Kristine's Story: Theresa's Bones

626 Words
Theresa's Bone Ako po si Kristine, 27 taong gulang. Ako po ay nagtatrabaho na sa isang malaking hospital dito sa Clark, Pampanga. Ibabahagi ko ang aking karanasan tungkol sa isang laboratoryo sa aming paaralan nung ako ay nasa kolehiyo pa. Ako ay nagtapos ng Bachelor of Science in Nursing sa Pamantasan ng Unibersidad dito sa Tarlac. Masaya naman ang aking buhay kolehiyo. May isang subject kami na pinag aaralan namin ang bahagi ng katawan ng isang tao. Agaw pansin lang sa akin ang buto ng isang bata dito sa laboratoryo, tila ba isa itong totoong tao. Iniisip ko, bat naman sila magdadala o magdidisplay ng totoong tao dito sa skwelahan. Edi madaming matatakot kung ginawa nila iyon. Madalas nilalaro ng mga kaklase ko ang butong iyon, ewan ko ba bat ako hindi ko kayang hawakan ang butong yon. Isang araw, tanda ko iyon araw nun ng biernes. Ako ay nag iisa lamang sa ikaapat na palapag ng aming paaralan. Dahil ako ay isang irregular students, ang aming laboratory kasi ay nasa ikaapat na palapag. Napansin ko na nakabukas ang laboratory namin, at sinilip ko ito. Nakita ko ang isang batang babae halos kasingtangkad lang nung buto. Nakatitig ito sa may buto. Tinawag ko ang bata ngunit di ako pinansin. Iniisip ko na baka anak siya ng isang propesor dito, hinayaan ko nalang ang bata. At nakasalubong ko ang aming Propesor na nasa loob pala ng laboratoryo, si Mr. Gutierrez. Hindi ko siya napansin. Mr. Gutierrez: Ano ang ginagwa mo Kristine dito sa gilid ng laboratory? Kristine: Tinawag ko lang po ang bata kanina diyan sir, na nkakatitig sa may buto. Mr. Gutierrez: anong bata? Kanina pa ako diyan sa loob ngunit wala naman bata diyan. Kumunot ang noo ko. Sa pakunwari ko ay bata talaga diyan kanina. Binale wala ko nalang ang batang nakita ko. Tuwing araw kasi ng biernes, madalas akong tumambay sa may ikaapat na palapag. Dahil tahimik at walang tao. Nang araw ng biernes na naman ay nakita ko na naman ang bata. Naglakas loob akong kausapin ang bata, nang pagharap niya sa akin ay WALA ITONG MUKHA. Bigla bigla sa pagkatulala ko, nahimatay ako. Nakita ako ng aming propesor at dinala ako sa clinic. Kinwento ko ang lahat ngunit di siya naniniwala sa akin. Nakausap ko ang nurse ng school, sa batang nakita ko. Kwento ng Nurse: Ang batang nakita ko daw ay ang batang pinangalanan nilang THERESA, sapagkat ang nakikita namin sa laboratory ay totoong buto ng isang bata. Ang Skwelahan daw na ito ay pumunta sa funeral shop para maghanap silang pwedeng experementuhan na katawan na nag aaral ng anatomy. Nakahanap sila ng isang bangkay ng isang bata. Na hindi na kinuha ng pamilya niya. Magmula noon ay minsan may naririnig ang ibang stujanteng may kumakalabog sa loob ng laboratory. Minsan daw ay may nababasag na tools sa loob. Pagkakaalm nga nila wala naman daw pusa o aso na papasok doon. Marami na raw studyante ang nakakita kay Theresa. Siguro ay nanghihingi siya ng hustisya. Di nila alam kung saan ba talaga nkatira si Theresa. Napag alam alam ko na sadya daw binenta ang katawan ni Theresa sa may funeral parlor at ang funeral parlor ay ibebenta siya sa mga nangangailangan ng pag eexperementuhan. Ang kwentong ito ay kumalat sa unibersidad, at napag desisyunan nilang ilibing ang buto ni theresa dahil maraming na rin daw naapektuhan na stujante magmula dumating ang butong iyon. Minsan ay nag dadrop out dahil rin sa takot. Ngayon ay wala ng totoong buto sa may laboratoryo. Bumili nalang sila ng pamalit kay Theresa na isang artificial na buto ng tao. Ngayon ay nakakapagtrabaho na ako, madalas ko pa rin binibisita si Theresa sa kanyang libingan. Upang di niya maramdaman na siya ay nag iisa. End
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD