Ana Marie Story: My Great Secret Tutor at Abandon Library

826 Words
Ang kwentong ito ay tungkol kay Ana Marie. Si Ana Marie ay nag aaral sa pribadong paaralan dito sa Tarlac City. Taong 2006 Grade 5 na siya noon. Madalas siyang tinatawag na "Kulelat" sa paaralan. Dahil simpleng tanong lang ay di niya ito masagot. Isang araw ay napadaan siya sa abandonadong building, dahil ito ay hindi na ginagamit na Library. Ang lumang library ay parang pinagdaanan pa ng gyera. May upuan doon at sirang lamesa. Nilibot niya ang Library, walang bago. Pero napakatahimik na lugar ito. May nakita siyang batang lalake sa loob, busy siya sa pagbabasa. Tinawag niya ito. Ang mukha niya ay ordinaryong bata, ang kanyang damit ay nakaitim na pang amerkana. Nilapitan niya ang bata. At nakipag usap. Ana marie: ui, bata. Ano ang pangalan mo? Bata: Ako si Peter. Ikaw? Ana Marie: Ana Marie. Teka bat ka andito? Bata: wala lang, dito nako nakatira. Nagbabasa ng mga libro. Mahilig akong magbasa. Marunong ka bang mag basa? Ana Marie: oo naman, best in reading nga ako eh. (Patuloy sa pagbabasa ang bata) Biglang tumunog ang bell, at umalis na siya sa lumang library. Kinabukasan ay bumalik si Ana Marie sa Library. At nakita niya ulit ang bata. Araw araw na siyang pumpunta doon at naging mag best friend sila. Peter: Ana, ano ang problema mo? Ana: Bagsak na naman ako. (Umiiyak) Peter: uhmmm.. ako, di ako bumabagsak. Gusto mo turuan kita? Ana: Tlaga? Tuturuan mo ako? Peter: oo naman, tuturuan kita. Tinuruan ni Peter si Ana. Naging mahusay si Ana sa lahat ng asignatura niya. Nagtataka ang mga guro dahil, ganoon kabilis matuto si Ana. Natalo ni Ana ang kanilang Top 1 sa paaralan. Ana: Ui. Peter. Maraming salamat sayo, di na ako kulelat ngayon. Pinupuri na ako ng lahat. Nahihilig na rin ako sa pagbabasa ng libro. Peter: Mabuti naman kung ganun, Ana. Masaya ako para sayo. Ana: Gusto sana kita imbitahan sa amin, maglalaro tayo doon. Gusto mo ba? Peter: Naku! Di ako maaaring pumunta sa inyo Ana. Dito lang ako, dahil magagalit ang ibang kaibigan ko. Ana: sinong kaibigan mo? Tinuro ni Peter ang mga libro. Walang magawa si Ana at dinalhan nalang niya ito ng makakain kinabukasan. Ngunit, hindi ito kinain ni Peter. Spgkat di dw ito kumakain. Nagtataka na siya sa kanyang kaibigan. Isang araw ay nagkakalkal ng picture ang kanyang lolo Pepe. At pinakita ni lolo Pepe ang larwan niya noong siya ay bata pa lang. Nakapandamit siya tulad ni ng kanyang damit ng kanyang kaibigan na si Peter. Tas pinatingin ni lolo Pepe ang isa pang larawan. Nagulat si Ana at nakita niya ang larawan ni Peter sa kasama ng kanyang lolo Pepe noong bata pa sila. Nasa loob sila ng library. Lolo: Ana? Bakit nagulat ka? Ana: lolo, si Peter yan diba? Bakit mo siya kasama noong bata pa kayo? Kaibigan ko yan eh. Siya ang tumutulong sa akin sa mga assignment ko. At tinuturuan niya ako. (Nagulat si Lolo Pepe, at halos mahimatay siya sa sinabi ni Ana.). Lolo Pepe: paano mo nakilala si Peter, Ana? Ana: sa lumang library ho, lolo. Nandoon lang siya at nagbabasa. Naalala ni Lolo Pepe ang lahat, si Peter ay kanyang kamag aral at matalik niyang kaibigan. Matalino si Peter. Elementary sila noon. Ang madalas nilang tambayan ay ang lumang library. Nagkagyera noong world war 2. Nasabugan ang kalahati ng Library. Nasa loob si Peter, halos si lolo Pepe daw ay kalalabas palang. Nakita ang katawan ni Peter na halos di na makilala. Namatay siya sa loob ng library. Hinabilin ni Lolo Pepe na huwag ng pumunta si Ana sa Loob ng Library. Dahil matagal ng patay si Peter. Kahit na ganoon, hindi naniwala si Ana, na matagal ng patay ang kaibigan. Dahil kausap niyo ito lagi. Ana: Ang sabi ng lolo pepe ko, matagal ka na raw patay. Uhmm.. di ako naniniwala, dahil kausap kita ngayon. Sa katunayan ay pinagbawalan nila akong pumnta dito. Hindi sumagot si Peter at patuloy lang sa pagbabasa. Makalipas ang limang araw ay ginigiba ng pamahalaan ang lumang library. Nakita ito ni Ana, at pumpunta siya sa Lumang Library. Ngunit pinipigilan siya nito ng tauhan ng tagagiba rito. Dahil ang nakikita ni Ana ay habang ngbabasa ang kanyang kaibigan ay natatbunan ito ng tipak ng straktura ng Building. Ana: Peter!!! Lumabas kan diyan. Peter.. Mamamatay ka diyan!!! Ate kuya, ung kaibigan ko sa loob nandiyan. Iligtas niyo siya. (Patuloy sa pag iyak si Ana) Tauhan: Wlang tao diyan iha. Matagl ng abandonado yan. Napagtanto ni Ana ang nakikita niyang bata ay matagal ng patay at kaibigan na matalik ng kanyang lolo pepe. Winasak na nila ang Building at sa paglipas ng panahon naging isang bgong library ito. Makalipas ang 10 taon, naging ganap na guro si Ana sa pinasukang niyang skwelahan. Patuloy pa rin siya sa pagbisita sa library at patuloy pa rin niyang nakikita si Peter na di nagbago ang kanyang anyo at patuloy parin spagbabasa. End of Ana Marie Story
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD