#TPSKKabanata5
Bestfriend
OCTAVIA ‘V’
“So, you need some money for your flight ticket and pocket allowance?”
Tumango ako at tinanggap ang tubig na inaalok niya sa akin. Inisang tungga ko lang ‘yon dahil nanuyo ang lalamunan ko sa kadramahan ko kanina. Amoy na amoy ko ang humahalimuyak na bango niya dahil bagong ligo siya. Nandito kami sa rooftop dahil dito niya ako inaya.
Mabuti na lang at nag-text ang daddy ko na mahuhuli siya ng sundo sa akin dahil hindi pa tapos ang meeting niya. Tiningala ko ang langit at walang pakialam kung madumihan na humilata sa semento at iniunan iyong backpack ko.
Napahikab ako, sumobra ako sa arte kanina at masyadong natotoo ang pag-iyak ko, tuloy eto inaantok ako.
“Hey, you’re wearing skirt–”
“May cycling ako,” agap ko sa sasabihin niya.
Pumalatak siya at binato ng jersey na jacket niya ang hita ko. “Ang init–”
“Iiwanan kita dito at mawawalan ka ng chance na magkapera–”
“Sabi ko nga, ang gentleman mo, thanks much.”
Inayos ko iyong jacket niya at tiningala ang langit. Pababa na ang araw at nakaramdam ako ng lungkot dahil sa mga oras na to’y nakatambay na kami sa bubong nila Gio at nagja-jamming. Kapag bumaba na ang araw, magmamadali ako pauwi ng bahay para ipaghanda si Nanay ng hapunan.
“Hey, you okay?”
Bumuntonghininga ako at nilingon siya. “Kapag ba sinabi kong hindi, papayag ka na sa sinasabi ko?”
Napailing-iling siya. “You’re a manipulator, you witch.”
“Maka-mangkukulam naman to. Saka, grabe naman sa pagiging manipulator ah.”
“Hindi ba?”
Napanguso ako. “Hindi,” labas sa ilong kong tanggi kahit totoo naman base sa pinagsasabi at pinaggagawa ko.
Mahina siyang tumawa. “Why don’t you just ask your father for an extra allowance–”
“Mautak ‘yon, doon ako nagmana sa pagiging mautak niya. Baka tumawag pa ‘yon dito sa school.”
“How about your brothers? Ikaw pala ang kapatid na babae nila Oliver, na-mention ka na nga nila, small world right?”
“Isa pa ‘yon, asa na pahiramin at bigyan ako ng mga ‘yon.”
“Then…your stepmom?” dahan-dahan niyang tanong at tila nag-aalangan pang sabihin iyon.
Naiirita ko naman siyang tiningala. “Seryoso ka ba? Gets mo ba iyong kwento ko kanina? Anak ako sa labas ng tatay ko, iyong nanay ko kabitchina niya ‘yon noong on the rocks sila ng relationship ng stepmom ko. Tingin mo saang kapal ko ng mukha huhugutin ang manghingi ng pera para gamitin sa pagpunta sa babaeng naging kabet ng asawa niya?”
Napangiwi siya. “I’m sorry, I didn’t mean–”
“Sige na, tama ka na. Huwag mo na nga pansinin mga sinabi ko. Aalis na ako,“ bumangon ako at isusukbit na sana ang bag ko sa balikat ng magsalita siya.
“Sandali lang, oh, dito ka muna,” Parang bata na sinuhulan ako ng chips na siyempre hindi ko tatanggihan. Hindi ko alam kung saan nanggaling pero ayon iyong nilibre sa akin ni Portia.
Agad ko namang binuksan ‘yon at nginuya. Tangkang kukuha siya ng iiwas ko kaya napailing siya pero nangingisi na ibinalik ko rin sa kanya.
“Sikat ako dito,” saad niya na ikinangiwi ko.
“Kasi babaero ka?”
“I’m not babaero. Girls just like me.”
“Oh tapos?”
“Maraming nagkakagusto sa akin,” pag-uulit niya na tinagalog lang.
“Hindi na pala mainit, ang hangin na,” bulong ko.
“If we’re going to be in a relationship, girls would hate you, they might bully you. Pwede ding ipatawag ang parents mo since I’m a grade 12 already and they’re kinda strict–”
“Hard pass na pala. Joke lang iyong sinabi ko kanina,” kinikilabutan kong agap sa kanya. Ang maisip pa lang na araw-araw akong mabwibwisit sa mga fangirls niya at ang malala’y baka mapatawag pa ang ama ko.
Hindi na lang talaga.
Kapag nakarating pa ‘to kay mamita, baka kung ano na namang pangungutya ang matatanggap ko ro’n. Hindi lang ako ang titirahin no’n ng mga sasabihin niya pati na rin ang Nanay ko.
“Eh paano ka makakapunta sa inyo para ma-visit ang mommy mo?”
“Baka maghanap na lang ako ng part time–”
“--You’re still a minor.”
“Pwede ko namang dayain ‘yon.”
“Sa height mong ‘yan?”
Sinamaan ko siya ng tingin. “Ah basta, ayoko pa lang mabulabog kapag naging jowa ka, saka baka makahalata lang din mga kaibigan mo. Masayang lang.”
“How about you do some work for me?”
“Work for you? Ano namang trabaho ‘yan?”
“Are you physically fit?”
Kumunot ang noo ko sa paraan ng pagtingin niya sa katawan ko. Pinagkrus ko tuloy ang braso ko sa dibdib ko. “Hoy! Sa ‘yo na nanggaling, minor pa ako! Saka hindi ako pang-vivamax ah.”
“The f*ck? What vivamax are you talking about?”
“Kunwari ka pang walang alam, odi sige hindi ako pang-p*rnh*b–”
“F*ck! Stop it, you woman. Paano mo nalalaman ang mga ‘yan?”
“Hello, dalawang lalaki ang mga kapatid ko. Idagdag mo pa mga tropa ko sa CDO.”
“You have guy friends in your province?”
Tumango ako. “Oo, sila Gio, Matmat, Bonak, saka si Bunjoy.”
“N-nice…names,” aniyang halatang nagpipigil ng tawa.
“Itawa mo na, baka maiutot mo pa ‘yan.”
Natawa siya pero nagseryoso rin agad. “Anyway, about the work that I was talking about. I want you to join the girls basketball team, if you’ll get accepted, I’ll book us a flight to Cagayan.”
Kumunot ang noo ko. “Basketball? Okay…pero us? At bakit ka kasama?”
“I want to go there. Tour me?”
“Binigyan mo pa ako ng trabaho–”
“Work is what I’m offering to you, Octavia. Take it or leave it.”
“Siyempre…take it. Pero anong meron sa basketball? Ba’t ko kailangang pumasok doon?” kuryoso kong tanong. Parang napaka-random lang kasi.
Ngumisi siya. “Basta. Do you want me to teach you some basic basketball?”
“Hindi na, kaya ko na ‘yon.”
“Owww, you’re playing one? So, I’ll expect a positive outcome then.”
Kinabukasan…nalaman ko na rin ang dahilan kung bakit niya ako pinapasali sa basketball team.
Keyword.
Babaero talaga.
“Oh my, thank you so much, Dos. Sabi na nga ba at maaasahan kang tunay. Ang hirap-hirap pa namang maghanap ng player, and you did it for our team.”
“No problem, coach. Magaling po ‘tong bestfriend ko,” pag-akbay pa sa akin ng mokong na sinubukan kong sikuhin pero tumatawang umiwas lang pero hindi pa rin inilagay ang braso sa balikat ko.
Ang bigat kaya!
“Since, recommended ka nitong si Dos, mataas ang expectation ko sa ‘yo Miss Zapana.”
Nginitian ako ng coach na nagmamalaki ang dibdib at matangkad idagdag pang maganda.
Ngiting hilaw na lang ang naisukli ko Nilingon ko si Deuce na ngiting-ngiti na animo nanalo ng lotto sa harap ng coach.
Walangyang lalaki ‘to, pati mas matanda sa kanya, mukhang trip din.
Saka best friend?
Kailan ko pa siya naging best friend?
Ayoko nga siyang maging friend eh! Wala na lang talaga akong choice kung hindi gawin ‘to.
“Bakit hindi mo sinabi na hindi ka lang pala marunong maglaro? You’re the best!” ani Dos na animo manghang-mangha matapos ang practice game na sinalihan ko para sa try-out.
Imbes na sagutin siya’y hinablot ko ang hawak niyang bottled water at tinungga iyon. Init na init ako kaya ang natitira ay ibinuhos ko pa sa ulo ko at nagpunas ng towel.
Dahil may suot naman akong sleeveless sando sa loob ng jersey ay walang kiyeme kong hinubad ‘yon.
“Woah!”
Dinig kong hiyawan noong mga kalalakihan na estudyanteng napansin kong nakinood sa amin.
“What the hell, Octavia Blaire!”
“Ow?” yamot kong lingon kay Dos.
Naiirita ako dahil habang busy ako sa pakikipaghabulan sa bola, abalang-abala naman ang mokong sa pakikipaglandian sa bola ni Coach. Iyong nasa dibdib ah.
“Why are you taking your clothes off here? Meron namang shower area. Cover yourself!” inis niyang saad at binato ako ng towel. Isinukbit ko lang ‘yon sa balikat ko, naiinitan at walang balak siyang sundin.
Walang namang problema sa ayos ko. Sila lang ang nagbibigay ng malisya.
“Si OA ka, may sleeveless ako oh. Hindi ako nakahubad–”
“Kahit na, ang dami-daming lalaki–”
“Welcome to Blue Tiger, V. You’re a good player, pwede na kitang agad isabak sa first five.”
“Thanks, Coach,” tipid kong sagot at nginitian si Coach.
Nakangiti niya namang binalingan si Dos na mukhang gustong sumimangot pero kailangan nakangiti. Basta, sure akong walang kahit sinong magaling na pintor ang makakapagpinta sa mukha niya.
“And as promised since nakapagdala ka ng player na kailangan namin, here it is, Dos,” pag-abot ni Coach ng maliit na papel kay Deuce ay tuluyan nang napangiti ng totoo ang huli.
So, ito ‘yon? Hindi dahil type niya si Coach? May hinihingi siya kay Coach?
“Thanks, Coach.”
“Practice tayo tomorrow, Octavia–”
“V na lang po.”
“Okay, practice tayo tomorrow, V. See you.”
Tumango ako at nang tumalikod na siya ay doon ko pa lang sinulyapan si Dos na titig na titig sa hawak niyang maliit na papel.
“Hoy, ano ba ‘yan?”
“An address,” tipid niyang sagot.
“Address nino–”
“I’ll answer you if you put back your jersey–Octavia Blaire!” sigaw niya sa akin nang lagpasan ko lang siya at natatawang iniwanan.