Story of Engr. Nestor: The Construction Workers

1119 Words
Ako si Nestor, 28 taong gulang. Nakatira dito sa Tarlac City. Sa ngayon isa na akong tanyag na Civil Engineer, dito sa isang kumpanya. May project kami, dito sa site nagtatayo kami ng building. Since site engineer ako, required akong matulog sa site kasama ang ibang trabahador. Sapagkat ang project namin ay malayo sa aming tahanan, dito sa Mandaluyong ang project namin. Ang iba kong mga kasamahan ay taga Tarlac din yung iba sapagkat nakipag sapalaran lamang sila dito sa Manila upang maghanap buhay. Bago lamang ako site na ito, madami rin kaming engineers dito. Tuwing umaga ay nagpupulong kami at ang iba naman ay Architect. Malaki laki rin ang building na itatayo namin. Aabot ito 15 palapag. Medyo mahirap ang trabaho sapagkat init at pagod ang iyong kalaban. Mayroon kaming Foreman na si Julius ang pangalan, kasama namin dito sa site habang nagtatrabaho. Napapansin namin na tuwing gabi habang nagkakape si Julius, may kausap siya. Hindi ko nalang pinapansin. Minsan ay nasabi niyang, "Kadami niyong nagtrabaho dito bakit hindi niyo matapos itong building?" Ako: Julius, sino kausap mo? Julius: Wala sir. (Ngumiti) Tsaka na lang ngumiti. Iniisip ko tuloy na nababaliw na siya. Isang gabi ay nanaginip ako, ang daming nagtatrabaho dito sa building na to. Sa panaginip ko, andoon daw ako kinausap ko ang nagpapalang labor ngunit di ako marinig. Kinausap ko ang skilled, di ako marinig. Patuloy ko silang tinignan, may engineer doon na kilalang kilala ko si sir Dela Cruz. Ang bangis niya at minamadali ang mga trabahador. Bigla bigla ay hindi pa natatapos ang building bigla itong gumuho. Ang daming nalibing ng buhay. Nakita ko si Engr. Dela Cruz, naipit ang kanang paa niya. Ang daming pulis na dumating, nang hindi mailabas ang kanang paa ni engr. Ay pinutol na lamang ito upang mabuhay. Bigla bigla akong nagising, pawis na pawis at takot na takot akala ko totoo ngunit panaginip lang pala. Napapaisip tuloy ako, dahil kung tutuusin ay nakaprostetic leg si Mr. Dela Cruz. Totoo kayang nangyari yun? Kaysa sa mabaliw ako sa kakaisip, ipinagkibit ko nalang ang pangyayaring yun. Isang araw ay may nagreklamong trabahador sa akin. Skilled: Sir, nahihirapan na po kami. Parang di namin matatapos tong building sa itinakdang oras. Sapagkat kakaunti lang kami nagtatrabaho. 5 nalang labor niyo at tatlong skilled. Ako: anong lima? Anong tatlo? Kadami niyo oh. May nagpapala doon. Sobrang dami niyo na, ang dami niyo ring skilled? Anong kakaunti? Bigla nalang umalis na ung skilled sa harapan ko. Pagkatapos noon ay kinausap na ako ni Foreman. Julius: Sir, nakikita niyo rin sila? Ako: Sino? Juliuis: sila. (May tinuro sa kanang bahagi ng building) Bigla ko nlang iniwan si Julius, trabahador ang mga yun eh. Baka ano pa masabi ko dala na rin ng init ng ulo. Isang gabi ay di ako makatulog, yung mga kasama ko ay tulog na. Umalis muna ako sa may baracks upang maglibot sa ginagawa naming building. May nakikita akong nagpapala doon, mga skilled at mga labor. Tila nag mamadali. Ako: ui. Pahinga na kayo, hating gabi na di pa ba kayo matutulog. Wala kaming binabayaran na over time dito. Ngunit walang nakikinig sa akin. Tila ba sila ay nagmamadali. Bawat palapag ay nilibot ko, ngunit madami pa ring nagtatrabaho. Nagtataka ako, bakit pa sila umuuwi. Nagalit na ako dahil pinapauwi ko na sila. Ngunit tila ba hindi sila nakikinig sa akin. Nang nasa ika anim na palapag na ako, biglang tumingin ang isa sa kanila. Basag basag ang mukha niya, tila ba ang kanyang mata ay nakaluwa na. Ang isa naman ay may nakatusok na bakal sa kanyang tiyan. Ang isa naman ay pitpit ang ulo niya. Kung makikita mo sila tila ba ay nasa corpse party ka. Bigla akong napasigaw at nahimatay sa building. Kinaumagahan ay nagising ako sa ikaanim na palapag. Wala ng trabahador. At kinausap ko na si Foreman tungkol dito. Julius: Sir, nakikita ko sila. Nakikita mo kami na madami kami ngunit kakaunti lang kami. Yung iba ay umalis dito dahil sa takot na nakikita nila. Nakikita nila ang mga construction workers dito na namayapa na. Si Mr. Dela Cruz ang nakakaalam ng lahat. Nanginig ako sa takot at kaagaran kong pinuntahan ang accountant sa may ibaba upang tignan ang nakalista na trabahador sa kanyang payroll list. Nagulat ako, dahil tuwing nagsasahod kami ako ung nauunang nakalista ngunit nakikita ko sa aking likuran ay marami silang nakapila. Hindi ako makapaniwala na kakaunti lang ang mga nakalista sa payroll. Ngunit sino ang mga nakikita ko. Dali dali kong pinuntahan si Mr. Dela Cruz, at pinagtapat sa akin ang lahat kay putol ang kanyng kanang paa. Yung panaginip ko, totoo pala. Midali nila ang building at naka dead line lang ito ng dalwang buwan. Dahil nasilaw ang mga trabahador sa malakihang offer at si Mr. Dela Cruz din. Kaya ginawa nila ang possible ang imposible. Ngunit sa kasamaang palad ay naguho ito at mdaming namatay. Nakulong daw siya ng 3 taon, ngunit nakapagpyansia sia at binayaran niya ang mga pamilya ng mga namayapa dito sa building. Katulong ang may ari ng building ang nagbayad para dito. Dahil pangarap ng may ari ng building ang pagpapatayo ng kumpanya dito sa pinagtatrabauhan namin, at ipinagpatuloy nila ito. Kaya nasabi ko kay mr. Dela cruz na ipabless ang building at hihingi ng dasal kasama ang pamilya na namatay dito. Kinabukasan ng alas sais ng gabi ay nagpadasal kmi at pinabless ang buiding. Alam ko humihingi sila ng katahimikan. At pagkatapos nun ay humingi ng tawad si Mr. Dela Cruz sa mga pamilyang naulila na. Sinubukan kong maglakad lakad ulit sa building noong hating gabi na. Nakita ko ang mga trabahador sa bawat palapag na nagpapaalam sa akin. Ngunit diko maintindihan iba na ang kanilang anyo, tila ba ay ang mga nakita kong duguan na construction workers naging maayus ang mga damit. At nakapalibot sa knila ay liwanag at ngiti sa mga labi. Kinabukasan ay nakita ko na kaunti nga ang mga nagtatrabaho doon, kaya kinausap ko si Foreman na maghire o maghanap na pwede magtrabaho. May nahanap naman siya. Sa ngayon ay wala ng kababalaghan sa buiding dito sa site. Naging tahimik na ang lahat. Sa katunayan ay may bagong proyekto ang kumpnya namin, patapos na kasi ang project dito sa mandaluyong. Magmula noon ay diko na nakita si Mr. Dela Cruz. Pinuntahan ko siya sa kanilang tahanan, ngunit ng makita ko siya ay tatlong araw na siang patay at ang kanyang bangkay ay nabubulok na. Ang nakakapgtaka lang ay ang knyang bangkay ay tadtad ng bakal na itinusok sa knyang katawan. Kaagaran akong tumawg ng pulis. Ngunit hanggang ngayong 5 taon na ang nakakaraan, misteryo pa rin kung sino ang pumatay kay Mr. Dela Cruz. End of Engr. Nestor's Story
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD