"Nababaliw ka na, Ma. Wala kang kwentang ina. Bakit ba kasi hinayaan ko pang patawarin ka sa kabila ng pang-iiwan mo sa amin ni Papa?" Walang tigil na sumbat ko habang umiiyak sa harap ni Mama. "Ano'ng klaseng ina ka?!" Patuloy kong sumbat.
Sa totoo lang ay nagsasayang lang ako ng laway. Kahit ano naman ang sabihin ko ay wala siyang pakialam. Dinaig niya pa ang isang bingi at bulag.
Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na siyang sinumbatan at pinahiya sa mga pinagagawa niya sa akin pero hindi pa rin siya natatauhan.
Alam kong marami siyang mga pinagdadaanan pero sapat ba na dahilan iyon para manira siya ng buhay ng may buhay?
Marahil ang kamatayan lamang ang magpapatigil sa mga walang kahiyaan niyang mga ginagawa.
Pero kahit masama siya, nanay ko pa rin siya. Mahal ko siya.
"Boba! Kinukwentiyon mo ako sa pagiging ina ko?" Binatukan niya ako sa aking ulo at mas lalo lang nanggigigil sa akin. Kung wala lang sana akong pakinabang sa kaniya ay bala binawian na niya ako ng buhay. "Gaga ka ba talaga o nagpapakatanga lang?!" Malakas na bulyaw niya sa akin. "Huwag mo ngang ipikit iyang mga mata mo. Tingnan mo ang mundo, Gracia! Hindi ka mabubuhay sa paninindigan mo. Wala ka talagang utak! Huwag mong ginagamit iyan palagi!" Turo niya sa aking puso. Napapaatras ako sa pagduduro niya sa aking dibdib. "Hindi ka mapapasaya kong iyan lang ang lagi mong iisipin, Gracia. Mag-isip ka ng mabuti at huwag kang tatanga-tanga!"
"M-mama... please ayaw ko."
"Stupida! I know you are not happy with this but this is the reality, Gracia. You might have help me because you know I am in trouble. I have to repaid everything to get my freedom!"
Hindi ako makapaniwala sa aking mga narinig. Tinitigan ko si Mama sa kaniyang mukha at matagal bago ako nakakibo.
"Baliw, walang hiya, stupida! Call me whatever you want to call me, Ma. Pero paano naman ako? Paano iyong kalayaan ko? Naisip mo ba ang magiging buhay ko. Hindi 'di ba? Kaya bakit ko naman hahayaan ang sarili kong maging kapalit sa lahat ng mga utang mo? Wala akong kasalanan at hindi ko responsibilidad kung ano man ang nangyayari sa iyo, ngayon. Kaya hindi ako susunod sa mga gusto mo. Alam ko naman na ipapahamak mo lang ako," umiiyak kong tugon at patuloy pa rin sa pagrereklamo kahit alam kong sakit lang sa katawan ang aabutin ko sa kaniya kapag hindi ko siya sinunod.
Nakitaan ko rin ng gulat ang kaniyang mukha dahil sa ginawa kong pagsagot-sagot ko sa kaniya.
Halatang hindi niya inaasahan ang ginawa ko. Kaya sinagot naman niya ako nang malakas na sampal.
Hindi na niya natagalan ang katigasan ng ulo ko.
My tears flowed very fast. Parang kotse na walang preno at ayaw nang tumigil pa.
Inipit niya ang bilog kong mukha habang ang isa nitong kamay ay hawak pa rin ang pulsuhan ko.
"Ang tigas talaga ng ulo mo! Kaya lagi kang nasasaktan! Kasalanan mo rin kaya ka nasasaktan ! Kasalanan mo 'to lahat, Gracia. Kasalanan mo kung bakit palagi kitang nasasaktan ng pisikal! Ayaw ko sanang pinagbubuhatan ka ng kamay pero lagi mo naman akong sinusuway. Kaya sumama ka sa akin ngayon sa loob bago pa kita ipahiya rito!" Singhal niya sa akin at ako ang kaniyang sinisisi sa lahat. Binantaan din na ipapahiya sa mga tao.
"A-ayaw ko," nauutal kong sabi habang umiiling. "Ma, p-please... h-huwag mo itong gawin sa akin. Anak niyo po ako, parang awa niyo na Mama," nagmamakaawa kong wika.
"Gusto mo ba talaga akong makulong?! Ano'ng klaseng anak ka para hayaan akong mabulok sa kulungan?" galit niyang tanong sa akin.
May diin na wika niya at sadyang idiniin ang kuko sa kamay para saktan ako.
Alam ko ang tinutukoy niya. Alam kong ipapakulong siya sa mga taong nautangan niya.
I groaned in pain because my whole body was covered in bruises because of her torturing me.
Napaungol ako sa sakit dahil natatakpan ng mga pasa ang buong katawan ko dahil sa pagpapahirap niya sa akin
Hindi pa kasama ang mga pasa na nakukuha ko sa mga lalaking ibinebentahan niya sa akin sa tuwing tumatakas ako.
Sobrang sakit ang nararamdaman ko ngayon at nagsisisi ako dahil hinanap ko pa siya sa kabila nang pag-iwan niya sa amin ni Papa ar noong baby pa ako.
Si Papa lang ang nagpalaki sa akin mula ng magkaroon ako ng kuwang sa mundo.
At wala man lang akong narinig mula sa bibig niya kahit konti kung gaano kasama ang aking ina.
Bago siya mawala ay wala man lang siyang sinabi sa akin kung bakit kami iniwan ng nanay ko. Kung alam ko lang na halang ang kaluluwa ng nanay ko, hindi ko na sana ito hinanap pa.
Akala ko noon ay mabuting ina siya at nagtatrabaho lang sa ibang bansa para may maipadala sa aming pera.
Pero nagsisinungaling lang pala si Papa at hindi ko alam kung ano ang dahilan niya kun bakit niya pinagtatakpan ang kasamaan ni Mama?
Maybe it's because he doesn't want to hurt me.
"Bakit pa ba kita hinanap? Sana pala hindi na lang kita hinanap... pinagsisihan ko na hinanap pa kita, Ma." I cried and could hardly speak because of the pain in my chest. Hirap na hirap na akong makahinga.
"How dare you! Sana nga hindi ka na lang nagpakita sa akin dahil binigyan mo lang ako ng sakit ng ulo. Hindi mo alam kung paano sundin ang mga utos ko!" inis niyang wika habang pinipiga ang aking mukha.
Nalalasahan ko na ang sariling dugo na nagmula sa aking bibig. Masyadong madiin ang pagpisil ni Mama sa mukha ko.
"You just brought me bad luck!" patuloy niyang sabi.
Kinaladkad ako ni mama at wala na akong nagawa nung dinala niya ako sa isang mansyon.
She forced me to get in the car earlier and I didn't get a chance to run.
Hawak-hawak niya ngayon ang buhok ko at hindi ko magawang alisin ang kamay niya dahil pinaikot niya ito sa buhok ko.
Hindi ko kayang manlaban dahil sa bawat galaw ko lang ng konti ay mas lalo niya akong sinasabunutan.
Sumasakit ang ulo ko at parang matatanggal na ang anit ko. Ang bawat hila ay napakalakas. Kasing tigas ng bato ang puso niya at hindi ko alam kung ano ba ang nagawa kong mali para tratuhin niya ako ng ganito.
"Ma, ayaw ko po... ayaw ko po talaga," nanginginig kong sabi. "Ayaw ko rito, parang awa mo na, Mama," nagmamakaawa kong sabi. Namamaos na rin ang boses ko sa pagmamakaawa pero hindi siya nakikinig sa akin. Paulit-ulit lang ako sa pagsusumamo pero tila siya ay isang bingi.
Maganda ang mansyon na nakikita ng dalawa kong mga mata, ngunit pinangungunahan na ako ng matinding takot.
Wala na talagang ibang mahalaga sa kaniya kundi ang pera.
Kung gaano ako kaswerte sa tatay ko ay siya namang kabaliktaran ng makilala ko ang aking ina.
Wala akong naaalalang magandang nangyari sa buhay ko simula ng magsama kami.
Ginawa niya akong negusyo at mukhang hindi ito nagsisisi ng kahit na konti sa mga ginawa niya. Patuloy lamang siya sa ginagawa niya, pinagkikitaan niya ako na para akong isang pokpok.
Buti na lang dahil hindi niya ako pinipilit na bumalik sa pinagbebentahan niya sa akin kapag nakalayo at nakataaks ako sa mga ito.
Lagi niyang sinasabi at dinadahilan sa mga pinagkakautangan niya na hindi na niya problema kung nakatakas ako.
Sapagkat binigay niya ako sa kamay nila nang maayos, kaya wala siyang pakialam kung nakatakas ako.
At kung nakatakas man ako, kasalanan na nila iyon.
"Huwag kang maarte, Gracia! Mayaman at binata pa ang lalaking bumili sa 'yo ngayon. Mabibigyan ka niya ng magandang buhay kaya huwag ka nang umangal. At huwag na huwag kang magkakamali na ipahiya ako sa kaniya dahil hindi mo pa siya kilala. Hindi mo kayang abutin kung gaano siya kalupit. Kaya huwag mo nang subukang tumakas dahil ibabalik at ibabalik kita rito kapag nahanap kita. Gustuhin mo man o hindi, sundin mo ako at gawin mo ang sinasabi ko sa iyo kung gusto mo pang mabuhay! Kaya itigil mo na 'yang kalokohan mo at punasan mo 'yang luha mo!" Utos niya sa akin pero hindi ako nakinig. Ang gusto ko lang naman ay makatakas dito, pero mukhang imposible na.
"Ma..." Umiling ulit ako tanda ng pagtutol. Muli na namang nagatungan ang galit niya sa akin. Nilakihan niya ako ng kaniyang mga mata at walang alinlangan na tinapik-tapik ang aking pisngi ng dalawang beses.
Masakit at mahapdi sa balat ang kaniyang ginawang parusa. Pero wala ng mas masakit pa sa pusong nadurog dahil sa kagagawan ng isang ina.
Sa paraan ng mga titig niya sa akin ngayon, para bang ako pa itong pinapalabas niya na wala ako sa sarili ko ngayon.
Bumuntong hininga siya at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Ang mga mata ay nagbabanta.
"Makinig ka sa akin, Gracia, ito na ang pagkakataon mong yumaman dahil kung magugustuhan ka niya, gagawin ka niyang asawa. At hindi ka na lugi dahil napakagwapo ng binatang nakabili sa 'yo. Yayaman din tayo at darating ang panahon na pasasalamatan mo rin ako dahil sa ginawa ko sa 'yo. Kaya maging mabait ka sa kanya kung ayaw mong matapos dito ang buhay mo!" Babala niya sa akin dahilan kung kaya't mas lalo akong kinilabutan dahil parang may kakaiba akong nararamdaman. Parang ito na nga ang magiging katapusan ng buhay ko.
I was horrified because something seemed strange.
"Ma, bakit? Why are you doing this to me?" I asked her whimpering and catching my breath.
"Don't be stupid! Do you really think I have any other reason? Wala ka talagang kasing tanga! Nagmana ka talaga sa tatay mong tanga at walang silbi!" galit niyang sabi at muli na naman niyang dinamay sa usapan ang kawawa kong ama.
Matagal ng patay si Papa pero hanggang ngayon ay pinagsasabihan niya pa rin ito ng masama.
Para sa akin, si Papa ang pinakamabait na tao na nakilala ko sa buong buhay ko.
Hindi man lang siya nahihiya. Wala siya noong mga panahon na kailangan ko ng ina na kakalinga sa akin.
Si Papa ang naging nanay at tatay ko, pero iniinsulto pa rin niya ito sa harapan ko.
Nanginginig kong tinakpan ang mga tenga ko dahil hindi ko kayang marinig ang masasakit na salita niya laban kay Papa.
"Don't ever try to escape, kung ayaw mong maging baldado! Ngayong sinabihan na kita, huwag mo akong sisisihin na hindi kita binantaan. Kaya huwag na huwag kong maririnig na magrereklamo ka na wala akong awa dahil binalaan na kita." Banta sa akin ni Mama.
Ganoon na ba ang awa para sa kaniya?
Gusto kong mabuhay ng malaya pero hindi ko magawa. Naiinggit tuloy ako sa mga ibon. Malaya silang lumilipad sa himpapawid.
Simula ng magsama kami ni Mama sa iisang bubong, nakalimutan ko na ang pakiramdam ng maging normal na dalaga.
Kung kani-kanino niya na lang ako naiisipan na ibenta.
Gusto kong magkaroon ako ng boyfriend o asawa sa takdang panahon. Pero gusto ko iyong ako ang mamimili. Iyong mahal ko at mamahalin din ako. Iyong asawa na maasahan ko sa kahit na ano'ng pagsubok na dumating sa aming buhay.
Iniisip ko pa lang na may gagawing masama sa akin ang mga lalaking hindi ko kilala ay para na akong mahihimatay sa takot.
Hindi ako iyong klase ng babae na papayag na lang sa gusto nila dahil sa pera. Kahit sino man ang mag-alok sa akin ng milyon-milyong halaga, hindi ko papatusin.
Nandidiri ako sa kanilang lahat. Hindi ko kailangan ng marangyang buhay kapalit ang aking p********e.
Sarili ko na lang ang meron ako. Kung alam ko lang na magiging kapahamakan ko ang kagandahan kong taglay, sana pala ay hindi na lang ako biniyayaan ng ganitong mukha.
Ang mukhang ito ang palaging nagpapahamak sa akin dahil maraming naakot sa taglay kong ganda kahit na wala naman akong ginagawa.
Para silang mga aso na gusto akong kainin ng buo habang naglalaway.
"Gusto ko lang naman magkaroon ng normal na buhay. Hindi iyong ganito, palaging tumatakbo at nagtatago. Bigyan mo ako ng pagkakataon na mabuhay para sa sarili ko, Mama."
"Huli na, Gracia."