Loraine's Story: Ang Guro sa room L301

815 Words
Ang Guro sa room L301 Ako si Loraine, nasa 18 taon gulang na. Ako ay bago lamang sa kolehiyo, kinuha kong kurso ay Bachelor of Elementary Education. Nag aaral ako sa isang pamantayan ng isang malaking unibersidad dito sa Tarlac. Ibabahagi ko lamang ang aking karanasan, noong unang apak ako sa aking skwelahan. Nakasanayan ko ng pumasok ng maaga sa skwelahan. Ang aking pasok ay alas syete ng umaga ngunit dumadating ako sa skwelahan ng 6am upang maiwasan ang late sa pagpasok. Sa ganoong oras ay wala pang tao sa skwelahan, ang tanging andoon lang ang mga guard sa may gate. Dahil doon na sila natutulog, may staff house kasi sila sa paaralan. Habang walang mga tao sa loob ng building ay naisipan ko muna maglibot libot. Napakatahimik at walang bakas ng ingay tanging mga nagliliparang ibon lang sa labas ang iyong maririnig. Madaming kwento ang aking naririnig sa unibersidad na ito, ngunit hindi ako naniniwala sa mga sabi sabi. Sa aking paglilibot may nakita akong babaeng guro sa tancha ko ay nasa 65 taon gulang na. Nasa tabi siya ng room L301 at aking papasukin na room ay nasa L305. Halos ilang hakbang lang ang layo, para makita ko ang gurong ito. Nakatayo lang doon at walang gingawang kakaiba. Naglakas loob akong lapitan ang gurong ito, at sa ngayon ko lang nakita ang gurong ito. Linapitan ko ang matandang guro at nagtanong. Ako: Ma'am kaaga niyo naman pong pumasok, hindi po ba ay alas syete palang ang pasok niyo? Ngunit ningitian lang ako ng guro. Iniisip ko na hindi lang siguro niya ako marinig at siguro dahil matanda na. Nagpaalam ako sa guro dahil nakita ko na ang kaklasi ko. Paglingon ko ulit dun sa room L301 ay nawala ang guro. Iniisip ko nalang na baka nag cr dahil sarado ang room na iyon. Habang nagkekwentuhan kami ng kaklase ko ang pangalan niya ay Edward. Ako: may guro pala diyan sa L301, kaaga niya rin pumasok. Siguro ang gurong iyon ay masungit. Ningitian lang ako kaninang nagtanong ako. Edward: Wala naman nagroroom diyan sa L301 na yan, dahil bakante yan. Ako: nakita ko may nakatayong guro doon, nilapitan ko pa nga. Bat kaya dpa nagreretired yun e sa tanda niang ganun, dapat nagretiro na siya. Edward: Ano ka ba loraine, walang guro dito sa unibersidad na ganung katanda dito. Ilan taon na kaya ako rito, sa kasamaang palad hirap ako makagraduate. Nang dumating ang aming guro na si Mrs. Cortez, inaya niya kaming dalwa ni Edward para samahan siya sa faculty. Dahil magpapatulong ang aming guro na buhatin ang aming mga test papers. (Habang nasa Faculty, nakita ako ang isang letrato na nakasabit at nakita ko ang matandang guro doon sa larawan). Ako: Ma'am, ka co teacher niyo pala yung matandang guro. Bakit hindi ko po siya nakikita dito sa faculty? Sino po siya ma'am? Mrs. Cortez: ahhh... Yan si Ma'am Korina, siya ang pinakamatandang guro dito noon. Ako: Diba ma'am sa room L301 yan nakaroom? Mrs. Cortez: Paano mo nalaman? (Napansin ko ang pagkagulat ni Mrs. Cortez sa kanyang narinig). Ako: dahil po maam, nakita ko siya kanina sa may labas ng room na nakatayo. Kinausap ko sia mam ngunit ngiti lang ang sinagot niya sa akin. Mrs. Cortez: (nanlaki ang mga mata sa narinig) Ano ka ba Loraine, huwag ka nga manakot ng ganyan! Matagal ng patay si ma'am Korina. Propesor ko sia dati sa isang subject. Namatay siya 6 na taon na ang nakakaraan. Namatay siya diyan sa tapat ng pinto ng kanyang room sa L301. Dahil sa sakit sa puso ang kinamatay niya. Napakaaga niyang pumasok mga 6am palang anjan na siya. Siya ang pinakaunang nakalista sa attendance namin. Masungit siya pero siya ang pinakamasipag na guro dito. Lahat ng propesor dito ay dumaan sa kanyang palad. Ngayong araw na ito ay death anniversary niya. Ai, huwag ka ng magkwento ng ganyan at tumataas ang balahibo ko sayo. Ako rin ay biglang natakot sa narinig ko. Ang kinausap ko kanina ay isa palang kaluluwa na. At hanggang siguro makagraduate ako sa unibersidad na ito, hindi ko makakalimutan na nakausap ko ang kaluluwang ligaw. Siguro ay yung nakakasanayan niya ay dala dala parin niya hanggang pagpanaw. Minsan nga nagkwento ang aming guro sa Science, na si Mrs. Dolit, na yung log book nila ay may nakasulat na pangalan niya. Pinakaunang nakalista. Yung araw ding iyon ay pinatawag lahat ng instructors at propesor kung sino ba ang nananakot. Ngunit nang tingnan nila ang pagkakasulat ay kagayang kagaya doon sa attendance ni mrs. Korina. Magmula nang mangyari ang insidenteng iyon ay pinagdasal nila at itinapon ang lumang log book. Magmula din noon ay hindi na ako pumasok ng maaga dahil din sa traumang naranasan ko sa room L301. Magmula din noon, hindi na ako dumadaan doon. Dahil nakabakas pa rin sa ala ala ko ang ngiti na iginawad ni mrs. Korina. The end
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD