Chapter 4

2027 Words
Isang katulong ang lumapit sa akin matapos akong iwanan ng lalaking hindi ko kilala. Sino ba siya? Natatakot ako sa mga mata niya. Hindi ko alam kung siya ba ay mapagkakatiwalaan o hindi. "Hindi... hindi! Wala akong dapat na pagkatiwalaan. Kahit ang sarili kong ina ay kaya akong saktan at ipagkanulo!" saway ko sa aking sarili. Pag-alis ng lalaki sa harap namin ay tumahimik kaagad ang buong paligid. "Ma'am, dito po tayo." Tinuro niya ang daan sa akin at nauna na itong naglakad sa akin. Diretso lang ang tingin ng babae gaya ng diretso niyang mga hakbang. Ni hindi ko alam kung totoo ba itong tao o kathang isip ko lamang. Masyado kasi itong perpekto kung gumalaw. Para bang lahat ng kilos niya ay de numero. Patingin-tingin lang ako sa paligid at ang bahay ay makalaglag panga sa ganda. Ngayon lamang ako nakakita ng ganito kagandahang tahanan. Isa itong mansyon at lahat ng mga gamit na nakikita ng aking mga mata ay nagsisigawan sa mga presyo. Kahit magtrabaho ako ng buong taon, hindi akk makakabili ng kahit isang piraso ng mamahaling mga gamit. Hinawakan ko ang malaki at makintab na vase na isa sa umagaw sa aking atensyon. Ang ganda ng desinyo, hindi ko mapigilan ang sariling daanan lang ang ganda nito. Dinampi ko ang aking daliri sa vase at nang haplusin ko ito ay mayroon akong naramdaman sa aking palad, ang pinaghalong makintab at may kagaspangan sa balat ng vase. Hindi ko maipaliwanag pero sobra akong nagagandahan at hindi ko mapigilan ang puriin ang mga ito. Lalo na ang vase na haplos-haplos ko ngayon Dahil sa ganda ng mansyon ay nababawasan ng kaunti ang aking kaba. "Ang ganda…" mahina kong usal. Alam kong mahina lamang iyon at hindi umabot sa pandinig ng babaeng sunusundan ko ngayon. Pero nilingon niya ako sa aking pwesto at tiningnan ako ng seryoso. Parang lahat ng taong nandito ay nakapaseryoso sa buhay. Ni hindi ko pa nahuhuling ngumiti ang mga ito mula nang dumating ako ilang oras na rin ang nakakalipas. Gaya ng amo nila, para din silang walang mga pakiramdam. Dinig ko ang mabigat niyang hininga. "Magiging asawa ka ni Young Master," pahayag nito sa akin na tila pinapaintindi sa akin ang aking kapalaran. "Magiging kabiyak ka niya sa hinaharap ngunit hindi ibig sabihin na lahat ng nandito ay sa iyo na... sa ngayon ay hindi pa sa iyo ang lahat. Ingatan mo ang mga bagay na nakikita mo sa loob ng bahay hangga't hindi pa kayo kasal. Nang sa ganoon ay wala kang magiging problema sa hinaharap. Dahil lahat ng nakikita mo rito ay milyon ang halaga," aniya na para bang iniisip nito na para bang ang tanga ko. "Hindi kita tinatakot, gusto lang kitang balaan. Wala kang dapat na ikabahala dahil si Young Master na ang nagpasya, ngunit huwag kang gagawa ng dahilan para magbago ang desisyon ng Young Master. Hindi mo alam kung ano ang kaya niyang gawin," patuloy nitong sabi. "Pabago-bago rin siya kung magdesisyon," dagdag nitong sabi. Binibigyan niya ako ng babala. Ngunit mas natuon ang isip ko sa sinabi niyang halaga. Ang presyo ng mga gamit ay higit pa sa aking buhay. Hindi na ako magtataka kung bakit niya ako nagawang bilhin. Napalunok ako sa gulat. "Lahat ng ito ay milyon ang halaga?" Mangha kong tanong sa babae. Ngumisi siya sa akin at tumango. Kahit ang ngiti niya ay nakakainsulto rin sa pakiramdam. Mukhang nahawa na ang lahat ng nandito sa ugali ng boss nila. Siguro iniisip nito ngayon na napaka-ignortante kong babae. Mabilis akong lumayo at tinanggal ang kamay ko sa aking hinawakan. Nakakatakot at baka makasira pa ako ng mga kagamitan. Kahit na magtrabaho ako buong buhay ko ay hindi ko kikitain ang ganoon kalaking halaga. Baka madagdagan pa ang utang ko sa lalaking may ari ng mansyon na ito. Kung sakali man baka tuluyan na akong hindi makaalis sa bahay na ito habang buhay. Nagpatuloy ako sa paghakbang dahil nagsimula na ulit sa paglalakad ang babaeng kasama ko ngayon. Para akong nakikipag-usap sa multo. Binilisan ko ang aking paglalakad at sinadyang makipagsabayan sa mabilis niyang mga hakbang. Marami akong gustong itanong sa kaniya. "Ate, alam kong kakaiba ang mga tao rito, lalo na ang Young Master mo," nag-aalangan kong tanong, lalo pa't halatang wala itong gana na makipag-usap sa akin. "Pero siguro naman ay may tinatago rin siyang kabaitan 'no?" Kuryos na tanong ko dahil hindi ko alam kung paano ko ito pakikitunguhan. Paano kapag nakaharap ko siya? Wala man lang akong ideya kung ano ang aking gagawin. Mas mabuti na iyong may alam ako para alam ko kung ano ang aking gagawin. Gusto kong marinig kung ano ang mga ayaw ng Young Master niya ng sa ganoon ay madali kong maiiwasan ko ang galitin ito. Kahit napakagwapo niya, mas nakakatakot pa rin siya. Ibang-iba iyong awra niya sa tuwing tinitingnan ko siya kanina. Parang ang hirap-hirap makipaglabanan nang tingin. Wala naman siyang ginagawa sa akin ngunit kakaiba ang dulot na kilabot niyon sa aking kabuohan. Kahit ang maliliit na mga buhok sa aking batok ay nararamdaman ko ang pag-angat. Sa tuwing nagsasalita ay para bang siya lang ang tanging makapangyarihan sa lahat ng mga tao sa mundo. Inaamin kong wala akong alam tungkol sa kaniya. Ni hindi ko alam kung ano ang pangalan niya. Maliban na lang sa katotohanan na siya na ngayon ang bumili sa akin at ako ay kaniyang pagmamay-ari. Kahit nanay ko ay takot na takot sa kaniya. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng aking ina. Ni hindi ni Mama magawang tingnan ito sa mukha. Kinakabahan tuloy ako dahil ni minsan ay hindi ko nakita si Mama na lumuhod sa harap ng kahit na sino. Gaano man kalaki ang utang niya sa kahit na kanino, hindi ko siya nakitang sobrang balisa. Ni hindi ko ito nakitang natakot kahit ang dami niyang pinagkakautangan at ang iba ay pinagbabantaan pa siya. Kumpara sa mga na unang pinagbentahan ni Mama sa akin. Mas kakaiba ang lalaking ito ngayon. Gwapo siya at mukhang hindi naman niya kailangan ang isang katulad ko para lang magkakaroon siya ng asawa. Kahit libre ay hindi siya mahihirapan na kunin ang gusto niya sa mga babae dahil ito na mismo ang kusang lalapit sa kaniya. Mukhang wala na rin akong pag-asa na makatakas pa sa lugar na ito. Ang dami niyang tauhan na nagbabantay sa buong mansyon. Ang dami ring naka-install na mga camera na sa tingin ko ay hindi na kailangan dahil sa dami niyang tauhang bantay. "Mabait ba siya, strikto, masungit, ayaw ba niya sa maingay?" Sunod-sunod na tanong ko sa babae ngunit hindi ito kumibo. Konting-konti na lang ay iisipin ko ng maldita ito. Bumuntong hininga ako at nagbitaw ng mga salitang hindi ko pala dapat sinabi. "Mukhang masama nga siyang tao," mahina kong sabi at unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa sa mga oras na ito. Ngunit kahit mahina lang ang pagkakasabi ko sa huli kong binigkas. Ang lakas pa rin ng kaniyang pandinig. Para siyang may pusang tenga. "Masama? Ano ba sa iyo ang kahulugan ng masama?" may diin niyang tanong sa akin at hinarap ako na para bang ako ay isang kalaban. Walang emosyon ang kaniyang mga mata habang nakatitig din sa aking mga mata. Pero para niyang hinuhukay ang utak ko ngayon sa tagal niyang makatitig sa akin. Naghihintay ito sa sagot ko. Ngunit hindi ko makapa ang salitang dapat kong isagot sa kaniya. Sa katunayan ay napapaisip din ako kung ano nga ba ang totoong masama para sa akin. Masyadong makahulugan ang tanong niya sa akin. Bente anyos na ako ngunit ngayon lamang may nagtanong sa akin ng ganitong tanong. "Kung masama siyang tao hindi ka na sana niya niligtas pa mula sa nanay mo." Tumawa ito ng pagak bago muling nagpatuloy sa pagsasalita. "Hinayaan ka na lang sana niyang mamatay sa mga lalaking gusto kang angkinin!" walang ganang turan ng babae. "Pero bakit? Sa ano'ng dahilan? Alam kong hindi niya gagawin iyon kung walang kapalit!" reklamo ko dahil iyon naman talaga ang totoo. Dahil hindi ako pinanganak kahapon at alam ko na wala ng libre sa mundo. Parang kutsilyo ang mga mata nitong nakatitig pa rin sa akin. Tinitingnan pa lang ako pero para na akong hiniwa sa mukha. Mayroong pagbabanta at tila sinasabi nitong manahimik na lang ako. "Huwag mong kakalimutan magpasalamat dahil nakatungtong ka sa mansyon na pagmamay-ari niya. Lahat ng inaapakan mo at nakikita mo ay pagmamay-ari niya. Maging ang hangin na nalalanghap mo ngayon ay pagmamay-ari niya! Magpasalamat ka at buhay ka hanggang ngayon at ang higit sa lahat ay gagawin kang asawa.'' Gusto kong maiyak dahil paano ako nakapasok sa ganitong sitwasyon? Paano ako nagawang ibenta ni Mama sa taong alam niyang hindi ako makakawala? Naikuyom ko ang aking mga kamay dahil sa galit. Kinasusuklaman ko ang aking ina. Ano'ng klase siyang nanay kung ang sarili niya lang ang kaniyang iniisip. Wala na siyang ibang inisip kundi ang pera. "Ate, ano'ng gagawin ko?" Naiiyak kong tanong at tumigil ako sa aking paghakbang. "Natatakot ako," tapat kong sabi sa kaniya kahit katulad din siya ng boss niya na parang walang puso. Hindi ko alam kung bakit ko pa sinasabi ito sa kaniya gayon alam ko naman na hindi niya ako matutulungan. Alam ko na nasa amo niya ang kaniyang loyalty at hindi ito tutulong sa akin kahit maglupasay ako sa kakaiyak. Kahit na lumuhod pa ako sa harap niya at magmakaawa. "Ayaw na ayaw ko sa lahat iyong tinatanong ako kung ano ang gagawin ng isang tao laban sa amo ko! Siya ang nagpapasweldo sa akin, nagpapakain sa akin at sa buong pamilya ko. Hindi kita matutulungan kaya halika na, Ma'am." Aya niya sa akin at sinadya pang idiin ang huling salita. Kung gaano katigas magsalita ng amo niya ganoon din siya katigas. Hindi ba ito marunong maawa? Wala ba siyang pakiramdam? Wala na akong magagawa ngayon. Ito na ang aking tadhana at wala akong ibang magagawa kundi yakapin ang katotohanan na hindi na ako makakatakas sa kamalasan dahil sa buhay na binigay ng aking ina. Matapos ang mahabang paglalakad tumigil ang babae nang makarating kami sa tapat ng isang malaking pintoan. Sa lahat ng kwarto, ito ang pinakamalaki sa lahat. Malapad ang pinto. May dalawang bantay sa pintoan na binuksan kaagad ang pinto ng walang pag-aalinlangan. May earbuds ang kanilang mga tenga upang magkaroon ng komunikasyon sa kanilang mga kasamahan. Kahit ang kwarto ay may bantay. Ano'ng klaseng tao ba ang nagmamay-ari ng mansyon na ito? Isa ba itong sindikato at natatakot para sa buhay niya kaya ang dami niyang bantay. Tiyak na sinsiswelduhan niya ito ng mahal. "Dito na ba ang magiging kwarto ko?" Malungkot kong tanong sa babaeng kasama ko ngayon. Naiipon na ang mga tanong ko sa kaniya. Ang dami na niyang utang na sagot sa akin dahil mas pinipili ng babae kung ano lang ang sasagutin niya sa mga tanong ko. Tiningnan lang niya ako at tahimik akong inutusan na pumasok sa loob. Hindi pa man ako nakakapasok, pero alam kong maganda ang loob at malaki ang kwarto. Kaya lang ay hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang matuwa at maging masaya. Maraming beses ko ng hiniling na magkaroon ng komportableng tulugan. Isang kwarto na malaya akong makakagalaw dahil sa laki. Gaya rin ako ng mga normal na tao na nangangarap nang maayos na buhay. Hindi man marangya pero komportable. "Babantayan ba nila ako rito?" Tukoy ko sa mga lalaking nakaitim lahat na para bang miyembro ng mga bampira. Ngumiti ulit ang babae sa akin bilang tugon. Ngunit ang ngiting iyon ay hindi umabot sa kaniyang mga mata. Para nga itong robot kong gumalaw. Kaya hindi ko mapigilan ang sariling magtanong. "Bakit? Bakit may bantay?" nauutal kong tanong. "Dahil iyon ang utos sa kanila," diretsahan nitong sagot sa akin. "Utos?" "Gawin mo kung ano ang gusto mong gawin. Ngunit hindi ka lalabas ng mansyon. Kung ano ang utos ng boss, iyon ang nasusunod. Sa ayaw mo man o sa gusto mo, magbabantay sila rito hangga't sinasabi ng Young Master. Kaya huwag mo siyang gagalitin kung ayaw mong makita ang totoo niyang ugali. Ngayon pa lang sinasabi ko sa iyong hindi mo gugustuhin na makita siyang galit."

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD