bc

He's Claiming my Virginity

book_age18+
405
FOLLOW
1.0K
READ
billionaire
possessive
arrogant
dominant
drama
bold
abuse
punishment
wild
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Gracia had a very bad life because she had a gambler mother. She was repeatedly sold to rich men who were willing to pay her a large sum. Mabuti na lamang dahil bago pa man siya matikman ng mga lalaking may pagnanasa sa kaniya ay nakakatakas na siya.

Paulit-ulit ang naging buhay niya. Binibenta at nakakatakas.

Hanggang kailan kaya mapoprotektahan ni Gracia ang sarili niya kung ang lalaking magmamay-ari sa kanya ngayon ay isang sakim na tao. Isang lalaking walang awa at walang nararamdaman.

Will she fight or surrender?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Magkahalong luha at pawis ngunit walang boses sa kabila ng matinding takot. Ang aking paghingal ang siyang tanging naririnig dahil sa pagod. Nakakapagod na ang walang katapusang pagtakbo at pagtago sa mga tao. Ngayon naman ay halos madapa-dapa ako sa bilis ng paghakbang ng aking mga paa. Bawat apak ko sa malamig na semento ay iniinda ko ang tumutusok sa aking balat na maliit na mga bato. Ngunit hindi ko magawang mapa-ika-ika dahil wala akong panahon para isipin ang pagod kong mga paa. Muli na naman akong hinahabol ng mga lalaking gusto akong hulihin at tanggayin. Habol ko ngayon ang aking hininga ngunit patuloy pa rin ako sa aking paghakbang, papalayo sa mga taong walang mga kaluluwa at konsensiya. Silang muli ang mga tauhan ng matandang lalaki na pinagbentahan sa akin ni Mama. Ang inang hindi ko alam kung saan ko hahanapin ang puso. Ni hindi ko ito mahanapan ng awa kahit pa sa kaniya ako nanggaling. Mula ako sa kaniyang sinampupunan at nananalaytay sa akin ang kaniyang dugo. Ngunit kahit katiting na pag-aalala at pagpapahalaga ay hindi ko makita at maramdaman mula sa kaniya. Maliban sa masakit at kumikirot kong apakan dahil sa kawalan ng suot na proteksyon ay nangangalay na rin ang aking mga binti. Hindi na ako nag-abala pang balikan ang aking sandalyas nang dumulas ito sa aking paa kanina. Nawala na sa isip ko na maaaring magdulot ng matinding sugat ang ginawa kong pagtabok ng nakapaa lang. Wala na akong pakialam sa lahat sapagkat wala ng mas mahalaga at mas importante sa akin sa mga oras na ito kundi ang maligtas ko ang sarili sa kapahamakan. Ang nais ko lang ay makalayo sa kanilang lahat at huwag akong mahuli. Pilit kong kinakalma ang aking sarili kahit na habol ko ang aking hininga. Piping nagdarasal at sinikap na makapagtago sa isang madilim na parte kung saan may maliit na eskinitang hindi naman siguradong ligtas. Masyadong maliit ang pag-asa para makapagtago sa mga humahabol sa akin ngayon, pero wala na akong ibang maisip na pwedeng gawin. Kailangan kong subukan at sumugal. Mas lalo lang nila akong mahuhuli kapag nagpatuloy ako sa pagtakbo. Natitiyak kong maaabutan nila ako. Hindi ko mapigilan ang patuloy sa pagluha. Malapit na akong mawalan ng pag-asa. Sa katunayan at gusto ko na sanang sumuko. Natatakot akong pahirapan nila ako ng husto kapag nahuli nila ako. Paulit-ulit na lang ang mga nangyayari sa buhay ko. Napapagod na akong tumakbo at magtago. Walang tigil sa pagtakbo at tumatakas sa mga taong sakim at baliw. Nakakapagod man pero kailangan ko pa ring magpakatatag. Walang ibang makakatulong sa akin kundi ako lang... tanging sarili ko lang. Hindi ako pwedeng sumuko at lalong hindi ako pwedeng mapagod dahil masisira lang ang buhay ko kapag nagkaroong ng pagkakataon ang mga ito na mahuli ako. Ipinagpapasalamat ko rin sa Diyos dahil maliit akong babae. Kaya nagawa kong makatakas dahil nakapagtago ako sa isang sako na puno ng mga basura. Mabilis kong binuhos sa sahig ang laman ng sako at pumasok ng walang pag-aalinlangan. Wala ng ibang paraan. Hindi na ako nandiri pa para sa aking kaligtasan. "Sir, hindi na po namin naabutan," nauutal at natatakot na wika ng isang lalaki. Rinig ko ang malakas na pagmumura ng lalaking tinawag nitong Sir. Parang walang katapusang pagmumura bago ito muling nag-utos. "Hanapin niyo!" Galit na sigaw ng isang lalaki na sa tingin ko ay kanang kamay ng matandang mayaman na gusto akong angkinin. Ito ang nagbibigay ng mga utos sa mga kasamahan niya at lahat ay sumusunod sa kaniya. Muntik pa akong napalundag dahil sa nakakatakot niyang sigaw. Ang kaniyang boses ay nakakakilabot at para bang pakiramdam ko ay humiwalay mula sa aking katawan ang aking kaluluwa. Sa galit nito, baka nga mapatay ako nito sa bugbog kapag nahuli ako nito. "Pinapahirapan mo talaga kaming babae ka! Kapag nahuli kita, sisiguraduhin ko sa iyong hihingiin ko sa boss ko ang ulo mo pagkatapos ka niyang pagsawaan!" Nanggigigil nitong sabi. Hindi ko man nakikita pero nararamdaman kong gustong-gusto na niya akong sakalin sa leeg hanggang sa malagutan ako ng hininga. "Babalatan kita ng buhay at sisiguraduhin kong iiyak ka sa sakit at magmamakakaawa sa akin kapag iniisa-isa ko ang pagtanggal ang mga kuko mo sa kamay at paa. Hintayin mo lang at mahuhuli rin kitang baliw ka!" muli niyang sigaw sa galit. Lalo akong ninerbyos sa aking mga narinig, para akong estatwa dahil sa biglaang pagtigas ng buo kong katawan. Sinikap kong maigi na huwag gumalaw at kahit ang aking hininga ay pinipigilan ko na rin. Sa mga oras na ito ay para akong nasa ilalim ng tubig, nalulunod at hindi na nakakahinga. Pinikit ko ang aking mga mata at gustuhin ko man na itakip ang mga palad ko sa aking tenga pero hindi ko magawa. Alam ko sa sarili ko na konting galaw ko lang katapusan ko na. Kailangan kong hawakan ang dulo ng sako upang hindi ako malantad. Nakahiga ako ngayon sa mga basurang ibinubos ko at kunwari natumba ang sako upang hindi mahalata na ako ang nasa loob. Nagkunwari akong basura at hindi ko alam kung ito ay epektibo. Ang kaba at takot ay walang mapaglagyan pero wala rin akong ibang mapagpipilian. "Sir, wala po rito," sabi ng isang lalaki na hinihingal na rin kagaya ko. Nakatayo ito malapit sa akin base sa lapit ng kaniyang boses. "Ano pa ang gingawa niyo? Hanapin niyo at huwag kayong babalik ng sasakyan hangga't hindi niyo siya kasama. Hanapin niyo kahit saan at kung kinakailangan na halughugin ang buong lugar, gawin niyo! Bago pa tayo malintikan ni boss!" Matigas nitong utos sa mga kasamahan. Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ng lalaki dahil sa kabiguan. Ilang saglit lang ay nagsimula na rin itong naglakad papalayo. Pinapakirandaman ko ang bawat hakbang nito papalayo at halos tatlongpong minuto yata akong nandoon sa pwesto ko at kinakaya ang masamang amoy ng mga basura para sa aking kaligtasan. Hindi ko na napigilan ang aking sarili na mapahagolhol. Kanina ko pa gustong gawin iyon ngunit hindi ko magawa. Muntik na akong mahuli kanina. Nang lumabas ako sa sako na pinagtataguan ko ay napakadungis ko na. Nabalot ng dumi ang aking damit at maging ang aking buong katawan. Kahit pinagpag ko ang dumi na dumikit sa aking balat. Ayaw pa rin akong lubayan ng mabahong amoy. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ako pwedeng umuwi sa amin dahil gagawin ulit ni Mama ang ginawa niya sa akin ngayon. Ilang beses ko na siyang binigyan ng pagkakataon ngunit wala pa rin siyang pinagbago. Naglakad ako palabas ng maliit na daan at nagpalinga-linga sa buong paligid bago tuluyang lumabas sa eskinitang pinasukan ko ngayon. Wala sa sariling nagtungo sa isang park at naghanap ng aking matutulugan. Pagod na ang katawan ko at inaantok na. Gusto ko nang magpahinga. Ngunit napagtanto kong hindi ako ligtas sa aking pwesto. Nakakabahala ang pakiramdam. Baka pumunta rito ang mga kalalakihan na naghahabol sa akin at tutugisin na naman ako. "Saan ako matutulog?" tanong ko sa aking isipan. Ang haba nang nilakad ko para makarating lang sa park ngunit ngayong nandito na ako ay saka ko pa lang napagtanto na delikado rin pala ako rito. Bagsak ang mga balikat kong humakbang muli papunta sa hindi malamang destinasyon. Ang sakit-sakit na ng mga paa ko pero naglalakad pa rin sa kung saan dalhin ng aking mga paa. Nadaanan ko ang isang mall at bigla akong napaisip na pwede akong makatulog doon. May pwestong nakatago na pwede kong tulugan at mukhang hindi rin naman iisipin ng mga ito na nandito ako. Kapag nahuli ako ng guard tiyak na palalayasin din ako. Kaya pansamatala muna akong nagtago sa ilalim ng halaman na alaga sa pagti-trim. Huminga ako ng malalim at tiningnan ang buong paligid. Kailangan kong mag-ingat sa lahat nang galaw ko dahil isang pagkakamali ko lang ay tapos na ako. Dahan-dahan akong umupo sa ilalim ng halaman at sandaling hinilot ang aking mga binti. Hindi na rin ako nag-abala sa paghahanap ng karton upang gawin kong banig. Inaantok na ako at gusto ko ng magpahinga. Hanggang sa tuluyan na nga akong nakatulog na nakaupo. Nagising ako ng madaling araw. Pero hindi kaagad ako tumayo dahil sa bigat ng aking pakiramdam. Pagtapos ng ilang minuto ay nakaramdam na ako ng gutom. Hindi pa ako kumakain simula pa kahapon. Kaya lumabas na ako sa aking pinagtataguan at maghahanap na lang muna ako ng trabaho. Kahit ano'ng trabaho ay papatusin ko. Kahit barya pa ang kikitain kaysa naman sa wala. Mahina ang aking mga lakad nang may maramdaman akong nakahawak sa akin. Nagulat ako. "Bitawan mo ako!" sabi ko habang natatarantang hinila ang aking kamay. Nasasaktan ako sa mahigpit na kapit nito sa akin kaya patuloy ako sa pagpoprotesta. "Ano ba? Bitawan mo a—" Nanlaki ang aking mga mata. Bigla akong nabitin sa ang aking pagsasalita dahil napagtanto ko kung sino ang taong nasa harapan ko na desperadang hulihin ako. Mahigpit ang kapit niya sa aking pulsuhan at nahihirapan akong makawala. Ang akala ko ay isa na naman ito sa mga lalaking pinagtataguan ko. Pero nagkamali ako ng inaakala dahil hindi pala. Walang iba kundi ang aking ina. Ang inang nagbigay sa akin ng pasakit at ang nag-iisang ina sa mundo na kayang ipagpalit ang anak sa pera. Ang aking ina na walang ibang ginawa kundi ang saktan ang aking kalooban. Sa mga oras na 'to ay panandalian akong natulala. Pakiramdam ko ay saglit akong tinakasan ng aking kaluluwa. Galit ang nakikita ko sa kaniyang mga mata kaya dumoble ang takot na aking nararamdaman. Sapagkat kilala ko si Mama, alam ko kung ano ang kaya niyang gawin sa akin. Kaya niya akong saktan ng walang alinlangan at ipahiya ng hindi iniisip ang nararamdaman ko. Minsan gusto ko nang isipin na baka hindi niya ako tunay na anak. Na baka ampon lang ako at dahil si Papa lang talaga ang totoong nagmamalasakit sa akin. Ang dami-dami kong mga katanungan na hindi pa nito nasasagot. Bakit niya ito nagagawa sa akin? Siguro dahil hindi naman siya ang nagpalaki sa akin kaya wala siyang nararamdaman na pagmamahal sa akin. "Nakita rin kita sa wakas, masyado mo talaga akong pinapahirapang babae ka!" sabi niya habang nakangiti at tila tuwang-tuwa ito dahil nahuli na naman ako. "Ano'ng balak mo sa buhay, ang tumakbo na lang nang tumakbo? Hindi mo ba naisip na baka ako ang patayin ng mga lalaking tinatakasan mo. Tinutugis nila ako dahil sa iyo, Gracia. Pasalamat ka at may nagbayad ng lahat ng mga atraso ko! Dahil kung wala, isasama kita sa hukay ko," dagdag niyang sabi na mas lalong nagpatindig ng aking mga balahibo. Ang kaniyang mga ngiti ay nakakakilabot at habang tinititigan ko siya ay para siyang demonyo na itinakwil sa impyerno. Kahit si Satanas ay kakabahan sa kaniya at baka maagawan niya ito ng trono. Dahil walang ina na kayang ipahamak ang anak nila, bukod tanging si Mama lang. Kinilabutan ako ng husto at kahit ang kaliit-liitang mga buhok sa aking batok ay nararamdaman ko ang pagtayo. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Giniginaw ako dahil sa labis na kaba. "Ma, pakiusap bitawan niyo po ako. Nagmamakaawa ako sa inyo," I said pleadingly. Mabilis na humapdi ang aking nga mata dahil sa nagbabadyang mga luha. Bilang anak, alam kong may karapatan sa akin ang nanay ko. Pero hindi ang karapatan na paulit-ulit akong saktan at ibenta sa mayayamang mga tao kapalit ng malaking halaga. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nanay ko. Noon pa man ay mukha na talaga siyang pera. Ngayon ay hawak niya ng mahigpit ang braso na tila ba takot na takot itong dumulas ang kamay ko sa kaniya. Kung pwede lang siguro ako nitong sakalin para hindi ako makawala sa kaniya, tiyak na gagawin niya. Pero gusto niya akong mabuhay dahil ako lang naman ang ginawa niyang negusyo para sa mga bisyo niya. Tiyak na magkakapasa na naman ako sa ginawa niya sa akin ngayon. Gusto kong pagalitan ang aking sarili dahil sa kawalan ng pag-iingat. Kung sana napansin ko lang ito, hindi sanan niya ako mahuhuli. But I didn't even realize that she was already close to me. Kung dati ay para akong mababaliw sa kakahanap kay Mama. Ngayon naman ay para akong mababaliw kung saan ko siya pagtataguan. Sinusubukan kong tanggalin ang kamay niyang nakahawak sa akin pero lagi akong bigo. Hindi pa masyadong matanda si Mama kaya may sapat na lakas pa siya para pigilan ako sa balak kong pagtakbo. I'd been hiding her for two days. Natakot ako dahil narinig ko siya na balak na naman niya akong ibenta sa matandang mayaman matapos niya ulit akong mahuli. Mukhang alam na niya ang gagawin kong pagtakas sa inutangan niya. Alam niyang tatakas na naman ako kaya hinintay niya ako sa labas ng hotel kasama ang asawa niya. Sa tuwing inaalala ko ang mukha ng matandang huling bumili sa akin ay nandidiri ako ng husto. Noon pa man ay gustong-gusto na akong tikman ng matanda. Sa tuwing tinitingnan ako ng matanda na may pagnanasa sa aking katawan, natatakot ako at mas gugustuhin ko na lang na mawalan ng ina kaysa magkaroon ako ng inang walang awa. Pero mautak si Mama. Alam niyang presko ako at birhin. Kaya nagpapresyo siya ng malaking halaga. She has done this to me several times dahil sa adiksyon niya sa pagsusugal. Parang wala na yata siyang pag-asa na magbabago pa. Matagal kong hinintay ang pagkakataon na magbabago siya. Pero dumating na ito sa punto na hindi na niya kayang kontrolin ang kaniyang sarili. "Ma, tumigil ka na. Hayaan mo na ako!" Singhal ko sa kaniya. Pagod na akong magmakaawa sa kaniya. Hindi ko na kayang tiisin lahat. "Ano'ng sabi mo?" tanong niya sa akin at parang hindi makapaniwala dahil sa pagtaas ng aking boses. "Ano'ng sabi mo?" Bulyaw niya rin sa akin at tinampal-tampal pa ang aking pisngi. "Ayaw ko... ayaw ko sa mga pinagagawa mo sa akin. Hindi ako prostitute!" "Wala akong pakialam. Kung gusto mong makatulong sa problema ko tumahimik ka na lang at sundin ang lahat ng gusto ko!" "Wala kang awa," nanginginig ang boses ko habang nagsasalita. "Napakamalas kong anak dahil nagkaroon ako ng ina na kagaya mo. Inang walang pakialam sa nararamdaman ko," may diin kong sabi. Nagmula si Mama sa mayamang pamilya kaya hindi natanggap ng pamilya niya si Papa. Pinaghiwalay silang dawala dahil ayaw ng Lolo ko ang kaawa-awa kong tatay. Kaya nasanay siyang may perang laging nadudukot. At ngayong naubos na lahat, wala na itong sinasanto. Kahit ako na sarili niyang anak ay kayang-kaya niyang ibenta ng hindi nag-iisip na baka ito ang ikasira ng buhay ko. Mabuti na lamang dahil nakakatakas ako, may awa pa rin ang Diyos sa akin at hindi ako pinapabayaan. Ngunit tila ito na ang huli. "How dare you tell me what to do?! Baka nakakalimutan mong ako pa rin ang Nanay mo! Kaya umayos ka, Gracia! Dahil kung hindi dahil sa akin, wala ka sa mundong ito! Hindi mo masisilayan ang lahat nang nakikita mo!" Galit niyang sigaw habang hawak ako sa aking braso at mas pahigpit nang pahigpit ang kapit niya sa akin. Kung hindi lang niya siguro ako anak. Baka matagal na niya akong pinatay dahil sa galit niya sa akin. "Sana nga po... sana ay hindi niyo na lang po ako pinanganak!" Gusto kong magalit sa kaniya. Gusto ko siyang sisihin kung bakit nagkandaletse-letse ang buhay ko. Dahil simula sa araw na nagkakilala kami, hindi ko naramdaman sa kaniya na nanay ko siya. She was never a mother to me. Hindi ko maramdaman dahil hindi niya ako tinuring na anak. Mag ganoon pa lang klaseng ina. May ina pa lang hindi mapagkakatiwalaan. Lagi niya lang akong sinasabihan, pinapagalitan at pinapaalala sa akin palagi na malaki ang utang na loob ko sa kaniya, kaya dapat kong tanawin. Ni sa aking panaginip, hindi ko lubos maisip na may isang ina na kayang ipain ang anak sa kapahamakan. Napapagod na akong makipagtalo sa nanay ko dahil paulit-ulit na lang kaming nagbabangayan. Nawalan na rin kasi ako ng respeto sa kaniya kaya ko siya nasasagot. Pero sa huli ay ako pa rin ang laging natatalo. All I can do is beg her for my freedom. Sa tuwing pinaglalaban ko ang kalayaan na hinihingi ko sa kaniya. Mas lalo lang siyang lumalala at mas nagiging malupit sa akin. I begged her in tears and tried to convince her to let me go. Napakahigpit ng pagkakahawak niya at hindi ko makita ang awa sa mga mata niya. The way she treats me, para bang hindi niya ako anak. Kung pwede lang sana akong mamili ng ina, ginawa ko na. Kung bibinigyan lang sana ako ng pagkakataon ng Diyos. Hinding-hindi ko siya pipiliin na maging ina ko. Kinain na yata ako ng matinding pagkasuklam sa sarili kong ina dahil hindi naman niya ako tinuring na anak. Kung may kakayanan lang sana akong mabago ang aking kapalaran. Mas gusto kong maging makasarili dahil hindi ko deserve ang mga kagaya niyang walang awa sa kapwa. Mas gugustuhin kong mamatay kaysa magdusa sa kaniyang mga kamay "Whether you like it or not, you will come with me before I drag you here!" banta niya sa akin. "Hindi! Hindi ako sasama sa iyo, Ma!" sagot ko habang iniiling ang aking ulo. Alam kong mahirap siyang pakiusapan pero ginawa ko pa rin habang ang mga luha sa aking mga mata ay parang gripo sa lakas nang pagdaloy. Kahit alam kong hindi siya madadala sa iyak ko, pero sinubukan ko pa ring magmakaawa. Para bang hindi niya ako anak at wala siyang iniisip kundi ang kaligayahan niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.4K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
184.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.5K
bc

His Obsession

read
92.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook