ngumiti) Isang araw, ay nakasalubong ko si Henry at nanlilisik na naman ang mata niya sa akin. Binulong niya sa akin ay, DEMONYO. hindi ko nalang siya pinansin. At pumunta ako sa Faculty at pinasa ko na ang dropped out form ko. Balak ko kasi mag aral sa U.P.. upang maging isang ganap na doctor. Nang mag aral ako doon ay lumipat din si Henry. Sinundan niya ako. Naging malapit kami ni Henry sa isat isa at unti unti parang nawawala si Angelo. Nang makarating ako sa tinutuluyan kong apartment ay biglang humangin ng malakas at parang galit na galit si angelo. Angelo: Nangako tayo na hindi tayo maghihiwalay april. Bakit may iba kana? Ako: tinanggap ko na angelo na matagal ka ng patay. Kaya PLS. LET ME GO, ANGELO. ! Bigla bigla ay nawala ang malakas na hangin. Isang araw ay habang nasa balkonahe kami ni Henry, parang may nakikita siyang hindi ko nakikita. Nawala na sa paningin ko si Gelo, dahil natanggap ko na patay na ito. Naging kmi ni Henry. Ako: Henry? What's wrong? Henry: Umalis kana april, tumakbo ka. Mapanganib si Angelo, tumawag ka na ng pari. Dali dali ay tumakbo ako papalabas at walang ano ano, nakita ko ang katawan ni Henry na nakabagsak sa harapan ko. Sumigaw ako ng pagkalakas lakas. Dinala siya sa hospital pero huli na ang lahat. Hanggang sa Gumraduate ako sa U.P at naging doctor na ako, naging masaya na ulit ako. Excited akong umuwi sa Apartment, dahil naghihintay ang aking anak na si Ezra at ang dalawa niyang tatay na sina Henry at Angelo. Sabi ko sa sarili ko "Ano kaya ang niluto ng mag aama" excited na ako. Hindi pa ako nakakarating sa apartment ay hinuhuli na ako ng mga pulis, dahil pinatay ko raw ang aking anak na si Ezra. Laking gulat ko ay alam ko hindi ko magagwa sa anak ko yun, dahil kahapon lang ay kinuha ko siya sa bhay nina mama ni Angelo. At kasama ko pa siya kaninang umaga. Hindi ako kriminal, ang sigaw ko sa mga pulis. Doon ko natandaan ang lahat, napatay ko ang aking anak na hindi ko sinasadya. At ang matgal ko ng kasama sa bahay patay na rin. At doon ay nilapitan na ako ng mga magulang ko at humingi sila ng tawad sa akin. Mahigit 5 taon din ako sa mental hospital, ngunit patuloy ko pa rin nakakasama sina Angelo, henry at Ezra. Nagpanggap ako na hindi ko sila nakakasama upang maging malaya na ako. Pagkalipas ng 5 taon ay nakabalik na rin ako sa aking pinapasukang hospital. At lumipat na rin ako ng apartment, sa bago kong apartment patuloy ko pa rin kasama ang aking tunay na mga pamilya. End Story of April Joy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD