Chapter 3

1883 Words
"Ma, please itigil mo na ito. Maling-mali ito," pagmamakaawa ko sa ina. Ang hirap niyang pakiusapan pero sa ngayon ay ito lang ang aking magagawa. "You really don't get it, Gracia! Our existence is nothing if we don't have anything. So I hope you see some sense and you do the right thing!" Naghalo na ang luha, pawis at sipon ko pero masyado siyang matigas. Kahit ano'ng sabihin ko ay mali pa rin para sa ina. Sa palagay ni Mama ay laging siya lang ang tama at may tama. Para bang perpekto ang tingin niya sa kaniyang sarili. Umiiyak pa rin ako habang patuloy sa pagkakaladkad sa akin sa Mama papasok sa loob ng magandang mansyon. Masyado na siyang naging sakim sa pera at pera lang ang palaging nasa utak niya. Wala ng mahalaga para sa kaniya kundi pera. Sinasamba niya ang pera araw-araw na parang ito na ang kaniyang Diyos. Kung hindi lang sana sa ganitong pagkakataon ako nakatungtong sa mansyon na 'to ay baka kanina pa ako napapangiti sa ganda. Para akong nasa paraiso, ang mga halaman sa paligid ay dumagdag sa kagandahan ng mansyon. Ngunit hindi ko magawang hangaan ng husto. Hindi ko magawang ngumiti dahil sa aking sitwasyon. Mula sa labas hanggang sa loob ay napakaganda ng bawat desinyo. Ngunit wala akong panahon para puriin ang lahat ng aking mga nakikita. Masyado akong nag-aalala para sa aking sarili. Pakiramdam ko ako ay nasa bangin na isang maling kilos ko lang ay mamatay na ako ng walang laban. Tahimik lamang ang butler sa mansyon at ito mismo ang sumundo sa amin mula sa labas para gabayan kami kung nasaan ang taong nakabili sa akin. Ang taong bagong nagmamay-ari sa akin dahil sa kagagawan ng aking ina. Patuloy lang ako sa pag-iyak kaya nasampal ulit ako ni Mama. Halatang naririndi na siya sa kakaiyak ko. Hindi naman ako nag-iinarte. Sadyang hindi ko lang mapigilan ang sarili kong mapahagolhol. "Tumahimik ka! Malilintikan ka talaga sa akin!" Mahina ngunit may diin niyang ani. "Ano'ng nangyayari rito?" matigas na tanong ng isang binata na kakarating lang. Ni hindi ko napansin kung saan ito galing. "Pasensiya na po, Young Master. Masyado pong matigas ang ulo ng anak ko kaya binibigyan ko po ito ng tamang leksyon." Hingi niya ng paumanhin at yumuko para bigyan ng galang ang binata. Nakasunod lang ang tingin ko sa mga galaw ni Mama ng hindi binabalingan nang sulyap ang binata sa harap namin. Ang akala ko ay pagagalitan ako ng binata dahil sa tigas ng ulo ko, ngunit kabaliktaran ang nangyari. Wala akong ideya kung bakit? Imbes na sa akin ito magalit ay mas galit pa ito kay Mama. "Ano'ng karapatan mong turuan siya ng leksyon?" tanong nito sa aking ina. Nauutal si Mama at halatang gustong magpaliwanag ngunit walang lumalabas na salita sa bibig. "Wala kang karapatan na saktan ang pagmamay-ari ko!" Parang kulog ang kaniyang boses. Kung hindi lang ako natatakot, gusto kong takpan ang aking mga tenga. Natulala sa Mama at tuluyan ng hindi nakasagot. Ang akala niya siguro ay pupurihin siya ng binata dahil sa ginawa niya sa akin. Ganoon din naman ang akala ko. Yumuko si Mama at humingi nang paulit-ulit na paumanhin. "Sorry po, Young Master. Hindi na po mauulit," sinsero niyang sabi at tila takot na takot ito. Ngayon ko lang nakitang ganito si Mama. Ano'ng meron at bakit nanginginig ang mga kamay niya habang humihingi ito ng paumanhin sa binata? Bakit ba siya nagkakaganito? Hindi ko kilala ang lalaki at wala rin akong ideya kung bakit natatakot siya ng husto sa lalaking kaharap namin ngayon. Anong klaseng tao ba ito? Ang dami kong tanong sa aking isipan. Mukhang hindi ito basta-bastang tao dahil kilala ko si Mama. Hindi ito basta-bastang natatakot ng ganito kabilis. Kung humingi ito ng tawad sa binata ay para bang tinuturing niya itong Diyos. Dumoble ang kaba na nararamdaman ko ngayon at parang gusto kong tumakbo. Pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Parang tumigas ang mga binti ko. Nanginginig ang aking mga tuhod at para na akong hihimatayin sa takot. Sa kabila ng matinding takot, sinubukan ko pa rin sa abot ng aking makakaya na tingnan ang itsura ng lalaking nagmamay-ari na ngayon sa akin. Siya ay gwapo. Ngayon lamang ako nakakita ng kasing gwapo niya. Lahat ng parte ng kaniyang mukha at katawan ay perpekto. Ang makakapal na kilay, ang halatang malambot na mga buhok kahit na hindi ko pa nahahawakan. Ang kaniyang mga pilik mata ay makapal na sobrang bumagay sa kaniya. Matangos na ilong at parang sinadyang ukitin para lang maging perpekto ang hugis. Ang mga labi ay mapupula at lalaking-lalaki. Kung naging babae lang ito, tiyak naas maganda pa ito kaysa sa akin. Sa kabila ng malamig niyang boses ay wala na akong ibang makitang reaksyon sa kaniyang mukha. He was insanely smoking hot. He is completely attractive. I mean he's almost perfect. The body and his face are a blessing. Ilang segundo akong hindi nakahinga. Inaamin kong nakakatulala at nakakalipad ng espiritu ang taglay niyang itsura. Marahil maraming naiinggit na mga lalaki na gustong maging kagaya ng mukha niya. Walang binatbat ang mga artista na nakikita at napapanuod ko sa telebisyon. I wanted to remind myself that I was not dreaming. He was a greek and I am just a simple girl who has nothing. Kaya paano niya na ako naisipan na bilhin sa aking ina kung ganito kagwapo ang itsura niya? Tanga ba siya o wala lang siyang magawa sa pera niya kaya hindi na nito alam kung saan gagamitin? Nakatitig siya sa akin ngayon. I felt little uneasy. His eyes land on my wrist and I can see his anger, maybe because of my bruised. Pasimple kong itinago ang aking mga kamay sa likod. Hindi ako komportable sa mga tingin niya. Lalo pa't para akong nalulula sa taglay niyang itsura. Ngunit sa kabila ng gwapo niyang mukha, ay nakakatakot naman ang kaniyang mga mata. Walang emosyon pero delikado. Noon pa man ay alam ko ng mapagbiro ang tadhana. Ngunit hindi ko akalain na ito ang bibili sa akin. Wala na ba itong makitang babae kaya binili ako? Gwapo siya at kulang ang salitang gwapo upang ilarawan siya. Tiyak na maraming babae na magkakandarapa sa kaniya ng walang kahirap-hirap. Hindi niya kailangan magbayad ng malaking halaga dahil kaya niyang kunin ang isang babae kahit tingnan niya lang ang mga ito. "Sir, aalis na po ako. Hinatid ko lang ang anak ko rito." Paalam ni Mama habang nakayuko ang ulo. Mukhang pati si Mama ay hindi kayang tiisin ang kakaibang takot. Natatakot itong magkamali. "Anak?" Mahina nitong usal, pero abot pa rin iyon sa aking pandinig. "From now on, she is no longer your child. You sold her to me so you better remind yourself that you have no right to her. I have settled my p*****t on your account and don't make the mistake of showing her again!" May galit sa boses nito. "Always remember that!" pinal nitong sabi sa aking ina. "Opo... opo," natatarantang sagot ni Mama. Ramdam na ramdam ko pa rin ang takot sa kaniyang mga kilos. "Before you leave, ask for forgiveness from the woman I will marry!" Matigas nitong utos kahit na kalmado lang itong nagsasalita. Ako naman ay parang nabingi sa aking narinig. Ako ang magiging asawa niya? Kinilabutan ako sa takot. He didn't propose to me and he's not even my boyfriend. I thought I would be his slave. "Gracia, patawarin mo ako sa nagawa ko sa 'yo," hinging paumanhin sa akin ni Mama. "Pangako hinding-hindi na kita guguluhin pa," dagdag nitong sabi. Imbes na maawa sa kaniya, mas nangingibabaw ang takot ko. Hindi simple ang pinasok ng mama ko. Isa itong problema. Sa mga oras na 'to, nakatingin lang ako kay Mama nang biglang nagsalita ang binata. "Ganiyan ba ang humingi ng tawad?" Nagtataka ko siyang tiningnan at ganoon din ang aking ina. "Hindi ba dapat nakaluhod ka sa harap niya?" malamig nitong sabi at para akong binagyo dahil sa lamig na nararamdaman ko sa buo kong katawan. Hindi lamang ako ang nagulat dahil pati si Mama ay gulat na gulat din. Nang tingnan ko ang butler at ang iba pa niyang mga tauhan ay seryoso lang ang mga mukha nila na para bang sanay na sanay na sila sa ugali ng kanilang boss. "Ha? Ah! Oo, tama po kayo, Young Master." Mabilis na lumuhod si Mama na walang pagdadalawang isip. "Mama..." mahina kong anas at umiiyak pa rin. Alam ko naman na hindi nakokonsensiya si Mama sa ginawa niya sa akin. Pero ayaw ko iyong ginagawa niya ngayon... ayaw ko ng ganito. Humingi lamang siya ng tawad at lumuhod sa harap ko dahil pinag-uutos sa kaniya ng lalaking hindi ko naman kilala kung ano'ng klaseng tao ito. Parang tanga si Mama tingnan, naging sunod-sunuran sa mga utos ng binata. Pakiramdam ko tuloy ay tinakasan ako ng dugo sa aking mukha. Nanginginig ang mga daliri ko at ang aking mga palad ay namumutla. Tiyak na para akong white lady na namumutla rin ang buong mukha. "Ma, tumayo kayo riyan!" Malakas kong singhal dahil para na siyang nababaliw. Baliw na nga siguro siya. Ngunit kahit ano'ng sabihin ko ay hindi siya nakikinig. Tumayo lamang ito ng sabihin ng binata sa kaniya. "Hindi mo ba siya narinig?" inis na sabi ng lalaki. "Magiging asawa ko siya kaya lahat ng gusto niya at sasabihin niya ay susundin niyo. Ayaw na ayaw kong binabalewala niyo ang lahat ng sinasabi niya. Kaya tandaan niyo simula ngayon na isa siya sa masusunod sa mansyon. Ano man ang gusto niya ay tuparin niyo ng walang pagdadalawang isip, hindi dahil sinabi ko kundi dahil sinabi sa inyo ng magiging asawa ko!" banta niya sa lahat. Imbes na matuwa ako sa aking narinig dahil hindi ako mahihirapan sa mansyon, pero mas lalo akong nakaramdam ng takot. Masyadong mahiwaga para sa akin ang pagkatao ng lalaking ito. Dali-daling tumayo si Mama at tumango ito na parang tanga sa harap ng lalaki. Lalo lamang akong madismaya sa kaniya. Bakit niya ba ito ginagawa para lang sa pera? Wala na ba talaga siyang natitirang dignidad para sa kaniyang sarili? "Mama!" saway ko sa ina pero hindi ito nakikinig sa akin. "Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na magagawa mo 'to dahil sa pera," dismayado kong sabi. "Ano ba talaga ang tingin mo sa akin? Hindi ba ako mahalaga sa iyo? Bakit mo ako tinuturing na parang isang bagay na nabebenta sa palingke?" sunod-sunod na tanong ko pero tahimik lamang siya. Hindi ko maramdaman ang pagiging ina niya. Nakikinig lang ang lalaki sa mga hinanaing ko at pagkatapos ng ilang minuto ay inutos niya sa nanay ko na umalis na hindi na muling tatapak sa mansyon. Tumambol nang malakas ang dibdib ko. Ano na ang gagawin ko? Magkahalong takot at galit ang nararamdaman ko ngayon. Simula ngayon kakalimutan ko na na nanay ko siya. Hinding-hindi ko siya mapaapatawad sa ginawa niya sa akin ngayon. Wala na siyang pag-asa kaya bibitaw na ako sa pagiging mabuting anak sa kaniya. "Ginawa niyo ito para mas lalo akong pahirapan at hindi man lang iniisip na nasasaktan ako. Kapag nagkita tayong muli, asahan mong hindi na kita kilala, Mama. Kakalimutan na kita na para bang namatay ka na. Hinding-hindi ako magmamano sa kamay mo kahit na magkabanggaan pa tayo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD